Chereads / EMBRACE OF WINTER / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

Tulad ng sabi ni Tita, sa kanila na ako kumain ng hapunan. Napapakislot na lang ako kapag kikidlat o kukulog.

Pagkatapos naming kumain ay tinulungan kong magligpit si Tita. Bigla namang nagvibrate yung phone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa. Nagulat nang makita si Mama yung tumatawag kaya agad ko namang itong sinagot.

"Hello?"

"Pauwi na ako, kumain ka na ba?" tanong ni Mama

Nanlaki naman ang mata ko dahil ang aga ni Mama umuwi ngayon.

"Opo, natatapos ko lang kumain"

"Ikaw lang ba mag isa?"

"Kasama ko po si Tita Kristine" sagot ko kaya naman napatingin ni Tita sakin. Sumenyas ako sa kanya na si Mama ang kausap ko. Ni-loudspeaker ang aking phone para marinig din ni Tita ang sinasabi ni Mama.

"Hello?" si Tita na ang nagsalita

"Krislyn? Maaga uwi ko ngayon, gala tayo" biglang sabi ni Mama kaya naman muntik na akong masamid sa sarili kong laway.

Mama, feeling bata lang?

Inabot ko na kay Tita Kristine yung phone ko para sila na ang mag usap ni Mama. Nahiya naman ako. Bigla akong nawala sa usapan. Iba talaga kapag kaclose mo talaga ang isang tao.

Nakita kong nasa sala ni Brynthx at may pinanonood sa TV. Naupo ako sa tabi niya pero hindi mawawala ang pagitan namin sa isa't isa. Nakahinga ako ng maluwag nang makaupo ako dahil ang sakit na talaga ng paa ko. Nihimas himas ko 'yon, umaasang mababawasan yung sakit kapag ginawa ko 'yon.

Tahimik lang akong nakaupo samantalang si Brynthx naman ay nasa telebisyon ang atensyon. Hanggang ngayon ay himdi parin tapos mag usap si Tita at Mama. Halos hindi na ako kinamusta ni Mama nung malaman niyang kasama ko ang best friend niya.

Dahil ginawa namin ni Tita ay tila ba nawala na ang init ng ulo ko. Magpahinga at matulog na lang ang aking iniisip.

Nagulat ako nang biglang may inabot sakin si Brynthx kaya naman napatitig ako sa kanya. Tinignan ko ang inabot niya sakin.

Lollipop.

Palipat lipat ang tingin niya sa lollipop at sakin. Mahahalata mong hindi niya alam kung saan siya titingin. Hindi ko alam kung nahihiya ba siya o ano.

Wala sa sariling tinanggap ko na lang ang binibigay niya saking lollipop. Napakislot naman ako nang bigla siya tumayo at umaakyat sa taas. Mukhang babalik na sa kwarto niya.

Binuksan ko ang candy ay inumpisahang kainin ito. Nanood na lang din ako ng TV dahil iniwan niyang bukas 'yon.

Akala ko ay babalik na siya sa kanyang kwarto pero nagulat ako ng bigla siyang bumalik sa sala.

Bigla siyang huminto sa harap ko kaya tinignan ko lang ang gagawin niya.

Unti unting nanlaki ang mga mata ko nung maglabas siya ng isang dakot na lollipop at inabot din 'yon sakin. Maliit lang ang kamay ko kaya dalawang kamay ang aking ginamit para mahawakan lahat yung candy.

Akala ko ay dun na nagtatapos ngunit naglabas na naman siya ng isang dakot.....at sinundan na naman ng isa pa. Hindi ko na alam kung paano hahawakan lahat nung binigay niya.

"W-wait lang" natatarantang sabi ko habang hindi alam kung saan ilalagay yung mga binigya niya dahil hindi na kayang hawakan lahat ng dalawang kamay ko.

At sa wakas ay natapos na din siya sa pagbibigay ng isang damakmak na candy na hindi ko alam kung saang lupalop niya nakuha. Nagtatakang tinignan ko naman siya.

"Sorry.....for what I've said yesterday....." sabi nito habang hindi ako matignan nang maayos.

"Pfffttt--" pinigilan ko agad ang aking tawa

Para siyang batang nakagawa ng kasalanan at humihingi ng tawad sa kanyang magulang.

Bakit siya magsosorry 'e wala naman siyang ginawa o sinabing masama. Sadyang ako talaga ang may problema at ayaw ko lang na mapagbuntunan siya ng inis kaya hindi ko siya kinausap.

Hinila ko ang laylayan ng damit niya at pinaupo siya sa aking tabi. Sa pagkakataon naman na ito, ako naman ang tumayo at nagpunta sa kusina. Sumenyas ako kay Tita na may kukunin sa ref. Tinanguan naman niya ako bilang sagot at muling kinausap si Mama sa telepono.

Pagkatapos kong kunin ang kaylangan ko ay bumalik na ako sa sala. Inabutan ko si Brynthx ng ice cream saka muling bumalik sa pagkakaupo.

"Sorry" ako naman ang humingi ng tawad

Alam kong ako ang kasalanan dito dahil nainis ako kahit wala namang maling ginawa si Brynthx. Ilang taon na 'ko pero ang childish ko parin.

Sabay kaming nanoood ng TV sa sala habang kumakain ng pagkaing binigay namin sa isa't isa.

So...bati na ba kami?

Wait.....what?!

Ano 'ko? bata?! Sa isa pa nag away ba kami para magbati kaming dalawa?