Chereads / THE RAGING INFERNO / Chapter 3 - Chapter 1

Chapter 3 - Chapter 1

Sinunod ko na lang ang bilin sa akin ni Chronaus at hindi na ako nag balak pang magpumilit at pumasok. I finally started to feel the pain on my right arm and add the fact that I still couldn't believed that Arty's here and he killed Jamaica, the girl earlier at the cafeteria.Hindi rin ako makapaniwala na magkapatid si Chronaus at Arty. Sabi ni Arty sa akin dati ay only child lang siya, kaya hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Mahirap iproseso sa utak dahil nababalot ako ng galit at iba't-iba pang emosyon.

Arty's my boyfriend for 2 years now. He told me that he was in Spain at doon na siya mag-aaral, tapos ngayon ay malalaman kong andito pa rin pala siya? I know that he has his explanation about that matter pero yung kanina? Yung pinatay niya si Jamaica na parang wala lang sa kanya? That is enough reason for me to break up with him. Lahat ng taong katulad niya ay dapat ng layuan dahil napakadelikado nila, sila kasi yung mga tipo ng tao na wala ng pake sa buhay ng iba.

First day ko pa lang 'to. I just really want to study and to graduate college pero may pa-college drama si ate mo girlalu. Well it's not like a normal college drama where third-wheels happens, famous campus couple breaking up, way too far from that. May pagpatay na nangyari at nabaril ako, mukha bang normal college drama yun? I don't think so. This school is weird and strange, and it makes me wanna stay. Who knows? I might dig something really big, like maybe my guts were true, that this school really is strange. Akalain niyo yun? Sarado ang infirmary kapag breaktime? May mga baril ang students, at idagdag mo pa ang pagtawa nilang lahat kanina nung nabaril ako.

Nasa gitna ako ng pag mumuni-muni nang may biglang kumatok sa pintuan. Hindi ako gumalaw at gumawa ng kahit na anong ingay.

"Aki!!! It's me Arty, baby can we talk?"

Baby niya mukha niya, at paano naman niya nalamang andito ako sa dorm ni Chronaus?

"I know you were shocked, scared, and pissed off. So let me explain myself, let me in baby." He said.

I do need an explanation but alam kong pwede kong mapatay si Arty ngayon kaya hindi ko muna siya haharapin. He scares me too, he can kill and for sure kahit ako ay kaya niyang patayin kapag nagalit siya. I can be very disobedient sometimes, I know that he will ask for forgiveness but what if I chose not to forgive him at magalit siya? Edi, namatay pa ako?

Biglang nawala ang ingay na ginagawa ni Arty pero may naririnig akong nag-uusap na dalawng lalaki at maya-maya pa'y bumukas na ang pintuan ng dorm ni Chronaus at kinuha ko kaagad ang baril at itinutok sa pintuan ng kwarto kung nasaan ako.

"OH MY FUCKING GOD, AKI! CHILL." Sabi ni Chronaus habang nakataas ang mga kamay niya.

Ibinaba ko naman kaagad ang baril niya at inabot ito sa kaniya. Kinuha niya ito at umupo sa tabi ko. Tumingin pa muna siya sa akin at huminga na naman ng malalim.

"My brother want's to talk to you, Aki." He said.

"Alam ko. Hindi pa tapos ang klase mo ah, ba't nandito ka na naman?" I asked.

He shrugged his shoulders first. "Kuya called and he was asking for my keys. I knew that he's bagging you already so I chose to leave my class." He said.

"You don't have to do that." I said.

"I know my kuya, ayoko lang masira yung pintuan ko. Tatadyakan niya yan for sure para lang makausap ka." Aniya habang nakatingin sa akin na wala man lang ka-emosyon emosyon.

Tanga tanga, para saan pa yung baril na iniwan niya? Shungang Chronaus.

"You gave me your gun." I said.

"Yes, I know that. Maayos ba ng baril yung pintuan ko kapag nasira? " Tanong niya.

Napayuko na lang ako at umiling. Apakasungit amputa, kung wala lang akong utang na loob sa kanya eh kanina ko pa siya nasapok. Wait, bat ako nagkautang na loob sa kanya?! Siya 'tong nag-aya, hindi naman ako humingi ng tulong. It sounds like ang taas ng pride ko pero totoo naman. I never asked him, he just helped me. Hindi naman sa hindi ako thankful pero wala talaga akong utang na loob sa kanya so pwede ko siyang sapukin! Tsk tsk tsk, watch your words Chronaus!

"So, gusto mo ba kausapin si kuya? He's outside, wear this too." Aniya sabay abot ng isang sweater, sa kanya ata 'to kasi ang laki. Tumayo na siya at aalis na sana pero pinigilan ko siya.

"Actually natatakot ako kay Arty, huwag na lang siguro." Sabi ko with matching iling-iling.

"Don't be a coward Aki, harapin mo na kuya ko. Besides, boyfriend mo yun, hindi ba?" He said at lumabas na ng kwarto.

Sinuot ko na lang ang sweater na binigay niya sa akin, it's actually bigger than me but I wore it anyway. Sweater ba talaga 'to? May butas butas? Mga uso nga naman ngayon, hays.

Lumabas na ako ng kwarto at hinanap ko pa muna si Chronaus pero hindi ko na siya makita kaya lumabas na ako ng dorm niya. Doon ay nakita ko si Arty na nakasandal sa pader. I walk a little bit closer to him. I'm shaking, but I still tried to act brave kasi nga baka isipin niya ay malakas siya at kaya niya akong makuha ulit. I'm gonna break up with him right now, I don't have to waste any time to think. Sapat na dahilan na ang nakita ko kanina, sobrang sapat na.

"Fine, explain." I said.

"First, the girl earlier was just a robot! The real Jamaica is out of town." He said.

"Out of town? Saan siya nag punta? Sa Heaven?" I sarcastically asked.

He can't just fool me like that. I'm not stupid, minsan lang.

"I'm telling the truth here! Me and my brother likes pulling pranks on each other. Kaya ka nga andito hindi ba?" He said.

Kaya ako nandito? Ano raw? Buang na nilalang, magkapatid nga sila ni Chronaus.

"No, I'm only here to study. Walang prank prank na nangyayari! I traveled this far para lang libre na lahat ng school expenses ko." I said.

Why am I even explaining myself to a trash? Useless ang laway na ginamit ko.

"You're rich! And alam mo naman bang private itong pinapasukan mo?!" He asked.

"I'm not rich, my parents were! I just don't wanna be a burden anymore, and yes I'm aware that this university is private. I took an exam here na kapag daw nakapasa ako ay libre na lahat. Even itong sa dormitory ay libre na rin!" I said.

Here I go again, explaining myself. Dat sinabi ko na lang ay nag take ako ng exam, pinahaba ko pa talaga. I'm wasting my time here and I'm wasting my laway.

"Walang ganun ang university na ito. This university is exclusive for rich people who were smart! Kaya ako nalipat dito at si Chronaus." He said.

Wow, sa pagkakaalam ko ay mas matalino ako sa kanya. It sounds like he's calling me stupid when it fact siya talaga yun. Mga tao nga naman, nagsasabi ng mga masasakit na salita sa ibang tao without even looking at the mirror.

"Unless, it's brother who tricked you para pumasok ka dito." He added.

"Why are you guys fightihg? Dat nag-uusap kayo ng malumay, hindi ba? By the way ugly old folk, wala akong kinalaman diyan sa pagpasok ng girlfriend dito and stop lying to her, the real Jamaica is dead." Chronaus said. Saan na naman nanggaling 'tong lalaking' to? Bigla bigla na lang lumilitaw, miss niya ako kaagad? Tsk.

"Huwag ka ngang nangingialam sa away ng mag boyfriend at girlfriend!" Arty angrily told Chronaus.

I just rolled my eyes, I hate being called his now. It disgusts me.

"Shut up both of you! Arty, we're over." I said and they both looked at me with are you serious about that? look.

"Aki, pwede bang pag-usapan natin 'to?" He said.

Umiling ako at tatalikod na sana pero yumakap ito sa akin pero agad naman siyang nilayo sa akin ni Chronaus. May silbi rin pala talaga' to eh.

"Damn boy, respect her desicion. Don't force her to love you, she's not a liar." Chronaus said at kinuha niya na ang palapulsuhan ko at umalis na kami.

I let Chronaus take me somewhere. Masakit pa rin pala yun, pero ang gago kasi niya eh. After a few more walk, I found myself inside the cafeteria again. Wala na ang dugo, wala na rin ang katawan ni Jamaica. Apaka linis at tila'y walang pinatay dito, wala man lang bakas. Teka, bat walang bakas? Hindi ba dapat ay imbestigahan iyon ng mga pulis?

"Yow, Aki! Kain na lang tayo." Aniya.

"I'm good, Chronaus. Thank you." I said.

I rarely say thank you, mataas nga talaga siguro ang pride ko.  Pero nagtataka pa rin ako bat walang pulis.

"Nah, it's nothing. Tao ka pa rin at may baril ang kuya pero ikaw wala." Aniya.

Kumunot ang noo ko dahil sinusubukan kong intindihin ang sinasabi niya. Pero hindi ko pa rin siya makuha.

"Ano kamo?" I asked.

"Kuya was about to shoot you dead earlier, I tried to shrugged it off but I can't. So here you are, walking besides me." Aniya.

Arty's about to kill me earlier? How dare him? Bumili lang si Chronaus ng pagkain niya at ako naman ay bumili lang ng tubig.

"The infirmary's open now, Aki. Punta tayo after kumain." Aniya habang kinakain ang burger niya.

"Chronaus, bakit parang walang pulis na nag-iimbestiga dito?" I asked.

He stopped eating and looked at me with oh come on hindi mo ba alam look. I shaked my head and drink my water.

"Police men don't really investigate in this area, they don't even go here." He said.

Lalo pang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit naman?" I asked.

"Simply because they are not allowed here. They're not supposed to go here too, magagaya sila kay Jamaica." Aniya.

"Magagaya kay Jamaica? I asked.

He nodded at kumain na ulit. Ibig niya bang sabihin ay mamamatay din sila?