Chereads / Provincia deLanao : Shoreline / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Pictures

"Are they still here?" nilingon ko si Ella na nasa likuran ko habang nakasilip dito sa pintuan ng opisina niya at nakatingin sa dalawang customer na apat na araw na ding pabalik-balik dito sa shop. "May kailangan ba sila sa iyo? Sigurado kang hindi mo kilala?"

"Ewan. Hindi rin naman nagsasabi kung ano kailangan nila sa akin. They just orders food and stays here."

"Baka naman kilala ka?" napatitig ako kay Ella dahil sa sinabi niya. "I mean, baka lang naman. Try talking to them, they might help you a little"tinignan ko ulit sina Jeanne at Oliver na nakaupo sa regular table na inuuupuan nila sa apat na araw na pabalik-balik nila dito sa shop.

Honestly, I can notice that Jeanne and Oliver wanted to talk to me, sa tuwing napapadaan ako sa pwesto nila, they look like they have a lot of things to ask yet, afraid to approach me. Baka dahil nung tinanong din ako ni Oliver kung kilala ko ba siya, sinabi kong hindi.

Wala namang problema ang pagtambay nila sa shop dahil wala naman silang ginagawang masama, except sa lagi lang nakasunod ang tingin nila sa akin. Maging sina Maria at Lyna ay naweweirdohan na din kina Jeanne at Oliver pero hindi naman nila masita dahil iyon nga, hindi naman masama.

And I already thought about what Ella said earlier. Jeanne and Oliver know me. Or they knew someone who look like me. Dahil hindi ganoon ang magiging reaksyon nila pagkakita sa akin kung hindi.

Gusto ko rin naman itanong pero natatakot ako. Alam kong desidido akong makaalala nung papunta kami dito sa Linamon pero nakakatakot pa rin pala kapag alam mong may posibilidad na maalala mo nga ang mga bagay na pilit kinalimutan ng utak. At makilala ang mga tao sa posibleng may kakagawan kung bakit nawala ang memorya ko.

Nung magising ako after almost 8 months in being in a coma, I sometimes experienced severe headaches with blurry images on it. The doctor said that they might be my memories but I can't recognize who's in it.

"Papa said that he'll drop off Thud later, after he picks him up in the daycare." Tumango ako kay Ella. Si Tito George muna ang naghatid-sundo kay Thud simula kahapon dahil abala kami nina Ella sa shop, pero dahil may lakad si Tito George ngayon, susunduin niya si Tita Beth sa airport, walang maiiwan kay Thud kaya dito na muna siya sa shop.

Nabaling ang atensyon nang karamihan sa customers nung nagtatakbong pumasok si Thud sa shop, kasunod si Tito George na bitbit ang maliit na bag ni Thud.

"Mama!" agad ko siyang sinalo at kinarga dahil paluksong lumapit sa akin. "Mama, miss kita today" usal nito saka ako hinalikan sa magkabilang pisngi. "Miss ka din ni Mama,baby" at pinugpog ko siya nang halik na siyang ikinatuwa niya.

Natatawa na lumapit sa amin si Tito George. "Sobrang tuwa niyan nung sinabi kong pupunta kami dito, muntik pang maiwan yung bag sa daycare."

Napangiti naman ako. "Talaga, baby?" tanong ko kay Thud. Malaki ang ngiting tumango-tango naman ito.

"O sya, ilalagay ko lang tong bag ni Thud sa opisina ni Ella at aalis na din ako agad dahil baka malintanyahan na naman ako ni Tita Beth mo kapag nahuli ako nang dating sa airport." Natawa ako sa sinabi ni Tito George.

"Sige po. Salamat po."

Nakangiting ginulo ni Tito George ang buhok ko. "Sus, walang anuman, Reth."

Sumunod kami kay Tito George sa opisina ni Ella dahil bibihisan ko si Thud, masyado siguro itong naglalaro kasama ng mga kaklase dahil basa ang likod ng damit. Nagpaalam lang din si Tito George kay Ella saglit saka umalis. May pahabol pang 'Jobee po, Lolo George' si Thud dahil alam nitong aalis si Tito George.

Matapos bihisan ay agad itong lumabas at nagpresentang tumulong kina Maria at Lyna, sa pagbibigay ng ilang orders na siya namang ikinatuwa ng dalawa maging nang ilang customers.

Nung nagawi ang paningin ko sa gawi nina Jeanne at Oliver ay napakunot ang noo ko dahil sa titig na titig sila kay Thud, na para bang nakakita sila nang taong kilalang-kilala nilang dalawa.

"DO WE HAVE OTHER MEETINGS this afternoon, Austin?" tanong ko sa sekretarya kong lalaki.

"Other than the family dinner this evening, Sir, wala na po"

"Okay. You may leave early today, I can handle that dinner later." Napapagod na napaupo ako sa shivel chair dito sa sarili kong opisina. The day's so long with all the meetings and appointments I have to attend today.

"Sigurado po kayo?" naninigurado na nag-aalalang tanong ni Austin.

"Yes, so go home. Birthday nung panganay mo ngayon diba? Buy gifts and a cake with this at pakisabi kay Hanna, sorry, dahil di ako makakapunta." Kinuha ko sa pitaka ang personal ATM card ko at ibinigay kay Austin. "P-pero...."

"Sige na, huwag ka nang tumanggi. Bawi iyan sa ilang araw mong overtime." Nag-angat ako nang tingin sa kanya saka ngumiti. Kahit nag-aalangan ay kinuha naman niya ang card at nagpasalamat.

Nagbuga ako ng hangin saka tinanggal ang necktie na suot.

Hanna is Austin's daughter. Magsasampung taong gulang ito ngayon. Inimbitahan nila ako na dumalo pero dahil ayoko namang pumunta doon na pagod, bawi na lang ako sa susunod.

Napatingin ako sa labas ng bintana nang opisina habang nakaupo sa shivel chair. Magaalas-sais na nang hapon. Mababa na iyong araw at naghahalo na ang kulay sa langit.

Mas magandang pagmasdan ang tanawing ito kung nasa dagat.

Kailan nga ba ako huling nakapunta nang dagat? Isang taon? Dalawa? Hindi ko na matandaan. Mom usually held parties at beach resorts pero mabibilang ko lang sa isang kamay ang mga beses na sumama ako sa kanya.

It's not like I don't like the beach, I just don't like the memories associated with it.

'Kuya! Kailangan mong dumalo sa dinner ngayon, maliwanag?!' Napabuntong-hininga ulit ako nang mabasa ang text ni Jea, ilang araw na niya akong tinitext about sa dinner mamaya, like it's an urgent matter for her.

Na kung iisipin, mas madalas pa siyang wala keysa sa akin. I wonder kung ano na naman kaya ang nasa isip nito.

Jea is my twin, pero hindi kami magkamukha. She mostly got her features from Dad, while I got my features from Mom. Ang pagkakatulad lang siguro naming dalawa ay ang dalawang maliliit na nunal sa ibabang bahagi ng kanang mata.

Nagpahinga muna ako nang ilang minuto sa opisina bago umalis. Dumaan muna ako sa sarili kong bahay para magbihis saka nagtungo sa bahay nina Mama.

I've been living alone for the past 10 years. Simula nung lumago ang maliit kung kompanya, nagpasya akong umalis kina Mama at nagpagawa nang sarili kong bahay, na matatawag kong akin. Gusto din sanang sumama ni Jea sa akin pero dahil di pinayagan ni Papa, pinagawan na lang siya ng sarili niyang bahay na malapit lang din kina Mama.

We have another sibling, si Oli. He's 3 years younger than us pero dahil matangkad, nagmumukhang magkambal kami keysa kay Jea. He's still pursuing his Master's degree in IIT at dahil hindi masyadong hectic sa schedule, siya ang laging nahahatak ni Jea sa mga lakad nito.

I parked the car at agad na pumasok nang bahay. Sinalubong ako ni Nanay Esme, ang nag-iisang nakakatandang katulong ni Mama dito sa bahay. "Nasa likod bahay sina Thea, Aidyn" usal nito na si Mama ang tinutukoy. Nagmano muna ako kay Nanay Esme bago tumuloy sa likod bahay.

Abalang nag-iihaw si Papa nung lapitan ko siya at magmano, tyempo naman na siyang paglabas nina Mama at Jea sa kusina bitbit ang ilang putahe na paniguradong luto ni Mama.

"Ma." Kinuha ko yung bitbit niya saka nilapag sa mesa na nilagay dito sa likod bahay, saka nagmano. "Buti naman at dumating ka, dahil kung hindi, lilipat na lang kami doon sa bahay mo para makasabay ka naman naming kumain."

"Busy lang po talaga ako nung nakaraan, bumabawi naman po. Diba, Pa?"

"Huwag mo nang talakan iyang anak mo, matanda na iyan Thea." Napangiti naman ako na lumapit kay Papa at ako na ang nagpatuloy sa iniihaw niyang karne.

"Sige,iyan! Kaya di na umuuwi dito kasi kinukunsite mo."

"Huwag ka nang magalit. Kompleto naman na tayo ngayon, maging masaya ka na lang, okay?" lambing ni Papa kay Mama. Halatang inis pa din si Mama pero nagpalambing naman, natatawang kumindat naman si Papa sa akin.

Inilagay ko sa mesa iyong karne nung maluto na saka tumabi nang upo kay Oliver, pero ang sama nang tingin sa akin. Nung tignan ko si Jea sa harapan ko, ganoon din ang tingin sa akin.

Anong problema nang dalawang ito sa akin?

Matapos maghapunan, habang nagliligpit nang pinagkainan bigla akong hinila ni Jea sa loob nang bahay na siyang ikinabigla maging nina Mama at Papa dahil sa nabitawan ko ang babasaging pinggan na dala, saka galit na pinaupo ako sa sofa sa sala.

"Anong meron? Bakit mo hinahatak Kuya mo Jea?" nag-aalalang tanong ni Mama na sumunod sa amin. Jea didn't answer her, instead may kinuha siya sa bag niya na nasa kabilang upuan nakalagay.

"Jea, what's happening?" si Papa na ngayon ang nagtatanong. Jea opened a brown envelope and scattered the pictures inside of it on the table. Kumuha siya nang isang litrato at pinakita sa akin.

Larawan nang isang bata na masayang nakangiti habang kumakain ng pasta. Mukhang nasa apat na taong gulang. His face is a little bit messy dahil sa sauce ng pasta but he's smiling brightly on the picture, halatang siyang-siya sa kinakain. Naguguluhang napatingin ako kay Jea. Hindi ko maintindihan kung bakit niya pinapakita sa akin 'to. Nung tignan ko yung ilang larawan na nasa mesa, puro iyon kuha ng parehong bata na nasa larawan na hawak ko.

"Oh my God!" napatingin ako kay Mama nung bigla siyang napasigaw at nanginginig na kumuha nang isang litrato sa mesa. Naguguluhang nag-angat ako ng tingin kina Papa at Oliver dahil wala akong naiintindihan sa nangyayari.

"Look closer, Aidyn." Seryosong usal ni Papa pero may bahid na galit ang boses niya. Kahit naguguluhan, pinulot ko isa-isa ang ibang larawan at pinagtagpi-tagpi saka tinitigan nang mabuti.

Kahit anong titig ko puro larawan lang naman ito ng isang bata. Larawan ng isang... bata... na kamukha ko.

Kamukhang- kamukha ko.

Shit!

Nung mag-angat ako ulit ng tingin kina Mama, pareho silang umiiyak ni Jea, maging si Oliver. Ramdam ko naman ang paglapit ni Papa sa akin saka ang marahan niyang pagpisil sa balikat ko.

"Where are they?" tanong ko. Hindi sumagot si Jea kaya tinanong ko ulit. "Where the fuck,are they Jeanne!" napakislot si Jea dahil sa bigla kong pagsigaw sa kanya.

"I a-accidentally saw t-them on a c-coffee shop in L-linamon." Agad akong napatayo. I need to see them. I need to my son. I need to see her.

Akmang lalabas na ako nang bahay nang pigilan ako ni Oli.

"Hindi niya kami kilala, Kuya. Hindi ka niya kilala."