Chapter 6 - Obsession 2

NAPATAYO ng tuwid si Mackenzie ng makalabas siya sa puting van na sinakyan nila ni Giovanni. Sumakit ang kanyang puwet kakaupo doon sa malambot na upuan ng kanilang sasakyan

"Oy! 'Di ba si Mackenzie San Jose 'yan? Ang ganda niya pala sa personal ano? Tara papicture tayo!" Rinig niyang bulalas ng isang netizen hindi kalayuan sa kanila

Nagpanggap lang siya na hindi ito naririnig at diri diretso lang ang paglalakad

"Ms Mackenzie! Pwede papicture?!" Tawag sa kanya ng isang babae na hinabol pa talaga siya

"Bilisan mo diyan Giovanni! Ayokong pagkaguluhan ako ngayon!" Mahinang sininghalan niya ang manager

"Oo na! Oo na, ito naman nagmamadali!" Sagot naman nito at patakbong tumabi sa kanya ng paglalakad

Nakawig at nakashades na siya't lahat lahat ay kilala pa din siya ng babaeng nakasunod sa kanila ni Giovanni; iba pala talaga kapag artista 'no?

"Ms Mackenzie! Wait lang po!" Sigaw nito sa kanyang likuran

Nakita naman ng gilid ng kanyang mga mata na naagaw ng babaeng 'yun ang atensiyon ng mga taong tahimik na ginagawa ang kanilang mga gawain

Isa isa din ang mga itong naglabas ng cellphone at patakbong dinumog siya

"Giovanni!" Tawag niya sa pangalan ng manager niya ng banggain siya ng isa sa mga netizens

Hindi na niya makita ang kanyang manager, duda niya ay nahiwalay din ito sa kanya ng pagpiyestahan siya ng mga tao sa labas ng restaurant

Tawag siya ng tawag sa pangalan ni Giovanni, para lang siyang bola na bumabangga kahit saan dahil sa tindi ng pagsisiksikan ng mga tao. Nasasaktan na siya dahil natapakan ang kanyang paa

Shit! At nakahigh heels pa naman siya—

Biglang nabaling ang kanyang atensiyon ng may lalaking dumaan sa gilid ng nagkukumpulang tao, parang wala lang ito at patuloy lang sa paglalakad

Hindi niya gaanong maaninag ang pagmumukha nito dahil diretso ang tingin nito sa unahan; at mukhang nagmamadali pa yata

Agad siyang naka-isip ng ideya

Bahala na kung anong kahihinatnan nito, basta makaalis lang siya sa mga netizens na parang mga hayop sa sobrang pagkawild ng mga ito

Dahan dahan siyang umalis sa harap ng mga ito at patakbong isiniksik ang sarili sa lalaking nakasuot ng kulay pink na damit

"What the fuck!" Naiusal nito ng biglang natapon ang frappe sa damit nitong kulay pink na manipis

"Sorry! Pwede pahide muna sa body mo? Pinagkakaguluhan kasi ako ng mga taong 'yun." Pagtutukoy niya doon sa mga netizens at itinuro ang mga ito gamit ang nguso

Ramdam niyang huminto ang lalaki at sinundan ang kanyang tingin

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha! I'm in a hurry right now dahil may kailangan akong tatagpuin," napatingin ito sa sariling damit

"Tapos dinumihan mo pa ang damit ko?! Putangina!!" Pagmumura ulit nito at naunang naglakad sa kanya papasok sa Moshé Restaurant

HALOS paliparin na ni Charles ang kanyang sasakyan papuntang Moshé Restaurant dahil five minutes na siyang late. Minalas pa talaga siya dahil naabutan siya ng traffic at halos magiba na niya ang steering wheel ng kanyang sasakyan dahil sa higpit ng hawak niya dito

Dahil sa may pag ka impatient siyang tao, ay sunod sunod niyang binusinahan ang mga sasakyang nakahinto din sa kanyang unahan

"Fuck, fuck, fuck!" Pagmumura niya sa loob ng kanyang sasakyan ng hindi man lang umusad ang mga ito

Lumabas na lang siya doon at iniwan ang kanyang mamahalin pa sa mamahaling sasakyan at naglakad na lang; sobrang init at tagaktak na ang pawis niya

For sure ay mangangamoy araw na siya pagdating doon sa restaurant na pupuntahan niya. At dahil sa may nadaanan siyang cafeteria ay naisipan niyang bumili ng frappe; pampalamig sa ulo.

"Isang frappe nga!" Padabog niyang inilapag ang pera sa harap ng cashier

Tiningnan naman ng babae ang perang nasa kanyang harapan at iniangat ang tingin nito sa kanya

Todo buga ng hangin si Charles na hinintay ang sariling frappe habang sinisipat ang kabuuan ng cafeteriang kanyang pinasukan

Maging sa loob niyon ay mainit din. Siguro ay sira ang aircon—

"Hey Miss! Ang inorder ko, bilisan mo nga diyan. Late na ako sa meeting ko!" Bulyaw ni Charles sa babae ng hindi man lang nito tinalima ang kanyang gusto

Paano ba naman kasi ay nakatingin lang ito sa kanya habang hawak ang kanyang pera. Parang nagdadaydream pa yata

"Sorry po Sir," sagot naman nito at nagmamadaling ginawa na ang kanyang gusto

Cashier slash barista rin pala ang isang 'to.

Hindi na siya nagpasalamat pa at dali dali ng umalis; pati sukli niya ay hindi na niya kinuha—maswerte ang babaeng 'yun dahil may tip

At ayon na nga, naglalakad na naman siya. Kunting bilad na lang sa araw ay makakarating na siya do'n

Naturang napakunot ang nuo ni Charles ng matanaw niya mula sa unahan na maraming nagkukumpulang tao sa labas ng Moshé Restaurant na sinasabi ng lalaki

Nagkakagulo ang mga iyon at naglalabas ng mga sariling cellphone na itinataas sa ere

Hindi naman siya chismoso pero bigla siyang nacurios kung anong kaganapan ang meron doon. Palingon lingon siya sa kaliwa at kanan bago siya tumawid

May pedestrian lane naman pero nagmamadali na talaga siya kaya mas pinili niyang tumawid sa malaking highway kahit na alam niyang delikado

Habang siya ay papalapit ay rinig niya ang bawat sinasabi ng mga taong nakita niya kanina

"Ms Mackenzie papicture naman oh!" Bulalas ng isang lalaki na dalawang metro ang layo sa kanya

Binawi niya ang tingin at dire diretso ang kanyang lakad, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang dumaan sa gilid dahil pati daanan ng restaurant ay nahaharangan na din ng mga tao

Napamura na naman siya ulit ng may isang taong bumangga sa kanya at natapon pa ang kanyang frappe na wala pang kabawas bawas sa kanyang damit na manipis

"What the fuck!" Naiusal ni Charles at inilayo ang styrofoam cup sa kanyang sariling katawan

"Sorry! Pwede pahide muna sa body mo? Pinagkakaguluhan kasi ako ng mga taong 'yun." Tukoy nito at nakangusong itinuro ang mga tao

Napatingin naman siya sa mga taong tinutukoy nito bago tiningnan ang babaeng halos pumantay na sa kanya

Not to mention, matangkad ang babaeng 'to

Nakasuot ito ng red off shoulder at nakashades tapos nakawig? Ano ba ang babaeng 'to—scammer?

Inilayo niya ang babae sa kanyang sarili at tumayo ng tuwid sa harapan nito

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha! I'm in a hurry right now dahil may kailangan akong tatagpuin," huminto siya sa pagsasalita at tiningnan ang kanyang damit na nag-aagawan ang tuyo at basa, at saka pink at brown

"Tapos dinumihan mo pa ang damit ko?! Putangina!!" Pagmumura niya ulit at iniwan na itong nakanganga ang bibig na tiningnan siya

He's not aloud to curse in their house kaya kapag nasa labas siya ay natatawag niya lahat ang kanyang tiyuhin

"Bwesit na babaeng 'yun." Mainit ang ulong pagsasalita niyang mag-isa at dumiretso muna sa banyo para linisin ang sarili

"I'M so sorry Direct, nalate ako." Pasimpleng bulalas ni Mackenzie at inupo ang sarili sa katapat ng upuan ng director at pinaypayan ang sarili

"It's okay Mackenzie. Kakarating ko lang naman din—" sagot nito sa kanyang bungad at umayos ng upo

Hinubad niya ang suot na shades at ipinatong ang dalawang braso sa kanyang dibdib inilagay niya ang kanyang Gucci bag sa bakanteng upuan katabi niya

"So, anong pag-uusapan natin ngayon Direct? I'm so sorry kung hindi ako prepared ngayon hindi kasi sinabi ng manager ko eh." Hinging paumanhin niya at isinandal ang likod sa backrest ng upuan

"We're not going to start yet Ms San Jose. Actually, may hinihintay pa tayong isang mahalagang tao para makapagsimula na tayo—" pahayag ng direktor sa kanya at sumandal din sa kanyang kinauupuan

Nahugot nito ang sarili ng parang may nakita itong tao sa kanyang likuran. Hindi maiwasang pangunutan ng nuo ni Mackenzie

"Oh, he's already here. Mr De Witt! It's so nice to finally meet you!" Bulalas ni Director Joey at tumayo sa pagkakaupo

Siya naman ay nanatiling nakaupo at iniangat ang sariling ulo para hanapin ang isa pang tao na hinihintay nila

Napasinghap na lang si Mackenzie ng makita ng kanyang dalawang mata kung sino ang taong makakasama nila. Iyon 'yung lalaking nakabangga niya at tinaguan niya kanina

"Nice to meet you too Director Joey," simpleng tugon naman nito at nakipagkamay

Hindi makapagsalita si Mackenzie at hindi din niya maalis ang kanyang mga paningin sa lalaking nasa kanyang harapan o mas kilalaning si Mr De Witt!

Pasimple siyang tiningnan ni Mr De Witt, and she gasped again that he rolled his eyes on her in a manly manner

Bastos!

"Pwede bang alisin mo ang bag mo diyan Ms?! Uupo ako," himotok nito na diniinan pa talaga ang pagsabi ng salitang Ms

Hindi siya makapagsalita sa halip ay kinuha na lang niya ang kanyang mamahaling Gucci bag at ipinatong ito sa mesa

Nang makaupo na ito sa kanyang tabi ay nanuot ang lalaking pabago nito sa kanyang ilong, hindi niya maiwasang mapapikit at pasimpleng sininghot ang pabangong dumadaan sa kanyang ilong

This man makes her wet down there!

"Shall we start now?" Pagbasag ng direktor sa kanyang mala kathang isip na panaginip

"Oh, o-okay direct—"