After lunch, bumalik na kaming tatlo sa classroom dahil may next class pa kami. Nang makapasok kami sa classrom ay andun na sila Calv. Pagkaupo ko sa upuan ko ay bigla siyang lumapit sa akin.
"Calli, saken ka na sumabay mamaya nag text sakin si mommy na isabay na daw kita sa bahay daw tayo mamaya mag didinner."
"Ohhh, Okay." sagot ko at bago pa sya umalis ay pinisil pa nya ang pisngi ko.
After 5 mins, pumasok na ang bago naming prof. Hindi ko alam kung lalaki ba ito? o bakla??.
"Good afterrnon class, i'm Mr. Mendoza your prof in Mapeh." Panimula nya sa amin. Confirm na hindi sya straight kasi sa pananalita nya palang. "Ngayon tumayo kayong lahat at mag sisitting arrangement tayo."
Eto naman ang pinaka ayaw ko. Mas madali kasi talaga kapag ka close mo yung katabi mo ehh, pero wala namang choice. Nagsimula na syang mag paupo ng iba. Babae, lalaki, babae... Ganyan ang pattern ng upuan namin tatlo ng tatlo sa isang row. Pero pag dating sa dulo dalawahan nalang. At pagtingin ko sa mga nakatayo, kami nalang palang anim!! Lord wag naman po sanang si Kace pa ang makatabi ko!
"Mr. Carter, at the left side in the back same as Ms. Carillo."
Nang pagkasabi ni Sir ng mga pangalan nila ay nagkatinginan kami ni Aya habang natatawa pa!> HAHA
"Ms.Cortez and Mr.Harison, at the right side"
Kami naman ni Bren ang nagkatinginan, nang mapagtanto ko na natawag na silang apat!
"Ms. De la Vega and Mr. Halston, take your seats."
Pagkasabi ni sir na maupo na kami, ay wala na akong nagawa. Hindi naman ako makapag reklamo dahil alam kong mapaphiya lang ako kasi wala naman akong sapat na dahilan para hindi kami pagtabihin!. Hindi naman ako galit sa kanya, iba lang talaga yung nararamdaman ko siguro dahil sa pinakita nya kanina sa amin na ugali nya.
Hindi rin muna nag start ng lesson si Mr.Mendoza bukas na daw kasi first day naman daw ng klase ngayon. Hindi naman ganon ka sobra yung ingay ng mga kaklase ko ngayon habang iniintay namin yung last subject teacher namin. Nagbabasa ako ng wattpad sa phone ko ng bigla may nakaagaw ng atensyon ko dahil sa malakas na sigawan!.
"Hoy Calvin! ang kapal naman ng mukha mo na pagbintangan ako! ang yaman yaman mo tas ballpen lang sasabihan mo na agad ako ng magnanakaw!? ehh hindi naman ako ang kumuha!."
"Kung ganon nasaan na!? Hindi lang basta ballpen yon! napakahaga non saken!"
"Ehh sa wala nga saken diba! ano bang pakealam ko sa ballpen mo ehh meron naman akong aken! napaka eresponsable mo kasi, mahalaga pala sayo bakit hindi mo ingatan!?"
"Napaka boba mo naman kasi, napaka likot mo ayan tuloy nawala! You're so stupid!"
At marinig ko ang mga salitang yon kay Calvin hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at inawat ko na sila! sobra na sya hindi nya dapat sinabihan ng ganon ang kaibigan ko!
"Calv! tama na ano ba!? para ballpen lang mag kakaganyan ka na!? pwede mo tanungin ng maayos diba? bakit kailangan mo syang pagsalitaan ng ganon!?" pagkatapos ko syang sigawan ay nilapitan ko na si Bren na naiyak na ngayon kay Aya! hay nako, ngayon ko lang sya nakita na at narinig na manigaw ng babae!
"Tol, ang dami mong nasabi, eto ballpen mo!" biglang sabat ni Ivan! nasa kanya lang pala! Bakit hinayaan nya pa na umabot sa ganon pwede naman nyang awatin sila agad!.
"Ayan nasa kanya naman pala ehh!"pasigaw paden na sabi ko!
"Calli, binigay lang to sakin ni Kace, wala akong kinalaman dyan." depensa ni Ivan sa kanyang sarili.
Bumaling ako kay Kace at tinanong sya kung bakit hindi sya nagsasalita na nasa kanya pala!.
"Ehh, ayaw naman nya ako pagsalitain ehh. He told me to shut up, so i shut my mouth up!."
"Tama na nga! baka pati kayong dalwa mag away! Tama na tumahan na si Bren at padating na din si miss" medyo badtrip na pagkakasabi ni Aya samin.
Buti nalang talaga inawat na kami ni Aya, kasi talagang papatulan ko yang Kace na yan! Nakaka inis sya! napaka yabang nya! parang walang pakealam sa kaibigan nya!
Dumating na nga si miss Perez ang values prof namin kaya nagsibalikan na din kami sa mga upuan namin. Hindi na nya iniba ang seating arrangement namin, itinulad nalang nya kay mr. Mendoza para daw hindi na kami mahirapan mag lipat, pero mas gugustuhin ko pa na maglipatan kesa naman sa makatabi ko to!
"Good afternoon everyone! I'm miss Perez your prof in Values class. So today since first day naman, Im giving you just an introduction about our first topic for tomorrow."
Ganon na nga ang nangyari, binigyan nya kami ng intoduction about sa magiging topic para bukas. Tahimik lang ako buong klase, pagtingin ko sa side nina Aya masaya sya na nakikipag usap kay Ivan. Si Bren naman at Calv ay mukhang maayos na din. At kami ni Kace? para lang kaming hangin sa isat isa.
Tumingin ako sa cellphone ko at saktong pag ring din ng bell. Alas kwatro na ng hapon kaya't inayos ko na ang mga gamit ko, inilabas ko ang ilang notebooks at book ko para mailagay sa locker. Nang pagkatapos ko ay bigla akong nilapitan nina Bren at Aya.
"Calli, tara na sama ka samin mag memerienda kami dun sa may milktea shop sa labas." aya sakin ni Bren. Bago pa ako makasagot napatingin kami sa may gilid ko at nakita namin ang tatlo. Pagtingin ko kay Calv ay hawak hawak na nya ang mga gamit ko!
"Tara na Calli, ilalagay mo ba to sa locker mo?"Tanong nya sakin.
Napatingin ako kina Bren at Aya, nginitian nila akong dalwa..
"Intayin ka nalang namin sa may locker area" nakangiting sabi ni Aya at tinalikuran na nila ako.
"Ahh oo, Ahm Calv, uuwi na ba tayo? nag aaya kasi sina Bren na mag milktea muna sa labas ehh."
"Ahh ganon ba, sige tara" Sabi nya.Naglalakad na kami palabas at naabutan pa namin ang dalwa na ngayon ay kasama na sina Ivan at Kace. "Bren, Aya, okay lang ba na sumama kami??"
Mukhang nagulat si Bren at Aya sa tanong ni Calv at ang dalwa namang lalaki ay mukhang nagtataka.
"Huh?kayong tatlo?" Nagtataka at gulat na tanong ni Bren.
"Oo kung okay lang, sabay kasi kaming uuwi ni Calli ehh."
"Okay lang naman, ikaw laman diba?" tanong bigla ni Aya.
"Actually, kasama ko tong dalwa ehh." sabi nya habang inaabot nya sakin ang mga gamit ko para maayos ko na sa locker ko.
"Bakit ayaw mo ba kaming kasama Aya??"biglang singit ni Ivan.
Ano bang meron sa dalwang to? Hay nako.
"Hindi naman, kasi diba hindi naman kayo nasama at nagsasama ng mga babae, maliban nalang kay Blair at sa mga kaibigan nya den." sarkastikong sagot ni Aya kay Ivan.
"Ngayon lang naman to. Kaya sana pumayag na kayo" biglang singit ni Kace.
"Walang problema samin ni Aya yon Kace, si Calli ang tanungin mo dyan."
Saktong tapos na ako sa pag aayos ng locker ko nang sabihin yon ni Bren. Bat ba ako nadamay ehh sasama lang din naman ako?
Pagkalock ko ng locker ay agad kong tingnan si Bren, pero sa mga mata ni Kace bumagsak ang pagningin ko.
"What? Papayag ka ba o hindi?" masungit na pagtatanong nya sakin.
Hindi na ako nakipagtalo at nag aya na dahil gutom na ako.
"Hay nako bahala kayo, tara na gutom na ako!"
"Sige na sumama na kayo basta libre mo Kace" biglang sabi ni Bren at tinuro pa si Kace!
"K. Fine" walang ganang sagot nito.
Naglalakad na kami ngayong amin palabas ng campus, nasa unahan kaming tatlong babae at nasa likod naman namin ang tatlong lalaki. Hindi ko akalain na ganto pala sila kasikat dito sa campus! kahit saan maririg mo ang pangalan nilang tatlo!.
'Girl ang cute talaga ni Ivan dibaaa!'
'Oo sis, at akin sya!'
Napatingin ako kay Aya nang marinig ko ang usapan ng mga babaeng yon tungkol kay Ivan, at nakita ko ang pag ismis nya! HAHAHA
' Ang pogi ni Calvin!''
'Calvin! my love!'
Ngayon naman ay kay Bren ako nakatingin at kitang kita ko ang pag irap nya! Gurl wag kang mag alala sayo ako boto HAHAHA
'Ang hot naman ni Kace! My baby!'
'Kace ako nalang girlfriend mo!'
Dinedma ko lang ang naririnig ko tungkol kay Kace pero nang mapansin kong nakatingin sakin ang dalwa na para bang nag aasar, ay tiningnan ko lang din sila ng tingin na nagtataka. Wala akong pake alam sa mga naririnig ko okay!.
Nang makarating kami sa milktea shop, ay umorder agad si Kace kasi nga libre nya to HAHAHA. Nag cecelphone ako nang biglang may naglapag sa harapan ko ng blueberry cheesecake at cookies&cream na milktea! Favorite ko to at hindi ko alam kung pano nya nalaman, o baka naman sinabi sa kanya ni Calv? Nag thankyou ako sa kanya at hindi na ulit sya pinansin dahil hindi din naman nya ako pinapansin!.
Masaya kong kinakain ang pagkaing nasa harapan ko ngayon nang biglang maagaw ni Bren ang atensyon ko.
"Calli, tara mag shopping sa weekend pleaseee sama ka samin!" pamimilit nya sakin.
"Sa weekend? Sige mag papaalam ako sa parents ko"
"Naku Bren baka kung saan saan mo dalhin ang pinsan ko ha! Sasama nalang kami sa inyo para may bantay sya" singit ng epal kong pinsan. Hindi ko na sila pinansin dahil alam kong sa pagtatalo lang ang bagsak ng dalwang to!
"Ano! Buntot ka ba nya? Bat kailangan kasama ka pa!?"
"Bakit ba gusto kong sumama ehh"
"Huwag ka na sumama!"
"Sasama ako sa ayaw at sa gusto mo"
"Huwag ka nang sumama hindi ka naman namin kailangan don!"
"Okay hindi na pero...."
"Pero??"
"Sasabihin ko kina tito at tita na huwag payagan si Calli" nakangiting sabi ni Calv at uminom sa inumin nya. At dahil sa sinabi nyang yon hindi ko na napigilan ang sarili ko na hindi sumabat sa away nila.
"Ano!??" sabay sabay na sabi naming tatlo! Grabe naman sya, minsan na nga lang ako lumabas. Alam ko na susundin sya nina daddy kapag sinabi nya yan at hindi ako papayag!
"Oo, kapag hindi nyo kami isinamang tatlo ssabihin ko sa parents ni Calli na huwag syang payagan" nang aasar na ngiti ang ibinigay nya samin!
"Bro, bat naman kasama pa kami?" Sabat ni Kace "Kayo nalang hindi ako sasama"
"Okay edi hindi din sasama si Calli sa weekend"
"Ano!? Fine! Edi sumama ka, tapos!" sabi ko
"No couz, kapag may isang hindi sumama sa ating anim, hindi ka tutuloy sa weekend"
"No way."wala sa sariling nasabi ko.
"Yes way couz" nakangising sagot nito!
"Pano ba yan Calli sasama lang ako kapag si Aya na ang nag aya saken" Biglang singit ni Ivan! What the hell? Bat ganto sila saken?? Hayy nakoooo!
"Ano!? Hoy Ivan manahimik ka nga!" si Aya
"Calli i'm sorry mukhang hindi ka ata makakasama, ayaw ehh"
"Fine! Para kay Calli, sumama ka na"
"Yannn, okay i'm in guys" nakangising sabi ni Ivan dahil nasunod ang gusto nya. Hayst.
"Okay na ba? Pumayag na si Ivan" mahinahong sabi ko.
"May isa pa couz." At makahulugang tumingin kay Kace kaya nataingin din ako sa kanya.
"Wag kasing pilitin ang ayaw!" inirapan ko na sya this time dahil hindi ko na talaga kaya sobrang naiinis na ako!
"I'm sorry, ayoko talaga." Pinal na sabi ni Kace.
"Edi wag!" sigaw ko sa kanya! "Bren, Aya, una na ako kita nalang ulit tayo bukas." Pag papaalam ko sa kanila.
"Okay, ingat ka" sabay na sabi nila "Bukas nalang ulit natin pag usapan" pahabol ni Bren at tumango nalang ako sa kanya.
"Ivan una na ako ikaw na bahala dyan sa dalwa ha." Baling ko kay Ivan.
" Oww okay ingat ka bukas nalang ulet" nakangiting tugon nya sakin.
"Calv tara na." Sabi ko sa kanya at naglakad na ako palabas ng milktea shop at agad namang sumunod sakin si Calvin pero naunahan pa sya ni Kace.
Talagang nainis na ako sa kanya! Wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero bakit ba hindi nya ako mapakisamahan ng maayos!? Isa pa tong si Calvin ehh bakit ba kasi nya naisipan yung ganon?!
"Callista!" narinig ko pang sigaw ni Kace at hindi pa sya nakuntento sa sigaw dahil nang naabutan nya ako pagkalabas ko ng milktea shop at bigla nyang hinagip ang braso ko at hinarap sa kanya!.
Pagharap ko sa kanya ay natanaw ko ang apat na sunod sunod lumabas sa shop. Pinilit ko na hindi sya tingnan dahil baka kung ano ang masabi ko dahil sa galit ko.
"Callista, I'm sorry. Fine sasama na ako sa weekend" sinabi nya yon sa nanunuyong tono.
"Edi sumama ka." Inis na sagot ko sa kanya at inalis ang pagkakahawak nya sa braso ko inirapan sya.
"Calli, please i'm sorry." Ulit pa nya "f*ck, bat ba hindi kita kayang tiisin." Mahinang pagkakasabi nya.
"Ano?"
"Wala, sabi ko sorry na"
"Ewan ko sayo"
Lalo akong nainis, pero ayoko na makipag talo pa sa kanya.
"Calv! Tara na!" tawag ko sa pinsan ko at tinalikuran ko na sila don. Naglakad na ulit ako papunta sa parking lot ng school dahil nandon ang sasakyan ni Calv.
Pinagbuksan nya ako ng pinto at padabog akong pumasok don. Inis din ako sa kanya no! Sya ang pasimuno nitong lahat! Pumasok na sya sa driver seat.
"Calli, i'm sorry" panimula nya "Alam kong mali yung inasta ko kanina, i'm sorry talaga" paumanhin nya habang nakatingin sakin.
"Okay na, wag mo nalan ulitin. Tsaka bakit ba gustong gusto mong sumama? Pwede naman na kayo nalang tatlo diba?" nakita ko ang pag iwas nya ng tingin sakin dahil sa tanong ko.
"Wala lang gusto lang kitang makasama" palusot pa nya. Ano ba akala nya? na hindi ko napapansin na may gusto sya sa Bren? HAHAHA!
"Okay sabi mo ehh, tara na."aya ko sa kanya.
_____________
Habang nasa byahe kami, biglang nag soundtrip itong pinsan kong magaling.
Pilit na ikinukubli ang nararamdaman
Tumitigil ang paligid tuwing ika'y nariyan
At sa iyong paglapit
Natataranta, ako'y natotorete na lang
Huwag mo naman akong tignan nang ganyan
Hinay-hinay lang, mahina ang kalaban
Hindi madaling mapa-ibig sa katulad mo
Muling nag flash back sakin ang itshura ni Kace kanina. Kung mahawakan at tingnan nya ako, para bang napaka importante ko sakanya ehh kakakilala palang naman namin? Sa pakikipag usap nya sakin kanina para bang ingat na ingat sya sakin, para akong isang bagay na babasagin at mamahalin. Bakit Kace? Bakit parang biglang lambot mo ata sakin ngayon? Hindi ka ganyan makipag usap sakin kaninang lunch. Magkakilala ba tayo noon? Bakit ba iba ang nararamdaman ko pagdating sayo?.