Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Third Chance of Us

Patttchute
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.5k
Views
Synopsis
Paano kapag yung taong laging andyan sa tabi mo ay bigla nalang mapagod? Paano kung yung taong binabaliwala mo, ikaw naman ang baliwalain? Paano kung yung taong palagi mong tinataboy sa buhay mo, ay ang taong tutulong pala sayo at sa pamilya mo? Paano nga ba ang buhay mo kapag nawala sayo ang taong alam mong simula palang ay mahalaga na sayo, pero binaliwala mo parin? Amarah Callista Dela Vega. Kace Lexter Halston. Pano nga ba nila haharapin ang tadhanang mapaglaro sa mga kapalaran nila?.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

DISCLAIMER:This is a work of fiction, Names,character, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fiction manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

-----------------------

Paano kapag yung taong laging andyan sa tabi mo ay bigla nalang mapagod? Paano kung yung taong binabaliwala mo, ikaw naman ang baliwalain? Paano kung yung taong palagi mong tinataboy sa buhay mo, ay ang taong tutulong pala sayo at sa pamilya mo? Paano nga ba ang buhay mo kapag nawala sayo ang taong alam mong simula palang ay mahalaga na sayo, pero binaliwala mo parin?

Amarah Callista Dela Vega.

Kace Lexter Halston.

Pano nga ba nila haharapin ang tadhanang mapaglaro sa mga kapalaran nila?.

_____________

"Mommy!" salubong sakin ng anak kong nasa sala pagpasok ko ng condo na tinitirhan namin. "I miss you" banggit nya sabay yakap at halik sa pisngi ko.

"Maisy!, I miss you too baby" sambit ko at sabay yakap at halik sa kanyang noo at pisngi. "Baby, wait here okay, kakausapin ko lang si yaya then go with her okay."

"Okay Mommy."

"Ate Lila" tawag ko sa kasambahay namin na nasa kusina at agad naman itong lumapit. "Ate, paki bihisan naman si maisy, May pupuntahan lang kaming dinner kasama ang lola at tita nya."sabi ko sa kanya. Nilapitan na nya si maisy sa may sala at agad na dinala sa kwarto para kanyang paliguan at bihisan.

Six years old na si Maisy Brielle. Sa Singapore ko sya pinanganak dahil alam kong kung sa Canada ako pupunta ay masusundan kami ng tatay nya. Napakahirap na desisyon yon para sa akin. Pero iyon lang ang nakikita kong paraan para maging masaya na sya. Noong nag apat na taon si Maisy ay tsaka kami bumalik dito sa Pilipinas. Si ate Lila na ang kasama ko simula pa lamang noong nagbubuntis ako. Ngayon ay kikitain namin ang Ina at kapatid ng tatay ng anak ko. Alam nila na buntis ako nang umalis ako sa Pilipinas, kaya't pinagbibigyan ko sila sa tuwing gusto nilang makita ang anak ko dahil nangako naman sila na hindi nila ito sasabihin sa tatay ng anak ko na nagbunga ang pagsasama namin noon.

"Mommy, I'm ready lets go na."

"Yes baby we'll go na"

Matalinong bata si maisy, mausisa syang bata. Minsan na rin nyang natanong sakin ang Daddy nya. Pinaliwanag ko sa kanya na sa tamang panahon makikita nya ito at makikilala, at sana sa pagkakataong iyon ay handa na akong harapin ang galit nya.

"Baby where here." sabi ko sa anak ko at tinanggal ang seatbelt sa inuupuan ko para makababa ng sasakyan at ng mapagbuksan sya ng pinto sa likod. Nandito kami ngayon sa isang resturant na pagmamay ari nila. Paborito ko ito dating kainan at tambayan kasama sina Brenna at Ayenna. Ngayon, duon na kami natambay sa cafe malapit sa Opisina.

Pagbaba namin ng saasakyan ay pumasok na kami sa resturant, may lumapit agad samin na crew, si Ivy. Kilala ako dito dahil nga simula high school ay dito na ako madalas kumain at tumambay, hindi rin lingid sa kaalaman ng mga matatagal na rito ang nakaraan namin ng kapatid ng nagmamay ari dito na si Kaylee.

"Good Evening maam Calli and Maisy." Bati samin ni Ivy. Alam din ng ilang dito na anak ng panganay na Halston si Maisy.

"Good evening po!" magiliw na bati ng anak ko.

"Good evening, nasan sina Mama?" Tanong ko sa kanya. Mama ang tawag ko kay mama Laura, dahil ito ang pinakamahigpit nitong bilin kapalit ng paglilihim sa kanyang anak.

Alam kong hindi iyon naging madali sa kanilang mag ina, Kailan man ay hindi madaling magtago sa isang anak lalo na kapag importanteng bagay na ang pag uusapan.

"Nasa dati parin po ma'am." sabi nya at sinensyahan ako na sumunod kami sa kanya.

Pagpasok namin sa pinto ng isang private room sa second floor ay agad kaming sinalubong ni Mama at Kaylee.

"Maisy!" masiglang bati ni Kaylee kay maisy at patakbo namang lumapit ang anak ko kay Kaylee.

Halos isang taon na din kasi silang hindi nagkikita dahil ang alam ko kay namatay na si Tito Antonio dahil sa atake sa puso dahil muntik nang bumagsak ang companya nila. Kaya lamang hindi ito tuluyang bumagsak dahil nakiusap ako kay daddy na isalba ang companya ng mga Halston dahil alam kong hindi sila sanay sa hirap. Lalo na sya.

"Mama" bati ko sa lola ng anak ko at sabay halik sa pisngi.

"Calli!" bati rin nitong pabalik sakin. "Huwag kang mag alala, wala sya rito sa pilipinas, bukas pa ang balik nya galing Australia." sabi nya sakin na tinutukoy ay ang anak.

Ang balita sakin ni Kaylee ay ang kuya nya ang namamahala sa companya nila simula ng mamatay ang kanilang ama.

Ngumiti na lamang ako kay mama. Nilapitan din ako ni Kaylee at hinalikan sa pisngi. Pagkatapos magkamustahan ay dumating na rin ang pagkain kaya kumain na kami. Tahimik kaming kumakain ng basagin ng anak ko ang katahimikan.

"Lola, makakapunta na po ba ulit kayo sa house? Okay na po ba ang company nyo?" Biglaang tanong ng anak ko sa kalagitnaan ng tahimik na pagkain namin.

"Yes apo, okay na sya stable na ulit ang company kaya makaka visit na kami sa house nyo" Nakangiting sagot ng matanda.

"Don't worry Maisy pag visit namin sa house dadalhan ka uit namin ng favorite mong blueberry cheesecake." singit naman ni Kaylee.

Simula pa lamang ay inispoil na ng mag ina si Maisy sa mga paborito nito. Sa poboritong dessert ay sa akin sya nagmana, sa paboritong pang ulam naman ay sa kanyang ama. Hindi sya masyadong mahilig sa mga materyal na bagay. Alam nya ang limitasyon nya sa pag papabili ng mga gusto nya. Alam din nya ang pag kakaiba ng pangangailangan at ng kagustuhan lamang. Isa iyon sa pinag papasalamat ko at hindi nya nakuha sa kanyang ama.

"Yehey! Thankyou tita!" magiliw na sagot ni Maisy at nag flying kiss pa sa tita nya.

Susubo na sana muli ako ng biglang may nagsalita sa likod ko kaya nabitawan ko ang kutsara at tinidor na hawak ko at tila nabingi ako sa tunog ng mga ito.

"Lola? Tita? Apo? anong ibig sabihin nito?"sunod sunod na tanong ng lalaking biglang sumulpot sa likod ko, alam na alam ko ang boses na yon. Hindi ako maaring magkamali. Akala ko ba bukas pa ang dating nya? Hindi pa ako handa, at sa totoo lang hindi ko din alam kung kelan ba ako magiging handa. Napatingin ako sa taong nasa likod ko at hindi talaga ako nagkamali.

Sya nga... ang ama ng anak ko. Nagkatitigan kami mata sa mata. Makikita mo doon ang pagkalito, pangungulila, gulat, at galit.

"K-Kace"

Ang ama ng anak ko. Ang lalaking pinakamamahal ko. Ang taong pinagtaguan ko ng matagal na panahon.

Hindi ko akalain na ganto kabilis. Hindi ko alam pano ako magpapaliwanag sa anak ko.

.......

Hi! I hope nagustuhan nyo!:)

Sorry sa mga typo's i'm trying my best hehe..

Thankyou for reading this!! Love y'all!