Chereads / La Costelle / Chapter 4 - CHAPTER 2

Chapter 4 - CHAPTER 2

Iniwas ko ang tingin sa kanya. Kasi kahit na sabihin pa natin ngayon na may itsurang "Gwapo" itong bakulaw nato, eh hindi naman naaalis sa utak ko na masama ang ugali niya.

Kung hindi niya lang sana ako binadtrip kanina, eh di sana all package na siya. Tsk. Mabibilang nalang talaga ang mga matitino dito sa mundong 'to.

Anyway, nag focused nalang ako sa mga sinasabi ng head namin. At noong si Sir William na ang magsasalita, ang kaninay medjo maingay biglang tumahimik.

"Good morning Everyone!" Aniya

We greeted him also. He smiled and continued.

"Alam kong may iba sa inyo na nagtatanong kung nasaan kami ni Charlotte.. Almost two months kaming nawala kasi may importante kaming lakad sa Manila and we went to America. Kahapon pa kami nakauwi." Paliwanag niya

We nodded and I understand naman bakit sila busy. Pero ang hindi ko maintindihan kung bakit nag papaliwanag siya ngayon sa amin.

Kasi hindi naman talaga nag papaliwanag si Sir William sa amin, ngayon pa lang. Ibinaling ko ang tingin ko sa bakulaw na parang kanina pa ako tinitingnan.

Langya. Ano bang problema ng mokong na 'to?

"The reason why we went to America is because of this person." Sabi ni Sir William na tinapik niya ng bahagya ang braso ni bakulaw at tumawa.

Tumawa din ng bahagya si bakulaw at naka taas ang isang kilay na nakatingin sa akin.

"Alam kong ang iba sa inyo ay kilala ang kapatid kong si Hendrixon" Ibinalik ko ang tingin kay Sir William sa sinabi niyang yon.

He smiled at us and some of the staff/crew na matagal na dito ay tumango tango. Ngayon ko lang talaga alam na may kapatid pala si Sir William.

"Akalain mo yon? Hindi ko alam yon ah?" Chismosang Janeth

"Manahimik ka nalang diyan." Sagot ko sa kanya na bahagya pang umismid sa sinabi ko

"This young man right here" turo niya sa bakulaw

"Is the son of my brother.. He is Jay Drix Del Campo" dagdag niya!

WHAT!? Weh? Di nga!?

I can't believe it!!!

Tumayo yong bakulaw, este si Jay Drix at tumango tango sa mga nagpapalakpakan. Hindi ko alam bakit pinalakpakan pero wala na akong paki diyan.

"Simula ngayon, dito muna siya magbabakasyon sa La Costelle at sabi niya'y tutulongan niya rin akong patakbuhin itong Resort na 'to."

He smiled to Jay Drix and continued.

"All around ang magiging trabaho niya sa resort na 'to and it's up to him saan niya gustong mag trabaho since he wants also to experience some things he never experienced yet." Dagdag niya

Marami pa siyang sinabi pero hindi ko na napakinggan masyado kasi bumagabag na sakin yong Jay Drix na yon.

Akalain mong pamangkin pala ni Sir William? Wow! What a small world.

Ilang minuto'y natapos rin ang pagtitipon na yon at nang nakalabas na kami sa hall ay saka naman umingay si Janeth.

"Uy giiiirl! Si Pogi dito daw mag tatrabahoooo!" Gigil na sigaw ni Janeth sa tainga ko

"Aray naman! Ang sakit ha! Kung makasigaw ka naman!" Bahagyang inis na sabi ko. Langya ang sakit sa tainga.

"Eh sorry naman! Kasi naman po, ang pogi ng pamangkin ni Sir William! Tapos, dito pa magtatrabaho. Ahhh!!" Malakas na sigaw niya na binalingan talaga siya ng mga kasama namin.

"Hindi ka type non Janeth. Kung ako pa sayo, pipiliin ko nalang yong ka level ko ng mukha. In short sakin ka nalang" Sabi ni RJ na isang waiter dito.

Lumaki ang butas ng ilong ni Janeth sa sinabi niya at aaksyonan na sana ng suntok si RJ pero pinigilan ko.

"Excuse me!? Over my toes, my knees, my shoulder, my head noh! Never akong magkakagusto sayo! Tandaan mo yan! Itatak mo sa noo mo!" Sigaw ni Janeth sa kanya na natatawa kong sinundan dahil nag walk out siya.

Akalain mo nga namang may pa walk out, walk out pa itong bruha na 'to. Bahagya akong natawa talaga kasi sobrang affected siya sa sinabi ni RJ sa kanya.

Hinila ko ang palapulsuhan niya para matigil siya sa kakalakad. Naka labas na kasi kami ng restaurant at sobrang tahimik niya lang. Tumingin siya sakin dahil sa ginawa kong pag pigil sa kanya.

"Uy, okay ka lang?" Nakangisi ko pang tanong.

"Tingin mo?" Then she rolled her eyes.

Ang bruha!

"Hindi" sagot ko

"Alam mo naman pa lang hindi, ba't nagtatanong ka pa!?" Inis niyang tanong sakin

"Para may topic lang. Hindi ako sanay tahimik ka eh." Sinserong sabi ko

Nag salubong ang kilay niya sa sinabi ko pero natawa din.

"Loko ka talaga Hez!"

Natawa ako at natawa din siya ulit.

"Ewan ko sayo. Tara na nga!" Dagdag niya na unang nag lakad pabalik ng restaurant.

Sinundan ko nalang ulit siya at mayamaya lang ay may humila sa braso ko at nang nakita ko kung sino, nagpahila nalang rin ako. Naka tago kami sa isang puno hindi kalayuan sa restaurant.

Tiningnan ko siya, na tulala ako at alam kong salubong na naman ang kilay ko dahil sa lintik na ngisi niya.

"Hey Miss" sabi niya

Ewan ko. Alam kong dapat akong mairita sa kanya dahil sa paghila ba naman niya sakin. Kanina dahil sa kanya muntik na akong masagasaan, ngayon naman kung maka hila parang sinong boyfriend lang. Hanep!

Pero ewan. Hindi ko alam bakit ako kinabahan nang nagkatitigan kami. Langya.

"B-bakit?" Nautal ako!

"Nothing.. I just want to talk to you" sabi niya na umiwas ng tingin sa akin

"W-What do you want, S-Sir?" Shit hez! Bakit ka nauutal!? Ano ka ba naman!

"You" sabi niya na diretso ang tingin sa mga mata ko at syempre ikinagulat ko!

My lips parted. Hindi ako maka hinga. Lintik na Hez!

"I mean You.. What do you want to eat or drink so i can talk to you for a minute?" Sabi niya

Napakurap kurap ako sa sinabi niya. Langya. Akala ko naman ano na. Dahil doon naka hinga ako ng maluwag at tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Sorry Sir pero busy ako. If you want a person to talk, may iba naman diyan na crew na hindi masyadong busy. I'll find you one." Paliwanag ko

"No. I only want is You." Sabi niya

"Pero-"

"Heeeez!"

Bago ko pa siya masagot ulit tinawag na ako ni Janeth.

"Sorry Sir but I have to go" sabi ko kay Jay Drix

"Well, okay." Sabi niyang bahagyang tumango

Tumango din ako at nag lakad na. Nakita ko naman si Janeth sa di kalayoan na kausap na naman si RJ at alam kong nagtatalo na naman sila kaya ako tinawag.

"Halika na" sabi ko kay Janeth

"Sandali lang, Janeth" sabi ni RJ

"Pwede ba? Tumahimik ka nalang utang na loob" sabi ni Janeth kay RJ

"Sorry" sabi ni RJ

"Patunayan mo yang pagso sorry mo sakin."

Pagkatapos niyang sabihin yon kay RJ, pumasok na siya ng restaurant. Hanep kung maka eksena 'tong bruha na to.

"Hoy" pang-iinis ko sa kanya

"Oh?" Baling niya sakin

"Ang Oa mo" sabi ko

"Isa ka pa. Tumahimik ka nalang din dahil badtrip pa ako ngayon Hez. Kung badtrip ka kanina, ako naman ngayon." Dire-diretso niyang sabi

"Oo na, oo na"

Kaya naman tumahimik na din ako.

Maya-maya pa'y lunch na at may mga bakasyonista talagang nagsi daratingan. Maraming tao. Maraming kilalang mga tao.

Hindi kasi ito maihahalintulad sa mga resort na magaganda din. Kasi itong resort na ito, makikita mo talaga ang uniqueness niya sa iba.

It's already one thirty in the afternoon when the restaurant is not that busy. Hindi pa ako nakakapag lunch kaya naman maglu-lunch na sana ako nang inutosan ako ni Benj, isang waiter rin dito sa resort.

"Hez" aniya

Tiningnan ko siya pero ininguso niya lang sakin yung mga pagkaing dala niya na para bang alam ko na ang gagawin ko sa mga pagkain na 'yon.

"Please"

"Eh saan ba yan banda ihahatid?" Tanong ko

"Doon sa labas" aniyang napakamot sa ulo

"Sabi niya kasi ikaw daw maghatid, kaya ayun. Natatakot nga akong mapagalitan kaya binalik ko yang pagkain dito para ikaw maghatid sa kanya" dagdag niya pa.

"Kalokohan! Akin na nga yan!" Sabi ko sa kanya na parang nabunotan naman ng tinik sa dibdib.

"Ang oa naman nitong bakasyonista na 'to" bulyaw ko sa kawalan.

Naka labas na ako at naaninag ko na masyado sa di kalayoan ang likod ng nag-iisang kakain dito sa labas kahit tirik na tirik ang araw.

Naka talikod 'yong lalaki sakin, naka white sleeveless shirt siya and black shorts. Nang nakalapit na ako at pag harap ko sa kanya ay muntik ko nang maitapon ang mga pagkain dahil si bakulaw ang nandito! Si Jay Drix Del Campo!

"Anak ng-" hindi ko natapos dahil tinitigan ko na siya ng mabuti.

Naka shades siya at hindi ko nakilala agad kasi ang laki ng muscles niya! Lalong lalo na ngayong kitang kita sa katawan niya na parang araw-araw nag g-gym.

Hindi ko inakala na ganito siya. I mean, ang hot niya. Seriously. He's so damn hot!

Nanuyo ang lalamunan ko katititig sa kanyang katawan at pataas sa mukha. Kaya ganoon na lang ang gulat ko ng siya na ang bumaba sa mga pagkain.

Parang nawala ako sa wisyo kaya naman kinalma ko muna ang sarili ko saka ako nagsalita.

"Ano bang trip mo, Sir?" Inis na tanong ko

"What?"

"Anong What? Eh sabi ng kasama ko gusto mo raw ako ang maghahatid ng mga pagkain mo dito. Kailangan talaga ako? Hindi naman siguro pwede yon, Sir. Busy din ako at wala namang batas para diyan na masusunod ang gusto mo porke't pamangkin ka ni Sir William." Walang prenong paliwanag at sabi ko.

"Then, I'll make it a law from now on." Aniya

Laglag panga ko siyang tiningnan. Naka taas lang ang isang kilay niyang tumingala sakin.

What the heck!?