"Hindi ka pa rin ba naniniwala sa mga sinasabi ko, Archie? Isa siyang pokpok na lalaki. Kung sinu-sino na ang mga lalaking gumalaw sa kaniya. And, I'm sure, bukod sa trabaho n'ya 'yan, nasasarapan rin siya."
Sa mga sinabing iyon sa akin ni Tyra, halos wala na akong mukhang maiharap sa mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Tanging pagyuko na lamang ng aking ulo ang siyang nagawa ko. Hinayaan ko na lamang rin na tumulo ang aking luha, dahil wala naman akong magawa upang ipagtanggol ko ang aking sarili mula sa mga akusasyong ni Tyra na totoo naman.
Dahil sa ginawang pagsigaw ni Tyra at sa pagsiwalat n'ya sa trabaho na mayroon ako, mas lalong tumindi ang mga kumpulan ng mga estudyanteng nakapalibot sa amin. Samu't saring panghuhusga ang aking naririnig mula sa kanila.
Agad kong naramdaman ang paghawak sa aking braso nina Lewis at Melody. Napatingin ako sa kanilang dalawa. Mababakas roon ang matinding kalungkutan dahil sa nangyayari sa'kin. "Umalis na tayo rito, Arthur. Walang makakaunawa sa 'yo rito. Hindi nila alam ang rason kung bakit mo pinasol ang ganung klase ng trabaho."
"Tama si Melody, Arthur. Mas mainam nang umalis tayo rito. Bago pa tuluyang maubos ang pasensya naming dalawa kay Tyra, at baka kami pa ang sumuntok sa kaniya." Matapos na magsalita nilang dalawa, marahan akong tumango sa kanila. Dahan-dahan kaaming naglakad habang maingat akong inaalalayan ni Melody at Lewis.
Nakakadalawang hakbang pa lamang kami, nang biglang harangin kaming tatlo ni Tyra. "Oh? Saan naman kayo pupunta? Nahihiya ka ba na, Arthur? Nahihiya ka na ba dahil alam na ng lahat ang trabaho mo? Nahihiya ka? Pero sa mga ungol mo, hindi? An—"
"Talaga bang hindi ka titigil, Tyra? Talaga vang pinipila mo ang pisi ko? Nu'ng una, nakakayanan ko pang pagbigyan ang mga kagagahan mo. Ngunit, sa mga nakikita kong ginagawa mo sa kaibiga ko, mukhang sobra na." Sa pagsasalitang iyon ni Melody, bakas roon ang sobrang galit at inis dahil sa sobrang pang-aalipusta sa akin ni Tyra.
Sabay-sabay kaming napatingin kay Archie, ng marahan itong nagsalita. At habang nagsasalita si Archie, kakaibang kaba at takot ang aking nararamdaman sa mga sandaling ito. "Totoo nga ang sinasabi ni Tyra, Arthur? Kung ganun, matagal mo na akong niloloko? Akala ko ba naman, malinis kang tao. Pero, hindi pala."
Kahit nahihirapan akong magsalita dala ng sobrang pagluha na aking ginagawa, ginawa ko pa rin na magsalita kahit na sobrang labo para kay Archie na unawain ako ngayon. "Hindi kita niloko, Archie. Mula't sapul naging totoo ako sa 'yo, lalong-lalo na sa nararamdaman ko. Kahit naman sabihin ko sa 'yo ang lahat, hindi mo pa rin ako mauunawaan. Tulad ngayon, pinandidirihan ako ng lahat. Alam ko na ganun na rin ang nararamdaman mo sa akin ngayon."
Matapos kong magsalita, sinubukan kong lumapit rito. Ngunit, humakbang mula sa akin si Archie paatras. Sa ginawa niyang iyon, ibayong sakot ang akig naramdaman.
"Buti naman at alam mo," huminto ito sa kaniyang pagsasalita. At kita mismo ng dalawang mata kung paano n'ya ako tinignan mula ulo hanggang paa. Sa ginawang niyang iyon sa akin, lalo akong nakaramdam ng panliliit. "Ayoko ng makita pa ang tulad mo. Gusto kong ito na ang huli nating pagkikita, Arthur. Nandidiri ako sa 'yo, nasusuka ako sa 'yo. Hindi ko alam, kung ilang lalaki ang nagpakasawa sa 'yo. Napakurumi mo, Arthur!"
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Wala na. Wala na 'yong isang taong naniniwala sa akin. Pati siya ay tuluyan ng nag-iba ang pagtingin sa akin. Ilang pagtango ang aking ginawa, binigyan ko muna si Archie ng isang sulyap bago tuluyang lisanin ang lugar na ito.
Kahit napapalibutan kami ng mga eatudyante, lakas loob akong tumakbo paalis sa Unibersidad na iyon. Rinig na rinig ko pa ang pagtawag sa akin nina Melody at Lewis. Ngunit, hindi ko na iyon pinansin pa. Ang tanging gusto ko na lamang ay makaalis sa lugar na iyon.
Habang patulot ako sa paglakad-takbo na aking ginagawa, hindi ko namalayan ang isang sasakyan na paparating sa aking dereksyon. Huli na para sa akin ang huminto at umiwas sa mabilis na sasakyang paparating sa aking gawi.
Ilang minuto pa ang lumipas, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakahandusay sa daanan at naliligo sa sarili kong dugo. May mga tao rin akong naririnig, ngunit isang boses lamang ang siyang nangibabaw sa akin.
"Arthur, 'wag kang bibitaw. Babawi pa ako sa 'yo. Arthur… arthur… please…?" Ngunit, marahil dala na siguro ng matinding pagod, sakit na nararamdaman ko. Hinayaan ko na lamang na ipikit ang aking dalawang mata. Hindi ko na rin pinansin ang mga taong nasa paligid ko. Ilang sandali pa, tuluyan na akong nawalan ng malay.