Chereads / La Costelle / Chapter 2 - PROLOGUE

Chapter 2 - PROLOGUE

"Mag hiwalay na tayo, Hezdrina." Parang nilulukot yung puso ko habang naririnig sa kanya 'yon.

Nangigilid na ang mga luha kong pinagmasdan siya habang nagsasalita sa harap ko at titig na titig sa mga mata ko.

"Kailangan eh.. Hindi ko alam kung ano ang kahahantungan nito, pero parang alam ko na kung saan patungo 'to." Aniya

"A-Ano ba'ng pi-pinagsasabi mo diyan, h-huh!?" Pigil ang inis na tanong ko. Kasi hindi ko maintindihan ang rason niya.

"Gusto. Ko. Ng. Maki. Pag. Hiwalay. Sa.yo! " Mariin niyang sabi sakin na nangigilid ang luha.

I was shocked. Alam ko namang sinabi niya na 'to kanina pero parang ngayon lang talaga ako natauhan.

"Anong sabi mo, Drix!?"

"Mag hiwalay na ta-"

Hindi niya natapos kasi isang malakas na sampal ang natamo niya sakin.

Hinawakan niya ang mukha niyang sinampal ko at tiningnan niya ako ng diretso.

"Ang sabi mo, ma-mahal m-mo 'ko!?" Gumaralgal ang boses na tanong ko sa kanya.

"Pang bakasyon ka lang, Hez."

Dagdag niya pa!

Doon na tumakas ang luha at hikbi ko. At hindi lang isa kundi maraming beses ko siyang sinampal! Damn! I hate this.

Anong akala niya sakin? Ice cream na pang flavor of the month lang!? Asshole!

"Walang hiya ka! Pinag katiwalaan kitang hayop ka! Tapos iiwanan mo nalang akong basta-basta!? Galing mo rin eh noh?" Sigaw ko sa kanya na humagulhol pa talaga ako sa harap niya!

"I'm sorry" aniya

"Sorry mo mukha mo!" Nakaturo kong sigaw na nanggagalaiti na talaga sa kanya!

Feeling ko puputok na 'tong ugat ko sa mariin at pasigaw kong pagkakasabi sa kanya.

"Gusto mo ng makipag hiwalay diba? O sige! Umalis kana! Wag ka nang babalik dito! Naiintindihan mo!?"

Akma niya akong yayakapin pero hindi niya naituloy kasi tinulak ko agad siya. Umiiyak akong tumingala sa kanya.

"Kaya pala.."

"Akala ko mahal mo'ko eh.."

"Hez" hinagilap niya yung braso ko pero tinulak ko na naman siya.

"Akala ko sapat na ako para sa taong mahal ko.. Hindi parin pala. Ang sakit lang, Drix" Naluluha kong sabi sa kanya. Nakatingin ng direkta sa mga mata niya.

Ewan ko. Nanghihina ako ngayon sa totoo lang. Hindi ko lubos maisip bakit ginanito niya ako. Ang sakit lang. Ang sakit, sakit!

"Umalis kana" nanghihina kong sabi sa kanya

"Hez, I'm really sorry. Pero kailangan kong gawin 'to kasi-" Naiiyak niya na ring sabi sakin pero bago pa niya madugtungan ang mga sinasabi niya pinutol ko na.

"Please! Umalis kana!" Sigaw ko sa kanya.

Tumatango siyang pinunasan ang kanyang luha. At pagkatapos tiningnan niya ang buong mukha ko na para bang sinasaulo niya ng mabuti.

Ilang sandali kaming nagkatitigan at ako ang unang umiwas sa kanya.

Hindi ko kaya. Hindi ko na siya kayang titigan pang muli.

Kung titingnan ko na siya ngayon para akong napapaso sa sakit. Tumatagos hanggang kaluluwa ko. Ganon kasakit!

"Hez, again.. I'm really sorry for hurting you this way... I'm sorry" sabi niya saka niya ako tinalikuran at umalis.

Tinanaw ko siya hanggang sa maka pasok siya sa kanyang sasakyan at maka alis...

Nang hindi ko na makita ang sasakyan niya, tumingala ako sa langit.. Gabi na at marami akong nakikitang mga bituin. Ang ganda nilang tingnan..

Naka ngiti kong pinagmasdan ang langit pero napanis din ang ngiti na yon ng maisip ko na naman siya... Bakit, Drix? Bakit!?

Pang bakasyon lang ba talaga ako para sayo!? Sht!

"Ang sakit sakit naman nito!"

Naluluha ko na namang sabi sa kawalan at bahagya pang sinabunotan ang sariling buhok na parang isang baliw.

Nakakatawa lang.

Bakit ba tayo nababaliw para lang sa Pag-ibig? Tsk.

Kalokohan!

Pero ayoko na.

Ayoko ng magpaloko pa ulit.

Lagi nalang..

Lagi nalang akong sinasaktan ng Pag-ibig..

Nag mahal lang naman ako, anong problema doon?