Chereads / The Third Chance of Us / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"Hi! Bago ka ba dito?" yan ang tanong sakin ng isang babae nang lapitan nila ako sa may garden ng kanyang kasama.

"Uhm, Yes. Bago lang ako dito." Sagot ko sa kanya sabay ngiti.

"Ako nga pala si Brenna Mae, but you can call me Brenna or Bren" sabay abot sakin ng kamay nya bilang pagpapakilala ."Sya naman si Ayenna, but you can call her Aya " turo nya sa katabi nya na iniabot din sakin ang kamay nya.

"Ako naman si Callista but you can call me Calli"nginitian ko sila at nakipag kamay din.

Bago lang ako dito sa Dream High University. Actually pinsan ko ang may-ari nito at medyo malaki naman ang shares namin dito. Calvin Aidan Carter, the last news i heard about him, He's the captain of the basketball team here. This is my third year in highschool. Sa States na kasi kami tumira kaya doon na ako nag-aral after ng graduation ko ng grade 6 hanggang second year ko. Di naman ako nahihirapan makipag communicate sa kanila through filipino because my parents thought me how to speak their language. Well i guess, Brenna and Ayanna can be my first friends here. I hope magkaklase kami para di na ako ganon kahirapan mag adjust.

"Third year ka din ba?"sa wakas narinig ko din ang boses ni Ayenna.

"Yes, kayo din ba?" tanong ko sa kanila.

"Oo, second year lang din kami ni Aya"si Brenna naman.

"Ohh i see, i hope we can be friends?" ngumiti ako ng tipid sa kanila, medyo nag aalinlangan sa sagot nila. Hindi naman ako ganaanong mahiyain, tama lang.

"Oo, naman!" sabay nilang sagot at umaktong parang kinikilig pa.

Dahil sa sagot nilang iyon ay nakahinga ako ng maluwag.

"Kaya ka nga namin nilapitan ni Brenna ehh, we want to be friends with you!"

"Yeah, we thought hindi mo kami papansinin kasi mukha kang mayaman though hindi naman din kami mahirap ni Aya HAHA"

Medyo may pagkabulgar pala si Bren.Because i can't say those word in front of the people i'm not comfortable with.But yes now i'm calling them Bren and Aya, 'cause i'm kinda comfortable with them already.

"So.. i guess you two can tour me around the campus? Ano nga palang section nyo? Section A kasi ako ehh. I hope we are all in one class, para di na ako mahirapan mag adjust"i smile genuinely at them.

"Halata nga ehh, mayaman ka diba? Kaya automatic na mapapalagay ka sa section A HAHAHA"

"Why? Ganon ba ang policy dito?" curious na tanong ko kasi talagang limited lang ang alam ko sa university na to.

"Actually hindi naman talaga ganito dati, nabago lang dahil eto ang gusto ng panganay na anak ng may ari dahil daw ayaw nya maghalo ang mga scholars at ang mga regular students. And sa totoo lang pabor kami don kasi nga sa mahal ba naman ng tuition then makakasama mo lang sa isang room ang mga scholars? Diba parang ang unfair naman" si bren ang sumagot sa akin.

So, si Calvin pala ang may pakana sa policy na yon. Well, di na ako magtataka kung susundin yon nina tito at tita dahil sobrang spoiled nilang magkapatid. I wonder kung nasaan na kaya si Emily ang nakababatang kapatid ni Calv.

"Oww, well tsaka na namin ikukwento sayo lahat 30 mins nalang mag titime na, tara na baka ma late pa tayo." Yaya samin ni Ayenna.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa classroom namin. Para sa akin ay tama lang amg bilang ng estudyante dito. Hindi kaka onti at hindi din naman sobrang dami. Siguro ang marami dito ay ang mga Elementary. Pero nakahiwalay kasi sila ng building ehh.

Nilibot nila akong dalwa sa mga lugar na malapit lang sa classroom namin dahil nga konting oras nalang ang natitira. Malapit lang dun ang garden na pinanggalingan namin and i think doon ako madalas tatambay. Sa pinapakita sakin ni Brenna at Ayenna, kitang kita mo ang pagkakaiba nila. Si Brenna ay maganda, malakas ang boses at medyo pranka. Si Ayenna naman ay maganda rin, tama lamang ang lakas ng boses at minsan ay tahimik. Pag pasok namin sa classroom namin, almost 30 lang kami. Nalaman ko sa kanila na mapapalagay ka lang pala sa section A kapag nabayaran mo ng buo ang tuiotion fee na 100k per semester.I wonder kung si Calv din bA ang may gusto non?. Ang mga scholar naman section B dahil nga may maintaining grades sila. Umupo ako sa gitna nina Bren at Aya. Maya maya ay dumating na ang aming prof. Si Miss. Adams.

"Good Morning everyone. My name is Miss. Scarlet Adams."panimula ni miss.

"Good Morning Miss"sagot naming lahat.

"So ngayon lets start our day by introducing yourself to me. Lets start with you"turo nya sa isang babae sa harapan.

"Good morning everyone my name is Blair Scott daughter of the Owner of the Scott's Company." Sabi nya at bumalik na sa inuupuan nya.

"Never heard of that company" bulong ko sa dalwa kong katabi. Medyo napaisip ako kung malaki din ba ang company nila katulad ng amin?

"Hindi naman kasi ganon kalakihan at kasikat ang company nila. Sobrang taas lang talaga ng tingin nya sa sarili nya."Si Brenna ang unang sumagot.

So that explains it. Mukhang alam ko na kung sino ang may pagka bitchesa dito. Well kung ganito ang patakaran sa school nato, hindi malabo na may mag reyna reynahan dito hindi ba?

"First year palang nag rereyna reynahan na sya dito. Palibhasa may gusto sya dun sa sikat na captain ng basketball team. Actually ang alam ko they we're friends." Dagdag ni Ayenna.

At hindi nga ako nagkamali. Hindi ganon kaangat ang kompanya nila but her parents can still afford the tuition fee here. Pero ano naman kaya ang kabuhayan nina Bren at Aya? Nasa first section sila so medyo angat din ang kompanya nila.

"So mas malaki pa yung company nyo kesa sa company ng mga Scott?" tanong ko.

"You'll see" nagtinginan silang dalwa ni Ayenna at ngumiti ng kataka taka.

Madami pa ang mga sumunod sa kanya at medyo na bobored na ako hehe. Kung hindi pa tinawag si Brenna hindi pa ako babalik sa sarili kong katinuan. Pero bago pa makatayo si Brenna may tatlong lalaki ang biglang pumasok at doon ko nakita si Calvin. Nagka tinginan kaming dalwa at nginitian nya ako ng sobrang laki bago sya sumagot sa tinanong ni Miss.

"Saan naman kayo galing mister Harison, mister Carter at mister Halston?" tanong ni miss.

"Miss we're so sorry kinausap pa po kasi ni coach kanina ehh"sagot ni Calvin.

"Okay, your make take your seats."sabi ni miss pero nilapitan nya parin ang tatlo at mukhang may itinanong pa.

Bago sya umupo ay tumingin ulit sya sakin at kumindat.

"You know him? Bakit ka nya nginitian at kinindatan? May gusto sya sayo? O ikaw ang may gusto sa kanya?"sunod sunod na tanong sakin ni Ayenna.

"No, Hindi ko sya gusto." Sagot ko sa kanya dahil hindi naman talaga! Mag pinsan kami at parang magkapatid na rin! Siguro hindi nila yun alam dahil sa tingin ko hindi ko rin naman nabanggit kanina.

"Are you sure?" paninigurado nya. Oo naman alam ko sa sarili ko na hinding hindi ko sya magugustuhan.

"Yes, Why?"

"Matagal na syang crush ni Brenna. Ever since first year highschool."

Napatawa ako sa narinig ko!. So that's the reason kung bakit ganon sya makapagtanong sakin HAHA! Kung gusto nila tulungan ko pa silang mapalapit sa isa't isa! Gosh!

"Why are you laughing?"

Bago pa ako makasagot sa kanya ay nagsimula nang magsalita si Brenna sa unahan kaya ngintian ko nalang sya. Mamaya malalaman ko kung ano ba talagang meron samin HAHA.

"Hi everyone! My name is Brenna Mae Carillo, Daughter of the owner of Carillo industrial supplies and one of the stock holders in the De la Vega's Group of Company one of the biggest company here in our town. And we also have shares here in our university." Pagpapakilala ni Brenna sa kanyang sarili.

So part pala sila ng company namin. Kaya pala hindi naikakaila na talagang angat sila sa buhay dahil once na makasali ang company nyo sa company namin ay talagang secure na ang future ng company nyo. Hindi mo na kailangang mangamba. And her family also have a shares here. Wow!

"Hindi lang one of the biggest company ang De la Vega G.O.C! Number one ito sa buong Pilipinas!" Biglang sigaw ni Calvin sa likuran kaya napatingin kamin lahat sa kanya. At nang magkatinginan ulit kami ay kinindatan na naman nya ako! At sa pagkakatang iyon ay maraming nakakita at alam kong nakita na rin yon ni Brenna.

Hindi nga ako nagkamali dahil pagtingin ko sa kanya ay nakatingin narin sya sakin at mukhang nagtataka na!.

"Yeah we all know that" sagot ni bren kay calv habang ang panigin ay nasa sahig dahil mukhang medyo napahiya!

Lagot ka talaga sakin mamaya Calv! sila pa nga lang nakikilala ko dito baka layuan ako dahil sa mga pinag gagagawa mo!

Naupo na di brenna sa tabi ko at tumayo naman si Ayenna. Ako daw ang panghuli dahil bago lang ako.

"Good morning everyone! I'm Ayenna Cortez. We are also a stock holder in the De la Vega G.O.C and the owner of the Cortez Pharmacy the number 1 pharmacy in town. And just like Brenna we also have shares in this school." Medyo malumanay na pagpapakilala ni Aya sa kanyang sarili.

So part pala silang dalwa ng companya namin. And also have shares in this university. Ang sumunod naman na nagpakilala ay ang unang pumasok kanina na kasama ni calv.

"I'm Blake Ivan Harison we own the Harison International Airport and some of the hotels and restaurants here. Also we have shares in this univeristy of the Carter. " Medyo bibo na pagkakasabi nya. Hindi rin nakatakas sakin ang pag ngiti nya kay Aya.

"Anong meron?"hindi ko na napigilan pa ang sarili kong magtanong. Nakita ko ang nakakalokang ngiti ni bren kay aya. Are they in a relationship?

"HAHAHA pakilala ka namin mamaya sa kanya, ang alam ko may gusto yan kay aya, ang pabebe lang talaga ng babaeng to HAHAHA" Sagot sakin ni bren. I wonder if their feelings are mutual?

"Calvin Aidan Carter. Son of the owner of this school and owner of the Aily resort." Napaka bibo nyang sabi.

"Kace Lexter Halston. Son of the owner of the Malls, Villages and we also have share here like some of you" medyo may pagka suplado nyang sabi.

I think magkakaibigan silang tatlo. Kung yung dalwa ay may pagkabibo eto naman ay napaka seryoso. Pare pareho silang mga gwapo at matatangkad.

"Ms. Callista it's now your turn." nakangiting sabi ni miss Adams.

"I'm Amarah Callista De la Vega" sa pagkasabi ko ng buong pangalan ko ay kitang kita ko ang gulat sa muka ng ilan kong mga kaklase lalong lalo na ang kina aya at bren. "Daughter of the owner of the De le Vega G.O.C. and some of the five star hotels in the world. A stock holder in this university also."Pagkasabi ko non ay bigla nalang sumigaw si Calv.

"Welcome back!" sigaw nya at bigla nalang tumawa ng malakas. Napatawa din naman si miss Adams at ang ilan naming mga kaklase.

"You may take your sit now miss De la Vega. Now you know who are your classmates we will start our first lesson tomorrow, have an advance reading about the Greek mytology. Class dismissed." Pagkatapos magsalita ni miss ay lumabas na sya ng classroom at ang mga kaklase ko naman ay nagsimula nading maglabasan.

"Calli! ikaw ang tagapag mana ng mga De la Vega!??"tanong sakin ni bren at inalog alog pa ako!

"Oo" medyo nahihiyang sagot ko.

"O.M.G aya! kaibigan natin ang isang napakalaking kompanya!"

"Which is part din naman kayo diba?"

"Oo nga pero iba parin ang feeling noh! Akala namin nasa ibang bansa ka?" si aya.

"Yeahh sa states ako nag aral noon pero pinilit ko ng parents ko na ibalik na ako dito."

Sa gitna ng pag uusap namin ay bigla nalang lumapit samin sina Calv.

"Calli! I miss you! welcome back!" sabi ni Calv at niyakap pa ako!. Nag aalinlangan tuloy akong tumingin kay bren.

"I miss you more Calv!" sabi ko sa kanya sa kalagitnaan ng pag yayakapan namin. Hindi rin naman nagtagal ay humiwalay na din sya.

"Tara sabay ka samin mag snack at mag lunch!" anyaya nya sakin.

"Calv, may mga kasama na ako ehh sina bren at aya. Pwede naman siguro tayong mag sama sama diba?" tanong ko.

Nagkatinginan sina Bren at Calv, Aya at Blake, ako at si Kace. Wait, anong meron? His eyes, i think it's look familiar to me! But i'ts impossible!. Bakit ganito ang nararamdaman ko? I think we've met before but i can't remember it clearly.

"You know that we don't allow any girls to sit with us right?" biglang sabi ni kace.

I don't know why but i feel something inside me and i think it's anger. Bakit ganito sya maki tungo sakin? May nagawa ba ako sa kanya?

"Dude it's okay it's Calv's cousin and we know aya and bren." singit ni Blake.

"My decision is final blake. No girls." pinal na sabi ni Kace.

"It's okay calv, maybe next time kami nalang muna ang magsasabay nina aya at bren." nakangiti kong sabi sa pinsan ko.

"Okay, sabay nalang tayong umuwi mamaya ako na bahala kina tita at tito." pagkasabi nya noon ay naunang lumabas si Kace sa classroom at sumunod naman ang dalwa.

"Let's go" aya ko kina bren at aya. Sumunod naman sila sakin palabas.

Pag pasok namin sa cafeteria ay nakita ko agad sina calvin. Bawal ang mga babae sa table nila pero andon si blairsa tabi ni Kace at may ilan pang nakaupo doon. Hindi ko nalang sila pinansin at nagtuloy tuloy sa pag pasok. Bakit ba kasi hindi nalang nya aminin na ayaw nya kaming kasabay? Bakit kailangan pa nyang gumawa ng mga excuses?

"Calli, okay ka lang?" tanong sakin ni aya. Nakaupo na kami ngayon sa madalas daw na table nila. Napabalik lang ako sa reyalidad dahil sa tanong na iyon sakin ni Aya. Hindi ko napansin na nakatingin pala ako sa table nina Calvin.

"Yeah i'm okay. Let's eat." walang gana kong sabi.

Kace Lexter Halston, what's your problem with me? Did we know each other? Do you know me? Do i know you?.

......