Naghahalo ang kulay pula at kahel habang papalubog ang araw, matingkad iyon na para bang nag-aapoy ang langit, maging ang dagat dahil sa repliksyon nito.
At kapag nawala na ang liwanag na dulot nito, ang ganda at ilaw naman na dala ng buwan ang papalit, kasama ang ningning ng mga butuin.
Kung maaari lang na ito palagi ang makikita ko sa araw-araw, napakagaan siguro sa pakiramdam. Sa paglubog ng araw, nangangahulugan na isang araw na naman ang lumipas. At maghihintay sa pagdating ng bagong umaga.
"Are you really sure na sasama ka sa amin pauwi sa Lanao del Norte?" nilingon ko si Ella na dahan-dahan na naglalakad sa buhangin papunta sa akin, bitbit ang sandalyas niya.
"Ayoko namang maiwan dito." Pinagpagan ko ang espasyo sa table cloth na nilapag ko kanina para makaupo si Ella katabi ko. "Ayaw niyo ba akong isama?" dagdag na tanong ko.
Mahinang tinampal niya ang balikat ko at di pa nakuntento, kinurot ang braso ko. "Anong pinagsasabi mo diyan! Syempre gusto namin. Kung saan kami, andoon ka rin. Pamilya ka na namin, Reth. Nag-alala lang kami na baka makasama sa'yo ang pag-uwi sa Lanao del Norte."
"The doctor suggested that I should visit places other than here, para may progress sa kalagayan ko. At magandang dahilan ang pagsama ako sa inyo pauwi sa Lanao."
"Pero di ba, doon ka namin nakita? Paano kung imbis na makatulong lalong makasama--"
"Yan ka na naman. Stop thinking negative. Magiging maayos lang ako. Kita mo naman ang proweba diba?" sinundan niya ang tingin ko at napangiti.
"Okay, I'll believe you. Pero kapag andoon tayo, kailangan mong sabihin sa amin kung may maramdaman kang kakaiba, okay?" sensero niyang usal. Ngumiti ako sa kanya saka tumango. "Promise."
Umupo pa kami nang ilang minuto doon bago nagdesisyon na umuwi na sa bahay.
Pagkatapos maghapunan, tinulungan ako ni Ella na mag-impake ng mga gamit ko. Kokonti lang naman talaga mga gamit ko at kaya ko naman, pero nagpumilit talaga siya, kaya hinayaan ko na lang.
Maaga kaming umalis ng bahay kinabukasan. Alas-otso y media ang kinuhang oras sa ticket nina Ella sa barkong lalayag mula Siquijor papuntang Dumaguete. Isa hanggang dalawang oras yung biyahe depende sa Ferry na sasakyan papuntang Dumaguete kaya doon na siguro kami manananghalian at mula Dumaguete papuntang Dapitan naman sa hapon.
Akala ko tuloy-tuloy yung biyahe pero may aasikasuhin pa muna sina Tita Grace sa Dapitan kaya pagkalipas ng dalawang araw bago kami ulit bya-biyahe papuntang Lanao del Norte.
Sabi ni Ella dapat mag-eeroplano kami pauwi pero nabago kasi ang meeting ni Tita Beth kaya nagferry na lang kami.
Wala namang problema iyon sa akin. Nasanay naman na ako sa pagsakay ng ferry dahil palagi naman kaming nagpupunta ng Dumaguete para mamasyal o kundiy magpunta sa karatig-isla.
Lagpas kalahating araw din ang biyahe mula Dapitan papuntang Lanao. Sabi ni Ella sa Linamon daw ang punta namin, isa sa munisipalidad ng Lanao del Norte, pinakamalapit na lugar sa Iligan, kung saan nila ako nakita.
Napapansin ko ang nag-aalalang tingin, hindi lang ni Ella pati na din nina Tita Beth at Tito George na asawa niya, habang papalapit kami sa Linamon.
"Okay po ako, wag kayong mag-alala. Malakas po ako." natawa naman sila nung pinakita ko pa yung braso ko.
"Oo na, malakas ka na. Ang laki-laki ba naman ni Thad nung nilabas mo, e." biro ni Tito George sabay tingin sa batang mahimbing na natutulog sa kandungan ko.
Napangiti naman ako. May video si Ella nung isilang ko si Thad at ang lusog-lusog nga niya doon. I don't have any recollection of it though.
Nagising lang ako nun isang araw sa isang private hospital sa Manila. Sina Ella at Tita Beth agad ang nakita ko noon, dahil wala si Tito George.
The doctor told me about my situation and Ella fill-in the other information.
That they saw me lifeless in the C3 road, when they were travelling from Iligan. That I gave birth to a son after 6 months in a coma.
Ayaw ko sanang maniwala but Ella showed me the video she took, when I went into coma and giving birth through cesarean method.
And it's been 3 years since then.
Wala akong maalala sa buhay ko, kahit pangalan man lang. Kaya binigyan nila ako nang bagong pangalan mula sa singsing na suot ko. Reth. Pinaikling pangalan mula sa Margareth.
As for my baby, they named him Thaddeus Ethan and use their surname. So we're both using the Garcia now.
I don't know what will happen in our stay here in Lanao del Norte but I hope that maybe, even just a little glimpse of my memory would be recollected.
I'll accept it, maganda man o masama.
Coz what I really want to know is, what happened to me three years ago... more than anything else.