Chereads / Profit You Gave / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

A Little Succor

Halfway na ako pababa sa hagdan pero nakita ko agad ang hindi ko inaasahan na makikita ko. Totoo ba ito? Mabilis na lumawak ang ngiti ko at excited na bumaba. But to my surprise hindi siya nag iisa, nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko makita kung siya nga ba iyon. 

"Brianna come here let's eat, oh by the way meet Dante and Maria and of course Dustin their son, they are our business partners" Hindi agad ako nakapag react dahil doon. Ang mga mata ko ay napako na kay Dustin na ngayon ay hindi naman nakatingin sa akin kundi sa pagkain. Psh sungit.

"Hi tito, tita!" Sinabi ko iyon habang hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko. Mas lalo pang lumawak ang ngiti ko nang nahuli ko ang tingin ni Dustin sa akin. I didn't know that they are one of our business partners! He look bored but I wave my hand on him only to give me a nod. Psh. 

Nanginginig pa akong naglakad dahil sa nerbyos ko na baka magkamali ako at mapahiya sa kanila. Umupo na ako sa tabi ni Victoria na hindi ko maipaliwanag kung galit ba o hindi. Siniko ko siya para maagaw ang atensyon niya. Tamad naman siyang tumingin sa akin kaya napaismid ako. 

"What's with your mood?" She just shrug at me. Parehas talaga sila ng ugali ni Dustin. 

Nagsimula na kaming kumain at hindi ko talaga magawang alisin ang tingin ko kay Dustin. Normal lang naman sa amin ang may kasamang iba na kumain sa hapag kainan but not this early. We usually eat dinner with someone kaya nagulat talaga ako ng makita sila dito. WAIT! Ibinaling ko ang tingin ko kina mommy at daddy,

baka alam nilang gustong gusto ko si Dustin kaya nandito sila para ipakasal na kami? Omo!

"Brianna why are you smiling like that? Is there something funny here? You haven't touch your food yet, ayaw mo ba ng rice?" Sa halip na itikom ko ang bibig ko may nilawakan ko pa ang pagngiti ko.

"I love you mom" I'm so happy!

Ibinaling ko ang tingin ko kay Dustin at nakatitigan kami pero mabilis akong umiwas. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko pero kinikilig ako lalo. Hindi ko pa din nakakalimutan ang ginawa niya kahapon na pagligtas sa akin. WAIT! Baka naman gusto niya talaga ako pero nahihiya siyang ipakita sa akin?

"She's so sweet Katherine" Nginitian ko ang magiging future in law ko. I'm so excited!

Nahuli ko ulit ang tingin sa akin ni Dustin. This time hindi na ako umiwas, wala siyang emosyon na nakatingin sa akin pero hindi ako papatalo sa pagtitig niya matunaw na kung matunaw wala ng atrasan ito!

"Freak" I heard him mumble that word.

Nagpatuloy siya sa pagkain na parang walang nangyaring titigan sa amin  habang ako ay hindi makapaniwalang napansin niya ako! Well freak is not that bad right? Ang saya saya ko talaga ngayon umaga pa lang pero kumpleto na ang buong araw ko. Patuloy pa rin naman nag uusap tungkol sa business ang mga elders pero wala akong pakialam sa sinasabi nila. Nagsimula na akong kumain at narining ko namang umatras ang inuupuan ni Victoria. Tumingin kaming lahat sa kaniya pero ganon pa din ang emosyon niya. Parang masama ang gising ng isang ito ah.

"I'm done, I have to go may klase pa ako" humalik siya sa pisngi nina mommy at daddy at nakipagbeso naman sa mga future in law's ko.

"Dustin, you should drive her to school go ahead now" kumunot ang kilay ko doon.

Hindi ba dapat ako ang kailangan ihatid? Ako ang ikakasal diba? Tumayo si Dustin at nagpaalam kina mommy bago umalis. Napasimangot ako dahil hindi man lang siya tumingin sa akin. Baka nahihiya? Tapos thoughtful naman si future daddy ko? Tumango tango ako, baka nga. I shouldn't think negative right now, well I shouldn't mix my positive vibes into negative thought. Sinundan ko ng tingin ang bulto ni Dustin pero hindi man lang talaga bumaling ang ulo niya sa akin. I sigh a little

"May klase ka pa Brianna hindi ba?"

"Yes dad"

"Hindi ka ba papasok?"

"Papasok na po ako dad" tumango siya sa akin. Kumiss naman ako sa pisngi nila at kinakabahang nakikipagbeso sa mga future in law's ko.

"It's nice to meet you po"

"Us too" tita Maria said.

Inalis ko sa isipan ko ang iniisip kong hindi maganda kaya kinailangan kong magbasa ng bbible para malibang.

Psalm 1:2 'But his delight is in the law of the LORD, and on his law he meditates day and night'

Pagkarating ko sa school ay sinalubong agad ako ni Henry. Aish hindi siya ang gusto kong sumalubong sa akin ng ganito. Nasaan na ba si Dustin? Luminga linga ako sa paligid.

"Hey there beautiful" tumango lamang ako sa kaniya. "Wala man lang good morning?" Aba humihirit pa itong isang to ah. Tumingin ako sa kaniya at pinandilatan ng mata.

"Sapat na ang makita mo ang kagandahan ko Henry at iyon na ang bubuo ng araw mo" I flip my hair and walk faster. Humabol naman siya sa akin at kinuha ang bag ko. Kung siya si Dustin baka kiligin pa ako pero hindi eh siya si Henry Macalintal hindi Dustin Sullivan.

Pinabayaan ko na lamang iyon sa kaniya. Henry is one year older than me at nasa taas lamang ang room niya. Hindi naman kami magkapareho ng kinukuha ni Victoria. She's taking law while I'm taking business as what my parent wants. I really wanna be a flight attendant but my parents already decided my future. I sometimes envy Victoria because she get what she want while I'm not. Hindi ko alam kung saan nakuha ng mga magulang ko ang mindset na panganay ang dapat na mamahalang sunod ng apak nila. Tumigil na ako sa paglalakad at diretsong tumingin kay Henry at ibinigay naman niya ang bag ko.

"Anong sunod mong subject pagkatapos nito?"

"As if namang hindi mo pa saulo ang schedule ko Henry" inirapan ko naman siya at pumasok na bago.marinig ang halakhak niya.

Pagkaupo na pagkaupo ko ay agad namang sumalubong sa akin si pusa.

"Hi Bri"

"Hi pusa"

"My name is kitty"

"Precisely"

Sakto naman na dumating na ang terror prof namin kaya hindi na ako kinulit ni pusa. Bigla naman akong kinabahan nang bumunot ng index card si prof Michelle. Potek nakalimutan kong may recitation nga pala ang babaeng ito ngayon patay ako ngayon hanep. Napapikit ako mg mariin dahil isa isa ng tinatawag ang mga bloc mates ko.

"Garcia"

Tumayo ang sa tingin ko ay si Garcia. Kampante lamang siyang nakatayo na parang easy lamang sa kaniya ang irerecite niya.

"Define Business Law"

"Business law is the law that governs what happens with commercial matters"

Hindi man lang siya nautal kaya kinabahan ako lalo na at alam kong wala akong naaral man lamang dahil kahapon. Isa pa nakalimutan kong mag aral pero alam kong hindi magiging valid dito ang dahilan ko.

"Hernandez give the two main types of business law" 

"Regulation of..."

Biglang nagtama ang tingin namin ni prof Michelle pero bigla na lang akong umiwas. Heto na potek! Baka tawagin na ako nako pakiramdam kong alam niyang wala akong maiisagot. Hindi na ako mapakali sa upo ko dahil sa kaba. Parang gusto ko na lang sumuka at umihi sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"...commercial transaction."

Tumango si prof at bumunot na ng index card. Takot ako sa mga multo pero mas kinakatakutan ko ang hanep na index card na'to. Please wag naman po sana!

"Rocco"

Napapikit ako ng mariin dahil narinig ko na ang surname ko. Nanginginig akong tumayo at tumungo bago unti unting tumingin kay prof Michelle.

"Define Uniform Commercial Code"

Kinagat ko ang labi ko ng sobrang diin at pinatunog ng pinatunog ang kuko.

"Stand straight" mas lalo akong kinabahan dahil doon. Umayos ako ng tayo at kinakabahang tumingin kay prof Michelle.

"U-uniform commercial law is the type of law that..." Napapikit ako ng mariin nang walang pumasok sa isip ko.

"Proceed"

Tumungo ako dahil alam ko na ang kahihinatnan ko. Dumaan ang ilang segundong katahimikan bago nagsalitang muli si prof Michelle.

"Incompetent, you're not belong here Ms. Rocco. I'm doubting if you really are Rocco, I haven't seen a Rocco being this incompetent. Are you sure you are a Rocco? Tsk tsk..." Umiling iling pa siya na para bang sobrang disappointed. Uminit ang gilid ng mata ko kaya lalo akong tumungo.

"Next! Maranan!"

The recit went on but I remain quiet and silently crying. I can't cry in front of everyone. It's like showing her that I prove her correct. This is not what I want when it becomes to the profs. They are hurting us emotionally because they can't hurt us physically.

"Class dismiss"

Nagsimula na akong magmadaling ayusin ang gamit ko. Ramdam ko na ang pag init muli ng gilid ng mata ko.

"Bri are you okay?" I heard Kitty asking. Tumango lamang ako sa kaniya.

"Y-yeah please don't tell anyone about what happen"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at umalis na ako. Lakad takbo ang ginagawa ko hanggang sa makarating ako sa likod ng building namin. Sumalubong sa akin ang mabining hangin kaya napapikit ako at nagsimula ng tumulo ang luha ko. Dumiretso ako sa malking puno at doon umub-ob. I tried my best not to let out a sob but it eventually get out of my mouth.

"If you take everything in your heart, you can't survive in this path"

Napatigil ako dahil sa pamilyar na boses na iyon. Why is he here? Bakit ngayon pa? Napapikit ako lalo ng mariin dahil doon. I quickly wipe away my tears, nagpakalma ako bago huminga ako ng malalim bago tumingin sa kaniya. I smile at him.

"What are you talking about?" I didn't expect him to talk to me first. Obvious naman na may gusto ako sa kaniya at alam kong alam niya iyon.

"Lying to yourself is worse than lying to others" puno siya ng word of wisdom? Ngayon ko lamang nalaman ito since hindi niya nga ako kinakausap. Tumalikod siya sa akin at nagsimula ng maglakad. I smile after I realize how he comfort me with such words. I'm not expecting it to him, maybe gusto niya din talaga ako at nahihiya lang siya ipakita sa akin iyon.

"You just comforted me right?" Sinabayan ko siyang maglakad.

"Psh I'm saying that to everyone" bigla akong napasimangot dahil doon. Akala ko sa akin lang. Pero hindi bale at least kinausap niya ako.

"Anong ginawa mo sa akin Dustin?" I seriously ask him. Bakas naman sa mukha niya ang pagtataka.

"You know? Simpleng salita mo lang, simpleng tingin mo lang kahit walang meaning basta makita kita bonus na lang ang makausap ka pa okay na agad ako"

"Hindi ko na problema yan" mas lalo niyang binilisan sa paglalakad.

"Intayin mo naman ako! Ouch!" Aish tiningnan ko ang tuhod ko at napapikit nang may makitang kaunting gasgas. Argh! Akala ko pa naman masaya na ang buong araw na ito! May nakita akong bulto ng anino na paparating sa akin. Hiyang hiya na ako! Ang laki ko na para maging lampa.

"Are you okay?"

"Yeah I'm good" tumayo na ako at pinagpagan ang tuhod ko.

"No I wasn't talking to you"

"H-huh?"

"Are you okay?" Kumunot ang kilay ko dahil nakatingin siya sa lupa. Hinipan ko ang strand ng buhok ko na nasa mukha ko. Ngumiwi ako habang nakatingin sa kaniya na nakatingin din sa akin.

"You shouldn't hurt anybody" kinagat ko ang labi ko at pumikit ng mariin habang pinipigilan ang galit.

"Are you serious right now?"

"Yeah" tamad niyang sagot.

"Ako yung dapat na tinatanong mo! Mas mahalaga pa ba sa'yo yang lupa na yan ha?"

"Of course, kapag wala sila wala akong matutuntungan" huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. 'okay self kalma lang tayo okay?'

"Pasalamat ka crush kita kung hindi kanina pa kita nasuntok diyan" inirapan ko siya at nagsimula ng maglakad.

"Where are you going?" Tumigil ako sa paglalakad matapos marinig iyon. Humarap ako sa kaniya.

"You care for me now huh?"

"Of course...not" inirapan ko siya lalo at nagpatuloy sa paglalakad.

"Malapit lang ang clinic dito, make sure to clean and treat your wound"