HUVANN'S POV :
Nagsiuwian na kami at hindi ko naman maihatid si Azz kasi meron siyang sasakyan. Pinauna ko na muna silang umalis bago umwi.
Umuwi na ako at nadatnan ko naman si Ate na nasa sala at nanonood ng movie. Binaewala ko nalang siya at umakyat sa kwarto ko para maligo at magbihis. Pagkatapos nun ay bumaba na ako.
"Sa'n ka galing Gab?" tanong ni Ate.
"Binisita namin si Chrys kanina." saad ko at umupo sa tabi niya.
"How is he now?" she asked.
"He seems fine naman. Kailangan niya nalang makarecover agad." kinuha ko yung tinidor niya at kumain ng cake mula sa plato niya. Nagulat ako nung bigla niyang tapikin yung kamay ko nung akmang kukuha ulit ako.. "Oh??"
"Kumuha ka ng sayo." saad niya at nilayo yung plato niya.
"Tss. Asan pala yung kambal?" tanong ko sa kanya. Tumayo ako at kumuha ng cake mula sa ref.
"Dinala nila mom at dad bumisita sa Palawan."
"Tayo lang pala ulit dito? Eh asan sina teh Joy?" tanong ko.
"Pinauwi ko muna, wala naman yung kambal dito kaya wala siyang babantayan at mas mababantayan niya yung mga anak niya."
"Ahh, okay." saad ko at nanood nalang ulit. Di ko alam yung title ng movie pero maganda kaya naaliw din ako kakapanood. Kinuha ko yung phone ko para tignan kung anong oras na. Nakita kong nag message sakin si Azz.
*Message from Azz*
- Nakauwi na kami. Matulog ka na agad pagdating mo sa bahay niyo dahil alam kong pagod ka.
*Compose message to Azz*
- Ikaw din matulog ka na din ng maaga dahil siguradong mapapagod ka bukas. Good night : )
*Message from Azz*
- ♪───O(≧∇≦)O────♪ Good night dinnn~
Natawa nalang ako ng mahina kaya napansin ako ni ate na ngiting ngiti sa phone ko. Nilapit niya yung ulo niya para tignan kung sino yung pero nilayo ko naman yung phone ko at pinatay para manood ng movie.
"Hayss. Itong kapatid ko may tinatago naaa. Sino yan?" tanong niya.
"Si Hlyx." saad ko.
"Si Hlyx pero mukhang kinikilig ka?"
"Si Hlyx nga. Nagjojoke siya kaya natatawa ako."
"Pero nag blush ka? Ano yan? Bl??" tanong ni ate.
"H-Hindi noh!" saad ko at ininom yung juice.
"Anong hindi?? Nako nako! Pag nalaman kong bakla ka puputulin ko yang ano mo!"
"Yung ano?!" gulat na tanong ko sa kanya.
"Wala sabi ko pag nalaman kong bakla ka tapado ka talaga sakin!" saad niya.
"Tss. Sinabi na ngang wala yun eh! Ba't naman naabot sa bakla ako?!" tanong ko sakanya.
"May pablush blush ka pa diyan eh! Tas sabi mo si Hlyx lang!" nakangiwing saad niya.
"Tch. Ewan ko sayo! Tulog na ako!" saad ko at tumayo na.
"Sige. Sleep well!" saad niya.
"Matulog ka na din! Kaya ka pumapangit eh ang hilig mong magpuyat!" saad ko.
"Sinong pangit?! Ang ganda ko kaya!"
"Manahimik ka nalang dahil tulog na yung mga kapit bahay!" saad ko.
"Sus! Kahit anong ingay ko eh ang layo naman ng mga kapit bahay satin!" saad niya.
"Edi manahimik ka nalang dahil matutulog na ako." saad ko at pumasok na ng kwarto ko. Tinignan ko ulit yung message ni Azz bago ako matulog. Napangiti naman ako at kinilig.
Mahimbing akong natulog kasi good mood ako.
K I N A B U K A S A N.
AZEINA'S POV :
Magandang umaga Thursday!!! Bumangon na ako at naligo. Hindi ako naguniform dahil whole day yung practice namin sa dt. Nagsuot lang ako ng sweatpants, sports bra at oversized t-shirt. Nagbaon din ako ng extra sweatpants at iba pang susuotin ko. Pagkatapos kong maghanda ay bumaba na ako at may naaamoy na akong ulam. Sino naman kaya yung nagluto?
"Good morning Azz!" bati nila sakin.
"Good morning pipol!" bati ko naman sa kanila.
May nakita akong kfc na chicken bucket at beaf steak naman mula sa mcdo. Sino kaya yung maagang nagising para magorder nito??
"Sino nag order?" tanong ko.
"Di ba ikaw?" tanong ni Hlyx sakin.
"Anong ako? Kakababa ko lang nga." saad ko.
"May nagdeliver niyan dito sinabing nabayaran na daw." saad ni Jyro.
"Sure kayong di niyo alam kung sino nag order nito?" kinakabahang tanong ko.
"Oo, nagulat nga din kami nung may nagdoorbell." si Xhion.
"We really thought na ikaw yun." si Ronn.
"Di ako yun eh."
"Then wag na nating kanin 'to baka may lason."
"Baka merong multo na ginamit yung phone natin."
"Merong multo dito eh. Nararamdaman ko."
"Totoo ba??" gulat na tanong ni Hlyx
"Oo, kanina pa siya nakatingin."
"Hala! Kinikilabutan ako!"
"Gagi, wag kayong ganyan. Kinakabahan ako." saad ko dahil parang may nagaganap na horror dahil sa mga expressions nila.
"De joke lang! HAHAHAHAHA" saad ni Hlyx at tumawa ng pagkalakas lakas.
"Puchaa naman oh! Kinabahan ako dun!" saad ko.
"HAHAHAHA Si Luhan nag padeliver niyan." saad ni Xhion.
"Pinakaba niyo ko mga siraulo kayo!"
"Sorry na agad HAHAHAHA."
"Tss. Ewan ko sa inyo."
Nagsimula na kaming kumain at daldal naman ng daldal si Hlyx at Jyro as always naman. Daily routine na namin ito kaya nasasanay na din ako. Pagkataps namin ay nagligpin na kami at nilinis yung mga kalat namin. At yun nga nagsisakayan na kami ng mga sasakyan namin, I mean sila lang pala dahil magmomotor ako ngayon.
"Let's go!" saad ko kaya sabay naming pinaharurot yung mga sasakyan at motor namin.
Agad naman kaming nakarating kaya pinark ko na yung motor ko sa kung saan pinapark yung mga motor. Mula dito ay sinenyasan ko na silang mauuna na ako. Tumango lang sila kaya umalis na ako at dumeretso sa cafeteria. Sakto namang bukas na yung milktea shop kaya bumili ako ng milktea bago pumunta sa studio. Ang aga aga ko pa. It's 5 am at ako pa lang siguro yung nandito kaya dumaan ako sa milktea shop at bumili ng fries na malaki. Maaga din silang pumasok nina Xhion dahil may basketball practice sila.
Mabuti nalang at may spare key ako sa studio kaya nakapasok agad ako. As what I have thought, ako pa lang yung tao dito. Nilapag ko muna yung mga gamit ko sa couch ng studio at umupo dun para inumin ako kainin yung milktea at fries na binili ko.
Hindi ko maubos yung fries kaya sineal ko muna ito at kinonect yung phone ko sa speakers. Sayaw lang ako ng sayaw sa mga hop musics na nasa playlists ko hanggang sa maabutan ako nila Zhi at Mindy.
"Ang aga mo naman! Anong oras ka dumating dito?" Mindi asked.
"5 am." saad ko at uminom ng tubig.
"Ang early naman! Sabi ko sa'yo 7 am yung call time natin." saad niya.
"Sumabay kasi ako kila Xhion kaya napaaga ako." saad ko. Nakita ko si Zhi na nakaupo sa couch at nakatingin sa cp niya habang inuupakan na yung natira kong fries. Napansin niya atang nakatingin kami ni Mindy kaya tumingin din siya samin at ngumiti.
"Hehe, gonna finish this." ngiting ngiti niya saad at nagpatuloy sa pagkain.
"Grabe talaga kung kumain 'to! Pasalamat siya di siya tumataba." saad ni Mindy.
"Don't talk like I can't hear you." nakangusong saad ni Zhi.
"Sinadya ko ngang iparinig sa'yo diba?" mataray na saad ni Mindy.
"My girl is so mean." saad ni Zhi at ngumuso.
"Tss. Mag eLQ kayo tas sa harap ko pa. Tse!" saad ko at bumalik sa pagsayaw.
Sumabay din si Mindy samin at sakto namang enjoy na enjoy kami. Padami na din ng padami yung mga nagsisidatingan na members at yung iba sumasabay na din samin ni Mindy.
"Woohh!!" sigaw ni Mindy nung matapos na yung mga music sa playlist ko.
Pawis na pawis na din kami kakasayaw yung iba naman nag stretchng na para sisimulan na namin yung practice. Nagpahinga muna kami ni Mindy at hinintay yung iba na matapos sa stretching.
"Game na!!" sigaw ni Alynia.
"Wookeyyyy!!" saad ni Mindy at kinonect na yung phone niya dahil nasa kanya yung music.
Pumunta na kami si formations namin at nag go sign naman ako kay Mindy. Plinay niya na ang music at patakbong pumunta sa formation niya. Nagsimula na yung music at nagsimula na din kaming sumayaw.
"Pitik pa guys!" spaadp ni Mindy.."Yun! More energy pa para dama! Tak tak taktaktak! More pitik pa!"
Pagkatapos ng music ay hingal na hingal din kami dahil nakakapagod yung mga moves at steps ng sayaw namin.
"Good!! Pero di tayo nagsasabay minsan! We need more energy at pitik okay?!" saad ni Mindy.
"Yes!" sagot naming lahat.
"Okay! 5 mins break simula ulit tayo!"
Nag markings muna ako habang nakatingin sa salamin para makita ko yung mga galaw ko. Wala pang 5 mins ay nagsibalikan na sila sa formation nila.
"Ready na?!"
"Yes!"
Practice lang kami ng practice hanggang sa maabutan kami ng break time. Nagsipalitan na din kami ng mga t-shirt dahil basa na kami ng pawis.
"Good job guys! Sabay sabay na tayo pero we need someone to watch us para naman masabi kung ano yung mga mali natin." saad ni Mindy.
"Min, gusto mo tawagin ko si Prof. Almosa?" tanong ni Alyona.
"Pwede din, sama kayo ni Azz." saad ni Mindy kaya tumangon lang ako.
Umalis na kami ni Alyona at pumunta sa Faculty para tawagin si Prof peo wala siya dun kaya tinanong namin yung ibang lec at sabi nila nasa senior 2nd grade top A class kaya naman dun kami pumunta. Sakto namang papalabas na si Prof Almosa.
"Class dismissed." Prof. Almosa.
"Thank you sir." saad nilang lahat.
Hinintay naming makalabas si Prof at nilapitan.
"Oh, what are you doing here, aren't you supposed to be practicing?" he asked.
"Uhm, prof pwede bang tignan mo kami while practicing dahil di namin malaman kung ano yung mga mistakes na nagagawa namin." saad ni Alyona.
"Sure, ngayon ba?" he asked.
"After break time prof."
"Sure. Pupunta lang ako dun."
"Thank you prof." saad namin.
"Welcome."
Bumalik na agad kami at nakitang meron silang dalang isang box na hamburger.
"Sa'n galing yan?" tanong ko.
"Ah, pinadala ni Trev." saad niya.
"Hayss. Di talaga matiis nun na walang tinutulong sakin." bulong ko sa sarili ko.
"Kuha na kayo dito. Masyadong marami 'to kaya hanggang afternoon break pa ata aabot 'to." saad ni Al.
Galing sa mcdo yung mga burgers. Ang bango ng amoy kapag nakalapit ka sa box.
"Grabe ang yaman ng kuya mo Azz!" saad ni Blueth at umupo sa tabi ko.
"Oo nga eh. Kaya yumayaman kasi may mga pinapatakbo ding business." saad ko. And yup, they already have their businesses.
"Keri ng mga utak niyo yan? Eh nagaaral palang kayo eh." tanong ni Al.
"Ewan ko sa kanila. Mukha namang madali eh." saad ko.
"Mahirap kaya yun." saad ni Alynia.
"Ba't mo nasabi teh?" tanong ni Al.
"Eh meron ding business yung pinsan namin tas yung first time na ako muna yung nag manage parang di na agad kaya ng utak ko." saad ni Alynia.
"Satin lang mahirap yun. Sa kanila hindi." Al.
"Eh?? Mahirap din yung ginagawa ni Azz. Kasi meron siyang career madami din siyang movie projects tas nag aaral pa siya." Alyona.
"Oo nga! Pano mo yan na manage Azz?" tanong ni Mindy.
"Uhm, time management nalang siguro para hindi mahirap at 1 year naman yung leave ko ngayon." saad ko.
"Antagal nun! Siguradong mababaliw yang fans mo dahil sa tagal." natatawang saad ni Blueth.
"Haha di naman siguro."
Nagkwentuhan lang kami hanggang sa maabutan kami ni prof Almosa. Nagsitayuan kami at binati siya.
"Okay, since I am here now at mukhang kumpleto naman kayo. I will observe carefully sa mga galaw niyo." Prof. Almosa.
"Yes sir." kaming lahat.
"Good. Now go to your respected positions." saad ni Prof Almosa.
Nagsipuntahan na din kami sa posisyon namin at si Mindy naman ang nag play ng music. Tulad ng kanina ay patakbo siyang lumapit sa posisyon niya. Nagsimula na kaming sumayaw kasabay yung music at ngayon ay talagang malinis at halatang na polish na yung mga galaw namin. Napangiwi ako nung makita kong nahuli sa pitik si Nash at Gabi sa likuran pero di nila pinahalat iyon at nagpatuloy sa pagsabay samin. Napakagat labi naman si Blueth nung nagkamali siya sa bandang gtna ng music. Merong mga nagkakamali pero pinauuna nila yung pagiging professional nila sa pagsasayaw kaya hindi masyadong halata yung mga mali nila. They're good. Sa tingin ko nga ay mas magaling pa sila sa professionalism kesa sakin.
Patuloy lang kami sa pagsabay ng pagsasayaw hanggang sa matapos yung tugtog namin. Nanliliit yung mata ni Prof habang tahimik na nakatingin pa rin samin.
"Shhkk. Sa umpisa ng music ay akala kong napolish na talaga yung mga movements niyo. Pagkatapos ng part sa simula ay maganda naman yung flow niyo. Nung papunta naman sa gintang part ng music is nakita ko si Nash at Gabi na nahuli. Yung pitik niyo sa part na yun is maganda pero mahirap kunin dahil napaka bilis. I understand na nahihirapan kayo pero you still need to improve your agility para makahabol kayo sa part na yun. But still, you didn't show na nagkamali kayo kaya very good." tumigil muna si Prof at nilibot yung tingin samin..."Sa bandang gitna ng music nakita ko si Blueth at Rey, they both made a mess sa formation at steps pero nakahabol ulit sila at dun nila hindi pinahalata yung pagkakamali nila....."
Nagpatuloy lang si prof sa pag mention kung sino yung mga nagkakamali samin at nung matapos niyang mag mention ay tumayo siya at tumingin samin.
"Can we try countings muna para makita natin lahat."
"Yes sir."
"1...2... Tak tak, dun!" pangagaya ni Mindy sa beat.
"Stop! Dito sa part na 'to you need to move cleanly and faster okay?!"
Nagpatuloy lang kami sa pag countings hanggang sa matapos yung sayaw namin.
"Okay I think gets niyo na, right?" prof Almosa.
"Yes sir."
"Okay. We'll try with music."
Ganun pa rin yung ginawa ni Mindy at tumakbo sa posisyon niya. Nagsimula na kaming sumayaw at ngayon talagang malinis at sabay sabay na yung mga galaw namin. Napapangiti kami sa tuwing dumadating sa mabilis na pitik yung beat at sumasabay kaming lahat. Natapos yung music at napasigaw kaming lahat sa tuwa dahil walang nagkamali.
"Good!! Excellent guys!!" saad ni Prof Almosa.
"Yayy!!"
"Ang smooth nun."
"Oo nga!"
"I think ready na akong sumabak!"
"HAHAHAHAHA." nagtawanan kaming lahat dahil sa tuwa at sa mga jokes na pinagsasabi ng ibang mga members.
"Guys, you did well at sa tingin ko naman ay di niyo na kailangan ng magbabantay sa inyo right?" prof asked.
"Yes prof! Thank you." saad naming lahat.
Umalis na si prof at dun naman nagsimulang magsigawan sa tuwa yung mga members namin. Nagpahinga muna kami at talagang mukhang wala na silang balak mag practice hahahaha.
"Guys, papayagan ko kayong hindi magpractice ngayon pero mamayang hapon kailangan nating mag practice okay?"
"Yes po!!"
Wala kaming ginawa kundi mag sound trip at mag pahinga.
Inabutan kami ng lunch kaya lalabas na sana ako para mauna pero nakita kong nakaharang si Cliff sa pintuan ng studio.
"Hii!!" saad niya.
"Oh? Ginagawa mo dito?"
"Ito naman! Ang sungit ng bungad sakin!" nakangusong saad ni Cliff.
"Ano kasi kailangan mo?" tanong ko sakanya.
"Bawal bang bisitahin fiancé ko?" nakangiting parang unggoy na saad niya. Joke lang.
"Bawal."
"Eh?? Ba't bawal?" tanong niya sakin.
"Kasi ayaw kong makakita ng unggoy." saad ko.
"Lah! Ansama moooo!!!"
"Sayo lang!"
"Sige babye sumbong kita kay dadeh!!"
"Edi magsumbong ka! Tss."
"Waaaahhhh!!! Ba't ganto fiancé ko?!"
"Tch. Ka gwapong tao parang bakla naman." bulong ko.
"Hoy hoy! Anong binubulong mo diyan?!"
"Wala, sabi ko manghingi ka nalang ng kendi sa mommy mo!"
"Hmph!! Masama ka talaga ket kailan!" sigaw niya.
"Sabi kong sayo lang." saad ko habang pinipigilang matawa.
"Oh! Cliffton ba't andito ka?" tanong ni Nash.
"Nash! Ikaw na ba yan?!" tanong ni Cliff.
"Oo naman!!"
Nagtawanan silang dalawa kaya umalis muna ako sa labasan dahil lalabas na yung ibang mga members namin.
"Ba't ka napadpad dito?" tanong ni Nash.
"Binisita ko 'tong demonyitang 'to." saad niya habang nakaturo pa sakin.
"Ha! Ako pa talaga yung demonyita?!" singhal ko sa kanya.
"Oo!" nakangusong saad niya.
"Haha. Ano mo 'to Azz?" tanong ni Nash sakin.
"Kakilala." maikling saad ko.
"Anong kakilala? Fiance mo kaya ako!" Cliff.
"Tch. Sinong may sabing fiance kita ha? Si kupido ba?" sarkastikon saad ko.
"Fiance mo 'to Azz? Nako lagot na..." Nash.
"Oh? Ba't naman?" takang tanong ni Cliff sa kanya.
"Alam naman nating babaero ka eh! At isa pa may boyprend na yang tinatawag mong fiance." saad ni Nash.
"Ha?? Sino naman?"
"Si Gab. Lagot ka dun pag nagkataon." iiling iling na saad ni Nash.
"Hindi ko siya kilala kaya sorry siya!" nakangusong saad ni Cliff.
"Hayyyy.. Bahala ka pre, basta pag nakasalubong mo. Goodluck!" saad ni Nash at tinapik yung balikat ni Cliff bago umalis.
Umalis na din ako at iniwang nakanganga si Cliff dun. Sumunod din naman siya matapos niyang maka recover at mapansing wala na siyang kasama dun.
"Ba't di mo sinabing may boyfriend ka?" nakangusong tanong niya.
"Wala akong boyfriend, yun lang talaga yung tingin nila samin." saad ko.
"So.....Di mo siya boyfriend?"
"Oo pero gusto ko siya." saad ko kaya natahimik siya.
"Pano yun Azz....Next 2 months na yung engagement party natin?" tanong niya bigla.
"Ha?! Ba't di ko alam yun?" gulat na tanong ko.
"Eh?? Kala ko alam mo na?" tanong niya din sakin.
"Pero Azz...Alam mo ba may iba akong gusto." nakangusong saad ko.
"Eh ba't sinusundan mo pa ako?" ako.
"Gusto ko kasing humingi ng tulong sayo."
"Saan?"
"Tatakas kami. Di kasi boto si mom at dad sa amin."
"Siraulo ka ba? Baka palayasin kayo nyan at itakwil?" nag aalalang saad ko.
"Wala akong magawa eh. I'm already 19 and I'm turning 20 next 2 months pero di pa din ako makapagdesisyon para sa sarili ko. I'm always being under controll by them. I love her and she loves me too." yeah right he's in 2nd year college.
"Eh? Ba't di mo nalang siya ipaglaban sa harap nila?"
"I already did that at talagang grounded ako nung time na yun. And now may malaking k-kasalanan kaming nagawa..." saad niya habang napapkamot sa ulo niya.
"And what is that? Sa expression mo pa lang halatang malaking problema yan." saad ko habang nag aalalang tumingin sa kanya.
"Y-Yeah. She's.....S-She's p-pregnant a-at ako yung daddy." kinakabahang saad niya.
"Sheyttttt!! What did you do Cliff? Hindi pa kayo legal na pinapayagan sa pag date niyo at isa pa ayaw sa kanya ng parents mo Cliff. Pano kung ipa abort nila Tito at Tita yung baby??" nag aalalang saad ko. Nakita ko namang tumutulo na yung luha niya.
"The b-baby is not an accident Azz. P-Pinagplanuhan talaga n-namin yun dahil yun lang yung way para magkasama kami." umiiyak na saad niya.
"I know how you feel Cliff. Pati ako kinakabahan sa mangyayari sa inyo." saad ko habang nakaharap sa kanya.
"I-I am happy that I will b-be a dad Azz. But I'm scared dahil di ko alam ang mangyayari sakanya at sa baby namin." saad niya habang umiiyak.
"Ba't kasi padalos dalos yang plano niyo? Ni hindi man lang kayo handa. You're still in college Cliff, nag aaral pa kayo." saad ko.
"Y-Yeah, we know that. Pero pilit kaming pinaglalayo nila mom at dad sa isa't isa at di na namin kaya so we did t-that. P-Please, help me Azz." saad niya habang humihikbi. Napahilamos ako sa mukha ko dahil ayaw kong maniwala sa mga sinasabi niya.
"Mahirap yan Cliff but I'll find a way." saad ko habang pinapakalma siya.
"T-Thank you." saad niya.
Umupo muna kami sa bench sa harap ng studio. Makakapagusap naman kami ng maayos dahil wala masyadong tao dito.
"How long has she been pregnant?" tanong ko nung kumalma na siya.
"2 weeks." saad niya.
"Pumapasok pa din ba siya?"
"Y-Yes, pero di siya gaano nagpapakahirap o nagpapagod kasi classmates naman kami."
"You're smart Cliff pero you're so stupid to make this decision. Okay lang ba sakanya yung plano mo?"
"Y-Yes."
"Nakapagpacheck up ba siya after niyong nalaman na buntis siya?"
"Hindi."
"Ayt. Ba't ganun? Ipa check up mo siya para malaman niyo kung anong pwede at bawal sa kanya." saad ko.
"I-I will."
"You sure you're ready for this?"
"I don't know." saad niya. Halatang kinakabahan siya dahil nanginginig siya.
"Haysst...Cliff naman. Where is she now?"
"N-Nasa apartment namin five streets away from school."
"Wag mo muna siyang papasukin hanggat di siya nakakapanganak please?"
"W-Why?"
"Something might happen to her and your baby." saad ko.
"Okay. I will tell her."
"But Cliff, how can you explain to her parents if nalaman nilang hindi na pumapasok yung gf mo? Btw, what's her name?"
"She's Rose. Yung co-captain namin sa archery team."
"Haysst...Iba talaga nagagawa ng pagmamahal. Wag mo siyang pababayaan okay? She needs some rest at kailangan niyo ding magpacheck up every month." saad ko.
"Yeah, thanks for your advices."
"Don't worry. It's nothing. I'm looking forward to meet that littke angel." nakangiting saad ko.
"I'm excited too." saad niya na nakangiti at nakatingin sa malayo.
"Sige na balikan mo na yun at pakainin." saad ko.
"Ah, oo nga pala hehe...Thanks for listening Azz."
"Anytime."
Umalis na siya para balikan yung mag ina niya. Dumeretso naman ako sa canteen at nakita sila Mindy na nasa mahabang lamesa at mukhang hinihintay ako. Lumapit ako sa kanila umupo.
"Where have you been?" takang tanong ni Zhi.
"I talked to someone." saad ko.
"Oh, kainin mo na yan. Inorder ni Zhi yan, guminaw na ata antagal mo kasi." nakangusong saad ni Mindy.
"Haha. I'm sorry."
Kumain na ako at nakipag kwentuhan din sa kanila. Haysst. I can't stop thinking about them. I hope they'll overcome this.
AUTHOR'S NOTE :
Sorry if natagalan yung upload ko ngayon, nagconflict kasi yung webnovel ko kaya di ako maka upload. Hopefully naayos na siya ngayon hehehhe.