Chereads / Project Genesis (Remastered Edition) / Chapter 4 - CHAPTER 2: WHERE IT ALL BEGAN

Chapter 4 - CHAPTER 2: WHERE IT ALL BEGAN

BLAIR WADSON, CLASS 12-C

Habol ko pa rin ang hininga ko nang nagsimulang bumaba ang elevator. I stared at my reflection in the stainless steel walls surrounding me. I looked scared, horrified even. Magulo na ang maiksi kong buhok. I tried to brush my hair using my fingers when the elevator dinged and slid open.

Napatalon ako nang makita ang guard na nakatayo roon.

"Okay ka lang, ineng?" the guard asked.

Tumango lang ako at mabilis na lumabas ng elevator. Hindi ko namalayang nagusot ko na pala ang attendance sheet na hawak ko. I tried relaxing my numb fingers. Nanginginig pa rin ang buo kong katawan. Sa takot? Hindi ako sigurado. Just the mere sight of that hooded figure was enough to send chills down my spine. It kept on appearing in flashing images inside my head.

Nagbaba ako ng tingin at tinahak ang daan pabalik sa high school building. I checked my phone and read Celaena's text message.

Gurl, dito kami library. Dalian mo! Charot.

We'll wait 4 u here mwa

Sa nanginginig na mga kamay, muli akong bumaling sa itaas ng faculty building. All the windows were slid shut. Ibinalik ko ang tingin sa harap ko at napaisip sa sinabi ng lalaking nakaitim na roba. Something about the New World Order. Wala akong ideya kung ano ang ibig sabihin niyon.

I ran up the small stairs and into the lobby. Dumeretso ako sa kanang parte ng pasilyo. Wala sa sariling naghintay ako sa harap ng elevator, my mind was still thinking about the things the hooded figure told to Mrs Chua.

Napataas ako ng tingin nang biglang may umubo sa gilid ko. When I turned to my left, I realized it was John Emmanuel. Mataman lang siyang nakatingin sa nakasaradong pinto ng elevator.

"Ba't parang nakakita ka ng multo?" sabi niya. Ang isa niyang kamay ay may hawak na paper bag. Probably some food from the nearest convenience store.

His eyes are still glued on the top part of the elevator doors where it says the elevator is now descending.

Ibinalik ko ang tingin ko sa harap ko.

"What do you mean?" sa halip ay balik-tanong ko sa kanya.

It's written all over your face. Nakakita ka ba talaga ng multo?"

I know one thing about John—he rarely talks to anyone. He only cares about himself, that part I'm sure. So why is he even talking to me now?

"Probably," sagot ko, hindi siya nililingon. "Why, are you scared?"

From my peripheral vision, I saw him turned his face to me. At tumawa ba siya? I wasn't sure.

Then the elevator dinged and slid open. Walang tao roon. Nauna na akong pumasok at sumunod si John. Pinindot niya ang 3 at ako naman ay 4, kung saan naroon ang library ng school.

Pinagmasdan ko siya sa salamin sa loob ng elevator. Bakit palagi siyang mukhang bored? 'Yong klase ng ekspresyon na walang pakialam sa mundo?

His hair was kind of long. Curtains hairstyle yata ang tawag nila sa gaya ng buhok ni John. But it really reminded me of Leonardo DiCaprio's hairstyle back in Titanic. May hati sa bandang gilid at may bahid ng kulay brown ang ilang hibla ng kanyang buhok.

Halos lahat din ng babae sa Ellis University ay baliw na baliw dito kay John. Yes, I admit it, he's handsome. With his dashing blue eyes, tall body and… well, flat personality.

Hindi ko napansing nakatingin din pala siya sa 'kin. I quickly averted my eyes from him.

Tumunog ang elevator at bumukas na iyon. Lumabas na siya at bago magsara ang elevator, I heard him say, "Bye, Miss President," sa tono na parang nang-aasar.

I just rolled my eyes and waited as the elevator doors slid closed. After a few seconds, I went out and I was greeted by the strong wind. Dumeretso ako sa loob ng library. Nag-fill up ako ng form at agad na hinanap kung saan umupo sila Celaena.

*****

Kakatapos lang ng third class namin at may natitira pang dalawa para sa araw na ito. Papunta na kami ni Celaena sa cafeteria na inaasahan naming kaunti lang ang tao. And we were right. Bumalik si Brooke sa library dahil nakalimutan niyang hiramin 'yong librong nabasa niya. So she went back there at sinabing susunod na lang daw siya sa 'min ni Celaena dito sa cafeteria.

Umupo kami sa mesa na katabi ng bintana. Malaki ang cafeteria ng school. Almost the same size of the gymnasium. Maririnig mo ang tunog ng mga pinggan, pagprito ng mga pagkain at ang sigaw ng chef sa loob.

"Hey, Blair, something wrong?" bungad ni Celaena.

Mabilis akong umiling na mas naging nakakapagtaka. Bahagyang kumunot ang noo niya. "Yes, there is something wrong and hindi mo iyon sinasabi sa akin. Ano iyon, Blair Wadson, aber? Go on, spill."

Napalunok ako. Should I tell her? Shit. I shouldn't have reacted that way. Napalunok ulit ako. "A-ahm…" at napag-desisyunan ko na dapat ay sabihin ko na sa kanya ang mga narinig ko. Tumikhim muna ako bago ko sinimulan ang pagkuwento sa kanya sa pinakasimula.

The look on her face after I told her everything was almost the same as mine when I heard about it earlier.

"Oh-kay…" tumango-tango siya, nakakunot pa rin ang noo. "So may kausap si Mrs Chua na isang guy na naka-black robe with a cat-like mask, which is probably her secret lover—"

Mabilis kong pinutol ang dapat ay sasabihin pa niya. "Celaena, this is serious. Please don't joke about it."

"Alam mo, girl, wala kang talent sa pag-i-eavesdrop. Saka ba't hindi ba naka-silent 'yang phone mo? Akala mo naman may hinihintay kang text. Eh, wala ka namang jowa."

I rolled my eyes at her. "Let me remind you, it's your fault na narinig ako. If you didn't text me kanina, I would've prolly heard their conversation," sabi ko. "Dapat talaga hindi ko na sinabi sa 'yo, eh. Sinasabi ko na nga ba at hindi mo 'to seseryosohin."

She chuckled. "Relax, girl. I'm just saying, malay mo ba natin kung secret lover niya nga 'yon. You're making it sound like it's creepy."

Napabuga ako ng hangin. "You don't get it, Celaena. It didn't sound anything like that. Masyadong seryoso ang mga tono nila habang nag-uusap. At iyong lalaki, his voice sounded like it came from a machine or something."

Bahagya siyang umisod papalapit sa 'kin. "You know what, Blair, forget about it. Isipin na lang natin ang party tomorrow," excited na pahayag niya. "Ako ang pipili ng idadamit mo, ha?"

"Yeah, sure," wala sa loob na sabi ko at sinimulan nang kainin ang lumalamig na fries ko.

Mayamaya pa ay humahangos na dumating si Brooke. Hawak niya sa isa niyang kamay ang Crime and Punishment na libro. She sat beside Celaena and took some of my fries. Napansin ko ang pamumula ng kanyang pisngi.

"So, what's up? May chika ba?" untag niya.

And Celaena started telling Brooke everything I told her. Parehong reaksyon at opinion lang ang nakuha ko mula kay Brooke. She agreed on what Celaena told me. Na baka nga secret lover lang ng Principal namin 'yon.

Maybe they're both right. But something about it seems strange.

*****

Paglabas na paglabas namin ng gate ng Ellis High, bumungad sa amin ang sigaw ng maraming tao. They were holding sign boards and saying something in unison. May babae rin na nasa pinakaharapan. She was saying something but I couldn't hear her clearly.

Napatigil ako sa paglalakad nang mabasa ko ang nakasulat sa karatula.

"STOP THE NEW WORLD ORDER"

New world order… it was the same words the hooded figure told to Mrs Chua.

"Huy, Blair," ani Celaena na hinila ang kamay ko. "Parang nakakita ka ng multo, hoy."

Hinayaan kong hilahin ako ni Celaena at Brooke. Pero nanatili ang mga mata ko sa mga nagpo-protesta sa harap ng school. May mga pulisya na rin sa gilid and they're stopping the protesters from passing on the road ahead. Nagbubusina na rin ang ibang mga sasakyan na naabala ng pagpoprotesta. Some even went out of their cars and shouted some words at the protesters.

Pero patuloy pa rin sila sa pagsigaw ng "Itigil ang New World Order! Itapon ang batas na 'yan!"

May mga matatandang babae na nag-aabot ng mga flyers. I was given one. Pinasadahan ko iyon ng tingin.

#NOTONEWWORLDORDER

Samahan ninyo kaming ipatigil ang batas na ito. Hindi ito makakaganda sa ating bansa. Hindi ito ang solusyon. You can join us by using the hashtag provided above, on your social media accounts. It will be a huge help.

Remember who you are fighting for!

May mga numero na nakalista sa baba at ilang mga email sa flyer. Muli akong tumingin sa mga taong nagpoprotesta sa daan. Tuluyan akong napatigil sa paglalakad ng biglang maging bayolente ang isang pulis sa babaeng nagpupumilit na makalagpas sa daan. Hinaharangan sila ng grupo ng mga pulis.

"Paraanin ninyo kami! Hindi ninyo ito pag-aari!" sigaw ng babae.

"Ma'am, hindi ho puwede. Marami kayong mape-perwisyo. Itigil na ho natin itong protesta na ito," mahinahon na sabi ng pulis.

Isang lalaki ang lumabas at itinulak ang pulis. Bumagsak ang pulis sa sahig. The man took out a knife and the next thing we heard was the sound of a gunshot. Ang sunod kong nakita ay ang pagbagsak ng katawan ng lalaki sa aspalto. Natutop ko ang bibig ko sa nasaksihan. Kumalat ang sariwang dugo sa aspalto.

The protesters began shouting furiously at the police men. At sunod-sunod na ang putok ng baril. All I did was stand there, looking at the scene. Maraming mga katawan ang bumagsak sa daan. Hanggang sa tumahimik na ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na tibok ng aking puso.

And then chaos swallowed the scene. Nagkagulo ang mga tao hanggang sa mabitawan na ako nila Celaena. I was being pushed around by a lot of people. Masyado silang malalaki at malakas kaysa sa 'kin. I couldn't do anything but be swayed around.

Inilagay ko ang dalawa kong kamay sa magkabila kong tenga, trying to block the continuous gunshots fires in the air.

"Get the students out of here!" one of the police men shouted.

Naramdaman ko na lang na may marahas na humila sa 'kin. When I looked up, it was John. Malalim ang kunot sa kanyang noo na parang nahihirapan siya. Ramdam ko na buong lakas ang paghila niya sa 'kin. The crowd around us was too thick that it's hard to squish ourselves through them. But John managed to get us away from the crowd.

Na-realize ko na lang na nasa harap na kami ng isang shoe store, may kalayuan na sa harap ng Ellis High.

"Why the hell are you just standing there? You could've been shot!" he shouted at me, his hand still tightly holding my arm.

Mayamaya pa ay humahangos na lumapit sa 'min si Celaena at Brooke.

"Blair, where the fuck have you been?" bungad ni Celaena. Bakas sa kanilang mukha ang pag-aalala.

"I—"

I tried to say something but my mind wasn't working properly at the moment. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila.

Marahas na inalis ni Celaena ang kamay ni John sa braso ko. "You're hurting her, asshole!" asik ni Celaena sa kanya. Agad niyang pinasadahan ng tingin ang braso ko. Ramdam ko pa rin ang higpit ng pagkakahawak ni John doon. "Oh, God. Ayos ka lang ba?"

Instead of answering her, I looked at John. He looked at me for a split second before walking away.

"I-I'm okay," sabi ko kay Celaena.

Kinuha ni Brooke ang bag ko at binitbit niya. "Let's just get out of here," aniya.

When I looked back at John, ang tanging nakita ko lang ay ang pagsakay niya sa isang motorsiklo at pinaharurot iyon sa main road. Pasasalamatan ko na lang siguro siya bukas. Nang ibalik ko ang tingin ko sa eksena sa harap ng school namin, pinoposasan na ang mga nagpo-protesta.

"That's a good idea. It's not safe here," ani Celaena.

And the last thing I saw before walking away from the chaos, were the sign boards with fresh blood splattered all over them.

New world order…