Chapter 21 - Obsession 17

MAINGAT na isinara ni Charles ang malaking pintuan ng kanilang bahay habang tinatanggal ang jacket na suot. Grabe! Sobrang init sa labas at hindi sapat ang air-con sa bahay ng kanyang mga magulang para humupa ang init ng kanyang katawan

"Kuya Charles!" Nag-angat ng tingin si Charles ng marinig niya ang matinis na boses ni Aqueela, naka-uwi na pala ito galing sa eskwela

Hindi pa nga siya nakakapagsalita ay bigla na lang siya nitong niyakap ng sobrang higpit

"Teyka lang" impit niyang saway dito at inilayo ang sarili

"Wait Aqueela, huwag ka munang lumapit sa'kin—amoy araw ako." At inamoy ang sarili

Tumaas naman ang kilay ni Aqueela at nginisihan siya

"Kuya, do you think that I'm maarte?" Napapailing na sagot ni Aqueela at tinalikuran siya

"No—that's not what I meant okay? Look,"

Tumingin naman si Aqueela sa kanya habang ang mukha nito ay halatang natatawa. Ayaw ni Charles na magalit sa kanya ang kanyang babaeng kapatid, likas kasi na matampuhin itong si Aqueela at mahilig magpataas ng pride kaya nag-iingat siya sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig

"I'm not mad okay? Hindi ko akalaing may side ka pa lang ganito kuya, you're so funny—" at tumawa na nga ito na ikinangiti niya lamang

Ito ang gusto niya na makitang tumatawa ang kanyang kapatid. Walang problemang iniisip at palaging nakangiti sa kanilang lahat

"Hay naku, ang Kuya Charles ko?!" Anas nito at inayos ang damit na medyo gusot

Magsasalita pa sana ito ng bigla na lang lumabas si Brice galing sa sala—sa pagkaka-alam niya ay galing sa New York ang nakakatanda niyang kapatid. Doon na ito nakatira kasama ang asawa nitong pure American

"It's been a long time bro—" bungad nito sa kanya na hindi maiwasang guluhin ang buhok ni Aqueela

Nakita naman niya kung paano ito samaan ng tingin ni Aqueela bago sila nito iniwan ng kapatid na hindi man lang nagpapaalam sa kanya o hindi kaya ay kay Brice

"How's States?" Tanong kaagad ni Charles ng lumapit sa kanya si Brice at walang sabi sabing inakbayan siya

"Doing good, me and my wife are now planning and starting a business in States. At good news para sa'kin at para sa'ting lahat—buntis si Adelaida" masayang kwento nito sa kanya habang diretso ang tingin sa unahan

Napatango tango siya

"Congrats sa inyo Brice, I'm happy to the both of you." Sagot naman niya at tinapik tapik ang likuran ni Brice

Bigla niyang naisip si Mackenzie, next month ay magti thirty one na siya at palagi na siyang kinukulit ng kanyang ina na kailan daw siya mag-aasawa. Wala pa naman sa plano niyang magpatali sa babae—pero nang magtanong ang mama niya kung may girlfriend na ba siya ay ang unang pumasok sa kanyang isipan ay si Mackenzie

Hindi niya alam kung bakit ang babaeng 'yun ang palagi niyang naiisip kapag related sa engagement, kasal, at iba pa

"Ikaw bro? May girlfriend ka na ba? Kung ako sa'yo huwag mo ng pakakawalan 'yan. Dahil I'm sure mahihirapan kang maghanap ng kapalit kapag naiwala mo siya" tugon nito sa kanya at inalis ang brasong nakaakbay sa kanyang balikat

Pagkasabi na pagkasabi pa lang ng kapatid niyang si Brice ay kaagad namang lumabas ang mama niya galing sa kusina. May dala itong tablet at panay ang scroll up and down sa kung anong website na naman ang binisita nito

"Ma—" pagtawag niya sa atensiyon nito

Nag-angat naman ito ng tingin sa kanya at kaagad siyang nginitian ng sobrang pagkalaki laki

"Anak! Nandiyan ka na pala, halika dito halika dito; dali!" Kamay nito sa kanya habang ibinalik ang mga mata nito sa tablet na hawak hawak pa nito

Lumapit naman siya at nakisilip na din sa ginagawa ng kanyang ina at hindi niya maiwasang pangunutan ng noo ng ang una niyang nakita ay ang litrato ni Mackenzie

"Mom, nagsearch ka ba about her?" Hindi niya maiwasang tanungin ito

"Yes, anak and she's so awesome! Kita mo 'to? Sa edad pa lang na fifteen ay independent na siya—naging barista siya sa isang sikat na coffee shop sa Australia no'ng siya ay eighteen years old. Tapos nakapagtapos pa ng college degree" bulalas ng kanyang ina at nagpunta sa Instagram para ifollow ang account ni Mackenzie

Ngunit nawala kaagad ang ngiti nito ng makita nitong may boyfriend na pala ang babaeng kinuwento nito sa kanya

"Charleston, what's the meaning of this." Tanong nito sa kanya habang binabasa ang mga comments ng netizens

Napabuntong hininga siya at inagaw ang tablet nito. Alam na niya kung bakit todo research ang Mama niya tungkol kay Mackenzie, gusto nitong maging girlfriend niya ang babae at sila ang magkatuluyan

"It's really obvious mom, Mackenzie has a boyfriend right now. It's official, kaya huwag na kayong umasa na magiging girlfriend ko po siya. She's not my ideal girl mom; at wala pa po sa plano ko na mag-asawa" pagpapaliwanag niya dito

Nagsinungaling lang siya about sa sinabi niyang not he's ideal girl, actually si Mackenzie talaga ang hinahanap niya sa lahat ng babae

Iyong marunong maging independent at hindi umaasa sa mga taong nagpakain at nagpalaki sa kanya

"Nobyo niya iyon? But why, bakit?" Naguguluhang tinanong siya nito

"You know what Charles, ligawan mo na iyang si Mackenzie—I know na gusto mo siya. Kitang kita ko sa mga mata mo 'nak; do what you must" anas nito at niyakap siya

Pero papa'no? Mackenzie is with someone! Hindi siya relationship wrecker para gawin iyon

"Mom, look. Ayokong ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya dahil lang sa may boyfriend na siya okay? There's so many woman around the world just like her—don't worry mag-aasawa din ako—I promise you that" pangangako niya

Sa halip na sagutin siya nito ay bumuntong hininga na lang ang kanyang ina at tinalikuran na siya para magpunta sa sala kung saan nandoon ang kanyang mga kapatid at ang kanyang ama

Oo, gusto niya si Mackenzie ng aksidenteng mabangga siya nito sa harap ng restaurant. Hindi siya naniniwala sa love at first sight pero heto't tinamaan siya ng sobra sobra kay Mackenzie, siguro ay pinatikim at pinaranas lang sa kanya ni kupido kung anong pakiramdam ang ma love at first sight sa isang tao

"Don't worry mom, hindi ko aagawin si Mackenzie kay Giovanni. I'll do everything, iyong kusang titibok ang puso niya para sa'kin" anas niya at nilapitan si Aqueela para kausapin ito sa ginawang tula