CHAPTER 4: The News
BLAIR WADSON, CLASS 12-C
Isinara ko ang pinto sa likod ko at bumaba na ng hagdan. Mabagal na ang pinapatugtog nilang musika sa baba. Couples were now dancing in the soft tune of music. Pinasadahan ko ng tingin ang dami ng tao. Umiikot ang iba't ibang kulay mula sa disco light na nakasabit sa gitna ng unang palapag.
Nang biglang bumukas ng marahas ang main door ng bahay. Iniluwa niyon si Maru, nakataas ang dalawang kamay.
"Am I late?" he shouted.
Mula sa kung saan, lumabas si Evangelyn sa dami ng mga tao at niyakap nang mahigpit si Maru. Naghiyawan ang mga lalaking kakapasok lang sa bahay. Mga ka-teammate iyon ni Maru dahil lahat sila ay nakasuot pa rin ng University Shirt at halatang kagagaling sa practice. I guess they still had to go to practice given the shooting yesterday.
"You finally came," ani Evangelyn at isinukbit ang dalawang kamay sa batok ni Maru. She stood on tiptoe to kiss him.
Pinulupot naman ni Maru ang isang kamay sa bewang ni Evangelyn. I rolled my eyes at the scene. Mabilis kong tinawid ang natitirang steps ng hagdan at dumeretso sa restroom.
Natagpuan ko si Brooke na nakaupo sa sink at kasalukuyang iniinom ang laman ng hawak niyang red cup. Nakasandal naman si Celaena sa sink at nakaharap sa salamin.
"Bitch, finally you're here," bungad ni Celaena.
"Thanks, Blair," sabi ni Brooke at kinuha ang inabot kong shirt.
She quickly removed her crop top and threw it on the trashcan. At saka isinuot ang shirt ni John. Masyado iyong malaki sa kanya.
"Puwede na 'to," aniya at inayos ang buhok sa harap ng salamin.
"Ba't pulang-pula 'yang pisngi? Did you drink already?" untag ni Celaena at lumapit sa 'kin. "Ilan ang daliri ko?" itinaas niya pa sa harap ko ang dalawa niyang daliri.
Natatawang winaksi ko ang kamay niya. "It's nothing. Masyado lang kasing mainit sa labas," pagsisinungaling ko.
"Have you seen Kal?" baling sa 'kin ni Brooke.
Nagkibit balikat lang ako. "I didn't see him outside. Probably passed out somewhere," sabi ko na lang.
"Here, drink," ani Celaena at inabot ang isang red cup sa 'kin. I accepted it hesistantly. "Come one, drink, Blair. We're at a party."
"Drink, drink, drink!" Brooke chanted from behind.
Huminga muna ako nang malalim bago ko inisang tungga ang laman ng red cup. Hindi ako sigurado kung anong klase ng beer ang nainom ko. But I didn't care. The taste of beer turns down the volume of my thoughts. Napapikit ako sa hapding hatid ng beer sa dila at lalamunan ko.
Nang magmulat ako, bahagya nang umiikot ang paningin ko. I heard Brooke and Celaena laughing at me.
"Girl, easy lang," ani Celaena.
"Are you okay?" Brooke asked.
And then everything became clear once again. "I need another one," I said.
Sumilay ang isang ngiti sa labi ni Celaena. "That's my girl," sabi niya.
Lumabas na kaming tatlo mula sa restroom. Kumuha muna kami ng tig-isang can ng beer at saka sumali sa mga katawang sumasayaw sa dance floor—sa sala ng bahay nila John. Upbeat na ang music na pinapatugtog ng dj. Hinayaan ko ang sarili kong sumayaw sa pintig ng musika. Maybe I was too drunk to stop myself from dancing, I have no idea. I whipped my hair from side to side and swayed my hips. The music was so loud that it made my skin prickle. I already know that the beer was making my mouth dry but I didn't care. I kept on gulping the liquid content inside the can I was holding.
Sumasabay ang pintig ng musika sa pagpintig ng puso ko. As though they were one. For once in my life, I forgot everything. I have no care in the world. Tanging ang malakas lang na musika ang naririnig ko. I could barely hear the shouts and laughter around me.
The song that was playing got louder, pulling me in.
"HAPPY BIRTHDAY, JOHN EMMANUEL! HAPPY BIRTHDAY, JOHN EMMANUEL! HAPPY BIRTHDAY, JOHN EMMANUEL!" everyone around me chanted.
I had no choice but to join the crowd. I repeated the words they were saying.
Hinawakan ako ni Celaena sa kamay at ganoon din si Brooke. The three of us formed a circle and jumped along with the beat of music. We were laughing our asses off. Hindi ko alam kung bakit kami tumatawa. Childish? We didn't care.
And I realized that my high school years will be ending exactly 7 months from now. And I know I'm going to miss this moment. This night.
*****
Ibinagsak ko ang katawan ko sa couch. Nandito pa rin kami sa bahay ni John. Nakakaramdam na ako ng matinding hilo. Literal na umiikot na ang paningin ko.
Celaena forced me to sit here, I remembered. Sabi niya, baka raw magpass out na 'ko. When I asked for another can, she refused. Naka-limang can of beer na raw kasi ako sabi niya. I didn't realize na gano'n na pala karami ang nainom ko.
Upbeat pa rin ang music pero banda dito, medyo mahina na iyon. Sinandal ko ang ulo ko sa headrest ng sofa. I stared at the disco lights moving on the ceiling.
"I need another can of beer," I muttered under my breath. "Another can of beer..."
Unti-unting binabalot na ng antok ang sistema ko. Hinayaan ko ang sarili kong bumagsak. Naramdaman kong napasandal ako sa matigas na unan. Bakit matigas ang unan? I opened my eyes and touched the pillow against my cheek. May hulma iyon ay matigas. It seemed like muscles. Dumeretso ako ng tayo at nakita ang isang lalaking nasa tabi ko.
"Sino ka?" I asked him.
"Hi, Wadson," anang lalaki sa tabi ko.
Inilapit ko ang mukha ko ng kaunti para maaninag kung sino siya. I rolled my eyes when I realized it was Maru.
"What do you need, Alegria?" tila pagod kong tanong.
"Nothing. Nakita lang kita na mag-isa so nilapitan kita," aniya at tinungga ang hawak niyang can. "Do you want some?"
Humalukipkip ako at muling ipinatong ang ulo ko sa headrest ng sofa. Nate-tempt akong um-oo sa inaalok niyang beer.
"Why aren't you with your bitch?" lumabas na 'yon sa bibig ko bago ko pa mapigilan ang sarili ko.
And why should I stop myself from drinking? Hindi pa naman ako lasing. Umiikot lang ang paligid ko. But I'm not drunk.
Mabilis kong kinuha ang bagong bukas niyang can ng beer. Tinungga ko iyon. Tonight, beer feels like water, I said to myself. Pero hindi sa organ ko bumababa ang content nitong can. Sa kaluluwa ko. Yes, deep down to my soul. And nothing ever feels right more than this.
Napaungol ako nang maubos ko ang beer. Itinapon ko iyon sa kung saan at pumikit. I turned to Maru. "Would you be a gentleman and get me another one?" sabi ko sa kanya, bahagyang binuksan ang mata ko. "Thank you, in advance."
"Oh, God, you're drunk," ani Maru at tiningnan ako nang maigi. Mahina niyang tinampal ang pisngi ko. "Are you alright? Nasaan ang mga tropa mo?"
I giggled when he asked me that question. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan sila Celaena at Brooke. Maybe they're still dancing. I have no idea. At nandito si Maru sa tabi ko. We never really interact when we are inside the room. Rarely. Kakausapin lang ako nitong mokong na 'to kapag about sa group projects o kapag hindi siya makaka-attend sa practice.
"I'm not drunk," halos bulong na sabi ko.
Dumeretso ako ng tayo. Halatang nagulat si Maru sa ginawa ko. Ngumuso ako sa kanya at inilagay ang isang daliri sa noo niya. Diniinan ko pa 'yon.
"Ikaw!" I shouted at him.
"Ako?" sabi niya, tinuro pa ang kanyang sarili.
"Oo, ikaw! The king of Ellis High," natatawang sabi ko. "Ano ba ang kailangan mo sa 'kin at kinakausap mo 'ko? Sagot! Isa pa, paano ka ba naging king ng school natin? What made you a king? Mukha ka namang pagong!"
I glared at him. Tumingin-tingin siya sa gilid niya, naghahanap siguro ng sagot. He looked like a child.
I realized na tumigil na ang malakas na music sa loob ng bahay. The laughter and shouts stopped as well. Napakunot ang noo ko. What happened? Naramdaman ko na lang na may humila sa 'kin patayo.
"Blair, what are you doing?" boses iyon ni Celaena. Bumaling siya kay Maru. "Pagpasensyahan mo na 'tong si Blair, Maru," paghingi niya ng paumanhin. "Lasing na kasi."
"Hindi pa ako tapos—" bago pa ako makapagprotesta, may tumakip na sa bibig ko. Pumiksi ako sa mga kamay na humawak sa 'kin at hinila na ako palayo kay Maru. Bumaling ako sa gilid ko at nakitang si Brooke pala iyon.
We stopped when we're outside of the house. Bahagyang nawala ang kalasingan ko dahil sa lamig ng temperatura dito sa labas. Nawala na rin nang kaunti ang pagkahilo ko.
Bigla ay may sumigaw sa gitna ng crowd. Napatigil si Brooke at Celaena sa paghila sa 'kin.
"Guys, check this out!" sigaw ng lalaki. "Buksan n'yo 'yong TV!"
May isang babae na binuksan naman agad ang TV. Nang bumukas iyon, isang babaeng reporter ang nagsasalita.
"…isang ala-UFO ang nakuhanan ng litrato ng isang mamamayan sa San Isidro, pasado alas-sais ng gabi," the reporter was saying. Isang picture ang pumalit sa screen. It seemed like a white light in the night sky but as it zoomed in, it was a disk-shaped object floating in the sky. The reported continued. "At ngayon-ngayon lamang ay nakatanggap kami ng report mula naman sa isang mamamayan sa Cavite. Isang animo-UFO din ang namataan at kasalukuyang nakalutang sa kalangitan sa lalawigan ng Cavite. Marami ang nagsuspetsa na baka isa itong sasakyan ng mga tinatawag na Aliens…"
The crowd inside the house became silent, waiting for the next words that the reporter will say. Isang video naman ang sunod na nag-play sa screen ng TV. It was the same disk-shaped object, but this time, it was huge. Looming above the city. Halos hindi masakop ng camera ng kumuha ng video ang kabuuan ng bagay na lumulutang sa langit. It was a strange thing to look at.
"At marami rin ang nagsabi sa social media application na Twitter, na nakikita raw nila itong ala-UFO na lumulutang sa langit sa labas ng bahay nila. Narito ang isang eksperto para alamin kung totoo ba ang lahat ng ito o in-edit lang ng kumuha ng video…"
Then the TV screen suddenly turned off. Napabaling kami sa salarin niyon. "Come on guys, don't tell you y'all believe this shit?"
From outside, someone shouted. "Guys, it's fucking real! Look!" the guy was pointing at the sky above. Tumakbo ang lahat palabas ng bahay. When I stepped outside and looked at the night sky, I realized it was real. Small lights were coming from the circular object looming above us. Hindi lang isang edit kagaya ng hinala ng reporter sa TV.
I blinked several times to make sure my mind was not making things up.
"What the actual fuck," narinig kong anas ni Celaena sa tabi ko.