Chereads / The Revivify Memoir: In Another Life [BOYXBOY] / Chapter 3 - Kabanata II: Arthur

Chapter 3 - Kabanata II: Arthur

Habang abala ang mga kasamahan kong nagkukuwentuhan tungkol sa aming trabaho. Hindi ko naman maiwasan ang mapatingin sa mga lalaking kasalukuyan nagsasayawan sa ibabaw ng emtablado – na sila namang tinitilian ng mga kababaihan at mga kabaklaang narito sa Bahay-Aliwan. Sa aking pagtingin sa kanila, masasabi kong may mga itsura ang mga lalaking iyon, may mga magagandang hubog ng katawan.

Napukaw na lamang ang aking pagtingin sa kanila, nang bigla kong naramdaman ang pagtapik sa akin ni Ryan sa balikat ko, "Arthur, ayos ka lamang ba?" Tanong nito sa akin. Isang tango naman ang aking isinagot sa kaniya. Inilibot ko ang aking tingin sa mga kasamahan kong abala pa rin sa kanilang pagkukuwentuhan.

Ilang malalakas na halakhak ang aking narinig mula sa mga kasamahan ko, nang tignan ko ang mga ito. Ang kanilang mga tingin ay nakasentro sa mga kalalakihang nagsasayawan sa emtablado. "Ano kaya kapag may naging kliyente tayo isa sa kanila? Pakiramdam ko ay mukhang masasarap ang mga lalaking iyon," Natatawang pagsasalita ni Rusell.

Matapos magsalita ni Rusell. Agad na may itinuro si Mikaela na lalaking naroon rin sa lugar na 'yon. "Alam ninyo ba ang kanilang mga pangalan…?" Pauna nitong pagtatanong sa amin. Dahil sa pare-parehas naming gusto na malaman ang mga pangalan na kaniyang itinuro, sabay-sabay kaming napatango sa kaniya. "…ang lalaking nasa bandang kaliwa, ang pangalan niya ay Ron. Guwapo at masasabi nating masarap – kita naman sa kaniyang paggiling." Paliwanag nito sa amin.

Napatango namin kaming lahat sa kaniyang sinabi. Muling nagpatuloy si Mikaela sa kaniyang pagsasalita sa amin, "'Yong nasa gitna naman, ang pangalan nu'n ay Walter. Ang nasa kanang bahagi naman ay si Orlando. Ngayon, we have to choice our fighter for bed." Matapos nitong magsalita – pati ako ay napatawa na rin sa kaniyang sinabi. Napuno ng tawanan ang aming pag-uusap habang ina-abala namin ang aming sarili sa pagpapahinga.

Habang patuloy kami sa aming tawanan, bigla na lamang nagsalita si Jeff na siyang ikinatahimik naming lahat. "Kumusta naman ang ating mga kaniya-kaniyang trabaho? Nagbibigay ba kayo ng extra service sa mga kliyente ninyo?" Tanong naman ni sa amin.

Dahil sa tanong niyang iyon, agad kaming napa-isip kung ano nga bang klase ng extra service ang ibinibigay namin sa mga nagiging kliyente namin. Akmang magsasalita na sana ako, nang bigla sumagot agad si Rusell sa tanong ni Jeff, "Ako? Bukod kasi sa mga tip na ibinibigay nila, nag-aalok rin ako ng kakaibang aliw – nang sa ganun, kikita na ako, masasarapan pa ako."

Bahagya naman akong natawa sa sinabing iyon ni Rusell. Hindi ko akalain na may pilyo pala itong pag-uugali na itinatago. "Sa akin naman, syempre, ayoko rin naman na walang kuwenta ang gagawin. Kaya naman, nag-isip ako ng bagay na puwedeng magpasiklab sa akin at sa kliyente ko. At siyempre, alam ninyo na 'yon." Saad ni Mikaela.

Napalingon naman ako kay Ryan, nang siya naman ang nagsalita matapos nina Rusell at Mikaela. Nagulat ako sa naging sagot niya. Hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon. Ang buong akala ko lamang ay simpleng usapan ang kaniyang ibinibigay sa mga nagiging kliyente niya. "Oo, naman. Bakit hindi? Sayang rin naman ang kita kung hindi ko pa iyon papatusin. Tsaka, ang nakakatuwa pa, ang tataas nilang magbigay ng tip – dahil sa nagagalingan raw sila sa akin."

Nagulat naman ako, nang ako na ang tinanong ni Jeff ukol sa extra service na kaniyang sinasabi. "Ikaw, Arthur? Ginagawa mo rin ba ang mga ginagawa namin? Kasi, kung aasa tayo sa kita natin rito. Kulang na kulang pa iyon para sa pangtustos natin araw-araw." Napabuntong-hininga na lamang ako sa sinabing iyon ni Jeff.

Tama naman siya. Hindi naman kalakihan ang kinikita namin rito sa Bahay-Aliwan. Kung walang mga kliyenteng papasok, wala rin kaming kitang mahahawakan. Isa pa, kung hindi ako gagawa ng ibang paraan, hindi ko alam kung paano ko maisasalba ang sarili ko sa pang-araw-araw na gastusin.

Lalo na sa panahon ngayon, wala nang mura. Wala na ring libre. Lahat nagmamahal at nagtataas. Kung hindi ako gagawa ng paraan at magdo-doble kayod, paano na ako? Paano naman 'yong pangarap ko na muling makapag-aral muli sa kolehiyo? "Oo. Ginagawa ko rin naman ang extra service. Dagdag kita rin kasi. Lalo na at nag-iipon ako para sa pagbabalik kolehiyo ko." Saad ko naman kay Jeff.

Nang marinig ni Jeff ang aking sagot sa kaniyang tanong. Nakita ko itong tumayo at lumapit sa aking kinauupuan. Kaya naman, umusod ako ng bahagya upang bigyan siya ng sapat na espasyo para maka-upo ng maayos. "Arthur, alam naming lahat na noon pa lang, gustong-gusto mo na ang makapag-aral at maipagpatuloy ang kolehiyo mo," huminto ito sa kaniyang pagsasalita.

Naramdaman ko namang inakbayan ako ni Jeff. At sa pag-akbay na kaniyang ginawa, ramdam ko ang kaniyang suporta sa aking kagustuhan. "Narito lang kaming mga kaibigan mo. Laging nakasuporta sa lahat ng mga pangarap mo. Huwaag kang mawalan ng pag-asa, Arthur. Alam kong magtatagumpay ka sa pinapangarap mo."

"Arthur, tulad mo, hindi ko rin naramdaman ang buhay kolehiyo. Gustuhin ko mang mag-aral muli, ngunit hindi na puwede. May mga kapatid ako na pinapa-aral, kahit sila na lamang ang makapagtapos. Ikaw, bilang kaibigan ko, namin at bilang nakakabatang kapatid namin rito, lagi kaming nakasuporta sa 'yo. Mahal ka namin, Arthur." Sa mga narinig ko kina Jeff at Mikaela, hindi ko napigilang mapaluha dahil sa madamdaming mensahe nila sa akin.

Agad kong pinunasan ang aking mga luha na silang nag-uunahan sa pagtulo mula sa aking mga mata. Ngunit, nang akmang magsasalita na ako, ay agad na nakapagwika si Ryan. "Alam namin na hindi kailanman naging marangal ang trabahong ito bilang isang callboy. Pero, Arthur, para sa pangarap at pag-aaral, alam ko na malalampasan mo ang lahat nang ito. Masama man ang trabahong pinasok mo, ngunit may sapat ka namang rason para gawin ito."

"Tama sila, Arthur. Maraming tao ang hindi nakakaunawa sa trabaho natin. Marami sa kanila ang hinuhusgahan tayo, marahil ay nagbibigay tayo ng aliw at binibenta natin ang ating katawan para lamang kumita," huminto sa kaniyang pagsasalita si Rusell. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Rusell base sa kaniyang mga salita. "Ngunit, may isang bagay o rason sila na hindi nalalaman. Kung bakit natin pinili ang trabahong ito. At ang rason at dahilan na 'yon, ang hindi nila maiintindihan sa atin kahit kailan."

Sa sinabing iyon ni Rusell, ito ang pinakamasakit na pinagdaraanan naming mga callboy. Ang laiitin at maliitin sa trabahong aming pinili. May sapat na rason kami kung bakit ito ang trabaho na aming pinili – marahil dito kami mas mabilis na makakakuha ng pera, para sa pangsuporta sa aming pamilya.

Masakit para sa akin, sa amin ng mga kaibigan ko. Na ganun na lamang ang tingin nila sa mga tulad namin. Kung may ibang trabaho na tatanggap sa amin, bakit hindi? Hindi naman kami magtitiyaga sa lugar na ito, kung may mga kompanya na tumatanggap sa tulad naming hindi nakapagkolehiyo. Ngunit, wala. Tanging ito lamang ang Bahay-Aliwan na ito ang kahit na anong walang kuwalipikasyon sa trabaho. Sa panahong ngayon, kailangan maging praktikal upang mabuhay.

Nagulat kaming lahat sa boses na nagsalit na nagmula sa aming likuran. Sabay-sabay naming nilingon ang boses na iyon at tumambad sa amin ang aming boss at ang kaniyang alalay. "Ano? Uupo na lamang ba kayo rito at mag-uusap-usap? Aba!? Kumilos na kayo! Marami nang klieyente ang nagdadatingan. Madali!" Galit na pagsasalita sa amin ng alalay ng aming boss na si Adam.

Agad naman kaming tumayo mula sa aming pagkaka-upo. Nang akmang maglalakad na kami at handa nang lisanin ang lugar na ito. Nagulat kami pare-parehas nang senyasan kami ni boss Adam na huminto. "Sandali…" Pagpigil nito sa amin. "Huwag ninyong pakinggan ang sinabi ni Cherry. Mainit lang ang kaniyang ulo, dahil nabudol siya ng lalaki niya. Sige na, bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo." Sabay-sabay na kaming naglakad na lima. Ngunit, agad rin kaming napatigil ng muling nagsalita si Adam sa amin, "Maiwan ka, Arthur." Pagtatapos nito.

Nagkatinginan naman kami ng aking mga kaibigan. Napataas na lamang ako ng aking balikat sa kanila. Dahil tulad nila, wala rin akong ideya kung bakit pinaiwan ako ni Adam. Tanging pagtatanguan na lamang ang aming ginawa. Agad na naglakad ang aking mga kaibigan upang bumalik na sa kanilang mga trabaho. Samantalang ako, nakatayo sa gilit ng aming boss at naghihintay kung ano ang kaniyang sasabihin.

"Kailangan mo ng malaking pera para sa pag-aaral mo, hindi ba?" Bigla nitong pagsasalita sa akin. Agad naman akong napatingin rito. Hindi ko magawang makapagsalita dahil naguguluhan ako sa ikinikilos ngayon ni Adam. Kaya naman, tanging pagtango na lamang ang aking ginawa bilang pagsagot sa kaniya. "Kung ganun, may isang klieyente tayong naghihintay sa Reservation Area. Puntahan mo na. Sabihin mo, ikaw ang ipapadala ko." Hindi na niya hinintay pa ang aking sagot, nang bigla na lamang itong umalis sa aking harapan.

Naguguluhan man at nalilito sa kaniyang sinabi. Agad akong naglakad at nagtungo sa sinabi niyang lugar. Habang tinatahak ko ang lugar na iyon, bahagya akong nakaramdam ng ibayong takot at matinding pag-aalinlangan. Ngunit, nakasalalay rito ang malaking bayad – na maaaring makatulong sa ipon ko pang kolehiyo.

Muli kong ipinagpatuloy ang aking paglalakad. Kailangan kong isantabi muna ang takot at pag-aalinlangan ko – para sa pangarap ko. Kung ano man itong nararamdaman ko, hindi na iyon mahalaga pa. Hindi ako matutulungan ng emosyon ko na abutin ang pangarap ko. Nang marating ko na ang Reservation Area, agad kong nakita ang taong tinutukoy ni Adam kanina.

Agad ko namang itong nilapitan. Habang papalapit ako sa taong iyon, mas tumitindi rin ang kaba at takot na aking nararamdaman. "Magandang gabi po, Ako po si Arthur. 'Yong inirekomenda sa 'yo ni boss Adam." Magalang kong pagsasalita rito. Marahan naman ako nitong tinignan, mula ulo hanggang paa.

Sa ginawang iyon ng lalaki sa akin, pakiramdam ko ay lalo akong nanliit sa ginawa niyang iyon sa akin. Pakiramdam ko ay para lamang akong langgam sa kaniyang paningin. "Ilang taon ka na? Masyado ka pang sariwa. Sabagay, mas masarap ang mga tulad mo," Saad nito sa akin.

Napayuko naman ako sa kaniyang sinabi at tsaka ko ito sinagot, "Bente anyos po. Bakit po ninyo natanong?" Balik na tanong ko sa lalaking iyon. Nang mag-angat ako ng aking tingin. Nakita kong napakagat ito sa kaniyang ibabang labi. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin na, napahawak ito sa kaniyang pagkalalaki.

Bahagya itong lumapit sa akin, nagulat ako sa kaniyang ginawa. Bigla niyang hinawakan ang aking leeg at tsaka nito inamoy ang parye kong iyon. "Naamoy ko sa 'yo, ang pagkasariwang hinahanap ko sa isang callboy na tulad mo," huminto ito sa kaniyang pagsasalita. Marahan nitong ibinaba ang isang kamay niya at nagulat ako ng bigla nitong ipinasok ang kamay niya sa aking dibdib. "Malambot ang balat mo. Ang sarap-sarap haplusin, ang sarap-sarap mong panggigilan."

Sa ginagawa niyang iyong sa akin, hindi ko maiwasan ang mailang. Nagiging sentro na rin kami ng ilang tinginan ng ilang taong naririto sa lugar na ito. "Huwag ka nang mahiya. Alam kong gustong-gusto mo ang ganitong paghaplos sa 'yo, 'di ba? Ano? Halika na. Sumama ka na sa akin. 'Wag kang mag-alala, lalakihan ko ang bayad sa 'yo. At sisiguraduhin ko, na uuwi lang maligaya."

"Teka po, saan po tayo pupunta? Saan ninyo po ako dadalhin? Alam po ba ito ni boss Adam?" Sunod-sunod na tanong ko sa lalaking mahigpit ang pagkakahawak sa aking braso.

"Kailangan pa ba niyang malaman ang tungkol sa gusto ko? O, sa gusto kong gawin sa 'yo? Ikaw ang kailangan ko, hindi ang permiso niya. Kaya, tara na. Sumama ka na sa akin. Pupunta tayo sa unit ko." Wala na akong nagawa kundi ang magpatangay na lamang sa lalaking iyon.

Nang makalabas na kami ng Bahay-Aliwan, agad ako nitong pinasakay sa kaniyang sasakyan. Agad rin naman siyang sumakay at mabilis na pinaandar ang kaniyang sasakyan. Ilang minuto lamang ang aming naging biyahe, nang marating namin ang isang magarbo at mataas na building. Bumaba agad ako sa kaniyang kotse at inilibot ko ang aking paningin sa palibot na lugar kung saan niya ako dinala.

"Nagustuhan mo ba ang lugar na ito?" Biglang tanong nito sa akin. Naramdaman ko naman ang pag-akbay na kaniyang ginawa, kaya naman, napatingin ako sa kaniya. "Tara. Pumasok na tayo sa unit ko. Marami pa tayong dapat na gawin, ngayong gabi." Hindi niya na ako hinintay pang makasagot, nang agad niya akong akayin papasok sa mataas na building na iyon.

Narating na namin ang kaniyang unit. Nasa ika-sampung palapag iyon ng nasabing building. Nang makapasok ako sa kaniyang unit, hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng kaniyang unit. Dahil sa pagkamangha na aking nararamdaman, agad kong inilibot ang aking paningin sa buong kuwarto. Sa buong buhay ko, ngayon lamang ako nakakita at nakapasok sa ganitong klase ng kuwarto.

"Maganda ba ang condo unit ko?" Bigla nitong tanong sa akin. Napatango naman ako sa kaniya bilang pagsang-ayon ko sa kaniya. "Siya nga pala, bago tayo magsimula. Gusto kong maligo ka muna. Para naman mabango ka at malinis. Mayroon na ring sabon at siampoo roon, may toothbrush at toothpaste na puwede mong magamit." Pagpapatuloy nito.

"Sige po," simpleng sagot ko sa lalaki. Kinuha ko na ang tuwalya na kaniyang inabot sa akin. At nang akmang tatanungin ko ito kung nasaan ang kaniyang C.R., ay agad naman nitong itinuro ang palikuran niya sa akin.

Pumasok na ako sa palikuran, maingat kong isinara ang pintuan. Isa-isa kong hinubad ang aking suot na damit at agad na nagtungo sa shower. Habang nasa paliligo ako, ang kabang na kanina ko pa nararamdaman – ay narito pa rin sa aking dibdib. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito.

Ito ang unang pagkakataon na makaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking trabaho. Ilang minuto pa ang lumipas, nang tuluyan na akong matapos sa aking paliligo. Ipinulupot ko na sa aking katawan ang tuwalya at tsaka ako lumabas ng palikuran. Bago ako tuluyan makalabas, hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatingin sa salaming narito sa loob.

Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Matapos iyon, agad na akong lumabas ng banyo. Ngunit, sa aking paglabas, nagulat ako sa aking nakita. Naabutan kong nakikipagkuwentuhan ang lalaking kasama ko sa isa pang lalaking naka-upo ngayon sa sofa.

Nahagip ko ang aking hininga nang sabay nila akong tignan na dalawa. Bahagya akong napaatras ng nilapitan nila akong dalawa. "Ano pong gagawin ninyo sa akin? Aalis na po ako." Agad kong kinuha ang aking mga gamit sa bangko kung saan ko iniwan ang aking bag.

Ngunit, bago pa lamang ako maglalakad, nang agad nilang nahawakan ang aking dalawang braso. "Saan ka naman pupuntan, Arthur? Hindi pa tayo tapos. We're about to start playing, baby boy." Nagpumiglas ako sa kanilang dalawa,sinubukan kong tumakas. Ngunit, isang malakas na suntok ang aking natanggap na tumama sa aking sikmura – na siyang naging dahilan upang mawalan ako ng malay. Hindi ko na nalaman pa ang sumunod na nangyari. Bigla ko na lamang naramdaman na parang may taong pinaglalaruan at binababoy ang aking katawan.