His Words—
His words are cold just like an ice,
His words are made of ice that can make everyone's heart avalanche—
I'm one of them; the victims of his words.
He wore his words just like a loaded gun—
NAPAKUNOT ang noo ni Aqueela ng makita niya ang panibagong tula na isinulat ng kanyang nakakatandang kapatid. Nagandahan siya sa ginawang akda nito pero nabitin siya dahil hindi ito tinapos ng kanyang kuya Charles
Napatingin siya sa natutulog pa ding kapatid
Ano kaya kung subukan niyang dugtungan ito, pero wala siyang talento sa mga ganito. She don't know how to write a story, a poem, everything. Wala siyang ibang talento maliban sa pagsayaw
Ayaw niyang gisingin ang sariling kapatid dahil nakikita niya sa mukha nito na pagod ito, nakakaguilty naman kung gigisingin niya ito at sabihin dito na ipagpatuloy ang tulang nabasa niya na nakalagay sa trash bin nito
Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang kumuha ng papel at ballpen—gusto niyang dugtungan ang tula nito pero hindi niya isusulat iyon sa kung saan nakasulat ang tulang gawa mismo sa sulat kamay ng kanyang kapatid
Ilalagay niya na lang iyon sa mesa katabi ng bondpaper nitong gusot gusot pa. Suhestiyon lang naman ang gagawin niya at baka sakaling magustuhan ng kanyang kapatid
Every girls heart crashed into tiny pieces when he began to speak,
It's like—I'm slowly drowning of his words
I'm a ninny when it comes to him;
I just don't know what to say when his with me
I fall into pieces—
He broke my fragile heart,
With his words he got everything
To my soul, to my body, and to my heart.
Napabuntong hininga si Aqueela ng matapos na niya ang karugtong ng tulang isinulat ng kanyang kapatid. Sana nga lang ay magustuhan nito ang kanyang sinulat para hindi na ito mamroblema
Hindi naman masama magsuhestiyon, palagi niya kasi iyong ginagawa kapag nakikita niyang nahihirapan ang kanyang pinakamamahal na si kuya Charles.
Tumayo siya sa pagkakaupo at isinukbit na ang satchel sa kanyang kanang balikat; tiningnan niya pa ng isang beses ang papel na pinatungan niya ng parker pen para hindi ito liparin
"Sana magustuhan mo ang isinulat ko kuya, gusto kitang tulungan kapag nakikita kung nahihirapan ka na. Kaya pipilitin kong magsulat kahit hindi ako marunong" at binuntutan niya pa ito ng magaang tawa
Kahit kailan ay hindi siya tinatablan ng kaba maging sa kuya Charles niya. Bakit naman siya kakabahan eh wala naman siyang nagawang mali
"Kuya, gumising ka na diyan para mabasa mo na ang sulat ko—" tapik niya dito pero hindi man lang ito nagising
Napabuntong hininga na lang siya at hinalikan ito sa pisnge bago siya lumabas sa kwarto nito
NAPA-UNGOT si Charles ng maramdaman niyang parang uminit yata ang kapaligiran, nasaan ba siya at parang binibiyak ang ulo niya para mahati sa dalawa, bumangon siya at iginiya ang paningin. Sinadya niyang pinaningkit ang mga mata dahil sa nanlalabo pa ito at nasisilawan siya
Hanggang sa dumako ang mga mata niya sa bedside table at kinuha ang isang post it note na nakadikit sa baso
Hi Kuya! It's me Aqueela, kung nagtataka ka kung bakit ka nakatulog sa room mo; well, well, well! Ako ang nagbuhat sa'yo. Ang strong ng baby girl mo ano? Nga pala may gamot diyan katabi ng isang basong tubig—inumin mo na lang dahil alam kung lasing ka kagabi okay?!
Luv lots—Aqueela
Napapailing na ibinalik niya ang post it note sa bedside table at kinuha ang isang tableta na katabi nga ng baso
Agad niyang ininom iyon at pagkatapos ay tumayo sa pagkakaupo sa kama, medyo umikot pa ang kanyang paningin at parang nandidilim ang kanyang kapaligiran
Agad siyang lumapit sa study table at ipinagpatuloy ang naungkat niyang pagsusulat ng bagong tula na ipapasa niya ngayon sa isang publishing company
May limang taon siyang kontrata doon dahil inimbitahan siya ng may-ari ng kompanya kung saan inililimbag ang mga nobelang gagawin na ng libro at napakaswerte niya dahil isa siya sa mga manunula na napili
Akmang magsusulat na siya ng idudugtong ng may mapansin siyang isang papel na nakapatong sa gusot gusot na bondpaper. Sa pagkaka-alam niya ay iyon ang sinulatan niya kagabi at itinapon niya dahil sa inis
His brows furrowed in confusion
At nagulat na lang si Charles ng mabasa niya ang nasa papel, kilala niya ang penmanship na ito. Sulat kamay ito ni Aqueela!
Binasa niya ang sulat nito at napangiti na lang siya ng dinugtungan pala ng kanyang pinakamamahal na kapatid na babae ang kanyang ginawang tula
Nagulat pa siya dahil marunong naman pala ito gumawa ng tula; naalala niya pa noong graded school years at high school years ni Aqueela na palaging siya ang pinapagawa nito ng mga literary works ng kapatid
Graduate na siya no'n at kakapasok niya lang sa buhay industry ng mga panahong 'yun.
"Dinugtungan ko na para hindi ka na mahirapan diyan Kuya, sorry kung naki-alam ako sa mga gamit mo maging sa mga works mo. Alam mo namang matulungin ako pagdating sa'yo 'di ba? Ikaw kasi ang favorite Kuya ko—hindi mo kasi ako inaaway. Hindi kagaya nila Kuya Brice, Alexis, Peter, at Kuya Nick na palagi akong inaasar: love you always Kuya! Your cute and sweetest little sister Aqueela" basa ni Charles sa pahabol salita ng kanyang kapatid na babae
Agad naman niyang inilabas ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang numero ng kapatid pero hindi niya ito macontact, ring lang ng ring ang cellphone nito at hindi sinasagot ang kanyang mga calls
Alam niyang nasa school ito ngayon kaya hindi nito masagot sagot ang mga tawag niya; baka nakasilent mode ang phone at nakasilid sa bag kaya hindi nasagot
Sa halip na tawagan pa ito ay nag-iwan na lang siya ng voice mail dito
"Hey Aque! Thanks for remaking my poem, hindi ko inaasahan na marunong ka na palang sumulat ng akda—I don't know kung saan mo natutunan 'yun but I'm so proud of you my dearest little sister. I just can't believe na dinugtungan mo ang hindi ko natapos; thanks to this Aqueela kita tayo mamaya sa bahay nila Mom and Dad. Ililibre kita sa kung anong gusto mo o hindi kaya ay ipasyal kita sa kung saan mo gusto—love you always my little sister." Nakangiti niyang pagvovoice mail
Kaagad siyang nagbihis at iprinint na ang manuscript na kaagad niyang nasave sa kanyang laptop
NAPATINGIN na lang si Mackenzie sa labas ng restaurant habang ang kanyang isang siko ay nakatukod sa mesa habang hawak ang sariling baba. Nababagot na siya kakarinig ng mga istorya ni Giovanni—puro na lang ito mga adventures at wala ng iba
Oo nga at nagdadate sila pero hindi naman niya feel na date nga ang kung anong meron sa kanilang dalawa ngayon, para lang silang nagkakamustahan na parang hindi nagkita ng ilang taon
"Hoy! Mackenzie! Nakikinig ka ba?!" Pukaw atensiyon ni Giovanni sa kanya
"Hindi—"sagot naman niya na hindi pa ito tinitingnan
"May nakikinig bang sumasagot?" Anas nito at umayos ng upo sa upuan nito
Siya naman ay sumandal sa upuan habang bahagyang inililis ang suot na leather jacket at ipinatong ang isang hita sa nakababa niyang hita. Nakasuot siya ng newsboy hat na pinarisan niya naman ng wayfarers shades
Hindi naman nakaagaw ng iilang atensiyon ang kanyang kasuotan sa halip ay nakatulong pa ito sa kanya na itago ang sarili sa publiko
Umarko na naman pataas ang kanyang mala Taylor Swift na kilay ng makita niya ang isang bulto ng lalaki na naglalakad sa gilid ng kalsada
Katulad niya ay nakadisguise din ito; nakasuot ito ng jacket na may hood at nakashades din kagaya niya. Sumilip ang iilang buhok nito sa noo na kaagad niyang nakilala—kung hindi siya nagkakamali ay si Charles ito
Ano na naman kaya ang ginagawa ng lalaking ito sa labas; may dala kasi itong expanded folder na hawak hawak nito sa kaliwang kamay. Mabilis itong naglakad at pasimpleng lumingon lingon sa gilid maging sa likuran
Kagaya din niya si Charles kaya naiintindihan niya kung gaano ito kaingat para hindi lang mahuli ng netizens. Sa halip na sundan pa ito ng tingin kung saan ito pupunta ay ibinalik niya ang kanyang mga mata sa manager na tahimik na nagcecellphone sa kanyang harapan.