Chapter 7 - Chapter 6

Pinalayas ng daddy nya si Ken dahil sa pagsuway nito. Nakituloy sya sa kaibigan pero tinago nya ito sa akin dahil ayaw nyang mamroblema din ako. He was always protecting me all along. Naalala ko noong panahon na yun sinundo nya ko from university. "Happy Anniversary Mahal ko...I got something for you.." It was a burger meal. "Aww..how did you na gutom ako?ahhaha..wait..bakit isa lang to? How bout you?" ngumiti lang sya. "No tapos na ko..sorry nagutom na ako kaya di na kita nahintay.." I looked at him. Ilang beses ko na din napapansin na parang laging lukot ang damit nya. Laging maraming gamit sa kotse. "Are you ok?" humawak ito sa batok. "Yes of course! Basta kasama kita ok ako." sabi nito sabay yakap sa akin. "Happy Anniversary..I promise sa mga susunod na anniv natin will be better.." sabi nya. "What do you mean? You always make our anniversaries special naman ah. Ok ako dito.." sabay kagat sa burger ko.

Di ko alam na kaya pala ganun ay dahil pinutol na ng parents nya ang allowance nya. Na pinagkakasya na lang nya ang konting perang natatabi nya. Hanggang sa dumalang na kami magkita. Wala na pala itong pera na pang gas manlang. "Pare, kinausap ng Dad mo ang parents ko. Ayaw na nilang patirahin ka dito sa amin. Idedemanda daw kami pag tinanggap ka pa namin dito. Pasensya ka na pare..ayaw lang ng parents ko ng gulo." sabi ni Bernard na matalik nyang kaibigan. "Ok lang pare..I understand. I will just take my stuff and leave." sabi ni Ken. Napilitan syang tumira sa kotse nya, habang pinagkakasya ang natitirang pera nya para maka survive. Hindi na din ito makapasok sa eskwela dahil sa di binayaran ng parents nya ang tuition. Lahat ng ito tiniis nya para mapanindigan ako pero wala akong kaalam alam. Ang alam ko lang noon hindi sya nagpapakita at parang lumalayo na sa akin. Di nagtagal hinanap sya ng mommy nya. "Ken, I've been looking all over the city for you! Lahat ng mga kaibigan mo including Anne pinasubaybayan ko na para lang malaman ko kung san ka na tumutuloy. And this is the life you want?! Di mo na kami binigyan ng kahihiyan!" sigaw nito kay Ken ng makita na natutulog sa kotse nya, ang lahat ng gamit nya ay nasa likuran habang nakaparada ito sa isang park na malapit sa university na pinapasukan nya bago sya nahinto sa pag aaral. "This is what you want di ba? Yung maghirap ako dahil sa di ko kayo sinunod ni Dad. Hayaan nyo na lang ako. Mas mabuti pang magkaganito ang buhay ko kesa naman kontrolin nyo ang buhay ko na para akong robot." sagot nito sa ina. "You did this to yourself para lang maprove mo na kaya mo sarili mo? Look at you! Para ka ng palaboy! You come home with me in this instance! Hindi ito ang pangarap namin para sayo." sumagot ito. "Mom, di po ako sasama sa inyo. I will find a way para makapaghanap ng trabaho kung di nyo lang hinaharang sa mga employers ang applications ko...Di ko po isusuko si Anne.." nagpuyos ang galit ng ina. "Si Anne?! You did all of this dahil sa babaeng yon?? Matatanggap ko pa na nagrerebelde ka lang kaya di mo kami sinusunod..pero dahil sa babae?? Naloloko ka na ba Kenneth? I'm warning you! This is your last chance! Go home or ipapahila ko tong kotse mo at ipapahuli kita sa illegal squatting dito! At kung kailangang kausapin ko mga magulang ng babaeng iyon para layuan ka gagawin ko. Your Dad is a damn good lawyer Ken..you know how he can use his influence.. pwede nyang sirain ang buhay ng pamilya ni Anne!" "Wag! wag nyo namang idamay si Anne at ang family nya Mom! Ako nagdesisyon nito..ako na lang parusahan nyo..." pagmamakaawa nito sa ina. Alam nya kasi na malakas ang impluwensya ng ama kahit sa pulis o sa gobyerno. "Then come home! You have until tomorrow para umuwi. Pag di nangyari yun..alam mo na mangyayari!"

Kinabukasan, walang choice si Kenneth kundi umuwi. "Now that you're home, I want to make it clear. Kami ang masusunod dito sa bahay na to. Batas ang salita ko! Hindi ka na makikipag kita kay Anne. Hindi yung tipong ganung babae na nobody ang makakatuluyan mo. Magko concentrate ka sa pag aaral mo. Pumayag na nga kami na mag Architecture ka kahit di yun ang gusto namin...pero tandaan mo...hindi sapat na maging Arkitekto ka lang...you have to be a Damn GOOD one!" bungad ng ama pagdating nya. Walang nagawa ito kundi sundin ang ama. Ilang araw pa, dumating ako sa bahay nila. Natakot ito na baka makita ako ng parents nya kaya pilit nya akong pinapaalis. Since di ako maconvince, hinyaan na lang nya ang hinala ko na nanlamig at nagsawa lang sya sa relasyon namin. Kahit masakit..kahit mahirap. Tinuon nya ang sarili sa pag aaral para makatapos agad para makakawala sa controlling nyang mga magulang. Kinaibigan nya si Gelay para makibalita at malaman ang kalagayan ko. "Ken, malapit na kong umalis papuntang US. Nag aalala ako para kay Anne. Marami syang problema ngayon. Down na down yung tao.." balita ni Gelay sa kanya. "Ha? Paano na si Anne?" sinagot sya ni Gelay. "Mukhang its your turn na para ikaw na ang mag alaga sa kaibigan ko." nalungkot si Ken. Gusto nya akong balikan ...pero ayaw nyang madagdagan ang mga problema ko. "E kung isama mo na lang sya sa US? Mas matatahimik ang buhay nya dun." nagulat si Gelay sa sinabi ni Ken. "Mas gusto mo pang lumayo si Anne?" tumango ito. "If that's the only way para maprotektahan ko sya...please kumbinsihin mo na lang sya na sumama sayo." napaisip si Gelay. "Susubukan ko...Tutal naman mukhang masaya na nanay nya sa lovelife nito...Ken pag lumayo si Anne may chance na baka di mo na sya makita...Ok lang sayo yun?" tumungo ito. "Di ko pa sya kayang panindigan Gelay. Kung dun sya mapapabuti sa US I wish her well. Tell me kung paano sya matutulungan para makaalis. Pero kagaya ng usapan natin noong una pa, wag mo na lang sabihin sa kanya ha. Kilala mo naman yung kaibigan mo, ipaglalaban ako nun pag nalaman ang totoong reason kung bakit ako lumayo. Baka masira lang ang buhay nya..ng pamilya nya.." Yun ang huling pagkikita nila bago umalis si Gelay. Nag uusap pa rin sila online pag nakikibalita ito ng tungkol kay Anne. "Nag start na sya sa airlines 3 months ago. Eto yung latest picture nya o.." pinakita ni Gelay ang picture ko ng nakauniform, maiksi na ang buhok, fully made up. "Salamat Gelay ha? Salamat at di mo sya pinapabayaan. Malaki na pinagbago ni Anne.." "Tonie...Tonie na sya dito sa US..."

Nung nagsisimula ako sa airlines, they all call me Antonia. Hanggang sa may isang masungit na beky na scheduler namin ang nagsabi.."You know? You don't look like an "Antonia". sabi nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. "Hmmm...Tonie...you can be Tonie! It suits you better...you are Tonie from now on here at work!" sabi nito na punong puno ng excitement. I looked at myself in the mirror..."Well hello Tonie." I needed that change. Kasabay ng pagpapacut ko ng buhok at pag update ng style...ang pagbabago ng pagkatao ko at pag iwan ko sa loser na si "Anne" at ang mala teleserye kong buhay dati. Naging kaibigan ko din ang bekyng si Alfred. Nalaman ko ang kiliti sa kabila ng taray nya e. And everyone in the airlines now know me as Tonie.

Sinubukan ni Ken na mag move on. Naging fiance nya si Patricia, anak ng kaibigan ng parents nya. Isa itong kilalang abogada kaya masayang masaya ang parents nya. Imagine, isa na syang ganap na arkitekto na nagsisimula ng gumawa ng pangalan at engage to be married pa sa babaeng gusto nila para sa kanya. Pero hindi nya maitago ang katotohanan. Na ako pa rin ang hanap nya. Na ako pa rin ang sigaw ng puso nya.

One night that he was getting intimate with her..."I love you Anne..." ang nasabi nito at hindi ang pangalan ni Patricia. Sinampal at iniwan sya ng tuluyan nito. Para syang nagisingng tuluyan sa sampal na iyon. He packed his bags and left the Philippines. Panahon na para simulan nya ang buhay nya ng malaya. He went to Australia at nag work doon..and then Hongkong...and then Dubai.

He was starting to make his name sa Asia dahil sa galing nya at originality. He was enjoying his newly found freedom and his success. And then nakita nya uli ako...sa airport kung saan nya ginagawa ang biggest break nya sa career nya. Pero may nalaman din sya dahil sa pagkikita namin uli. Na ako pa rin ang gusto nya makasama habang buhay...na ako ang pangarap nya at hindi ang success na tinatamasa nya ngayon. Nag resign sya sa kumpanya pagkatapos ng project nya sa airport ng Dubai at nag decide na sundan ako sa US. "Bahala na.." sabi nya sa sarili. "Mas ayokong malaman na di ko manlang sinubukan."