Nagising ako sa isang panibagong araw. Bumangon ako, tumunghay sa bintana at pinagmasdan ang langit. Alas sais pa lang pero mainit na masyado. Tumingala ako at pumikit. Sininghot ko ang napaka gandang hangin dito sa amin.
Presko. Mapayapa. At syempre maganda talaga ang lugar na ito.
Hindi man ito City, pero alam kong magugustohan ng maraming mga bakasyonista.
Natigil ako sa pagmuni-muni ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko ang pintuan at nakita ko si mama.
"Anak, kumain na tayo" sabi niya
"Opo, saglit lang po"
Tumango siya at sinarado ko na ang pinto.
Inayos ko muna yung higaan ko, nag hilamos ng mukha at nag prepare ako ng mga susuotin ko mamaya para sa trabaho ko.
Oo. Nag tatrabaho na ako. Mag thi-third year na sana ako sa kolehiyo pero dahil wala kaming pera, huminto muna ako sa pag-aaral.
Mag iipon muna ako ng pera para makapag tapos ng kolehiyo at para matulongan ko din ang mga magulang ko.
Dating jeepney driver yung Papa ko, na stroke siya kaya hindi siya nakapag trabaho.
Isang labandera lang din yung Mama ko at may sarili kaming maliit na tindahan dito sa aming bahay.
Kapatid ko lagi yung naiiwan dito sa bahay at siya yung taga bantay sa tindahan namin at taga bantay kay Papa kung wala si Mama.
Pagkatapos noon ay bumaba na ako at sabay-sabay na kaming kumain ng agahan.
"Anong oras ka papasok sa trabaho mo, Ate?" Sabi ni Chylus, kapatid ko.
"Mga 8am, maaga kami dapat doon sabi nang Supervisor namin kasi summer. Maraming mga bakasyonista ang darating panigurado!" Sabi ko sa kanya.
"Okay ka lang ba diyan sa trabaho mo, anak?" Sabat ni Papa.
Ngumisi ako.
"Walang hindi okay sa akin Pa. Alam mo yan"
"Pasensya kana, Hez" sabat naman ni Mama
Nagsasalita pa lang siya, umiiling na ako.
"Pa, Ma.. Wag kayong mag alala, kaya ko ito. Makakapag ipon din ako ng pera at hayaan niyo akong tumulong muna sa inyo."
Tumingin si Papa sakin at ngumisi ng bahagya.
"Salamat, anak"
"Walang problema, Pa" sabi ko
Pagkatapos naming kumain, nag handa na ako.. Naligo, nag toothbrush, nag bihis at nag ayos sa sarili.
Alas syiete e medja na noong natapos ako.. Bumaba ako at nag paalam na ako sa mga magulang at kapatid ko.
"Mag iingat ka, anak" sabi ni Papa
"Opo, Pa. Alis na po ako, Ma." Sabay tingin ko kay Mama
Tumango lang sila at dumiretso na ako sa kalsada para mag lakad.
Nag lalakad lang talaga ako araw-araw para iwas sa budget. Nag iipon eh. Kailangan ko ng pera.
Mga 10minutes lang naman kung lalakarin mula sa amin hanggang sa resort na tinatrabahohan ko.
Nag lalakad ako ng may malaking kotseng kumaripas ng takbo sa gilid ko.
Para akong aatakihin sa puso ng konti nalang at masasagasaan na niya talaga ako!
Huminto iyong kotse malapit sa akin. Binaba niya yung bintana ng sasakyan niya at tinanaw niya ako mula sa kinauupoan niya, nakita ko sa side mirror ng kotse niyang ngumisi siya sakin ng naka taas ang isang kilay.
Susugorin ko na sana siya pero tatlong hakbang ko pa lang pinaharurot na niya yung kotse niya!
"Tarantado ka rin eh no!?" Sigaw ko
Walang hiya! Kung mamalasin ka nga naman oo! Nakaka badtrip!
Hindi man lang niya ako nakita at malapit pa talaga akong masagasaan dahil sa lintik na nagmaneho non!?
"Ang ganda naman ng umaga mo, Hez! Bwesit na lalaking yon! May pangiti ngiti pa talaga yung gunggong na yon!?" Sigaw ko sa kawalan
Tsk!
Kinalma ko muna yung sarili ko. Pumikit ako at humugot ng hininga. Ilang sandaling pagpa kalma ko sa sarili ko'y nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Ilang minuto'y narating ko na rin ang resort.
Isa sa malaking resort dito sa La Costelle ay ang resort na ito. Ang Del C Resort.
Ang may ari dito ay ang amo ni Mama na si Ma'am Charlotte at Sir William. Kung saan doon siya nag lalabada sa mansion ng may ari ng resort na ito.
Mababait si Ma'am Charlotte at Sir William. Yun nga lang, sayang at hindi sila nagka anak.. Pero makikita mo naman sa kanilang dalawa na masaya na sila sa isa't isa.
Pumasok ako sa resort, nag attendance muna ako at nag ayos ng kaonti sa sarili ko sa room kung saan doon nilalagay ang mga gamit ng waiter at waitress...
Saktong 8am lumabas na ako.
Pumwesto muna ako doon sa counter kasi wala pa naman masyadong tao.
"Haneeeep! Ganda natin ngayon ah!" Si Janeth kaibigan ko na cashier dito
"Ganda mo mukha mo!" Sabi ko
"Oh! Salamat ha?" Sarkastiko niyang sabi
"Tsk. Wala ako sa mood Janeth"
"Mukha nga! Eh ano bang nakain mo at parang kulang nalang bubugahan mo na ako ng apoy? Ha? Abir!?" Bahagyang sigaw niyang pinandilatan ko naman siya ng mga mata.
Tumikhim siya at tumingin naman muna ako sa mga taong kumakain na hindi naman na disturbo sa pagsigaw ni Janeth dito.
Sinipat ko muna siya saka humugot ng malalim na hininga.
"Wow. Lalim ha" biro niya
"Ganito kasi iyon. Nag lalakad ako kanina papunta rito at malapit talaga akong masagasaan dahil sa isang kotseng lintik kung makapag maneho!"
"Ahh. Eh bakit hindi ka umiwas?"
"Gaga! Nasa likuran ko yung kotse. Parihas kami ng Way. Lintik akalain mong may pangiti-ngiti pa yung bakulaw na yon!?" Naiirita kong sabi sa kanya
"Alam mo girl, wag mo nalang isipin yon! Ang importante buhay ka pa ngayon!" Tumatawang sabi niya
"At sa susunod, sumakay ka na kasi. Hindi yung maglalakad ka lang araw-araw. Sakay-sakay din pag may time girl ha?" Dagdag niya pa
Tsk. Sinipat ko nalang siya at tumahimik naman siya. Ipinagkibit balikat niya na lang yon.
"Bago ko nga pala makalimutan, may meeting tayong lahat 9am."
"Bakit daw?" Wala sa sariling tanong ko
"Aba malay ko Hezdrina! Anong gusto mo, tatanongin ko sila tsaka sasabihin ko sayo bakit? Helloooo? Luka-luka! Meeting yon. Syempre, doon na natin malalaman anong pagme-meetingan." Paliwanag niya
"Tsk. Ewan ko sayo" singhal ko
"Wala talaga sa mood" bulong-bulong niya pa
Natahimik na kami dahil na rin may mga taong dumarating na din.
Madami talagang nag babakasyon dito sa La Costelle kapag ganitong mahabang summer talaga. Ilang sandali'y na busy na kami.
"Hezdrina" lumingon ako sa Supervisor namin at nginitian ko siya, nginitian niya din ako.
"Yes ma'am?"
"We have a meeting today"
Aniya
"Uhm, yes ma'am. Nasabi na sakin ni Janeth."
"Oh, okay. That's good. At exactly 9am dapat nasa function hall na kayong lahat okay? Saglit lang naman din ito at may konting announcement lang si Sir William sa ating lahat" Paliwanag niya
"No problem ma'am." Ngumisi ako at tumango
Tumango din siya at nag lakad na.
Pupunta na sana ako sa counter nang pag lingon ko, nabunggo ako ng isang lintik na bakulaw!
Oo! Siya! Talaga namang nagpakita pa siya sakin dito ha?
"Oh.." Ngumisi siya
Nakita ko na naman yung bwesit na ngising yon!
"Pwede ba!? Tumabi ka nga!? Ba't ka ba nandito? Sinusundan mo ba ako? Kanina ka pa ah! Alam mo bang malapit akong atakihin sa walang prenong pagda-drive mo?" Bulalas ko
"Excuse me? Do i know you, Miss beautiful?" Ngingising sabi niya!
"Hindi mo ba ako natatandaan? Huh?" Naiirita kong tanong sabay turo sa sarili ko
Ramdam ko talagang nagka salubong na yong kilay ko sa katititig sa kanya! Langhiya!
"Ako lang naman yung babaeng malapit mong masagasaan kanina!" Sabi kong nanggagalaiti na talaga sa galit sa kanya
"Yeah, naalala kita. Then, what do you want me to say?" Tanong niya sa matigas na ingles.
"Boblaks ka ba? Ano sa tingin mo? Huh?"
"Do you want me to say " Sorry"?" Tanong niyang ikinagalit ko pa lalo!
"Syempre! Ano pa ba!? Hanep ka rin e noh? Hindi man lang marunong mag sorry? Tsk! Bahala ka nga sa buhay mo!"
Bago pa siya makapagsalita iniwan ko na siya doon. Lakas ng topak mo! Gago!
Pabagsak kong inilagay sa counter yung papel na naglalaman ng inorder ng mga bisita sa oras na yon. Kinuha ng isang crew doon at umalis.
"Ano na namang problema mo Hez?" Tanong ni Janeth
"Wala!" Pangbabalewala ko sa usapan
Tumahimik na din naman siya at alam na niya yon kapag badtrip ako, badtrip talaga.
Ilang sandali lang ay hindi ko na namalayang 9am na pala kaya tinapik pa ako ni Janeth sa kinauupoan ko tsaka kami sabay na pumunta sa hall.
Pagpasok namin doon kompleto na lahat at kakasimula pa lang. Ilang sandaling pag upo namin doon, nilibot ng mga mata ko kung sino sino ang mga nasa harapan.
Wala si Ma'am Charlotte, ang nandito lang ay si Sir William. Nang ilipat ko ang paningin ko sa katabi ni Sir William, parang nagka buhol buhol ang tibok ng puso ko. At alam kong nangingibabaw doon ang galit.
"Shit!" Mura ko sa kawalan
"Huh?" Si Janeth
"May nakapasok na bakulaw"
Sabi ko
"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Tingnan mo na ngalang yung katabi ni Sir William oh!" Turo niya sa bakulaw'ng naka tingin na rin sakin ngayon at bahagya pa talagang naka angat ang labi
"Ang gwapooo!" Gigil na bahagyang sigaw ni Janeth
Tsk. Ewan ko talaga sayo Janeth.
"Hindi naman" sabi ko sa kanya
"Palibhasa! Inlove ka pa sa Ex mong babaero naman! Abay Ewan ko sayo Hezdrina, mas gwapo pa yan sa Ex mo oh. Tingnan mo nga!" Walang preno niyang sabi sakin.
Sinipat ko siya at tumahimik siya. Tumingin ako sa harapan at nakita kong tumingin pa din yung bakulaw sakin saka unti-unting nag iwas ng tingin.
Tinitigan ko siya at tama nga naman si Janeth.. Gwapo nga. Pero nainis na naman ako sa mukha niya dahil gwapo nga, ang sama naman ng ugali!
Tsk. Wala rin.