AZEINA'S POV :
Natapos yung luch at kahit saan kami magpunta o dumaan ay naririnig ko pa rin yung tungkol si vid na yun. *Haysstt Azeina ano ba kasi yung ginawa mo?!* Napatigil kami sa paglalakad nung may biglang humarang sa daan namin.
"I heard and watched the video. You have talent but can you duel with me?" sino na naman 'to?
"I'm sorry but who are you?" I asked her.
"Oh, you don't know me. I'm Jezz, a black belter in taekwondo. I challenge you to have a duel with me." saad niya at tinawanan ako ng mahina.
"I'm not interested." saad ko at tinulak siya paalis sa daan.
"How dare you?!" di makapaniwalang saad niya.
"Jezz, stop bugging her!" npalingon ako kay Gaevy.
"Oh, we meet again Gaevy." saad ni Jezz.
"Gaevy, wag mo ng pansinin yan." saad ni Eren.
"Oo nga." sad ni Kaye.
"Bilisan niyo na." saad ko at naglakad ulit.
"Don't you dare go away after not accepting my challenge." saad ni Jezz at pumunta sa harap ko.
"Sino ka ba para tangapin ko yung alok mo?" she gasped because of what I said.
"You can't accept because you're afraid you can't fight back, aren't you?" saad niya.
"No. I'm not accepting an offer from someone who's obviously weak." saad ko at tinulak siya ulit paalis sa daan.
"You--!!" nilingon ko siya at seryosong tinignan.
"Ganun ka na ba kahandang mabalian ng buto para hamunin ako?" seryosong tanong ko.
"Hah! If only you can! Akala mo mababali mo yung mga buto ko dahil sa isang miracle?! Akala mo mauulit mo yu----!!" nagulat siya nung bigla kong ginawa yung hook kick sa haligi na nasa gilid ng ulo niya.
"Miracle ba ulit yun?" I gasped at nilakihan ko yung mga mata ko na para bang nagulat sa ginawa ko. "Pero mukhang mas malakas 'to kesa kanina. Try ko nga ulit. Yung tatama na talaga sa ulo mo." saad ko at halatang natakot naman siya dun.
"Don't you!! saad niya at akmang itutulak sana yung paa ko na nasa haligi pa din pero inalis ko yun dahilan para ma out balance siya at matumba.
"Tss. Ang lampa mo naman." saad ko at tinignan siya.
Nahihiya siyang itinago yung mukha niya gamit yung buhok niya dahil masyadong marami yung nanonood. Lumuhod ako sa harapan niya at itinagilid yung ulo ko para makita ko yung mukha niya.
"Sa susunod na hamunin mo ako. Siguraduhin mong hindi ka ganito ka lampa." saad ko at tinapik yung balikat niya bago umalis.
Nakasunod naman sakin sina Gaevy. Halatang tuwang tuwa sila sa ginawa ko dahil tawa sila ng tawa.
"Grabe! Ang cool mo dun Avrail!" saad ni Kaye.
"Oo nga!" sang-ayon naman ni Eren.
"Paturo naman nun!" saad ni Gaevy.
Tinawanan ko lang sila ng mahina at dumeretso na sa classroom. Nakarating kami dun at ganun pa rin. Puro about sa video ko yung naririnig ko tas yung iba namang babae ay nahuli kong nakatingin sa nakaw na picture nila sa mga kapatid ko kanina.
Di nagtagal ay dumating na din yung lec namin at nag discuss. Nag quiz din kami at halatang hirap na hirap yung mga kaklase ko sa pagtake ng quiz. Tss. Puro yabang, pangbubully at landi lang kasi inuuna. Kita mo hirap sila ngayon.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Dismissal.
Sa wakas tapos na din! Niligpit ko na yung mga gamit ko at hinintay sina Gaevy na matapos. Wala kaming practice sa dance troupe ngayon kaya ihahatid ko nalang sina Gevy sa parking lot at manonood nalang ako ng basketball practice nila Gab para naman makabawi ako sa mokong na yun. Halatang masama loob nun kasi di ako nakasabay sa kanila kanina.
Parking lot.
Naunang umalis sina Eren at Kaye tapos andito pa rin si Gaevy, sinasabayan kong maghintay sa sundo niya.
"A-Ahh, Azz. Okay lang ako dito, puntahan mo na sina Gab." saad ni Gaevy.
"Di pa nila dismissal. Sabayan nalang muna kita dito." saad ko. Nakita kong nahihiya siyang napakamot sa ulo niya. "Ano bang oras dumadating sundo mo?" tanong ko sakanya habang nakatingin sa relo ko.
"A-Ah, first time niya akong sunduin n-ngayon eh. Medyo matatagalan s-siguro siya." uutal utal na sagot niya. Ba't parang kinakabahan siya?
"Sino bang sundo mo?" tanong ko at nakita kong natigilan naman siya at nagblush.
"S-Si----"
*Beep.....beep*
Napalingon kami sa sasakyang dumating. Nanlaki yung mata ko nung makita kong si Trev yung sundo niya. I.....Am I dreaming?? Naglakad siya papunta samin ni Gaevy.
"S-Siya sundo mo?" di makapaniwalang tanong ko kay Gaevy at sabay naman silang napaiwas ng tingin at nag blush pa ampotekkk!
"Uhm, siya nga." saad ni Gaevy habang nakaiwas pa din ng tingin sakin.
"Umamin nga kayo." saad ko at pinanliitan sila ng mata. "Are you two going out?" tanong ko habang nakatingin pa din sa kanila.
"N-Nope, n-nabangga kasi kanina yung sasakyan nila sakto namang ako yung nakakita at ako na din y-yung nahatid kay Gaevy sa school kaya a-ako na din muna yung susundo sakanya." saad ni Trev.
"Wehhh??" naniniguradong tanong ko.
"T-Totoo nga. But don't misunderstand, yung driver niya yung nakiusap." saad naman ni Trev.
"Oo na. Sige na ihatid mo na 'to." saad ko at tinulak si Gaevy papunta kay Trev. Tumalikod na ako at kumaway sa kanila. "Ingatan mo yan! Lagot ka sakin pag may nangyaring masama diyan!" saad ko habang nakatalikod.
"Yes ma'am!" saad ni Trev.
Pumunta na ako ng gym at nakitang nastre-stretching na sila. Umupo ako sa pinakataas na parte ng bench at sa pinakagilid para di nila ako mapansin at para din naman makapag review ako sa ilang subjects ko. Narinig kong sumisigaw sila ng parang cheer ng basketball team habang nagjo-jog. Vinedeohan ko sila at zinoom and camera paunta kay Gab. Napangiti ako nung makita yung pinapawisan na mukha niya. Ang gwapoooo!!!
Tinutok ko din sa iba yung camera at pagkatapos kong mag vid ay nag focus na ako sa mga libro na binabasa ko. Di ko namanalayang nakatulog na ako sa tagal ng pagbabasa ko.
HUVANN'S POV :
Pagkatapos ng dismissal ay agad din naman kaming dumeretso sa gym para magpractice. Tinignan ko yung laman ng messages ko pero di man lang ako tinext ni Azeina. Sa totoo lang ay gusto kong mag text siya sakin para ganahan ako sa practice.
"Team! Let's start!" saad ni coach.
Nagsimula kami sa streching. Nagtutuksuhan yung mga teammates ko at ako naman ay lumilipad yung isip kahit saan.
"Si Gab parang lutang oh." saad ni Jace.
"Oo nga, kanina pa yan!" saad naman ni Hlyx.
"Hoy! Cap!"
"Captain! Sa'n naman lumilipad yang isip mo?!"
"Lah, snobber na yan."
"Yaan niyo na. Siguradong si Avrail naman nasa isip niyan." saad ni coach. Dun lang ako natauhan nung minention nila yung pangalan ni Azz.
"A-Ano yun coach?" tanong ko sakanya.
"Kita niyo na." saad ni coach at napapailing na naglakad papunta sa lalagyan ng mga bola.
Pagkatapos naming mag stretching ay nag jog na kami. Habang nag jojog kami ay sinisigaw namin yung cheer ng team namin. Pagkatapos nun ay nag ball handling naman kami at nagstart na ng game.
Natagalan yung practice namin as usual at parang may napansin ako sa pinakataas ng bench.
"Guys, tignan niyo may tao ata oh." turo ni Jyro.
"Hala lagot na! Baka multo yan!" pananakot ni Hlyx na siya namang mas matakutin sa mga multo.
"Nu ba kayo? Puntahan natin baka nakatulog lang." saad ni Xhion.
"Cap! Unahan mo!" saad ni Jyro.
"Tss." wala akong nagawa kundi mauna at puntahan yung taong yun. Papalapit kami ng papalapit at dun ko rin na papansin na parang kilala ko yung taong yun. Malapit na kami at dun ko lang napansin na si Azeina pala yun.
Nilapitan ko agad siya at kinuha yung librong pinatong niya sa mukha niya. Napangiti ako sa mala anghel na mukha niya. Kahit na ganito ka weird yung disguise niya ay halata pa ding maganda siya. Pinunasan ko yung pawis na pawis niyang mukha at talagang nag bubungisngisan pa yung mga kasama ko sa likod ko.
"Yun oh! Good mood na siya yieeeee." pinanlakihan ko naman ng mata si Jace dahil sa kaingayan niya.
"Si Avrail lang pala makakapag ayos sa mokong na yan!" hinampas ko naman si Jyro gamit yung towel ko dahil ang iingay.
Usap sila ng usap at pati ako ay di na namalayang gising na pala si Azz.
"U-Uh, w-why are you so noisy?" tanong niya samin. Nagkatumba tumba naman yung mga kasama ko dahil sa gulat.
"Ba't dito ka natulog?" tanong ko sakanya habang iniipit sa tenga niya yung mga buhok na pumupunta sa mukha niya.
"Ah eh. Nanonood kasi ako sainyo kanina at nagbabasa. Di ko namalayang nakatulog pala ako." saad niya. Mas lalo akong napangiti dahil pinanood niya pala kami.
"Edi sana dun ka sa harapan nanood Jani, di ka tuloy namin napansin." saad ni Xhion.
"I-I'm okay here. Tapos na ba kayo?" tanong niya samin.
"Yeah. Ngayon ka lang nga namin napansin." saad ko at inipon yung mga gamit niya at tinulungan siyang bumaba mula dun.
Hinintay niya munang matapos kami at sabay kaming lumabas. Nag uusap kami at nagtatawanan kasam ng buong team. Nauna ng umuwi si coach samin dahil naghihintay daw yung misis niya.
"Guys, sabay nalang kayo tayong mag dinner?" suggest ni Jian.
"Oo nga. Minsan lang tayo magsabay sa non-occasional dinner eh." sang-ayon naman ni Jace.
"Game!!" sang-ayon naming lahat.
"Sa'n tayo?" tanong ni Ronn.
"Kahit saan!" saad ng ilan samin.
Nasa likuran kami ni Azz at pansin kong hindi masyadong komportable si Azz at parang nahihiya siya samin. Nakita kong hirap na hirap siyang pigilan yung skirt niya dahil nililipad ng hangin. Kinuha ko sa bag ko yung jersey jacket ko at sinuot sa kanya.
Nagulat naman siya pero hindi tumutol. Nginitian ko siya at ginulo yung buhok niya.
"Nahihiya kaba sa kanila?" tanong ko sakanya habang inaakbayan siya.
"Oum, medyo lang naman." saad niya.
"Wag kang mahiya sa kanila dahil kilala ka naman nila." saad ko.
"Really? A-Alam nilang ako si---"
"I mean kilala ka nila as Avrail." saad ko.
"Oh, that's a relief." she said. I just chuckled dahil sa kacutetan niya.
"Ang ganda at ang cute pa rin ng bab ko kahit naka disguise siya ah. Kinakabahan ako baka may umagaw sa kanya." paparinig ko sakanya.
"Huy! Anong ineemote emote mo diyan? Ke pangit nga ng mukha ko sa disguise ko pero kung akala mo naman maaagaw pa ako. Para ka namang bakla kung ngumuso ka." panunukso niya sakin at pinindot pindot pa yung dimples ko.
"Sinong bakla ha?" tanong ko at pinanliitan siya ng mata.
"Ikaw!" nanlaki yung mga mata ko at kiniliti siya.
"Sino ngayon yung bakla---" napatigil kaming dalawa at napaiwas ng tingin dahil napansin naming nakatingin pala samin yung mga kasama namin.
"Hustisya naman para sa mga single!!" saad ni Jyro.
"Mga walangya sa harap pa natin naglabing labing." nakangusong saad ni Jace.
"Sakit naman ng mga ego naming mga single."
"Sakit niyo sa eyes."
"Sus. Tamang sanaol nalang."
Narinig ko yung mahinang tawa ni Azz at napangiti naman ako. Inakbayan ko siya at lumapit sa mga kasama namin.
"Maghanap na rin kasi kayo." nanunuksong saad ko at inunahan na sila.
AZEINA'S POV :
"Hoyy lalaki! Wag mong solohin si Avrail, kilala din namin yan eh." saad ni Xhion at hinila ako mula kay Gab. Hinila naman ako pabalik ni Gab at nilabas yung dila niya.
"Akin 'to eh." saad niya at hinila ako palayo sa kanila.
Narinig ko namang yung mga tawa nung mga temmates niya at tinukso pa kaming dalawa ni Gab. Nakarating kami sa parking lot at muntik ko ng makalimutan na may sasakyan pala ako.
"Gab, convoy nalang tayo." saad ko.
"Why?" tanong niya.
"Dala ko kasi yung kotse ko." saad ko at napakamot sa batok ko.
"Sama ka nalang sakin dadaan nalang natin mamaya." saad niya at ngumiti sakin.
"Sure ka?"
"Yup!"
"Sigeee."
Pumunta kami sa restaurant na pag aari ng isa sa mga ka teammates ni Gab at talagang makikita mo dun na maganda yung quality nila. Pumasok na kami at amoy na amoy yung napaka sarap nilang mga menu. Napaka chill ng vibes dito.
Pinaupo kami nung waiter sa 3rd floor dahil dun yung may mahabang lamesa na kung saan kakasya kaming lahat. Masaya kaming nagkwekwentuhan at nagtatawanan hanggang sa matapos kaming kumain. Nag sipaalam na din sila nung makarating kami sa parking lot.
"Azz!" tawag sakin ni Hlyx.
"Op?" tanong ko sa kanya.
"Dederetso ka na agad sa bahay?" tanong niya.
"Nope, babalikan pa namin ni Gab yung kotse ko."
"Ahh, sige samahan ka na namin para sabay na tayong umuwi." saad niya at sumakay na ng kotse niya.
Bumalik kami sa GU parking lot at agad ko namang kinuha yung kotse ko para di na sila masyadong maghintay. Mga pagod yun eh. Nasa labas sila nag aantay kaya inilabas ko na yung kotseko. Pagkadating ko sa labas ay inilabas ko yung ulo ko sa bintana para kausapin si Gab.
"Gab!" tawag ko kay Gab.
"Oh??" tanong niya sakin at nilabas yung ulo niya.
"Una na kami! Thanks pala sa ride!" saad ko at kinawayan siya.
"No probs bab! Ingat kayo! Text moko pag nakarating na kayo sa bahay niyo!" saad niya.
"Sige po! Ingat ka din!" saad ko at ipinasok na yung ulo ko.
Nag convoy na kami papuntang bahay. Isa isa naming pinark yung mga kotse namin at nagsipasukan na din sa bahay. Halatang antok na at pagod yung mga kasama ko.
"Hey!" tawag ko sa kanila kaya napalingon din sila. "I bought a salon pass, apply niyo yan sa katawan niyo after niyong maligo para di sumakit yang mga katawan niyo." saad ko at hinagisan sila ng tigisa isang pack. 8 pcs naman kada pack kaya enough na yun para applyan nila yung mga muscles nila sa katawan.
"Sakto namang kailangan ko 'to. Thanks." saad ni Hlyx.
"Wooh! Makakatulog nako ng mahimbing nitooo!! Thank you!" saad naman ni Jyro.
"Thanks Zeze." saad ni Ronn at inakbayan ako.
"Thank you dito Vrix! Life saviour ka talaga!" saad ni Xhion.
"Sige na magpahinga na kayo." saad ko at tinignan silang magsiakyatan.
Umakyat na rin ako sa kwarto ko at naligo. After kong maligo ay tinext ko na s Gab.
~Bzzt...Bzzt~
*Message from Gab*
- Good. Magpahinga ka na diyan at matulog ng maaga. Goodnight bab!
*To Gab*
- Ikaw din magpahinga ka na diyan. Siguraduhin mong iapply mo yung salon pass na binigay ko ha? Goodnight din.
Ngumiti ako at tinignan yung bago kong wallpaper. Pic namin kanina, ako at yung whole team ng basketball. Pinatay ko na yung phone ko at nag set ng alarm. Pinatay ko na din yung lamp ko at natulog na. Naramdaman kong may nagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Nakita ko naman si Xhion na naka pout at nakatingin sakin.
"Vrix tulungan mokooooo." saad niya.
"Sa ano?" tanong ko sakanya.
"Di ko maabot yung likod ko." saad niya at pinakita yung salon pass.
"Akin na nga." saad ko at lumapit sa kanya. Nilagay ko ng maayos sa likod niya yung salon pass kaya humarap siya sakin ng nakangiti.
"Tenchuu poo." saad niya habang nakangiti na parang bata.
"Azz!!" gulat kaming napalingon ni Xhion sa apat na mokong.
"Oh??" gulat na tanong ko sa kanila.
"Palagay din kami sa likod." - Hlyx.
"Mahirap abutin." - Ronn.
"Di mahaba kamay ko." - Jyro.
Tinulak silang lahat ni Xhion paalis. Nagtutulakan sila kaya natawa nalang ako habang pinapanood sila. Maya-maya pa ay natapos ko na din silang lagyan lahat at nagsibalikan na din sila sa mga kwarto nila. Bumalik na din ako sa pagkakahiga para matulog na.
K I N A B U K A S A N
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko kaya bumangon na ako at naligo. Bumaba na din agad ako matapos kong mag ayos para ipagluto sila ng breakfast.
Nagluto lang ako ng beaf steak at naghanda na ng mga pinggan. Umakyat na ako para gisingin sila.
"Boys! Gising naaaa!!" sigaw ko sa sala na napapagitnaan ng mga kwarto namin sa 2nd floor.
"Gising na!!" saad ni Xhion.
"Ang aga kong nagising ngayon" energetic na saad ni Jyro. Sabay silang lumabas ni Chrys. Iisa lang kasi sila ng kwarto at sakanila din yung pinaka malaking kwarto.
"Good morning." nakangiting bati ni Ronn sakin.
"Nagugutom na akoooo! Anong ulam?" tanong ni Hlyx.
"Himala atang maaga kayong nakabangon?" tanong ko sa kanila.
"Maganda kasi tulog namin!" saad ni Jyro.
"Oo, ang sarap matulog ng naka salon pass!" - Hlyx.
"Energetic ako ngayon ah!" - Xhion.
"Same HAHAHAHA" - Jyro.
"Bumaba na tayo." saad ko at nauna ng bumaba.
"Wawww!! Ansarap nito ah!" saad ni Hlyx nung makarating kami sa dining room.
"The best talaga luto mo Zeze." saad ni Ronn at naupo na.
"Tss. Mamaya na yang papuri niyo. Magsikain na kayo para maaga pa tayong makapasok." saad ko at umupo na din.
Puro kami tawanan at kwentuhan at halos boses lang nila Hlyx at Jyro yung maririnig mo dahil apaka lakas nilang magsalita at tumawa.
Pagkatapos naman naming kumain ay tumulong din naman silang maglinis at mag ligpit ng mga kalat namin. Si Hlyx daldal pa rin ng daldal at di naman namin mapigilang matawa sa mga dad jokes niya.
S C H O O L .
Humiwalay na ako sa kanila pagdating dun dahil alam kong pagkakaguluhan na naman sila. Dumaan ako sa hallway na wala masyadong tao at kamalas malasan naman ay nakasalamuha ko na yung Jezz na demonyita kasama yung mga alipores niya.
"Oh, it's you again." saad niya at akmang lalapit sakin pero sadya kong pinarinig sakanya yung paggalaw ng paa ko at natakot naman siyang napapatras.
"What do you want?" I asked her.
"I want a duel with you." nagmamatigas talaga siya ano?
"Isn't that decided?" I asked her.
"Hah! Kelan lang?" she asked.
"Uhm, yesterday." saad ko at nginitian siya.
"That's not a official duel!" saad niya.
"Eh?? Kala ko yun na yun eh, andami ngang audience." saad ko.
"Duhh! I want to see you in uniform!" saad niya.
"What if I reject your duel?" tanong ko.
"You'll be the one to lose." saad niya sakin.
"Oh, I kinda disagree with that. I don't want to be a sore loser." saad ko at lumapit sa kanya..."I agree to duel with you. Kelan ba?" tanong ko sakanya.
"That's it! Later, lunch time I'll ask senior Xhion and senior Luhan to be our referees." saad niya at umalis na.
Nagpakawala nalang ako ng malalim na buntong hininga. *Ano na naman 'tong pinasok mo Azz!* Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at pumunta sa room.
"Uyy, Avrail! Kalat na ngayon sa campus na may duel daw kayo ni Jezz!" salubong sakin ni Kaye. Ganun kabilis??
"Nikka! Mag forfeit ka na. Malakas si Jezz." saad nung isa kong kaklase.
"Oo nga baka mapaano ka pa." saad naman nung isa.
"Avrail! Okay lang ba talaga na magduel kayo?" tanong naman ni Gaevy.
"Wala ba kayong tiwala sakin?" tanong ko sa kanila.
"Concerned lang naman kami." saad ni Eren.
"Kaya ko 'to okay?"
Naupo na kami dahil parating na yung lec namin.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Break time.
Bumaba na kami sa cafeteria at nagsimula naman yung bulong bulungan. Binalewala ko lang yun at dumeretso na sa isang bakanteng lamesa. Sila ulit ni Gaevy yung nagorder ng pagkain namin kaya ako na anman ulit yung naiwan dito.
"Jani!" napalingon ako sa entrance ng cafeteria at nakita si Xhion na may dalang sports bag.
"Oh napadpad ka ata sa maling cafeteria?" tanong ko sakanya.
"Ano ka ba? Ba't mo tinanggap yung duel ni Jezz?" nag aalalang tanong niya.
"Look, kaya ko naman----"
"Alam kong kaya mo Azz, pero pano kung mabali mo yung mga buto ni Jezz?" bulong niya sakin.
"I know how to limit myself Xhion. Hindi ko naman siya to-torturin." nakangiwing saad ko.
"Haysst.. Bahala na mamaya, kami naman ni Luhan yung bantay. Oh uniform mo yan andyan din yung belt mo." saad niya at binigay sakin yung sports bag.
"Dala mo lahat ng belt ko diba?" naniniguradong tanong ko.
"Oo, andyan lahat. Alis na ako papatapos na kasi break namin. Magpasalamat ka inuwian ko talaga yan sa mansyon." saad niya.
"Okiee! Thanks Xhion!" nakangiting saad ko.
"Welcome." saad niya at ginulo yung buhok ko. Umalis na agad siya nung binigyan ko siya ng sandwich at glass bottled milk. Sigurado kasi akong di pa kumakain yun sa break time nila dahil nga inuwian niya pa yung uniform ko sa taekwondo.
Tinignan ko yung at napangiwi nung makita ko na yung dinala niyang uniform ko is yung may tatak talaga nung taekwondo na pinag aralan namin. Ba't ganto yung dinala niya? Di niya siguro nakita agad yung plain na uniform ko.
Kumain na agad kami pagdating nung mga pagkain. At nung matapos kami ay bumalik na din kami ng classroom namin. Kunot noo ko pa ring tinitignan yung bag na dala ko. Di na ako nakapag focus sa pakikinig at di ko din namalayang lunch time na pala.
"Jani, goodluck."
"Mag iingat ka, madaming trick na ginagamit si Jezz para manalo siya."
"Wag kang papatalo."
"Manonood kami."
"Bili tayo snacks guys para may kinin tayo haban nanonood."
"Sino kaya matatalo sa kanila?"
Yan yung mga naririnig ko bago ako umalis para magbihis.