Chereads / The Krystallos of Regan / Chapter 30 - Chapter 30

Chapter 30 - Chapter 30

LUHAN'S POV :

Oh, hi?? Ngayon lang ulit ako nakapag pov haha...Nasa classroom ako ngayon at nasa harap ng buong class sinesermonan na naman sila.

"So....Julius and Carlos. You're making a mess right? You want to rumble? Ba't ang tapang niyo pag wala ako ha?" seryoso kong tanong sa kanila.."And the whole class didn't even stop them pero chineer niyo pa talaga? Kung hindi ako pinuntahan ng mga students sa kabilang section sa student council office ay di ko pa talaga malalaman na nagkakagulo na pala kayo dito?!" galit na singhal ko.

"And you two? Di ba nag aaway kayo? Ang tatapang  niyo nga eh...B't di niyo itry na mag rambulan sa harap ko?" seryoso pa rin akong nakatingin sa kanila. "Di nyo ba maintindihan na marami akong ginagawa ngayon tas nagkagulo pa kayo dito!! Pasalamat talaga kayo at madami pa akong kailangan gawin dun!!" galit na sigaw ko. "For Christ's sake!! You're all 3rd year college! Para kayong mga grade schoolers kung mag isip! Para kayong mga kindergarten students!!"

Nilibot ko yung mga mata ko sa kanila. Antahimik nila ngayon pero kanina nung dumating ako eh ang ingay ingay nila kaka cheer sa dalawang mokong na 'to.

"I'll deal with you soon. Pasalamat talaga kayo at kailangan kong tapusin yung mga gagawin ko! Go back to your seats! Secretary Dane! Bantayan mo silang lahat wag ka ng sumama sakin sa student council office."

"Yes Pres."

"Isang salita lang na maririnig mo isulat mo agad sa papel yung pangalan at mga salitang sinabi nila. Babalik agad ako at yung mga nalista you need to recite every words! Yung mga meaning nun at dapat detailed na detailed yun. And after that you need to write that words in ten pages of whole yellow paper! Back to back! Is there any problem with that?!"

"Nothing Pres." sagot nilang lahat.

"Good." saad ko at umalis na. Dumeretso agad ako sa office namin at nakita si Miyu at Mizu na busy pa din.

"Oh? Anyare may namatay ba?" natatawang tanong ni Mizu.

"Nagkrambulan yung dalawang mokong sa klase namin." saad ko at napahilot sa sentido ko.

"Mabuti naman at hindi nagpatayan." saad naman ni Miyu habang seryosong nakatingin sa ginagawa niya.

"Mabuti nalang talaga." saad ko at umupo na.

"Eh anong ginawa mo ba't iniwan mo agad dun? Mamaya magsimula ulit yung mga yun." saad ni Miyu.

"May ginagawa tayo Miyu. I don't have to give them my attention dahil kailangan ng tapusin 'to. At isa pa pinaiwan ko na si Dane dun." ako.

"Sus! Andito kami ni Miyu. Unahin mo muna yun baka ikaw pa mapagalitan niyan." saad naman ni Mizu.

"Tss. Di na kailangan yan, napagalitan na niyan eh. Alam naman nating mga salita niya palang batas na sa room nila." natatawang saad ni Miles.

"Haha. Oo nga." pagsang ayon ni Camille.

"Tch. Ewan ko sa inyo!" saad ko at pinagpatuloy yung ginagawa ko.

Mula kaninang alas kwatro ng madaling araw pa kami nandito dahil madami dami 'tong kailangan naming gawin. Naabutan kami ng break time kakatuloy sa mga ginagawa namin. Napahikab ako dahil sa pagod at antok na nararamdaman ko. Naalala kong wala pa pala akong tulog dahil nag aral pa ako kagabi hanggang kaninang madaling araw.

Inihiga ko na yung ulo ko sa mga braso ko at pumikit. Antok na antok talaga ako ngayon.

"Pres." napabangon ako nung marinig ko si Dane.

"Oh? May nangyari ba ulit?" tanong ko.

"Wala, napakatahimik po nila. I'm here to ask you if may ipapabili po ba kayo sakin? You still haven't had your breakfast Pres." saad niya.

"I'm okay. Just buy me some sandwich and coffee." saad ko.

"Okay Pres. I'll be back any minute." saad niya at umalis na.

"Mukhang pagod ka Luhan? Di ka pa natutulog?" tanong ni Miles habang nakatingin pa din sa ginagawa niya.

"Mmm."

"Eh?? Pano mo nakaya yun?!" di makapaniwalang tanong niya.

"Nasanay na siguro." sabat ni Mizu.

"Take some sleep Luhan. Baka magkasakit ka pa at walang papalit sa posisyon mo." saad ni Miyu.

"I'm okay. Just a little nap." saad ko at ipinikit na yung mga mata ko.

Nagising nalang ako nung marinig kong nag uusap silang lahat.

"Oh? Gising ka na pala!" saad ni Trisha at lumapit sa refrigerator namin. May kinuha siya dun at lumapit sakin..."Here, sandwich and your coffee, iinitin ko pa ba yung coffee? Napatagal ata tulog mo at mukhang pagod ka kaya di ka namin ginising. Total madami ka na ding natapos." nakangiting sabi niya.

"Pakiinit ng coffee please, thanks. What time is it now?" tanong ko.

"11 am. 2 hours kang nakatulog at mukhang nakabawi ka naman?" tanong ni Miyu habang kumakain ng snacks niya.

"Ah, oo." saad ko at binuksan na yung sandwich.

"Grabe nakakapagod talagang maging student council member!" saad ni Vince.

"Ano pa bang aasahan mo?" tanong ni Miles.

"Di pa tayo nakakagraduate pero tignan mo, mukha na tayong mga office workers!" reklamo ni Camille.

"Panindigan mo yan. Ikaw pumiling magpatakbo as student council member eh." saad ni Mizu.

"Luhan!" napatingin kami sa pintuan ng office namin nung may tumawag sa pangalan ko.

"Oh?" tanong ko pagkatapos kong lunukin yung sandwich na kinagat ko.

"Hinahanap ka ni Dane! Si Kylla daw hinimatay!" napatayo naman ako at tinignan sila.

"Guys, sorry. Babalik agad ako." saad ko at inilapag yung kinakain ko at tumakbo kasama yung student na nagsumbong. Nakita ko na nagkakagulo sa hallway.

Pinadaan naman nila agad ako kaya madali akong nakapunta sa gitna. Nakita ko si Dane na hawak hawak ang walang malay na si Kylla. Lumapit agad ako sa kanya at hinawi naman ng ibang mga classmates namin yung mga nakikichismis dito.

"What happened?" tanong ko habang tinitignan si Kylla.

"She just passed out at nadatnan ko ng ganyan siya." saad ni Dane habang pinapaypayan si Kylla.

"Go back to your classrooms!!" saad ko kaya nagsialisan na din yung mga nakapalibot samin.

Binuhat ko si Kylla at dinala sa clinic. Mabuti nalang talaga at malapit yung clinic sa building namin kaya nakarating kami agad.

"What happened to her Mr. Del Luca?!" tanong nung nurse sakin.

"I don't know but please check on her first." saad ko kaya chineck up niya na si Kylla. Lumabas naman muna ako at pinaiwan si Dane sa loob.

Pumunta muna ako ng cr para hugasan yung kamay ko. Nililinis ko yung kamay ko at nagulat naman ako nung makita kong may dugo yung polo ko. WTH?! Dali dali kong hinubad ito at tinapon sa basurahan. Pinunasan ko agad yung katawan ko dahil sa pag kadiri. Call me gay but I'll still a germaphobic. Agad kong dinial yung number ni Dane.

[Yes Pres?]

"Is she on her period?"

[Yes, how did you know?]

"She had her blood on my polo."

[Oh, you okay Pres? Should I get you a new polo?]

"Yes. Yes please." saad ko at pinatay yung call.

Naghintay ako at agad din namang dumating si Dane na dala dala yung bagong polo mula sa locker ko.

"Here Pres." saad niya habang nakapasok yung kamay sa pintuan.

"Thanks. Go to her now." saad ko at kinuha yung polo. Agad akong nagsuot at bumalik sa office. Nakita ko yung sandwich at coffee na nasa desk ko pa rin. Agad kong kinuha yun at tinapon dahil naalala ko na naman yung dugo ni Kylla.

"Oh? Mukhang na badtrip ka?" tanong ni Miles sakin.

"Don't ask him Miles. Halata namang bad trip kaya wag mo munang kausapin." saad ni Vince.

"Ayt. Oo nga." Miles at bumalik na sa ginagawa niya.

Naging busy na naman kami kakagawa ng mga gawain namin at di namin namalayang lunch na pala.

"Ako na bibili ng lunch natin. Anong gusto niyo?" tanong ni Camille.

"Treat mo? Kfc lang, yung beef steak." saad ni Mizu.

"Okiee!! Ganyan din yung akin!"

"Samin din!"

Naramdaman kong napatitig sila sakin kaya tinignan ko din sila.

"Yung sayo ba Luhan?" tanong ni Camille.

"A-Ah. Burger na lang at drinks." saad ko at bumalik sa paggawa ng tatapusin ko. Isang makapal na folder na lang at tapos na ako.

"Wokeeyyyy!! Alis na muna kami ni Miles!" saad niya at sabay naman silang umalis ni Miles.

Tahimik lang kaming nagpatuloy sa ginagawa namin. Walang umiimik samin kaya nakakapag focus kami.

Di din nagtagal at nakadating agad sina Camille na dala dala yung mga pagkain namin.

"Grabe nakita mo yun bes? Umiiyak si Cliffton!" Camille.

"Bakit nga ba siya nandito? Taga Pelthorax siya diba?" Miles.

"Umiiyak nga siya tas kasama niya si Janikka." napalingon ako sa kanila nung marinig ko yung fake name ni Azz.

"Binasted ata siya HAHAHAHA." saad ni Miles at tumawa ng malakas.

"Gagii! Parang hindi eh. Seryoso kasi silang nag uusap." saad ni Camille.

"Yaan mo na sila. Ano bang konek nila sayo?" Miles.

"Wala"

"Oh wala naman pala, edi wag kang mamroblema kung ano yung problema nila." Miles.

"Huy! Gutom na kami nagdadaldalan pa kayo diyan!" Vince.

"Sorry naman!"

"Tss. Magsilapitan na kayo dito!" tawag samin ni Trisha.

Di ako tumayo dahil burger lang naman yung akin. Nagulat ako nung makita ko si Vince sa tabi ko.

"Sir. Eto na po yung burger at drinks mo sir." saad niya at inabot sakin yung akin.

"Thank you." saad ko.

"Yur wilcam." sarkastikong saad niya at bumalik na sa dining table.

Nagsikainan na sila at ako naman ay nakaharap ngayon sa laptop ko at nanonood ng mga presentation about Bio.

"As usual apaka book worm talaga ni Luhan! Tignan niyo oh hanggang sa break pag aaral pa rin inaatupag." saad ni Miles.

"Yaan niyo na. Walang araw na di nag aaral yan eh!" saad naman ni Mizu.

Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain ng burger ko at panonood ng pinapanood ko.

TREVONNE'S POV :

"Dr. Del Luca, tinatawag ka ni Dr. Atienza." tawag nung nurse.

"Where is he?" I asked her.

"ER ward 3."

"Okay thanks." saad ko at bumaba na.

Nakarating ako sa labas ng ER at nakita si Dr. Atienza na kausap yung isang college student mula din sa GU.

"Dr. Atienza, why do you need me here?" tanong ko nung matapos siyang makipag usap dun sa babae.

"Ah, I was searching for you dahil may naghahanap sayo na pasyente dun sa ER." saad niya habang nakaturo sa ER.

"What is the patients name?" I asked him.

"Hilliard."

"How's work today?" tanong ko habang tumitingin sa list ng patients ko.

"It's good. Nakakapagod lang, wala pang tulog eh."

"Ano ba oras ba off mo?"

"10 am."

"Quarter to ten na, kaya mo yan." saad ko.

"Ikaw, kala ko ba mas una yung off ng duty mo kesa sakin?" he asked.

"Ahh, 9 am dapat yung akin pero madaming pasyente eh."

"Oh ba't di ka nag off on time? Madami namang doctors dito."

"It's just that...Marami akong pasyente na naghahanap sakin at nagpapacheck up kaya di agad ako nakapag off."

"Wala ka pang tulog dre. Sabay na tayong mag off?"

"Yeah, thanks."

Nag usap kami at nagtawanan sa mga pinag usapan namin. Maya maya pa ay nagpaalam na ako dahil hinihintay na din ako sa ER ng mga pasyente ko.

"Una nako doc." saad ko at tinapik siya sa balikat.

"Sige, akyat ka nalang sa office mo pagtapos para makapag off ka na." tinanguan ko lang siya at saka siya umalis.

Pumasok na ako at nagulat ako nung may biglang humawak sa coat ko. Tinignan ko siya at bata lang siya. Nakatulala siya sakin at puno ng dugo yung mga kamay. Yung dugo naman na nasa kamay niya ay humawak sa coat ko. Lumuhod ako sa harap niya ng naka kunot ang noo.

"T-Tulungan m-mo si nanay p-please?" tanong niya habang nakatulala pa rin.

"W-What happened? Asan siya?" tanong ko habang hinahawakan siya sa balikat.

"N-Nabangga s-siya ng s-sasakyan. A-Andun s-siya..." saad niya at tinuro yung bed 24. Hinawakan ko siya sa kamay at sinamahan sa bed 24. Nagulat ako nung makita ko yung pasyente na walang malay at dumudugo yung noo, may nakatusok ding bakal sa kanyang hita. Ni isang nurse ay walang umaasikaso?!

"Nurse!!" tawag ko sa nurse na kumakausap sa isang pasyente.

"Y-Yes Doc?"

"Walang umaasikaso dito?! What the hell are you all doing?! Get me some medicines at mga gamit!! Bilis!!" galit na saad ko.

"Y-Yes Doc!!"

Nagmamadali silang magtulungan sa pagkuha ng mga gamit at tinulungan din akong umasikaso sa pasyenteng iyon. My goodness! Anong bang nangyayari sa mga dooctors at nurses na naka assign ngayon sa ER?!

Pagkatapos kong asikasuhin at gamutin yung pasyente ay hinarap ko naman yung anak niyang nakatulala pa rin.

*Sighs*

"Boy, your mom is fine now." saad ko at hinawakan siya sa balikat.

"B-Ba't di pa po s-siya gising? Ba't d-di pa po gising yung n-nanay ko?" nakatulalang tanong niya.

"She needs rest okay? Magigising din siya. Btw, sinong naghatid sa kanya dito?" tanong ko sa kanya.

"L-Lalaki po. D-Di ko po kilala p-pero mabait siya dahil tinulungan n-niya si nanay ko." saad nung bata at unti unting umiyak...Pinatahan ko muna siya at inabutan ng tubig.

"May malapit bang kilala yung nanay niyo na pwedeng tawagan?" tanong ko sakanya.

"M-Meron po pero wala po a-akong number n-nila." umiiyak na sagot niya.

"Okay, hintayin nalang natin na magising si nanay mo ah?" nakangiting tanong ko.

"K-Kelan po s-si nanay ma-magigising?"

"Di pa natin alam pero magigising din siya okay?"

"S-Sige po."

Sinamahan ko na siya sa kwarto kung saan pinasok namin yung nanay niya. Umiyak siya ng malakas nung makita yung nanay niya. Napatakbo naman siya dun at tinignan ng mabuti yung nanay niya.

"Nanay gising na po." umiiyak na saad niya.

"Boy, pahingahin mo muna siya okay? Gigising din siya." saad nung isang nurse na tumutulong sa pag ayos nung IV ng pasyente.

"Sigurado po ba?"

"Mmm." pinanood ko lang sila at napatingin naman ako sa bulsa ng coat ko nung biglang mag ring iyon.

"Hello?"

[Dr. Del Luca, pwede po ba muna kitang maabala?]

"For what?"

[Emergency po. Operation. Dr. Millendres is not yet here at kailangan na po naming magsimula.]

Halata sa boses niyang nanginginig siya at kinakabahan dahil sa sitwasyon nila ngayon.

"Calm down nurse Min. Natawagan niyo na ba siya?" I asked her.

[Yes doc, pero di siya sumasagot.]

"Okay, wait for me magbibihis lang ako."

[Really doc?! Thank you!]

"No problem." binabaan ko na siya agad ng phone at nagpalit ng damit. Tumakbo na ako sa operating room kung nasaan sila at nakita ko naman silang nagsisimula na sa mga preparations. Pumasok na ako at naghugas bago tumuloy sa loob.

After washing pumasok na ako at tinulungan naman nila akong magsuot ng mga protections.

"Anesthesiologist, done preparing the anesthesia?" I asked.

"Yes doc."

"Good."

Kinausap ko din yung ibang mga nurses at doctors na kasama ko dahil halatang kinakabahan sila. After ko silang kausapin ay kumalma naman sila kaya nakapag simula na agad kami. We're all focused sa mga ginagawa namin inside this operating room.

Matapos ang isang oras ay successful naman yung operation at maingat na nilang inilipat yung pasyente.

"Good work Dr. Del Luca." saad ni nurse Min nung makalabas na ako.

"Good job nurse Min." umalis na agad ako dun at bumalik na sa office ko.

Hinilot hilot ko yung balikat ko dahil sa pagod. Mula 10 pm hanggang 9 am lang yung duty ko pero napahaba ata. Tinignan ko yung relo ko at nakita 11 am na. Lagpas na nga sa time ng duty ko. Nagbihis na ako ng damit para mag off duty na at umuwi na.

Pagkadating ko ng bahay ay sumalubong naman sakin yung mabangong luto ni yaya Del.

"Sir, andito ka na pala. Nagluto po ako ng lunch nagluto din ako kanina para sa breakfast mo pero na late ata uwi niyo sir." saad niya habang inilalapag yung mga pagkain sa dining table.

"Yeah, madaming pasyente eh." saad ko at nilagay sa couch yung mga gamit ko.

"Kain na po kayo. Ihahanda ko na po yung ipapaligo niyo sir." saad niya at umakyat na papuntang kwarto ko.

Mag isa akong kumain at hindi ko pinadami yung kinain ko dahil matutulog din naman agad ako. Si Zech siguradong meron na namang klase yun. Napapansin ko ding nag mamature na yung pag iisip niya ngayon. Mabuti na yun kesa sa maging spoiled brat pa din siya.

Umakyat na ako at dumeretso sa bathroom ng kwarto ko. Nakababa na din si yaya Del para maglinis kasama nung ibang mga maids. Maganda yung temperature ng tubig at halatang nilagyan din ni yaya Del ng mint na scent yung bath ko ngayon para naman ma relax ko yung sarili ko habang naliligo.

Hinubad ko na yung damit ko at bumabad sa tubig. Pinikit ko yung mata ko dahil antok na antok na talaga ako. Agad kong tinapos yung pag ligo ko at sinuot yung bath robe ko. Di na ako nag abalang mag bihis at sinalampak yung katawan ko sa malambot na kama ko at natulog.

XHION'S POV :

Nakikinig lang ako sa lecturer na nasa harap ko habang nagtuturo siya. Maya maya pa ay natapos din yung klase niya at vacant class naman namin ngayon dahil absent yung lecturer namin.

"Vice pres." tawag sakin ni Niki.

"Oh?"

"Sungit mo naman! Magpapaturo sana kami sa drafting." saad niya.

"Sinong kasama mo?" tanong ko.

"Kaming lahat." saad niya at nakaturo sa mga classmate namin.

Nakita ko naman silang lahat na nakatingin sakin at hinihintay yung sagot ko. No choice, wala dito si Camille eh, wala din yung lec namin. Siya pa naman president namin at student council member din naman siya. Tumayo na ako at dinala yung tools ko sa harap. Tahimik silang lahat at halatang handa ng makinig sakin.

Wala akong nagawa kundi ang magturo at sila naman ay nakikinig nalang sakin. Turo lang ako ng turo at napansin kong andyan na pala si Camille at nakatayo sa labas ng room namin.

"Ambait naman ng vice pres namin! Himala di ka masungit ngayon!" saad niya.

"Kanina ka pa diyan?" tanong ko.

"Oo, di mo man lang ako napansin kasi busy ka sa pagtuturo. Grabe feel na feel mong maging lecturer ah!" pang aasar niya pa.

"Tsk. Manahimik ka nalang diyan."

"Eto na naman! Ang sungit mo grabe!"

"Ewan ko sayo."

"Tse! Pareho lang kayo ng kuya mo!"

"Oh? Ano naman yung pagkakapareho namin?"

"Masungit kayo pareho!" saad niya.

"Asan pala siya?" tanong ko sa kanya.

"Nasa office, tinatapos yung mga kailangang gawin namin. Pagod pa yun!"

"Tss. Masungit yun pag pagod." saad ko.

Tinignan ko lang yung mga classmates ko na nagsisimulang mag draft. Nag libot naman ako at tinignan yung mga gawa nila. Himala nakuha agad nila yung mga tinuro ko.

"Hoy! Ikaw muna bahala sa kanila babalik na ako." mataray na saad ni Camille.

"Oo, wag ka na agad bumalik dito! Naiinis ako sayo."

"Tse! Masungit ka kahit kailan! Kailan ka pa magiging mabait?!"

"Pag tumahimik yang bunganga mo."

"Alis nako!" saad niya at umalis na.

Bumalik na ako sa harap at umupo sa teachers desk. Bored na bored na ako dito, wala naman akong magawa kundi bantayan sila.

"Yan! Tapos na agad ako! Grabe ba't parang ang dali lang intindihan mg mga tinuturo mo Xhion?!" manghang tanong ni Mark habang nakatingin sa ginawa niya.

"Oo nga, grabe ang galing ko dito!"

"Mas malinis pa si Xhion magturo sa lec natin!"

"Eh, baguhan pa yung lec na yun kaya mukhang kinakabahan pa satin."

Di ko na sila pinakinggan at tumingin sa labas ng bintana. Kitang kita ko dito yung Main building at kita ko mula dito yung student council office. Nakita kong may tumatakbong student papunta dun kaya tumayo ako at lumapit sa bintana. Maya maya pa ay nakita kong mabilis na lumabas si Luhan mula sa office nila at patakbong sinundan yung student.

Haysstt. Kahit kailan talagaa! Parati nalang nilang binibigyan ng problema yung mga president nila. Mabuti nalang talaga at hindi ganun yung class namin. Lumingon ako nung maramdaman kong may nag bukas ng pintuan. Nakita ko yung tatlong unggoy na kaklase ko na natigilan nung maramdaman nilang nakatingin ako sa kanila.

"Haysstt. Kakaisip ko lang na mabait yung mga students sa class na 'to eh. Di ba kayo makatiis na maupo sa upuan niyo? Gusto niyo bang siguraduhin kong hindi na muna kayo makatayo at umupo nalang muna sa wheelchair??" seryosong nakatingin lang ako sa nakatalikod na mga unggoy na yun.

"S-Sorry vice pres."

"S-Sorna po."

"M-Mag c-cr lang po sana kami."

"Kahit kailan talaga di kayo marunong mag dahilan. Tsk tsk tsk. Galingan niyo naman yung mga dahilan niyo para di kayo mahalata." saad ko..."Babalik kayo sa mga upuan niyo o gusto niyong ako pa maghatid sa inyo sa upuan niyo?"

"B-Babalik na po!!" saad nilang tatlo at bumalik sa mga upuan nila. Nagbungisngisan naman yung iba naming mga classmates.

"Galingan niyo kasing tumakas sa susunod nahuhuli tuloy kayo." sarkastiko kong saad.

"HAHAHAHAH" tawa ng mga classmates namin pero na natili lang akong seryoso at napansin naman nila iyon kaya agad silang natahimik.

"Tss. Matuto kayong maghintay sa bell para malaman niyo na pwede na kayong makalabas." saad ko at umupo sa table na nasa harap.

Nagpatuloy lang yung iba sa pag gawa ng mga drafts nila at yung iba naman ay nililiis yung sa kanila. Pagkalipas ng 30 mins ay nag bell na at lunch time na namin.

"Xhion! Sama na tayong mag lunch?" nakangiting tanong ni Alexa sakin.

"Okay." wala sa modong sabi ko.

"Wala ka na naman sa modo mo? Haysstt! Nakakasama pa ba ni Azz sina Yssa at Apro?" tanong niya.

"Wala dito si Azz."

"Ahh oo nga pala, umuwi agad siya sa Canada? Akala ko dito siya mag aaral this year? Nabanggit kasi sakin ni Yssa yun." nakababatang kapatid niya si Yssa.

"Ewan ko kung bakit siya umuwi agad."

"Sad naman nun. Sabi ni Yssa sakin ni hindi nila macontact si Azz kasi busy din sila sa pagiging part ng ASA ng school natin."

"Part pala sila ng ASA?"

"Oo,mga amateurs sila at bongga dahil mas magaling pa sila sa mga seniors nila sa ASA." nakangiting saad niya.

"That's good to hear." ngumiti ako sa kanya. Sa totoo lang kababata ko 'tong si Alexa kaya ganito kami ka close. Siya lang nga yung babaeng bestfriend ko dito at wala na talagang iba.

"Ayan! Bumabalik na yung mood niya!!" masayang sambit niya at nagpatalon talon pang ngumiti.

"Hahaha. Apaka cute mo." saad ko at pinisil siya sa pisngi niya.

"Matagal na." nakangusong saad niya at nanliliit yung mga mata niya.

"Wag kang ngumuso sa harap ng mga lalaki." seryosong saad ko kaya napatingin naman siya sakin na nagtataka.

"Bakit?" takang tanong niya.

"Wala. Basta wag kang ngunguso kahit kaninong mga lalaki okay?" tanong ko sakanya.

"Okiee po!!" saad niya at nagpatuloy naman kami sa paglalakad.

Nakadating kami sa canteen ng college of engineering department and as usual sigawan dito sigawan doon kapag dadating ako o yung mga sikat na students dito.

"Iba talaga pag sikat." bulong ni Alexa.

"Sikat ka din naman ah? Ikaw kaya reigning Face of the year namin." panunukso ko. Siya din naman talaga yung pinakamagandang babae sa college of engineering department namin.

"Tss. Binobola mo naman ako." saad niya.

"Di ah! Totoo yun."

"Sus! Ikaw paniniwalaan ko? Luh asa ka!" mataray na saad niya at iniwan ako.

Natatawa akong sinundan siya sa linya. Sabay kaming nag order at magkasama din kami sa iisang table.

Tawa lang kami ng tawa at nag uusap habang kumakain. Maya maya pa ay nagsigawan naman sila at abot ko ng si Luhan yun. Nakita ko siyang seryoso at papalapit samin.

"Oh? Napadpad ka ata dito?" tanong ni Alexa sa kanya.

"Tss. Mas malapit kasi canteen niyo sa office namin kesa sa canteen ng doctors department." saad niya at umupo.

"Stress ka niyan?" tanong ko sa kanya.

"Oo, andaming oroblema ng class namin at madami pang gawain sa student council."

"Ano gusto mo? Ako na mag oorder" saad ko at tumayo.

"Bilhan mo lang ako ng pocari sweat na tubig at isang sandwich." saad niya.

"Ayaw mo mag rice?" tanong ko.

"Di. Okay na ako sa sandwich." saad niya kaya umalis na ako at inorder yung gusto niya. Talagang alam na alam ng canteen na gusto ni Luhan ng personalised na sandwich. Mas bongga at masarap yung sa kanya kesa sa mga sandwiches na tinitinda sa mga canteens dito sa university namin.

"Eto na po sir." inabot sakin ng cashier yung order ko at yung card ko.

"Thanks." sabi ko at bumalik na sa table namin. Halatang nagkwekwentuhan sila ni Alexa pero na natiling seryoso si Luhan.

"Oh eto na." abot ko sakanya at agad naman siyang tumayo.."Aalis ka na agad?" takang tanong ko sakanya.

"Oo." seryosong sagot niya at umalis na.

"Napaka sungit! Isang tanong isang sagot lang yung ginawa namin!" reklamo ni Alexa.

"Ano pang aasahan mo dun?" natatawang sabi ko.

"Di ba uso sa vocabulary niya na ngumiti at makisama sa mga nakakasalamuha niya?" she mumbled.

"Yaan mo na yun, stressed kasi at halata namnag pagod pa." sabi ko.

"Akyat na tayo? May gagawin pa kasi ako." yaya niya.

"Sige. Hatid na kita."

"Wag na. Dumeretso ka na sa classroom niyo baka may tumakas namang classmate niyo." saad niya.

"Tss. Sige na nga." saad ko. Nakasama niya ako hanggang sa floor niya lang. Magkaiba kasi kami ng floor.

Bumalik na ako sa classroom at nakita silang lahat na natahimik nung pumasok ako. Napansin kong wala sa upuan nila yung tatlong unggoy na yun. Naghintay ako hanggang sa mag bell na pero di pa din sila bumabalik. Dinial ko yung number nung isa sa kanila at agad niya naman itong sinagot.

[V-Vice pres. Ba't napatawag ka?]

"Asan kayo?"

[N-Nasa classroom po, ba't mo natanong?]

"Panong di kita makita dito eh nasa iisang classroom lang tayo."

[A-Ah baka maling classroom po napasukan niyo.]

"Ako pa talaga yung magkakamali?"

[Ah hehehe]

"Asan kayo? Gusto niyong ako pa susundo sa inyo?"

[D-Di po, papunta na po kami diyan.]

"Siguraduhin mo lang na 20 seconds andito na kayo. 20."

[V-Vice pres naman!]

"19!"

"E-Eto na po kami!" hinihingal na saad ng kadadating lang ni Theo.

"Ba't ngayon lang kayo?" tanong ko sa kanila.

"M-May pinuntahan lang po." saad ni Jayluis.

"Saan nga?"

"S-Sa architecture department po." ani Ezekiel.

"Anong ginagawa niyo dun eh andito namna department niyo?" tanong ko sa kanila.

"P-Pinuntahan po namin yung k-apatid ni Theo." sabi ni Jayluis.

"Talaga? Sa tagal ko na kayong kilala ba't di ko alam na may kapatid pala si Theo?" sarkastiko kong tanong.

"H-Ha?? A-Ano po ibig niyong sabihin?" tanong ni Ezekiel.

"Bobo ba kayo? Walang kapatid si Theo." saad ko. Nakita ko namang napakamot sa ulo si Theo at halatang tapado na.

"A-Ayt, wala pala siyang kapatid hehe." saad ni Jayluis.

"Sinabi ko na sainyo na galingan niyong mag dahilan diba?? Palpak pa ulit kayo. Bumalik na kayo dun." saad ko habang nakaturo sa upuan nila.

"Y-Yes po."

Haynakoo. Mga 2ndyear college na nga pero pang elementary naman yung utak.

ZECHARIA'S POV :

I am here at my school. Gazeldran University. Bored na bored na ako at gusto ko na talagang dismissal time na. Nagbabasa ako ngayon ng libro sa desk ko.

"Zech!" tawag sakin nung kaklase ko.

"What is it?" masungit na saad ko.

"Ang sungit mo! May pinadala yung ate mo!" nagliwanag agad yung mga mata ko at nilingon siya. Agad akong lumapit nung makita kong may dala siyang maliit na box.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Buksan mo para malaman mo." saad niya at pumasok na ng room. Pumasok na din ako at bumalik  sa desk ko.

Binuksan ko yung pinadala ni ate at nakita yung laman. Isang softdrink, mcburger na chicken at isang rice na may dalawang pcs na kfc chicken joy! Tuwang tuwa akong sinara muna yung box at nilagay sa tabi ng desk ko dahil yan nalang kakainin ko sa lunch. Hindi ko mcburger ay ngayon si mom at dad sa lunch kasi nasa business trip sila sa Palawan.

Masaya akong nakinig sa mga klase namin at excited na ako sa lunch time! Maya maya pa ay inabutan na kami ng lunch time kaya nauna na akong lumabas ng room at tumakbo papuntang field. Pumwesto ako sa table na palagi kong pwesto dahil dun sariwa yung hangin at di masyadong mainit.

"Hoy Zech!" tawag ni Deollen sakin.

"Oh?" takang tanong ko habang nakahawak sa box.

"Ba't di moko hinintay?! Ambilis mong tumakbo!" inis na saad niya habang papalapit sakin.

"Eh sorna agad! Excited kasi ako!"

"Sus! Ganun mo ba talaga kamahal ate mo at kahit lunch lang na mula sa kanya ganyan ka na kasaya?!" tanong niya at inilapag yung mga gamit niya.

"Oo eh hehehehe." saad ko at binuksan na yung box. Actually hindi lang siya box pero lunch box siya na malaki.

"Tss. Kain na tayo. Share naman diyan!" saad niya at tinignan yung laman nung box pero nilayo ko ito sa kanya.

"Bawal. Akin lang 'to eh!" saad ko.

"Damot mo! Sumbong kita kay ate Azz!" saad niya.

"Oh eto na!" saad ko at hinarap sa kanya yung box baka isumbong pa ako kay ate. Kinuha niya yung isang kfc chicken.

"Hehehehe tenchuuuu!!" naiinis ko siyang tinitigan.

Kumain na kaming dalawa at nag uusap din naman pag minsan. Bestfriend kami pero di kami magka vibes.

Natapos na kami sa pagkain at bumalik na din agad sa room dahil baka malate kami at mapagalitan pa.

BRIX'S POV :

Hi!! Unang pov ko 'to heheheh. Andito ako ngayon sa Royal high sa Britain at naglalakad na parang kagalang galang na hari. I was walking outside because I have somthing to do next.

"Hi master." my assistant greeted.

"What is my next schedule?" I asked him.

"You'll have to go to Geronimo palace." he said.

"Okay." I am just an ordinary student with a high position. This day binibisita ko yung mga palace ng mga royalties sa Britain dahil sabi ni President I have to choose one royal princess na papakasalan ko sa ayaw at sa gusto ko.

Napabuntong hininga ako habang maayos na sumakay sa sasakyan namin. Wala akong imik at tumitingin lang sa dinadaanan namin. Dumating agad kami sa Geronimo palace at pinagbuksan naman ako ng pinto ng assistant ko.

"We're here master."

Pumasok na kami at nagsiyukuan naman yung mga palace guards nila. Call us weird pero dito sa bansa na 'to yung mga matataas ranks na clans dito sa bansang Britain ay tinatawag naming royalties pero hindi sila yung tunay na royal family. Iisa lang yung royal family dito sa Britain.

"Good morning prince Bricst Ghizzy of Regans." bati nung assistant siguro ng clan leader nila.

"Good morning." saad ko at ginawa yung royal bow.

"You're still handsome and a very gentle man prince Bricst!" napalingon ako kay Master Geronimo.

"Good morning master Geronimo." bati ko sa kanya na walang pinapakitang emosyon. I'm not being disrespectful I'm just expressing the expression that I have inside and out.

"You're so serious! Mind if you smile a little forr mee?!" maarteng saad niya. Ngumiti ako ng pilit sa kanya..."Oh~ So handsome! Let's go so you can see princess Alira." saad niya at hinawakan ako sa braso.

Their clan's mansion is big and their design is so detailed na unang tingin mo pa lang ay mapapahanga ka na. Pumunta kami sa garden nila at nakita ko ang isang dalaga sa may kagandahan din naman at naka dress.

"Princess Alira. Prince Bricst just arrived." saad nung assistant ng clan master nila kaya nagulat siya at agad na napatayo at nag bow sakin.

"I-It's great to see you here prince Bricst."

"It's grest to see you too princess Alira." seryosong saad ko at nag bow din sa

kanya.

"Look at you! Both of you looks great together!" tss. Just say that all you want is great power and big sum of money.

"A-Ah, grandfather! It's not nice to say that in front of---" I stopped her.

"It's okay. I don't want to see you argue about that in front of me." I said seriously.

"I---We're sorry prince." Alira apologized and bowed.

"It's okay. Please use the proper etiquette in front of the prince. It's not right to argue in front of a royalty incase you want to be a disgrace from your clan." my assistant said while still standing behind me.

"I---"

"I didn't like the way you greet me. I just came and you already started to talk carelessly." I sighed and look at them directly.

"I thought Geronimo palace will be the best of all but I was wrong. I'm sorry but I have to go." I said and walked away.

I grinned when I saw their highest royal guards stood in front of me. They planned this all along huh?

"You know prince Bricst. I just wanted you to choose my grand daughter but you didn't. So what if I just let my royal guards handle you?" he asked with his annoying british accent.

"Then how did I become a Regan if I didn't knew your plan all along from the start?" I sarcastically asked and looked at him fiercely.

Wala pang isang minuto ay tumba na lahat ng mga royal guards nila na naka palibot samin. I knew they would do this trick just to hold me down but I also prepared a good surprise for them.

"Y-You!!"

"Who Master Geronimo?? You think I am that dumb not to know your stupid trick? So sad, I already knew it. Thanks for inviting me here." I said and turned my back at them.

"My royal guards!!" he's crazy but he doesn't know it.

Once again I'm Bricst Ghizzy of Regans.

I am not a stupid person.

I can't kill but I can torture you.

TYRONNE'S POV :

First pov I think?? Hi. Papunta ako ngayon sa student council office dahil kailangan ko silang kausapin about sa ASA.

Pagkarating ko sa harap ng student council ofiice ay agad naman akong kumatok. Sakto namang si Luhan yung bumukas kaya pinapasok agad ako.

"Oh? Napadpad ka ata dito Ronn?" tanong ni Mizu. He's my classmate.

"Andito ako para kausapin kayo at tanongin yung opinion niyo about our upcoming school news paper." saad ko at pinakita yung ginawa ngaming sample.

"Ano ba yung main topic na ilalagay niyo dito?" tanong ni Miyu habang tinitignan yung mga design ng pages. Wala pang laman ito dahil di pa namin nakukuha yung opinion ng student council members.

"Bullying." tinignan niya naman yung cover at dun naman nakalagay yung university name at yung sa first page naman ay yung main topic namin.

"Oh, king of interesting topic. Maganda naman yung designs at nakakatakaw attention yung design niyo sa news paper." saad ni Trisha.

"Yup. But mas bet ko yung design niyo sa main topic this 1st sem. Halatang sobra yung effort ng layout artists niyo." saad ni Camille.

"Oo nga. Grabe yung ganda. No offense ha, pero mas maganda yung content and designs niyo kesa sa dating ASA members." saad ni Vince.

"Ang galing naman ng pag handle nito." saad ni Mizu habang nakatingin sa sample.

"Sino yung nagplano sa designs at contents niyo?" tanong ni Miles.

"Ako." maikling saad ko at tumngin sa kanila.

"Waaaawww!!"

"Dapat pala noon ka pa namin piniling maging ASA president." natutuwang sabi ni Miyu

"Nagkataon lang naman na maisipan ko yan." saad ko.

"Pero infairness bongga 'to!" saad ni Camille.

"Kung maganda 'to siguraduhin mong mas maganda yung sa susunod." pagjoke ni Miles.

"Galing mo mag joke Miles!" natatawang saad ni Vince pero seryoso lang siyang tinignan ni Miles.

"Di ako nag jojoke." saad niya kaya nanlalaki yung mga mata namin ni Vince na tumingin sa kanya.

"S-Seryoso ba yan?" gulat na tanong ko.

"Joke lang hehehehe."nakahinga naman kan n Vince ng maluwag.

"Hoy Vince anong inaarte mo diyan? Ikaw ba yung gagawa ha?!" sarkastikong tanong ni Trisha kaya natawa kami.

"This is good." nagulat naman silang napatingin kay Luhan.

"S-Si Luhan ba yan?" Vince.

"Grabe, sarap sa ears basta pinupuri ka ni Luhan!!" Trisha.

"Hindi naman ikaw yung pinuri!" Camille.

"Hahahahahah" tawanan namin.

Akala ko napaka strikto nila at mahirap kausapin, kinabahan pa naman ako sa sinabi ni Hlyx at Jyro.

AUTHOR'S NOTE :

Yan!! Pinagbigyan ko na kayong mabasa yung pov ng mga poging characters natin na minsan lang makapag pov. Lubusin niyo na sa pagbasa dahil madamot akong author. De joke lang hehehehehe (takot mawalan ng readers). Bibigyan ko din sila ng mga pov sa susunod na chapters kaya see you soon!!

!! I'm telling you now...My story contains fictional characters and this story is all a fiction...All of the places, events and other things in this story does not exist !!

Thank y'all for reading!! I feel sad everytime I write another chapter dahil nawawala unti unti yung readers ko...Mga Vendettes magsigising naman kayo and cheer me up😭

Chineer up na ako ng mag kakapatid na Del Luca. Yung iba sweet yung iba hindi - 3 -.

Trev : Cheer up Author!!

Xhion : Chair up alien!

(Ikaw lang yung alien, wag mokong idamay.)

Luhan : You can do it Author.

Zech : I don't care about you...Give me some happy scenes with my ate.

(Tch. Sungit ng batang 'to.)

Azz : Cheer up Author!! Luv ya!