Customer
"Reth, si Anna muna ipatao mo diyan sa cashier, sabayan mo muna akong maglunch." Tawag ni Ella sa akin. Kalalabas lang niya mula sa maliit na kwarto na ginawang mini- office nitong coffee shop na itinayo nina Tita Beth, di katagalan pagkatapos naming lumipat dito sa Linamon.
Tulad ng utos ni Ella, pumalit si Anna sa akin sa cashier at umupo ako sa table na inakupa ni Ella. Hindi matao ngayon dahil walang pasok ang mga studyante na regular dito sa coffee shop, na ang paaralan ay di lang din kalayuan
"Ayos ka lang?" tanong ko kay Ella pagkaupo ko sa harapan niya.
Pagod na nagpabuntong-hininga siya saka nagpapaka-awa na tumingin sa akin habang nakapangalumbaba sa mesa. "Nakakasawa na kaharap yung mga papeles na kailangan kung icheck, Reth. Bakit kasi umalis na naman si Mama?"
"Hindi ba't isang linggo lang ang alis ni Tita Beth? Kaya mo 'yan, ikaw pa. Ang mas mabuti pa kumain ka muna para naman magka-enerhiya ka tapusin iyong natitirang papeles" natawa ako nung galit na nag-angat siya ng tingin sa akin dahil sa panunukso ko.
Nung isang araw pa siya nagrereklamo dahil sa mga gawain niya na naiwan ni Tita Beth. Hindi naman pwedeng ako ang gumawa noon dahil wala akong alam, may ideya pero baka magkamali kaya mabuti na iyong sigurado, kaya walang magawa si Ella kundi siya ang pumalit muna kay Tita Beth. Wala din kasi si Tito George dahil abala sa pag-papaayos nang ilang sirang parte sa likod-bahay.
Dalawang linggo matapos namin dumating sa Linamon, may pumunta sa bahay at naghahanap kina Tita Beth, binibenta ang bakanteng lupa dahil nangangailangan ng pera. Hindi ko alam ang detalye ng usapan nila pero binili naman agad nina Tita Beth,lalo na nung tignan ang pwesto ay may nakatayo nang hindi kalakakihang bahay pero halata na hindi na naalagaan, kaya nagsuhestiyon si Tito George na tayuan ng negosyo dahil malapit sa highway at nadadaanan ng mga mag-aaral na nasa kabilang kanto ang paaralan.
Halos isa't kalahating buwan din ang ginagad para sa renovation ng bahay, suited for a coffee shop na ideya naman ni Ella. Nagkataon kasi na nanonood kami nang Korean drama at doon niya nakuha ang ideya.
"Si Papa ba ang susundo ngayon kay Thud, o ikaw?" napatingin ako kay Ella ng magtanong siya. "Ako. Gusto din kasi nun na pumunta na naman sa dagat."
"Baka maging shokoy si Thud sa hilig sa dagat." Pareho kaming natawa sa biro ni Ella. Totoo naman din kasi, my son, Thud, sobrang hilig sa dagat. Kulang na lang ata sa dagat na kami tumira.
"Ang gwapong shokoy naman kung ganoon."biro ko.
"Pero mauuna ba kayong uuwi o sasabay kayo sa akin?" tanong niya sabay subo nang kain sa bibig.
"Sabay na kami sa iyo. Hindi kami magtatagal sa dagat, usapan namin ni Thud na maliligo lang siya saglit tapos uuwi na. Baka sa sobrang punta niyang dagat, lalong maging tanned ang balat nun."
Matapos naming kumain ni Ella, bumalik siya sa opisina at pinalitan ko ulit si Anna sa cashier at bumalik naman siya sa pwesto niya sa kusina. Anim kami ditong nagtatrabaho. Dalawa sa kusina na siyang gumagawa ng mga putahe sa menu – kasama na si Anna, dalawa na waiter, ako tsaka si Ella. Hindi naman talaga sana papayag sina Tita Beth na magtrabaho ako dito pero wala naman akong magawa sa bahay kaya nagpresenta akong tumulong.
Napag-alaman namin na meron palang daycare school na malapit lang din sa shop kaya ini-enroll namin si Thud, para naman magkaroon siya ng kalaro at kaibigan na kaedad niya, dahil kung sa bahay, kami ang madalas niyang kasama.
Alas-tres ng hapon ang uwian ng mga bata, kaya alas-dos y media pa lang ay nagpapa-alam na ako kina Ella, minsan umuuwi na kami diritso, pero madalas, naglalagi muna kami sa dagat dahil sa kagustuhan ni Thud.
Dahil lumaki siya sa Siquijor, sa batang edad ay natuto na siyang lumangoy dahil natuturuan ng iilang mga kaibigang bata na kapitbahay namin na kadalasan ay mas matatanda sa kanya ng ilang taon.
"Mama, nagdraw ako nang maraming- marami kanina tapos natuwa si Teacher Gil kaya meron ako stars!" napangiti ako nang masayang sumalubong sa akin si Thud sabay pakita sa kamay nitong may tatlong star stamps.
"Wow, galing naman ng baby ko" usal ko saka hinalik-halikan siya sa leeg na siyang ikinatawa niya ng malakas. "Mama, stop!" pigil niya at pilit na umiiwas pero mas hinigpitan ko ang pagkakarga sa kanya at tinuloy ang paghalik-halik sa leeg niya hanggang sa tumigil ito sa pag-iiwas at natatawang yumakap sa leeg ko.
Nagpaalam muna kami kay Teacher Gil na siyang guro ni Thud, saka naglakad papunta sa dagat. Mabuti at hindi masyadong mainit ngayong araw kaya hindi masyadong masakit sa balat ang init ng panahon.
May sampung pisong entrance fee ang beach resort na lagi naming pinupuntahan ni Thud, si Ella ang nagturo sa amin. Meron naming ibang beach resort din pero ito ang pinakamalapit, at hindi masyadong strikto. Pumwesto kami sa lagi naming tinatambayan ni Thud sa bahaging parte nitong beach resort, sa lilim ng maliit na puno sa isang sulok. May cottages naman pero kami lang namang dalawa ni Thud at walang masyadong gamit kaya ditto kami naglalagi.
"Ma, hurry!" napangiti ako nang agad na naghubad si Thud nang damit niya at nagbihis ng daming panligo. Isinuot ko na kanina bago ko sinundo si Thud ang damit-panligo ko kaya hinubad ko na lang ang nasa itaas at agad na dinaluhan si Thud sa tubig-dagat. Kahit na marunong siyang lumangoy, Thud is still a child nearing four years old, kaya kailangan pa ding bantayan.
Halos isang oras din kami sa dagat, at kahit na gusto ko sanang panoorin ang takim-silim ay inaya ko nang umuwi kami ni Thud. Nagbanlaw kami at nagbihis ng panibagong damit saka pumara ng rela dahil alam kung pagod si Thud sa kakalangoy kanina.
Nung bumaba kami sa shop, nakatulog na nga si Thud kaya inihiga ko muna siya sa opisina ni Ella at tumulong na muna sap ag-asikaso ng mga customers.
"Ate Reth, kilala mo ba iyan?" nagtatakang napatingin ako kay Maria, isa sa mga waiter dito sa shop. Pasimple siyang lumapit sa akin at mababa ang boses na nagsalita.
"Sino?"
"Iyong babaeng nakaupo po, malapit sa bintana sa may right side" pasimple nitong turo sa direksyon na tinutukoy. "Nung pumasok po kasi kayo kanina karga si Thud, hindi na nawalay ang tingin niya sa iyo"
Nilingon ko ang sinasabi ni Maria at napakunot ang noo dahil totoo ngang nakatingin sa akin ang babae. "Hindi ko siya kilala."
"Gusto niyo po bang lapitan ko?" nag-aalalang tanong ni Maria. "Huwag na, wala namang ginagawang masama." Tumango lang si Maria saka bumalik sa pwesto. Napapatingin naman ako minsan sa babae para siguraduhin kung nakatingin pa rin ba siya sa akin, pero bigla itong tumayo saka naglakad papalapit sa akin.
"Hello, I'm Jeanne. Do you know me?" Pakilala nito sabay tanong. Tinitigan ko siya. She was waiting for my answer and she has a hopeful look in her eyes.
"I'm sorry, pero hindi kita kilala" nagbaba siya nang tingin nung sabihin ko iyon. Like she was hurt.
She's a little bit taller than me...with her shoes on. Her hair is shoulder-length with a curly tip, and she's a beauty even without make-up.
"Hindi mo ba...talaga ako...nakikilala?" napabaling ulit ang atensyon ko sa kanya dahil sa tanong niya. Halatang nagdadalawang isip ang tanong niya base sa boses niya, and she look like she will tear up any minute while staring at me. Weird.
"Ahm... I'm sorry pero hindi talaga kita kilala. If you'll excuse me."
"I guess you're not her." She uttered something pero sobrang mahina kaya nung tumalikod ako hindi ko na masyadong narinig. Bago ako pumasok sa opisina ni Ella tinignan ko ulit iyong babaeng nagpakilalang Jeanne and noticed that she was kinda wiping her eyes, nung napatingin siya sa akin at nagtagpo ang mga mata, malungkot siyang ngumiti saka tumalikod at umalis.
Pumasok ako sa opisina ni Ella at tinignan kung nagising ba si Thud, nung makitang mahimbing pa ring natutulong, tumabi ako ng higa sa kanya sa sofa.
Kinabukasan, bumalik iyong Jeanne, pero may kasama na siya ngayong lalaki and same with what Jeanne did, nagpakilala ang lalaki – Oliver daw ang pangalan and stared at me. Maging sina Maria at Lyna ay napapansin ang titig ng dalawa sa akin pero hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pagtatrabaho.
What a weird customer.