Chapter 30 - Obsession 25

PARA sa isang last shot, lumusong sa tubig dagat si Mackenzie hanggang hita niya at patagilid na tumayo at nang-aakit na tiningnan si Charles. Nakalusong din ito sa tubig na hanggang tuhod lang at tutok na tutok sa camerang hawak hawak nito.

Lumuhod pa siya sa kinatatayuan at inilagay ang isang kamay sa ibabaw ng kanyang dibdib habang pinapupungay ang mga mata. Sobrang init dahil ramdam na niya ang panghahapdi ng kanyang balat, para siyang isinilid sa hurno at hinintay kung kailan siya maluluto

Nagthumbs up naman si Charles senyales na ayos na ang lahat at pwede na siyang umalis sa tubig. Dali-dali siyang tumayo at nagtungo sa dalampasigan na kaagad naman sinalubong ni Giovanni para siya ay payungan at abutan ng tuwalya

"That's why I hate photoshoot in the beach. Para akong tinusta—" reklamo niya at isinuot ang bathrobe na dala-dala ni Giovanni

"Wala ka na namang magagawa do'n Mackenzie dahil ikaw itong nangangailangan ng pera. Remember, hindi ka pa nakakabangon sa kahirapang naranasan mo ngayon. Mabuti na lang talaga at ikaw ang napili ni Robbie para sa isang 'to." Anas naman ni Giovanni na ikinatingin niya sa bulto ng lalaking pumili sa kanya

Nakatayo ito sa ilalim ng malaking kahoy habang may kausap sa telepono, tumatawa pa ito at napapailing na kinakamot ang sariling batok.

Baka kausap nito si Shania, ang asawa nito

"Wait, lang Mackenzie. I'll be right back. May nakalimutan pala akong gamit mo doon sa loob ng cabin mo; kukunin ko lang sandali" walang prenong pagsasalita nito at pinahawak sa kanya ang malaking payong, tuwalya, sunblock, at tumbler

"Hoy Giovanni!" Tawag ni Mackenzie sa pangalan nito pero dire-diretso lang ito sa pagtakbo

Alam niyang gumagawa lang ito ng palusot para hindi na niya ito mautos-utusan; ginawa pa siyang personal assistant kahit siya naman ang pinagsisilbihan!

"Do you need a help?" Sulpot ni Charles sa kanyang harapan na ikinaatras niya ng bahagya

"Thanks but no thanks," ngumiti siya dito at kaagad na inirapan

Akala siguro nito ay nakalimutan na niya ang nangyari sa kanila kagabi

Masama pa naman ang pakiramdam niya at mahapdi pa din ang bandang ibaba niya,

"I insist, tutulungan na kita—"

"Isn't that obvious na hindi ko talaga kailangan ng tulong mo?! Bwesit ka Charles, you seduced me last night! Alam mo ba na pinagsisihan ko kung bakit ako nagpa-iwan do'n? Kung bumalik pa sana si Giovanni edi sana walang nangyari sa'tin!" Sigaw niya sa harap nito

Hindi siya sinagot ni Charles sa halip ay tiningnan lang siya nito na parang inaaral siya. Hindi naman ito nakipagpalitan ng salita sa kanya sa halip ay kinuha lang nito ang mga dala niyang gamit kahit na pilit niya iyong iniiwas sa lalaki

"Mackenzie, ano ba?! Bakit ba pinapa-iral mo ang pride mo! Kung nagsisisi ka sa nangyari sa'tin kagabi puwes ako din. Iyon naman talaga ang gusto mong marinig sa'kin 'di ba? That was just a plain sex Mackenzie at wala ng iba" hindi nakapagpigil na sinagot siya nito

Kaagad siyang tinalikuran ni Charles at dali-daling nagtungo sa cottage saka palasalampak na inilagay ang mga gamit niya sa upuan ng cottage

Plain sex huh? Hindi niya lubos maisip na gagawin ni Charles iyon sa kanya. Akala niya ba mahal siya nito, siya naman itong si tanga naniwala kaagad; bumigay kaagad. Sa huli siya pa din ang kawawa dahil nakuha na ni Charles ang gusto nito sa kanya

Ang tikman lang siya pagkatapos ay dedmahin na lang sa kasalukuyan

"Hoy ghorl! Okay ka lang? Narinig kong nagsisigawan kayo ni Charles pero hindi ko narinig kung ano ang pinag-awayan niyo. Wait, umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya at sinapo ang kanyang maliit na mukha

Doon niya lang nalaman na namamasa na pala ang kanyang pisnge, ito ang kauna-unahang umiyak siya ng dahil lang sa walang kwentang sagutan. She's always a gladiatorial, but when it comes to Charles? She's fucking weak! Kusa na lang siyang titiklop at para siyang isang aso na pinagalitan ng kanyang amo

Kaagad niyang pinunasan ang mga malalakihang luha sa kanyang mga mata na nagbabadyang tumulo,

"Ako, umiyak? Hindi ah! Napuwing lang ako 'no!" Mariing tanggi niya at idinaan na lang sa hilaw na pagtawa

"Halika na," anas niya sa kanyang manager at inilingkis ang kanyang braso sa braso ni Giovanni

PABALIBAG na sinara ni Charles ang pintuan ng kanyang cabin at ihiniga ang sarili sa malambot na kama, hindi niya alam kung bakit niya iyon nasabi sa dalaga. Nadala lang siguro siya sa emosyon kaya niya ito nasagot kanina

At nagsisisi daw ito sa nangyari sa kanilang dalawa, fuck that! Alam ba nito ang sinasabi? Nagsinungaling lang siya na nagsisisi din siya kasi hindi din naman niya alam kung may katugon ba ang nararamdaman niya

Kung pareho ba sila ng nararamdaman ng dalaga, pero sinabi nito sa kanya kagabi ng harap harapan na mahal daw siya nito. Pero hindi iyon sapat na basihan na totoo nga talaga ang pagmamahal na iyon. Action speaks louder than words ika nga—

Sa halip na isipin pa ang mga sagutan nila ni Mackenzie ay ipinikit niya na lang ang kanyang mga mata at pilit na inaalis sa isipan niya ang babae.

Kailangan niya ng panahon para makapag-isip isip. Gusto niya sanang kausapin ngayon si Mackenzie pero nagbago kaagad ang isip niya, alam niyang galit pa din ito sa kanya hindi niya ito pwedeng biglain na lang; baka kapag nakita siya nito ay susumbatan na naman siya at mauuwi na naman sa walang kwentang sagutan

Mas mabuti pang bukas na lang niya ito kausapin, oo tama. Bukas na bukas, hihingi siya ng tawad sa dalaga—aaminin na niyang hindi lang iyon aksidente at hindi niya iyon pinagsisihan

Umidlip muna saglit si Charles at ilang sandali lang ay malalim na ang kanyang tulog.

"GHORL, anong ginagawa mo? Ba't ka nag-iimpake?!" Anas ni Giovanni ng pagkapasok nito sa kanyang cabin ay nakita siya nitong inililipat ang mga damit at gamit niya sa travelling bag

"Uuwi na ako Giovanni, ayoko na dito—" sagot naman niya sa manager na pinagmamasdan lang siya

"Ha? 'Di ba may activity pa tayo mamaya at bukas? Why do you want to leave? Hindi pa tapos ang bakasyon natin dito—" tugon nito na ikinatigil niya sa ginawang pag-iimpake

"Wala na akong paki-alam sa kung ano man ang mga activities na iyan. Gusto ko ng umuwi sa condo ko," palusot niya

Truth is, kung hindi sana sila nagsagutan ni Charles ay hindi siya aalis ngayon. Hindi niya kakayaning makita ang lalaki sa islang ito

She's one hundred percent sure na magkakaroon din sila ng perfect time para magkalapit na naman sa isa't-isa. Hindi na niya iyon hahayaang mangyari pa—once is enough. Hindi na niya hahayaang mangyari ulit ang pagkakamaling 'yun

"Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo? Come on, Mackenzie! Hayaan mo na lang si Charles—pwede mo naman siyang iwasan." Giit nito

"I can't do that Giovanni. Kung iiwasan ko siya para na din akong guilty no'n, it's just that—hindi ko lang talaga siya kayang makasama o ihandle sa pamamaraan na ganito; lalo na't magkasama kami sa iisang lugar" at ipinagpatuloy ang pag-iimpake

"Aalis na ako." Pamamaalam niya at nilampasan ito

Kaagad naman siyang hinarang ni Giovanni at ibinuka ang mga braso para hindi siya makadaan

"Teyka, aalis ka ng hindi ako kasama? Hindi pa nga kayo ang hilig mo ng mang-iwan sa ere—" pahabol nito na ikinatawa niya na lamang