Chereads / THE RAGING INFERNO / Chapter 5 - Chapter 3

Chapter 5 - Chapter 3

AKITA'S POV

Ang tagal naman ni Chronaus, dapat lang bang hintayin ko siya? Baka naman nagpunta na yun sa dorm niya? Pero kasi baka pumunta siya dito dahil ayaw nga niyang mawala ako sa paningin niya dahil delikado nga naman sa eskwelahang ito at idagdag mo pa si Arty na baliw.

Maghihintay pa ako ng 10 minutes, baka napatagal lang ang usapan nila ni Adriane. Si Ariadne yun eh, artista siya at napakaganda, siguro girlfriend siya ni Chronaus? Pero sabi ni Chronaus kaaway niya si Ariadne eh pero baka nang jojoke lang si Chronaus. 

Hala! Umuulan na tapos wala pa si Chronaus, wala pa naman akong number niya. Hindi na rin mainit ang sisig na binili ko sa tagal niya. Hindi kaya nakasalubong niya yung kuya niya tas nag-away sila? Hala puuntahan ko na nga, hays ako pang maganda pinaghintay niya.

Naglakad na ako patungo sa room namin kung saan huling nakita ko si Chronaus na kasama si Ariadne. 6th floor pa naman yun.

"Hija, saan ka pupunta? Magdidilim na." Sabi ni ma'am Zwerla na kakababa lang sa hagdanan dala dala ang mga gamit niya.

"Ma'am may naiwan po kasi ako eh." Pagsisinungaling ko.

Tinignan pa muna ako ni ma'am bago tumango at ngumiti. Matanda na si ma'am, siguro nasa 40's na siya, may puting buhoy na rin at may wrinkles na si ma'am kapag ngumingiti dahil singkit siya. Bakas din na maganda siya nung kabataan niya.

"Hindi na nag-ooperate ang elevator na iyan sa mga oras na'to, hija. Mas maiging mag hagdanan ka na lang. Kailngan mo ba ng susi sa silid?" Tanong niya.

"Opo." Tugon ko.

Nag opo na lang ako kasi nga sabi ko may naiwan ako kahit wala naman talaga akong naiwan. Inabot ni ma'am sa akin ang susi at sinabing iwan ko na lang daw sa may bintana banda at umalis na siya.

Ang dilim, ang dilim ng paligid at ang lamig ng kapaligiran. Ingay lamang ng ulan ang naririnig ko at ang kulog, minsan ay nagugulat ako pero nasanay din ako kaagad. Nakarating na ako sa ika-6 na palapag at ang dilim na ng hallways kaya napagpasyahan kong buksan na ang flashlight ko. Nakakatakot ang itsura nito tila'y nasa isang horror movie ako.

Meron akong dalawang aninong nakita at yun na siguro sila Chronaus. Nilapitan ko ang dalawang aninong nakita ko at..

"Bitch, what the fuck?" Ani ng lalaking hindi ko kilala.

Hindi sila sina Chronaus? Asan na yung lalaking yun?

"Pasensya na." I said.

He just vanished. There's no way na hindi siya pwedeng dumaan doon sa labas ng cafeteria dahil doon lang naman ang daanan ng mga galing sa building namin.

Umikot na lang ako ulit sa buong building pero wala akong nakitang Chronaus kahit man lang anino.

"Ohhhh look who we have here..."

Arty?

Tinignan ko kung sino ang nasa likod ko, tama nga ako na si Arty iyon. Hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo na ako papalayo sa kanya at bumaba ng building. That's the only thing I can do, hindi dapat ako tatanga tanga gayung walang sasalba sa akin ngayon kundi ang sarili ko lang.

"Baby, why are you running away from me? I own you, every inch of you. So why run away?" I heard him say.

That jerk, what a psychopath?

"Shut up, Arty! Shut the fuck up." I screamed at the top of my lungs.

It came to my horror that he manage to catch up and push me to a wall. Jusko Lord, hindi naman po ganitong pinned against the wall ang hiniling ko, why naman ganun?

"I wanna kill you so bad and taste your blood." Aniya.

I kick his balls and then kick it again because it's really fun. Namimilipit na siya sa sakit habang ako naman para akong nanalo sa lotto. Bitch!

"Sorry, Arty but I need to finish this bad boy first before I die." I said while showing him my sisig.

"You son of a bitch!" He said.

"Yeahhh, I won't lie that my mom really is a bitch. Try harder next time." I said.

Naglakad na ako papalayo sa kanya at tinahak ang papunta sa Dorm ko. It was raining and I'm really wet but I must protect this sisig, it's really precious. I must eat this tonight.

Nang makarating na ako sa room ko saya at pagod lang naman ang naramdaman ko. That bitch Arty, pinapagod niya talaga ako. Kapag ako naubusan ng pasensya gagawin ko na talaga siyang baog.

....

A week had passed since Ariadne and Chronaus last talked to each other and since then hindi na ako pinansin ni Chronaus. Sa katunayan niyan ay lumipat na siya ng upuan at napansin ko rin na hindi niya talaga ako tinatapunan pa ng tingin. Kapag naman makikita ko siya ay lagi niya nang kasama si Ariadne. Wala naman sa akin yun, baka sila ni Ariadne at hindi nagustuhan ni Ariadne na lumalapit lapit sa akin si Chronaus. Baka nga ganun, pero hindi ko naman aagawin si Chronaus eh, ano bang mapapala ko kapag inagaw ko siya? Wala naman ah?

That's why every breaktime sa dorm ko na lang ako tumatambay. Kaysa naman mag mukha akong loner sa cafeteria. Lahat kasi sila ay may mga kasabay kumain.

"Ate!! Good news!!!" Sabi ni Suchi.

Dat pala hindi na lang ako pumayag makipag video chat sa kaniya.

"Ano?"

"Diyan na ako mag-aaral!" He said.

"Ok-ANO?! DITO?!"

No, hindi pwedeeeee. Makulit itong kapatid ko. One of the reasons why I chose this school is to be far away from him. He's a trouble.

"Yes, sabi ni mommy para raw mag bantayan tayong dalawa." He said.

What are we? Kids? My brother's a huge responsibility. Para kang nag anak ng isang dosena sa kaniya.

"Suchi, asan sila?" I asked habang sinusubukan kong hindi mapamura.

"Oh no, bad timing kakaalis lang nila." He innocently said.

Gosh! Bakit ba kasi ako napunta sa mga immature na magulang? Alam nilang ayokong nalalagay sa isang school kasama si Suchi pero lagi nila kaming pinagsasama. Ano kami? Kambal tuko?

"Yeah right, I have to go. STRICT kasi dito eh." I said and yes I emphasized the word strict to scared him off but there is no sign from him that he's scared or nervous. In fact he just smiled at me.

"Go on ate, remember...You're a Hiroshima." He said.

Ano na naman bang trio nitong si Suchi? Ano siya si lolo? You're a hiroshima pa siya diyan eh alam ko naman na yun.

"Dami mong alam pisti ka. Layas na ako, byeee." I said.

Actually I still have 30 minutes left but I'm not really feeling well. Hindi ko alam kung nag iinarte lang ba ako kasi loner ako or hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.

Bakit kaya ang bilis magbago ni Chronaus sa akin? Mga lalaki nga naman oh.

Dahil wala rin naman akong gagawing matino sa loob ng room ko ay napagpasyahan ko naang na pumasok na sa klase ko. Pagkapasok ko ay wala pa ito gaanong mga estudyante dahil hindi pa naman kasi tapos ang break time.

"Hey."

Shit, si  Chronaus ba yun? Hala baka nag-iilusyon lang ako kaso ganun ako kapag lonely eh.

"I'm Marcus Hanes and you?"

Ngek! Hindi si Chronus- I mean hindi pala talaga ako nag-iilusyon.

"Hello Marcus, I'm Akita." Pagpapakilala ko dahil why not? Mukhang mabait din naman siya kaysa kay Chronaus.

Matangkad ito, maputi, mapungay ang mga mata at medyo makapal ang labi niya. Taray, ang tangos ng ilong.

"May katabi ka ba rito?" He asked.

"Ay wala na! Sumakabilang upuan na siya!" I said.

Tumawa pa muna siya sa sinabi ko. Tawa tawa siya eh totoo naman yung sinasabi ko.

"Can I be your-"

"Boyfriend? No way!" I said.

Alam kong maganda ako pero parang apaka-bilis naman ata?

"HAHAHA what I want to ask is can I be your seatmate?" He said while smiling.

"HAHAHA oo naman, by the way I was just kidding." I said.

May natitira pa naman akong kakaramput na kahihiyan. Hindi naman kasi ako pinalaking friendly, really. Kapag may nag approach lang sa akin.

"You're funny, I like you." He said while nodding.

Hala siya, baka bukas mag I LOVE YOU na siya huh.

"Anong last name mo?" He asked.

"Bakit? Papalitan mo?" I asked.

Yun oh! AHAHAHAHA isa nga akong Hiroshima.

"No HAHAHAHA, I just HAHAHA find you interesting." He said.

Does that mean he's interested in me? Hala.

"It's Hiroshima." I said.

"Ohhh you're the granddaughter of Grayson John?" He asked.

Lolo!!!  Stalker ba siya ni lolo?

"Yes! How did you know?" I asked.

"Your lolo is my lola's first love." Aniya.

Babaero nga ata talaga si lolo nung bata-bata siya. Kinukwento niya sa amin eh, proud pa siya. Mga lalaki nga naman.

"Ahhhh I see. Nga pala bakit ngayon ka lang pumasok dito?" I asked.

"Ahmmm, kakagaling ko lang kasi sa flight yesterday, medyo jetlag pa kaya di na ako pumasok." Aniya.

Make sense, malakas ang kutob kong magiging close kami nitong si Marcus dahil mukhang madaldal din siya at may sense ang sinasabi niya at hindi siya suplado tignan. Ang puti nga ng ngipin niya eh, kumikinang.

"Yow bro Chronaus! Thanks for helping me earlier!" Marcus suddenly said.

C-Chronaus?

Tinignan ko kung saan ang gawi niya. Palipat lipat ang tingin niya sa amin ni Marcus na parang tinitignan niya ang mga kaluluwa namin.

Kukulamin niya na ba kami? May kung ano akong naramdaman sa pagtingin ni Chronaus sa akin. Yung tipong tingin na pinagbabantaan niya ako? Yung ganun?

"It's nothing." He said coldly.

Nakatitig lang siya sa akin for 10 seconds bago siya umupo sa upuan niya at paglaruan ang singsing niya.

CHRONAUS' POV

It's been a week since I started avoiding Aki. Ariadne's right, she'll get kill. My mom is the evil itself.

Isn't it scary? Isn't scary living in this world? You see life isn't beautiful, it's cruel and full of painful surprises. Damn, I didn't even asked to be alive. Ano bang ginawa kong kasamaan sa nakaraang buhay ko at nabuhay pa muli ako? Being alive feels like hell, being alive makes me feel like I'm being punished.