Chereads / Profit You Gave / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 3

Happy Day

I can't believe I just talked to Dustin! At tulad ng sinabi niya ay pumunta ako sa clinic at para akong tangang nakangiti habang dinadampian ni Henry ng bulak na may alcohol ang sugat ko dahil kanina. Totoo pala ang pakiramdam na parang nasa cloud 9 ka... Hayst

"You seem in a good mood" napangiwi ako bigla nang bigla niyang diinan ang dampi niyon sa sugat ko.

"Ouch! Masakit ano ka ba!" Iniiwas ko sa kanya ang tuhod ko at nakakunot na tiningnan siya.

"I'm sorry, anyways why are you in a good mood today young lady?" Umirap ako sa kaniya.

"Not anymore, you just ruin my mood" umirap pa ako sa kaniya at narinig ko naman ang pagsinghap niya dahil doon. Tumayo siya at pinagkrus ang mga braso habang ang tingin ay nasa akin kaya tiningnan ko din siya mata sa mata. Nakita ko naman ang unti unting pagsilay ng mga ngiti sa labi niya at ang biglang pag iwas ng tingin sa akin kaya lalong napakunot ang kilay ko dahil doon.

"It's funny how you look at me straight to my eye's without being shy, I wish I could do the same" lumawak pang lalo ang ngiti niya kaya lalo akong nagtaka.

"You can actually do it, you know?" Humalakhak naman siya lalo sa akin at kaunti na lang ay sisikuhin ko na ang lalaking ito. Kanina ko pa napapansin ang pagtawa tawa niya sa akin ah.

"Damn..." Tumayo na ako para tapatan siya pero kumirot ang sugat ko kaya napa 'ouch' ako ng wala sa oras bago bumalik sa pagkakaupo.

This is my first time getting a bruise, and it sucks for the first time. Sobrang istrikto kasi talaga ni Abuela kasi sa kaniya kami lumaki. We're not allowed to laugh out loud like others do or elese we're going to face the wall for an hour. We're also not allowed to play outside even on our backyard. Kaya ang ginagawa namin noong mga bata kami ni Victoria ay saka kami naglalaro sa labas kapag umaalis sina Abuela kapag may biglaang patawag na emergency sa farm. One time nga habang naglalaro kami ni Victoria bigla siyang nadapa at nagkaroon ng sugat na malaki sa

tuhod. Nang malaman ni Abuela na nadapa at nagkasugat si Victoria, she scold our Yaya's and get fired right away after she scold them. I remember it clearly what she exactly said, "You're all not compatible to be one of my workers, you're wasting my money I gave to you!" Simula noon hindi na ulit kami naglaro ni Victoria sa labas. Sobra kasi talagang nakakatakot si Abuela kaya hanggang sa lumaki kami sinusunod namin ang mga bilin niya. Tapos ayon, kinuha na kami ng parents namin at sa kanila lang kami nakaramdam ng kalayaan.

Naramdaman ko naman ang presensiya ni Henry sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. He's smiling ear to ear like an idiot that's why I roll my eye's on him pero mas lalo lang siyang tumawa ng malakas.

"Ikaw lang nakakairap ng ganiyan sa akin that's why I like you"

"I don't need your confession right now Henry, can you please leave me alone? May klase ka pa diba? You're a busy guy, just do whatever you must do today"

"Mas importante ka pa sa lahat ng 'yon Ria" napangiwi ako sa sinabi niya at umisod ng kaunti palayo sa kaniya. Ramdam ko na kasi ang mga braso niya sa braso ko. Naiilang ako kapag ganon, I must give a distance itself on us as possible as ever. Napatingin naman ako sa tiyan ko nang tumunog iyon, hindi pa nga pala ako nag aalmusal ng maayos tapos nangyari pa yung sa recit kanina.

"I'm hungry" I pout and look at Henry. Tumawa ulit siya ng malakas dahil doon kaya napangiti na din ako.

"Alright alright, I'll get you food and bring it here but promise me you'll buy me dinner later?" Tumango ako sa kaniya kaya tumango tango din siya bago tumayo at tumingin sa akin. He suddenly pinch my nose kaya sinaman ko siya ng tingin.

"You're so cute! I can't resist your charm Ria! How unfair!" Tumawa lang ako sa kaniya at pinaalis na. Bakit kkaya indi ko magustuhan si Henry? He's a perfect guy, he's caring, loving, gentelman and handsome. Siguro dahil sa una pa lang kay Dustin na ako nakatingin.

"What a flirt" nagitla ako nang may biglang nagsalita sa kung saan. Ginala ko ang mata ko para tiningnan kung sino iyon pero wala akong makitang tao kaya hinawi ko ang kurtina sa katabi kong bed. I saw a woman in my eyes who's looking at me with a glare on her eye's.

"Who are you? And who gave you the right to talk to me like that?" Injrapan niya ako kaya napasinghap ako.

"After flirting with Dustin Sullivan, you're now flirting with Henry De Juan? Tell me bitch sino pa ang kaya mong landiin?" She told me that straight in the eye's! What a bitch! Umisimid ako at huminga ng malalim.

"First of all, I don't know whoever the fuck you are and I don't care about you. Second, you have no rights to call me names because it doesn't suit me baka sarili mo ang sinasabihan mo ng flirt? Well, screw you! Third, Dustin Sullivan talked to me first which I didn't expect. And for the record! Henry De Juan is the one who like me and I'm sure that you heard him a while ago so don't call me flirt, maybe you're just insecure" nagkibit balikat ako sa kaniya. "Insecurities can lead you in wrong path Ms. Whoever you are, just mind your own business!"

Kita ko ang pag awang ng mga labi niya kaya tumaas ang gilid ng labi ko. That's what you get after calling me flirt without knowing what my mouth can say without a filter, as I said to my mind while looking at her. Muli kong tinakpan ng kurtina ang pagitan namin at napangiti sa sarili. Hinihintay ko kung may sasabihin pang muli yung babae kanina pero wala na akong narinig muli sa kaniya. Tama lang ang ginawa niyang pananahimik baka hindi ko mapigilan na naman ang bibig ko at dumulas na naman. Baka kung ano ano pang masabi ko sa kaniya. Tinuruan kami ni Abuela ng tamang asal at tinuruan niya din kami na ipagtanggol ang sarili namin kapag alam naming nasa tama kami. Maya maya ay dumating na si Henry na may dalang pagkain kaya napangiti ako nang may maiaip akong kalokohan sa isip. Habang inaayos ni Henry ang pagkain namin ay hinawakan ko ang braso niya. This is my first time having a physical contact with him na ako ang unang nag insist kaya agad nabitawan ni Henry ang tinidor bago gulat na tumingin sa kaniya. I act like I'm sad at him.

"Is it true that I'm flirting you?" Kailangan kong galingan ang pag arte ko kahit tawang tawa na ako sa isip ko. Binitawan ko na ang braso ni Henry at umayos ng upo habang nakasimangot.

"W-what? Of course not! Who told you that?" Then I point my finger on the other side habang nakatingin kay Henry na nakasimangot. Tumayo si Henry at hinawi ang kurtina para tingnan kung sino.

"What is your name miss?" Halata naman ang gulat sa mata ng babae dahil lumaki iyon. Biglang napaayos ng upo ang babae at inayos ang buhok bago muling tumingin kay Henry, napangiwi ako sa kinilos niya. Sabi ko na nga ba eh, kung sino pa ang nagsasabi sa iyo ng mga masasama sila talaga iyon.

"I-im Trisha Maranan" inilahad niya ang kamay niya kay Henry pero bago pa maabot ni Henry iyon ay hinila ko ng kaunti ang damit niya kaya napatingin siya sa akin. I act like a cry kid kaya muling tumingin si Henry kay Trisha at hindi tinaggap ang kamay niya.

"Did you call her a flirt?" Bakas naman ang gulat sa mukha ni Trisha dahil sa sinabj ni Henry.

"W-what? Y-yeah" tumango si Henry kay Trisha.

"Don't call her like that, she's my princess and no one is allowed to call her like that did you understand?" Nag aalangan namang tumango si Trisha kaya napangiti ako. Okay tapos na ang laro! Ako ang nagwagi. Hinawi ko ng muli ang kurtina at pinaupo na si Henry habang malawak ang ngiti.

"I'm sorry about that, I promise you wala ka ng maririnig na ganon sa bibig ng ibang tao" Henry suddenly said. Tumango ako sa kaniya at nagsimula ng kumain. Napansin ko naman na hindi siya kumakain kaya tumingin ako sa kaniya.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya sa pagkain na nasa harap niya at kinuha iyon.

"Kakain na po" nakangiti niyang sagot sa akin kaya tumango ako sa kaniya at pinagpatuloy ang pagkain.

Mabilis na lumipas ang oras at nakabalik ako sa pag attend ko sa mga klase habang kita pa din ang may bendang sugat ko sa tuhod. Everyone in my block noticed that but I just gave them a certain reason. Ayokong magsinungaling kasi ayoko din pagsinungalingan ako, sabi nga 'Kung ayaw mong gawin sa iyo ay huwag mo rin gawin sa iba' iyan ang motto na lagi kong pinanghahawakan. Saktong alas singko ng hapon natapos ang klase ko kaya tinext ko si Victoria na puntahan ako sa coffee shop na malapit sa school.

Habang hinihintay ang order ko ay tumingin ako sa labas kung saan naglalabasan ang ilang higher batch ng college kaya inaabangan ko kung makikita ko ba si Dustin. Minutes passed and I saw him walking with a girl beside her, they are talking while their teeths are showing. That means they are enjoying each other companies. Napabuntong hininga ako, akala ko sa akin lang siya mabait pati rin pala sa iba. Hirap palang mag assume, umiwas na ako ng tingin sa kanila dahil dumating na rin ang order. Sakto pala ang pag order ko ng cake, I need sweet to lift up my mood. Nag thank you ako sa nagserve at hiniwa ang isang slice ng red velvet cake bago ito sinubo. Pag angat ng tingin ko ay sakto namang nagtama ang tingin namin ni Dustin na papasok pa lamang sa coffee shop. Bigla akong umiwas ng tingin at naramdaman ang pag init ng pisngi ko, mabilis kong nilunok ang cake habang ramdam na bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba dahil doon at inayos ang upo. I need to calm, I don't want him to get the wrong idea na easy to get ako at intimidating ang presensiya niya which is true but no, I won't give him the satisfaction.

Muli kong sinilip kung nasaan si Dustin at nakita siya sa kabilang table na tapat ng table ko. He is looking at me that's why I look at him too. Ang hirap tumingin sa mata niya kasi nahihiya ako! Pero kailangan kong tatagan ang loob ko, tinaasan ko siya ng kilay at tumayo naman siya at lumipat sa table ko.

"Why are you here?" Kailangan masungit ako para hindi niya mapansin na may gusto ako sa kaniya.

"Nothing" simpleng sagot niya kaya kinunotan ko siya ng kilay at sinandal ang likod sa upuan bago pinagkrus ang mga braso.

"You wouldn't sit here if it is for nothing. We're both taking business so are you negotiating with me Mr. Sullivan?"

"How did you know that I'm taking business?" Nanliit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"I just know" I simply said. I saw him smirk a little. Pinagsiklop niya ang dalawa niyang kamay bago ipinatong ang dalawang siko sa lamesa habang ang mukha ay nakapatong sa nakasiklop niyang mga kamay na parang nag iinspeksyon.

"What is the hobby of your sister, her li-"

"Just so know Mr. Sullivan its rude to ask someone like that... If you have questions to my sister ask her yourself" niligpit ko ang mga gamit ko at tumayo bago suya tiningnan muli. Its like he couldn't believe what I just said. Akala ko kaya siya lumapit sa akin kasi ako ang kailangan niya, si Victoria pala. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at nagsimula ng maglakad palabas. Nakasalubong ko naman si Henry sa may pintuan kaya sinabayan niya din ako palabas.

"What did you two talk about? You seem irritated"

"Nothing don't mind me and let's go have dinner" tumango siya sa akin at pumunta na kami sa pinakamalapit na restaurant.