Chereads / EMBRACE OF WINTER / Chapter 19 - Chapter 18

Chapter 19 - Chapter 18

"Helia!" tawag sakin ni Mama mula sa kusina

"Po?" maikling sagot ko?

"Tara na, kakain na tayo" aya sakin ni Mama kaya naman bumaba na ako sa kusina.

Maaga ang tapos ngayon ng trabaho ni Papa at Mama kaya sabay sabay kaming kakain ng hapunan.

"Kamusta naman kayo ng Tita Kristine mo?" tanong ni mama habang kumakain kami

"Ayos naman po. Mabait sila sakin to the point na pakiramdam ko pabiay lang ako sa bahay nila dahil sila na halos ang gumawa ng gawaing bahay." paliwanag ko

"Wala ka man lang tinutulong don?" si Papa

"Tinutulungan ko naman sila lalo na si Tita Kristine kapag may pagkakataon" sagot ko

"Day off ko nga pala bukas, aayain ko sana si Tita mo na gumala. Minsan lang 'to kaya susulitn ko na" sabi ni Mama

"Galawell" sagot ko naman saka ipinagpatuloy ang pagkain

Minsan lang magkaroon ng pahinga ang magulang ko kaya hinahayaan ko na sila sa gusto nilang gawin. Basta kung saan sila sasaya.

"Sana all may day off" si Papa

Napatingin ako sa kanya. "Saang lupalop ko na naman nalaman ang salitang 'yan?" nakataas ang kilay na sabi ko

"Facebook" maikling sagot naman ni Papa kaya napangiwi na lang ako

Pakiramdam ko minsan mas updated pa si Papa sa mga nangyayari sa social media kaysa sakin. Partida may trabaho pa siya tapos ako tambay lang sa kapitbahay.

Marami pa kaming napagkwentuhan habang kumakain. Minsan lang kami makumpleto kaya sulitin na ang pagkakataon.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na ako sa aking kwarto. Naiwan namin si Mama at Papa sa sala habang nanonood ng balita sa telebisyon.

Sinalubong agad ako ng malamig na simoy ng hangin pagkabukas ko sa bintana ng aking kwarto. Ang daming bituin sa langit. Ang ganda nilang pagmasdan.

Nagtaka naman ako nanag makita nakabukas yung bintana sa kwarto ni Brynthx. Napaisip tuloy ako kung si Tita ang nagbukas nito. Sinubukan kong silipin kung nasa loob si Brynthx ngunit katulad ng nakasanayan ay nakaharap lang ito sa kanyang computer at naglalaro ng mga video games. Kumaway kaway ako para mapansin niya pero nasa screen ng computer ang buong atensyon niya.

Inabot ko ang aking phone at tinawagan siya. Nakita kong napatingin siya sa kanyang phone saka sinagot ang tawag.

"Hello?" bungad niya at inipit sa pagitan ng pisngi at balikat ang kanyang phone para makapaglaro ulit. Napailing na lang ako.

"Wala ka atang balak na pansinin ako kung hindi pa ako tumawag" naiiling na sabi ko

"What?" nagtatakang sabi niya

"Panay ang laro mo kaya ayaw mo na akong pansinin" masama ang loob na sabi ko.

"Paano mo nalamang naglalaro ako?"

"Nakikita kaya kita"

Luminga linga siya sa kanyang kwarto na tila ba hinahanap ako hanggang sa dumako ang kanyang tingin sa nakabukas na bintana. Bahagya pang nanlaki ang kanyang mata nang makita ako. Mabilis na pinatay niya ang computer at lumapit sa bintana.

"Why?" tanong nito nang makalapit sa bintana

"Anong why?" tanong ko pabalik

"Bakit ka tumawag?"

Napaisip naman ako bigla kung bakit nga ba ako tumawag.

Wait.....bakit nga ba?!

"T-trip ko lang, bakit?" nauutal sa sagot ko

Nakita kong bahagya siya natawa.

"Don't laugh!" nahihiyang sabi ko. Pakiramdam ko ay namumula ang aking mukha dahil sa hiya. Mabuti na lang may malayo ang pagitan namin kaya hindi niya makikita nang maayos ang itsura ko.

"Ang pangit ng trip mo" sabi ni Brynthx

"Grabe ka talaga sakin. Kanina pa kaya ako kumakaway dito pero hindi mo naman ako pinapansin kaya tinawagan na lang kita" paliwanag ko sa kanya

"Aminin mo na lang kasi"

"Ano?"

"Gusto mo talaga akong makita" nakangising sabi ni Brynthx

"Sira na ba ulo mo?" mabilis na sagot ko

Bakit ko naman siya gustong makita 'e kagagaling ko lang sa kanila kanina.

"D-dyan ka na nga!" nahihiyang sabi ko sabay patay ng tawag at sinarado na ang pinto.

Masama bang tumawag?!

Padabog na humiga ako sa sa kama saka ipinikit ang aking mata. Matutulog na lang ako. Bahala ka dyan.

Kinabukasan.....

"AAHHHHH!" sigaw ko dahil muntik na akong mamatay sa nilalaro ko.

Nagpaturo kasi ako kay Bynthx kung paano maglaro ng video games kaya ako ngayon ang nakaharap sa kanyang computer habang siya ay pumunta sa kusina para kumuha g ice cream. Kakain na lang daw siya tutal hindi siya makapaglaro dahil sakin. Kunwari ako ang may ari ng computer niya.

Hindi matigil ang pindot ko sa game controller dahil binabaril na ako ng aking kalaban sa laro. Halos matanggal na ang suot kong headphone dahil sa aking kalikutan tuwing tatamaan ako ng kalaban.

Katulad ng sabi Mama kagabi, inaya niya si Tita Kristine na gumala. Hindi ko na naitanong kung saan sila pupunta. Binilinan ko na lang si Mama napasalubungan niya ako ng kahit ano basta makakain.

Halos mapasigaw ulit ako nang unti unting naubos yung mga kakampi ko hanggang sa ako na lang ang matira. Sakto namang pumasok si Brynthx na may bitbit ng dalawang tasa ng ice cream.

"Wait lang!" natatarantang sabi ko nang inabot niya sakin ang isang tasang ice cream.

Baka mahuli ako ng kalaban!

Nakita ko sa screen na 1v3 ang laban. Lugi ako dahil tatlo pa silang buhay. Tumayo si Brynthx sa gilid ko at tahimik na pinanood akong maglaro.

Sunod sunod ang pindot na aking ginawa sa controller nang may masipat akong kalaban.

"You defeated an enemy!" sabi ng computer nang makapatay ako ng isang kalaban.

Nataranta ako nung mawalan ng bala yung baril na gamit ko kaya naghanap naman ako ng kapalit. Kinuha ko yung weapon ng napatay kong kalaban kanina.

Pagkakuha ko ng bagong armas ay biglang may nagpaulan sakin ng bala.

"Over there" sabi ni Brynthx at tinuro ang lokasyon ng kalabang bumaril sakin.

Sunod sunod na putok ang ginawa ko hanggang sa...

"You defeated an enemy!"

"Isa na lang...." medyo kinakabahang sabi ko at mas lalo itinutok ang aking atensyon sa paglalaro.

"1v1 na lang" si Brynthx

Hindi naman nagtagal ay nakita ko na ang natitirang kalaban ko. Nagtatago ito sa likod ng malaking puno. Mabilis na pinaputukan ko naman ito ng bala. Ganon din ang ginawa niya. Ilang beses kaming nagpalitan ng atake hanggang sa matamaan niya ako sa critical spot. Naglalaro lang ako ng games pero pinagpapawisan na agad ako samantalang walang reaksyon minsan si Brynthx kapag siya na ang naglalaro.

Hindi ko na alam kung ano ano yung pinipindot kong botton sa controller basta makaatake lang ako. Puro baril at hagis ng granada ang ginagawa ko sa kalaban.

"Congratulations!" ang lumabas sa screen ng computer nung mapatay ko yung huling kabalan

"Yey!" nagdiriwang na sabi ko sabay yakap kay Brynthx dahil sa tuwa. Hindi pa ako nakuntento at tumalon talon pa ako. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang galing ko ng maglaro kahit ngayon lang ako nagsimula.

Nakatingin lang sakin si Brynthx kaya naman napalayo ako agad sa kanya nang marealize na kanina pa ako nakakapit.

"Sorry" nahihiyang sabi ko saka kinuha sa kamay niya ang isang tasa ng ice cream. Medyo natunaw na ito dahil napatagal ata ako paglalaro.

Nadala lang ako ng excitement.....

Nanginginig ang aking kamay nang abutin ko yung ice cream mula sa kamay ni Brynthx. Ngayon ko lang din napansin na sobrang bilis ng tibok ng aking puso dahil kinakabahan talaga ako kanina habang naglalaro.