Chapter 26 - Obsession 21

"TRUTH or dare?" Pakinig niyang tanong ni Kent sa kasamahan nilang si Mandy

"Dare—" sagot naman ng kasamahan at ininom ang isang basong beer na ibinigay naman ng kanilang kasamahan

Inisang lagok lang iyon ni Mandy na ikinaingay ng mga tao sa kapaligiran. Siya naman ay halos umikot na ang paningin dahil sa may tama na din siya at kunting tulak na lang ay matutumba na siya

"Okay ka lang?" Tanong ni Charles sa kanya na hindi niya namalayang tumabi na pala sa kanya ng upo

"Oo, oo" sagot ni Mackenzie na itinaas pa ang kanang kamay na parang pinapa-alis niya si Charles

"Ayon! Grabe ka talaga Mandy. Halos lahat ng beer na binili namin sa kabilang bayan ay inubos mo na" napapailing na bulalas ni Elmer at kinuha ang bote na kaagad nitong ipinuwesto sa gitna

"Spin the bottle!" Sigaw nito at ipina-ikot ang walang laman na bote

Saktong tumapat ito sa kanya na ikinahiyawan ng mga tao

"Truth or Dare?" Halos magsi-unahan pa ang mga itong nag-abot sa kanya ng mga basong may lamang beer

"D-dare." Nauutal niyang sagot sa mga ito at pasimpleng ipinikit ang mga mata

"Dare daw, ito Ms Mackenzie; inumin mo. Kailangan isang lagok lang ha—" pagpapa-alala ni Kent sa kanya

Aabutin na sana ni Mackenzie ang isang basong beer ng biglang hinawakan ni Charles ang kanyang kamay

"Hey guys, that's enough. Medyo lasing na itong modelo natin; she can't be drunk this time." Pigil ni Charles sa mga ito

Tiningnan naman niya ang lalaki at namumungay ang mga matang itinaas baba ang mga mata. Sobrang gwapo talaga ni Charles, kaya nga gustong gusto niya itong lalaking 'to kahit na palagi siya nitong binubwesit

Inaral niya ang pagmumukha ni Charles mula noo hanggang baba, hanggang sa napako ang mga mata niya sa manipis at mapulang labi nito

Napalunok siya ng laway ng makita niyang binasa ni Charles ang pang-ibabang labi nito kasabay ng paggalaw ng Adam's apple nito. Shit! Ito 'yung weakness niya sa mga lalaki!!

Hinawakan niya ang pisnge nito at marahang hinaplos, alam niyang nagulat si Charles sa ginawa niyang 'yun pero wala siyang paki-alam

"Ano ka ba naman babe, okay lang 'no. At saka don't worry bukas—hindi ako magkakahang over; understood?" Parang teacher na habilin niya at na ikinatango tango naman nito

Lumuwag naman ang pagkakahawak ni Charles sa kanyang bewang para maabot niya ang isang basong beer na inilahad sa kanya ni Kent. At dahil sa medyo malayo-layo ang kanyang puwesto ay bahagya siyang yumuko para makuha ang beer

Kitang kita ng dalawang mata ni Charles kung paano bumaba ang mga mata ng kanyang kasamahang lalaki. Sinundan niya kung saan ang mga ito nakatingin at lihim siyang napamura ng mapagtanto niyang ang cleavage pala ni Mackenzie ang pinagpipiyestahan ng mga ito

Dahil sa inis ay siya na ang kumuha sa beer at kaagad na ininom iyon, nagulat naman ang lahat sa biglaan niyang pagkilos

"Charles!" Asik ni Mackenzie na pinandilatan siya ng mata

Nang maubos na niya ang isang basong beer ay kaagad niyang siniil ng halik si Mackenzie

Nagulat pa ito sa ginawa niya pero kalaunan nama'y nagpa-ubaya na ito. He move his lips slower and passionate

No'ng una ay hindi pa tumugon si Mackenzie sa halik niya pero kalaunan naman ay nagsimula na din itong gumanti ng halik

Kahit na nakapikit ang mga mata ni Charles ay naramdaman niyang unti-unting nagsi-alisan ang mga kasamahan nila. Para siguro bigyan sila ng privacy

"Charles—" Mackenzie moaned and starting massaging his nape and enclosing her hands around it

Hindi din siya nagpatalo

Hinila niya si Mackenzie at hinawakan ito sa bewang para buhatin ito at ilipat ito sa kanyang kandungan. Hindi pa din naghihiwalay ang mga labi nila

Every move of their lips is different, malayong malayo ito sa mga babaeng nahahalikan na ni Charles. Mackenzie is different, ito ang hinahanap niya. Ang babaeng banayad at hindi agresibo

Charles explore his tongue around Mackenzie's skimpy mouth. Minsan kapag nagtatagpo ang mga dila nila ay sinisipsip niya ito na kaagad naman niyang nagustuhan base sa narinig niyang ungol ni Mackenzie

Nagpapalitan sila ng laway at nag-eespadahan ang kanilang mga dila

Their lips parted

They chase their own breath, para silang nakipagkarera sa isang daang kabayo at pilit na nag-uunahan makaabot lang sa finished line.

Kapwa sila humihingal habang ang kanilang mga noo ay magkadikit. Nakapikit pa din ang kanilang mga mata at pilit na pinapakiramdam ang isa't-isa

Mackenzie firmly closed her upturned eyes when she felt that Charles's shaft is poking her butt. It's freaking awkward for her—kailanman ay hindi niya pa nararanasang makipagtalik sa lalaki

"Charles—"

"Mackenzie—" dahan-dahang niyang ibinaba ang mga kamay na nasa batok ni Charles na kaagad namang hinuli ng binata

"Charles, this is—"

"Mackenzie I know. You don't have to say it. Naiintindihan kong ayaw mo, mahal kita pero si Giovanni ang mas mahal mo—I understand" putol ni Charles sa dapat na sasabihin ni Mackenzie sa kanya

"Charles, listen. Ramdam ko ang lahat ng pinapakita at pinaparamdam mo sa'kin—mahal din kita pero hindi tama ito" aalis na sana siya sa kandungan ni Charles ng bigla na naman siya nitong hilahin pabalik

"Kung mahal mo talaga ako Mackenzie, hiwalayan mo si Giovanni. Piliin mo ako; pinapangako ko sa'yong hindi kita lolokohin; I'll be faithful to you. Just please choose me—" pagpapahayag nito at dinala ang kanyang kanang palad kung saan nakapuwesto ang puso nito

Nakatingin lang si Mackenzie sa kamay niyang nakalapat sa dibdib ni Charles habang hawak hawak pa din nito ang kanyang kamay. Mas mahigpit iyon kumpara kanina, parang ayaw siya nitong bitawan

"Can you feel it? Ikaw lang ang tinitibok ng puso ko Mackenzie. I love you so much! Mababaliw ako kapag nakikita ko kayong palaging magkasama ni Giovanni, please be with me Mackenzie." Ani Charles na ikinatingin niya sa mga mata nito

Totoo ba itong nakikita niya, ganito siya kung tingnan ni Robbie dati. Hindi siya sigurado sa kung anong nasaksihan niya. Takot siyang sumugal at takot din siyang masaktan na naman ulit

Oo nga't mahal niya din ito pero baka masaktan lang siya kapag bumigay siya dito. What about Aqueela? Iiwan ba din ito ni Charles kapag hihiwalayan na niya si Giovanni? Gulong gulo na siya

Para sa kanya ay madali lang naman na basta basta na lang iwan si Giovanni sa ere, hindi din naman kasi totoo ang relasyon nilang dalawa. Kaya walang big deal doon

"I'm so sorry Charles but I can't. Oo, pareho tayo ng nararamdaman. Mahal din kita pero hindi ko masusuklian ang pag-ibig mo—baka kapag ginawa ko 'yun ay masasaktan na naman ako." Naiiyak niyang pagsasabi ng totoo at tumayo na sa pagkakandong kay Charles at tumakbo na papalayo sa lalaki