Pagkatapos kumain ni Chronaus ay dumiretso na kami sa infirmary at ginamot na ng nurse ang sugat ko.
"Hula ko ay si Chronaus ang may gawa nito ano?" Aniya.
"O-Opo, paano niyo ho nalaman?" Tanong ko.
"Malinis at maayos ang pagkakaayos eh. Iba talaga itong si Chronaus." Aniya.
Napakunot ng bahagya ang noo ko. Paano naging magaling sa ganitong larangan ang lalaking ito pagdating sa medisina? Hindi naman siya mukhang nag-aaral sa totoo lang. Alam niyi yung kaklase niyong labas na labas na kasi sa labas lang talaga nakatingin buong klase? Ganun siya kanina!
"Nurse, ayos na ba siya?" Tanong ni Chronaus.
"Oo, pinalitan ko lang at chineck ang sugat niya. May mga gamit ka pala?" Tano g ng nurse sa kanya.
"Yes, it's a must y'know?" He said then smirk tas ito namang si ate mo nurse kinilig.
Kahit ako ngisihan ng isang Chronaus Galvin kikiligin ako. Kung 'di lang sila magkapatid ni Arty ay na' ko!
Umalis na yung nurse at umupo naman sa paanang bahagi ng kama si Chronaus.
"See? I did great." Aniya.
"Paano mo ginawa yun? Hindi ka naman doctor atsaka mukhang wala ka namang experience pag dating sa ganun." I said.
He just laughed as if I'm the most stupid person he ever saw in his entire life.
"I just watch my parents." Aniya.
Watch siya diyan, buang ba siya? Wala siyang lisensya!
"Wala ka g lisensya Mr. Feeling doctor. Sabihin mo kasi yung totoo!!" I said.
Napasapol na lang siya at huminga ng napakalalim.
"Kulit mo, pinanood ko nga lang parents ko. Atsaka anong walang experience? Pfft you thought." Aniya.
Maniwala ako? Bahala nga siya diyan, di ako naniniwala. Ang mahalaga ay buhay ako.
"Hindi ka ba papasok?" Tanong ko.
Kaya ko naman na ang sarili ko, masyado naman na ata siyang nagigung madikit? Kambal tuko lang?
"To be honest, pwede naman kitang hayaan na lang. Pwede rin namang hinayaan na lang kita mamatay kanina nung babarilin ka na ni kuya pero you see, sayang yung effort ko na tinanggalan kita ng bala tas tinahi ko pa sugat mo. So, you must live." Aniya.
That look, I can't even talk. It feels like I'm under some kind of a curse or something. Those eyes, they says something more.
"Chronaus can you stop staring?" I finally got the courage to talk.
"Hindi ako nagagandahan sayo." Aniya.
Ouch, sabi ko lang naman wag siya tumitig! Wow huh?
"Anong sabi mo?!" Tanong ko
"Bingi ka ba? Sabi ko ay hindi ako nagagandahan sayo." Aniya.
Inulit pa talaga, bobo ba siya? Tse! Ang ganda ganda ko eh.
"Mas panget ka." Sabi ko naman.
"Pinalaki ka ba ng mga magulang mo na sinungalung?" Tanong niya.
Aba sumusobra na 'to ahhh?
"You see Aki, I can see it through your eyes. It says the opposite of what you just said, gusto niya yung nakikita niya." He said sabay ngisi.
Hala omg, nginisihan ako. Pero no! Hindi ko siya mapapatawad sa sinabi niyang hindi ako maganda dahil maganda ako.
"Oh talaga ba? Alam mo bang sinungaling din ang mga mata ko?" Tanong ko.
He just laughed and shook his head.
"Hindi ka talaga papatalo ano?" Aniya.
Maya maya pa'y dumating na yung nurse.
"Ito na yung mga panglinis sa sugat mo, kung hindi ka marunong maglinis ng sugat mo magpatulong ka na lang dito kay Chronaus dahil mahirap talaga linisan ng maayos ang sugat kapag mag-isa o di naman kaya ay pumunta ka na lang dito pero kasi minsan lang magbukas ang infirmary" Aniya.
Tumango na lang ako at nagpasalamat tapos umalis na kami ni Chronaus.
"Chronaus, sige pasok ka na. Kaya ko na mula rito." Sabi ko.
Tinignan niya pa muna ako at umiling.
"Pasok ka na lang din." Aniya.
I smirked at him and giggled.
"Do you like me Mr. Galvin? Parang nakakahalata na kasi ako eh." Sabi ko.
He gave me this disgusted face and he just walked away, as expected.
"Hoy charot langgg!!!!" Sigaw ko at hinabol na siya.
"Huwag kang magulo Aki, baka bumukas yang tahi mo." Aniya.
"Nabubukas yun?!" Tanong ko.
He just looked at me as if he's really tired of me.
"Normal ba talaga sa'yo yung pagiging pasaway at upbeat? Nauubos sayo energy ko eh." Aniya.
Halata naman, hindi niya na kailangan pang sabihin.
"Chronaus, break na nila eh." Sabi ko dahil nakita kong nagsisilabasan na naman sa mga klase ang mga estudyante.
"Anong gusto mong gawin natin?" Tanong niya.
"Pwedeng maligo?" Tanong ko.
Nanlaki ang mata niya at tumingin siya sa akin habang nakahawak sa bibig niya.
"Yuck, as if! Di aki sasabag ng ligo sayo, ever!" Aniya.
Buang? As if gagawin ko rin yun?
"Ibig ko kasing sabihin at pwede ba AKONG maligo?" Sabi ko.
"Ahhhhh, linawin mo kasi." Aniya.
Atsaka bat naman kami sabay maliligo? Mag-asawa ba kami?! As if!
Pumunta na kami sa dorm ko, hindi ko talaga makuha bakit nakasunod pa rin siya sa akin.
"Kaya ko na Chronaus, pwede ka na magliwaliw or what." Sabi ko.
"Nahh, can I sleep here?" Aniya.
"Akala ko ba sabi mo-"
"You're just different and you seemed fragile. Now go and take a bath already, ma-l-late tayo sa ginagawa mo eh." Aniya.
I'm not fragile, what makes him say that?
"Dahan dahan din sa sugat mo ah?" Aniya.
Tumango na lang ako at kumuha na ng bagong damit sa maleta ko. Last period naman na yung papasukan namin kaya mas minabuti kong pumili ng komportableng damit dahil may mga nakikita naman akong mga naka-pajama.
Pumasok na ako sa bathroom dala dala ang damit ko at mga iba ko pang kaartihan. Hindi naman kasi ako pwede magbihis sa labas dahil andoon si Chronaus, swerte naman niya kung makikita niya ang maganda kong katawan?
I let the water run over me- fuck ouuuchhhh!!!!!!
"Tanginaaa mama!!! Ang sakitttt!!!" I said.
I heard knocks after I almost died from the pain.
"Hoy let me in, dummy!!" Chronaus said.
"Anong let you in?! Nakahubad ako!" I said.
"Who fucking cares?" He said.
Gago ba siya?! No!
"Ayos na ako, nasasanay na ako sa sakit!" I said.
"Nakuha mo pang humugot, papasukin mo ako! Wrap your towel around you para di ko makita katawan mo, we good?" He asked.
"Ayoko nga! Ayos na nga!" Sabi ko kahit hindi talaga.
"Fine, suit yourself stupid." Aniya.
Tiniis ko na lang ang sakit at nakaraos din ako nang matapos na aki maligo.
Nilagyan ko na ng band aid yung sugat ko at nag damit na ako. Simpleng white t-shirt naang ang sinuot ko at nag baggy pants na lang ako dahil apaka comportable talaga nito.
Pagkalabas ko ay nakita kong ang sarap na ng tulog ni Chronaus sa kama ko, yuck di pa siya naliligo tas diyan siya humiga.
"Uyyy, gising!" Sabi ko.
Mabilis naman itong nagising at hindi nag reklamo. He just looked at me as if he's questioning himself anong ginagawa niya sa buhay niya.
"Are you even worth the trouble?" Tanong niya.
I glared at him and he just laughed. Tulong tulong siya tapos tatanungin niya ako niyan?
"Nalinis mo ba ng maayos yang sugat mo?" Tanong niya.
"Ano sa tingin mo?" Tanong ko.
"Hmmm, hindi kaya patingin ako." Aniya.
Umupo ako sa tabi niya at hinarap ang braso ko kung nasaan ang sugat ko. Tinanggal niya ng bahagya ang band aid at napakunot ang ulo niya.
"Bakit walang-tanga!" Aniya.
Ouchhhieee my head, bat va siya bigla na lang nang babatok?
"Bat?" Tanong ko.
"Di mo naman nilinisan eh!" Aniya.
Naligo naman ako ah?
Pumunta kami ng classroom habang tinatalakan ako ni Chronaus na hindi raw ganun ang paglinis ng sugat. Daming arte.
Nakarating na kami sa classroom namin at umupo na kami sa mga upuan namin at patuloy pa rin ang pangangaral niya sa akin at maya maya pa ay dumating na ang math teacher namin na si ma'am Zwerla(?) basta yun ang nabasa kong pangalan niya.
"Where's Hiroshima? New student daw." Sabi ni ma'am at tumigil muna si Chronaus at nag taas ako ng kamay at tumayo.
"Nice meeting you hija, sige upo ka na." Aniya at ngumiti sa akin. Ginantihan ko rin ng ngiti si ma'am at umupo na.
Nagturo na ito at si Chronaus naman ay hindi pa rin tumitigil, daldal pala nito.
Maya maya pa ay mukhang napansin na ni ma'am na hindi kami nakikinig at sinaway na kami.
"Mr. Galvin and Ms. Hiroshima! Are you guys with us?" Asked Ms. Zwerla, our Math teacher
I was about to apologise but Chronaus already spoke. Napakadaldal talaga, walang preno ang bibig
"Obviously we are, so please just continue teaching that while Ms. Hiroshima and I talk about this really important matter." He said.
I just sighed and gave Ms. Zwerla an apologetic smile. Important matter siya diyan? Sugat lang naman ito, we can totally just talk about it after class.
"We can really just talk about this later." I said.
"No! You have to learn na lilinisan mo pa rin muna ang sugat mo tapos doon mo ilalagay ang band aid!" Chronaus said.
Nanay ko ba siya? Grabe siya makatalak, kanina pa talaga siya. Simula nung sinundo niya ako sa dorm ko ganyan na siya.
"Pero naligo na ako! Bakit lilinisan ko pa ulit yung sugat ko?! Aksayado ka." I said.
"Tanga ka ba? Kailan ka ba pinanganak? Kahapon?" He asked.
Napakunoot ang aking noo at napatingin sa kanya. Bat niya ba tinatanong birthday ko?
"Hindi! I was born on June 26!" I said.
Napasapo na lang siya sa sinabi ko at inirapan ko na lang siya, sayang lang laway at effort ko sa pakikipag-usap ko sa kanya. Kala ko pa naman nung una eh napaka-tahimik at misteryoso niya tapos ayun pala eh ubod siya ng daldal.
"Gosh, napaka pilosopo mo. Bahala ka nga sa buhay mo." He said.
Wala pala siya eh, bilis niya mag give up. Pero ayos na yan dahil hindi ko na makuha ang sinasabi ni ma'am Zwerla. Big thanks to Chronaus na pinalihi sa laway ni aling Marites.
"Okay class, get 1/2 sheet of paper." Sabi ni ma'am zwerla.
Nilabas ko naman ang 1/2 crosswise kong papel.
"Lengthwise dapat huh?" Sabi ni ma'm Zwerla.
Shoot! Wala ako nun, saan ako kukuha nun?
"Chronaus may lengthwise ka-" naputol ang aking sinasabi ng dahil sa..
"I-Is that a knife?" I asked when a knife swiftly passed by me.
Nanatiling mulat ang mata ko at tila nakuha ko ang buong atensyon ng klase namin.
"What do you think little human?" A sweet voice asked me.
I looked at where the voice came from and saw...
"OMG! Ariadne?! Yung singer?! I'm a huge fan!!!" I said.
Omfg, bakit dito siya nag-aaral sa napaka weirdong eskuwelahan na ito?
"Ok? Hoy Galvin! Mag-uusap tayo pagkatapos nitong klase mo." She said at tinignan pa muna ako at umalis na.
Kala ko ba humble siya sa personal? Anyare? And what's up with the flying knife? Ahhhhh baka wala siya sa mood. Tao lang naman din siya eh.
"Grabe, you're friends with her?" I asked Chronaus as soon as Ariadne left.
"No. She's my enemy." Chronaus said while giving me a piece of paper.
Ang lakas talaga ng sapak sa ulo nitong lalaking 'to. Lahat kaaway niya. Duh, that's Ariadne!
I didn't bother to talk to Chronus anymore. Ang tino tino kasi niyang kausap.
Nagpa-quiz na si ma'am and luckily this one is easy dahil kung hindi ay for sure bagsak ako dahil sa kadaldalan ni Chronaus.
"So that's all for today, class. You may now go to your dormitories and have a good evening." Aniya.
"Oy oy oy, where are you going?" Chronaus asked.
"Cafeteria, I'll buy myself some dinner." I said.
"You're coming with me." He said.
Come on, hala siya. Lucky charm ba niya ako?
"Don't worry, it won't take long." He added.
"Bakit parang nagiging clingy ka ata? Magsasara na yung cafeteria, Chronaus." I said.
Tinignan niya pa muna ako at tumango na rin.
"Fine, just don't do anything stupid. Kung may hihingi ng tulong, wag mo tutulungan. Kung may magbibigay sayo ng inumin, wag mong iinumin yung drink. Understand?" He said.
Who is he? My father?
"Hala paano yun? Friendly ako." I jokingly said.
"Wag ka na lang bumili, halika na-"
Hala, 'di naman mabiro 'to.
"Joke lang Chronaus." I said.
Lumabas na kami ng classroom at nandoon na pala si Ariadne.
"Nag L.Q. pa ba kayo? Tagal niyo lumabas ah?" Ariadne said.
"Shut up, Ariadne. Sige na Aki, bumili ka na doon." He said.
Ano kayang pag-uusapan nila? Dat pala sumama na lang ako, ngayon na-cucurious tuloy ako.
CHRONAUS' POV
"You like her, don't you?" Pang-aasar ni Ariadne.
Gandang bungad naman nito.
"Kakakilala lang namin kanina- kakakilala niya lang sa akin kanina at ex siya ni kuya." I said.
"Oh, doon ka naman magaling 'di ba? Yung susulutin mo ang mga ex ng kuya mo?" She said.
I don't know but I felt hurt. It only happened once, and it was all a misunderstanding.
"If you're here to remind me of my past, you're just wasting my time." I said.
"I'm here to warn you. Layuan mo ang babaeng yun. May masama akong kutob sa kaniya, pagpapahamak lang ang dala niya sayo." She said.
I know that. Hindi nakikinig ang babaeng yun, pilosopo rin siya. Tulad kanina, sabi ko kumain na lang siya pero nangialam pa rin siya.
I don't even know why I'm protecting her, she's dumb, stupid, immature, stubborn and fragile. Ano naman kung mamamatay siya? Wala namang mawawala sa akin ah? So why the hell do I feel like protecting her? Is really worth the trouble, Chronaus?
"Alam ko na yun, yun lang ba sasabihin mo?" I asked.
"You're mom's back." She said.
That send chills down to my spine and it made me remember what happened in the past. It was scary and bloody.
"Kaya kung ako sayo lalayuan mo yung babaeng yun. Your mom might use her against you. If that day came you'll get hurt, she'll get killed." She said.
I know that already, but knowing kuya being kampon ni mom, I don't think Aki's safe anymore.
"Your mom always has your kuya's dirty ugly ass, Chronaus. Jamaica killed herself-" Before she even finishes her sentence I already cut her off.
"No! I don't wanna hear about it anymore." I said.
I looked at her and she looked really dissapointed.
"You're still that coward I met 2 years ago. Dapat hindi ka na muna bumalik." She said before walking away.
Her words always knocks a door. Her words cuts deeper than a knife because they were all somehow true. Her words always makes me question myself.
What am I even scared of? My fucking mom? What am I? A 5 years old kid?