Chereads / Profit You Gave / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 6

Art In Island

Days have passed, wala namang nabago sa pakikitungo ko kay Victoria kasi naisip ko din na hindi naman niya kasalanan na sa kaniya nag kagusto si Dustin. I wouldn't let this affect the bond we have with my twin sister. Oo, gusto ko si Dustin pero hindi ko aawayin si Victoria para lamang doon. Ayaw ko maging mababaw lalo na at kapatid ko siya. Samantalang iniiwasan naman ako ni Henry at palagi kong nakikita na kasama niya si Victoria. It's okay for me as long as he doesn't hurt my sister. Alam kong hindi pa niya ako napapatawad at hindi pa din ako nakakahingi ng tawad sa kaniya kasi nahihiya ako sa ginawa ko. He even make an effort to introduce me to his parents and I sincerely apologize for that.

Hindi pa kasi ako handang kausapin si Henry kasi nahihiya talaga ako. And Dustin... sinisimulan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko sa kaniya. Sobrang hirap dahil ilang taon na akong may nararamdaman sa kaniya at isa pa ay malimit ko siyang makita dito sa campus at minsan nga ay nahuhuli ko pa siyang nakatingin sa akin pero ako ang unang umiiwas. Hindi ko na rin naman nakita na magkasama sila ni Victoria kaya panatag ako doon.

"Hindi ako sanay, ang tahimik mo ata" napatingin ako kay Victoria at bumaba ang tingin sa table niyang may tatlong makakapal na libro.

"Tahimik naman talaga ako, ikaw lang ang nagpapaingay sa akin palagi" sumandal ako sa headboard ng kama ni Victoria dahil nasa kwarto niya ako.

"Wala ka bang gagawing iba? Alam kong weekend ngayon pero alam kong madami ka ding dapat gawin. Nagagambala yung pag re-review ko dito oh" sinaman ko siya ng tingin

"Tapos na ako nung friday pa tsaka alam mo? Para kang aso sa aquarium, may aso ba sa aquarium? Wala diba? Ganiyan ka kagulo" kumuha siya ng unan at binato niya sa akin. "Aray!"

"Pwede mo naman sabihin na lang na magulo ako bakit dinadamay mo pa ang aso dito?" Binato ko din siya ng unan pero nasalo niya ito. Kainis.

"Eh sa gusto ko eh bakit ba? At hoy ikaw ang unang nagsalita, diba sabi mo pa nga hindi ka sanay na tahimik ako oh, tapos ngayong nag ingay na ako ganiyan ka naman!" Nakita kong kumunot ang kilay niya kaya napakagat ako sa labi dahil sa pagpipigil ng tawa.

"Get out or I'll tell Dustin that you peed in your pants when you were eleven years old?" Itinaas niya ang isa niyang kilay at naghintay ng sagot ko. I sighed, defeated.

"Alright!" I tell her as I'm starting to walk out of her room.

Wala akong magawa kaya naisipan kong pumunta na lamang sa bakuran para magliwaliw. Our family portrait that glued to the wall beside the stairs welcomed me. The dark green eyes that only my brother got from my father really amaze me. Kay mommy kasi namin namana ang pagkakaroon ng brown eyes. Tumigil ako sa tapat noon at pinagmasdan ang mukha namin. I miss Kuya Haji, he's been in Paris for two years now because of our business. Kuya Haji is a sweet brother although everyone see him as a intimidating and uncomfortable to be with but he isn't like that. Maybe they thought of him like that because of his manly features and the way he moves whenever he's in public is different from the way he treat us.

"Good morning din hijo sino ba ang hanap mo?" Nawala ang konsentrasyon ko dahil sa narinig na iyon. Sino iyon?

Dumiretso na ako pababa para tingnan kung sino ang bisita sa sala at napatigil sa huling hakbang. Only to find Henry with his casual suit. Nahuli ko ang tingin niya sa akin pero agad niya ding iniwas iyon at ngumiti kay manang Berta, our five years maid.

"Nasaan po si Alana?" Napakunot ang kilay ko doon. Since when did he started calling my sister's third name? It's Victoria Octavia Alana. No one call her like that except Kuya Haji. Did Victoria allowed that?

"Ah si Victoria? Naroon sa kwarto niya gusto mo bang samahan kita?" Alok ni manang dito.

"Nako hindi na ho, pwede po bang sabihin nyo na lang kung nasaan ang kwarto niya?" Manang Berta tell him the way.

I am waiting for him to look at me again, hanggang sa dumaan siya sa harapan ko ay hindi niya nagawang tingnan ako, na para bang wala ako doon. I sighed, maybe I hurt him too much. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. I really can't talk to him.

"Oh Brianna gutom ka na ba? Anong gusto mong meryenda?" Umiling ako sa kaniya.

"Hindi na po, busog pa po ako" sinabayan ko siya sa paglalakad hanggang kusina dahil doon patungo ang hardin namin.

Mommy is really fond of flowers kaya madaming bulaklak sa hardin namin na may iba't ibang klase. Sumalubong sa akin ang amoy ng Celseiiana, this one is my favorite. Hindi ko maipaliwanag ang amoy niya pero ito talaga ang pinakamabango sa lahat ng bulaklak dito para sa akin. Kulay pink ito na may white sa gitna. Nilapitan ko iyon at pinitas ang isa, inamoy ko ito at inilagay sa aking gilid ng tainga. My lips smile as I imagine what I look like. Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon. It's Kitty.

"What's up pusa?" Iyon ang bungad ko sa kaniya matapos sagutin ang tawag.

"Are you busy? And please don't call me like that!" Napatawa ako doon.

"Hindi naman bakit?" Inilibot ko ang paningin sa hardin at nag tingin pa ng ibang bulaklak

"Samahan mo ako sa Art In Island sa Quezon City" Wala naman akong gagawin kaya...

"Sige, ano bang gagawin natin doon?"

"Basta sumama ka na lang sa akin! Susunduin kita sa inyo prepare yourself now. Bye!" Pinatay niya ang tawag kaya tiningnan ko ang oras, maaga pa naman kaya nagsimula na akong bumalik sa loob ng bahay.

Rinig ang malakas na tawanan sa taas kahit nasa hagdan pa lamang ako. Akala ko ba ay kaya niya ako pinaalis ay nakakaistorbo ako? Tapos maririnig ko lamang na nakikipagtawanan siya kay Henry? Hmp! Nagdadabog ako habang naglalakad at dumiretso sa kwarto ko. Sumalubong sa akin ang kulay ng gray na dingding. I love the color of gray for I don't know the reason. Ganon naman talaga kapag gusto mo, walang dahilan kung bakit mo sila nagustuhan. Wow ha! Nakuha ko pang humugot ng ganon. Napatawa na lamang ako sa sarili.

I wear pants mixed with white shirt, it's plain but I know it fits the place where we're going. Soundproof ang kwarto ko kaya wala akong marinig na ingay mula sa kabilang kwarto. I open my Instagram account only to find Dustin, he's in Art In Island too! Siya lang mag isa sa picture but I wonder kung sino ang kumuha ng litrato niya. Iisang picture lamang iyon at walang caption, pinost niya iyon five minutes ago lamang kaya sigurado akong nandoon pa siya. Bigla akong naging excited umalis, oh Brianna akala ko ba ay moving on na? Bakit gusto mo pa rin siya makita? Maya maya lamang ay kumatok na si Manang at sinabing nandiyan na daw si pusa.

"Bakit ba kasi tayo pupunta doon?" She start the engine and look at me.

"Basta! You'll know din naman kapag nakarating na tayo doon at tsaka nandoon si Dustin" kumindat pa siya sa akin bago pinaandar ang sasakyan. Naiinggit talaga ako rito kay Kitty eh, binilhan na siya ng kotse at hinayaan na mag drive para sa sarili niya samantalang kaming dalawa ni Victoria ay hinding hindi pagbigyan.

Twenty minutes lamang ay nakarating na agad kami doon. Nagpasalamat kaming dalawa dahil walang traffic at maluwag ang daan. Mabilis din siya magmaneho pero maingat naman kaya panatag ang loob ko. Siya ang nagbayad ng entrance naming dalawa kaya dumiretso na kami sa loob. Napansin ko agad na parang may hinahanap si Kitty kaya hindi ko na naiwasang tanungin siya.

"Ano ba talaga ang ipinunta natin dito?" Hinawakan ko siya sa braso para matigil kami sa paglalakad.

"Mamamasyal lang tayo ano ka ba!" Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Hoy pusa wag mo nga akong pinaglololoko!" Hinampas ko siya ng mahina sa braso at napangiwi naman siya.

Mas matangkad ako kay Kitty at kay Victoria bagay na ipinagmamalaki ko sa sarili ko. Matangkad na ako para sa normal na height ng mga babae kaya kuntento ako doon. Mukha talagang maamo itong si Kitty pero nasa loob ang kulo.

"May binabantayan lang ako" tumingin siya ulit sa paligid

"Sino?"

"Remember when some girl approach me while we're in SM?" Naalala ko iyon, yung pinagsungitan niya dahil lang sa may gustong ipaabot.

"Anong meron don?"

"Si Carson, yung kaibigan ko na maraming nagkakagusto"

"Oh ano ngang meron! Diretsahin mo na ako pwede ba?" Inirapan ko siya dahilan ng pagsinghap niya.

"Nandito siya ngayon at kailangan ko siyang bantayan dahil iyon ang bilin sa akin ng girlfriend niya" muli siyang luminga sa paligid para maghanap habang lakad kami ng lakad kung saan.

"Eh bakit sa iyo pa pinababantayan? At tsaka bakit kailangan bantayan? Wala ba siyang tiwala sa boyfriend niya?" Kuryoso kong tanong sa kaniya habang siya naman ay hindi magkaintidihan kung saan maghahanap dahil sa medyo maraming tao.

"Ang dami mo namang tanong! Tsaka ko na sasagutin yan, tulungan mo muna akong maghanap ngayon!" Pinitik ko siya sa noo kaya hindi na niya naiwasang mapa aray sa sakit.

"Lutang ka ba? Paano ako makakatulong kung hindi ko alam ang hitsura niya? Mamaya nakita ko na pala hindi ko pa alam" she show me a picture of him with her together.

"Wait! Siya iyon! That man in Architecture 1!" Umawang ang labi niya.

"You met him?" Tumango ako sa kaniya. Tumingin ako sa paligid para mahanap ang lalaki. So Carson? What a coincidence. Nanlaki ang mata ko nang makita si Dustin at hindi lang yon! Pati si Carson! They are together? Don't tell me they are friends?

"I found them Kitty, look!"itinuro ko sa kaniya ang pwesto ng lalaki kaya tumingin siya doon.

"Sinasabi ko na nga ba eh! Nambababae na naman yang kutong lupa na yan!" Nagulat ako nang pumunta palapit sa pwesto nila si Kitty. Huli na nang mahawakan ko siya dahil nasa harapan na nila kami. I can't look at Dustin so I look at Carson instead.

"Sinasabi ko na nga ba eh! Iyan ba ang babae mo? Mas maganda pa ako diyan! Mukha kang chaka girl layuan mo ang kaibigan ko! May girlfriend na iyan" napasinghap kami dahil doon. Sinubukan kong hilahin ang braso ni Kitty pero iniiwas niya iyon.

"Excuse me Miss, bakit ganiyan ka maka react eh kaibigan ka lang naman pala?" Tumawa ng peke si Kitty.

"Ah kaibigan lang pala ha?" I gasped again when Kitty grab the girls hair. Carson ang Dustin are trying to stop them.

"Kitty ano ba! Tigilan mo na nga yan!" Malalim na boses ni Carson. Na amaze ako dahil doon. Kuya Haji has manly voice but Carson's is more way better than that. Kitty didn't listen to that and still fighting.

"Miss bitawan mo si Kitty" mahinahon namang sabi ni Dustin. I always find his voice charming, yung tipong malalim pero comforting. I also tried stopping them but the girl that Kitty's fighting with push me. Natumba ako dahil doon at lumagapak sa sahig ang aking pang upo. Napangiwi ako dahil doon.

"Oh my gosh Brianna! I'm so sorry! Ikaw talagang babae ka malandi na nga, nananakit ka pa ng kapwa!" They start fighting again after that.

Tatayo na dapat ako pero may naglahad ng kamay sa akin. Umangat ang tingin ko sa kamay niya at tumigil sa mga asul niyang mata. Nakipagtitigan ako doon at hindi ko alam kung bakit nakaya kong tumingin pabalik sa kaniya. Yumuko siya at inalalayan akong tumayo dahil hindi ko tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa akin. Masyado kaming malapit sa isa't isa.

"Are you okay?" Napapikit ako ng mariin dahil sa kalma ng boses niya.

"I-i'm good thank you" napakunot ang noo ko nang maisip na baka akala niya ay ako si Victoria dahil kamukha ko ito? Kumirot ang dibdib ko dahil doon.

"Brianna right?" Nagulat ako nang malaman na alam niyang ako ito! Nararamdaman ko ang galak sa aking puso at ang hindi maipaliwanag na kiliti sa aking tiyan. Unti unti akong tumango sa kaniya.

"Masakit ba ang likod mo?"

"H-hindi naman" shit! Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakausap ko siya, bakit ba ako nauutal?  Tumikhim ako at lumayo ng bahagya sa kaniya. Lumayo din naman siya ng kaunti kaya nakahinga ako ng maluwag. Kabadong kabado ako sa hindi malamang dahilan.

"You bitch!" Muling bumalik ang aking atensyon kina Kitty

"Dustin Theron Sulivan" ngunit bigla ding kinuha ni Dustin ang aking atensyon habang nakalahad ang kaniyang kamay. Tumingin akong muli doon at ibinalik sa kaniyang mata.

"Brianna Samantha Autumn Rocco" tinanggap ko ang kaniyang kamay at naramdaman ang init niyon. Naramdaman ko ang kakaibang boltage nang maglapat ang aming mga kamay. Totoo pala ang bagay na iyon.

"I thought you're not gonna accept my hand again" binitawan ko ang kamay niya at kumamot naman sya sa ulo habang nakangiti sa akin. Cute. Napangiti ako sa loob ko, so he has this side of him?