CHARLES, sorry—'di ko naman sinasadya 'yun eh. Please forgive me; friends na tayo ha?" Pag-iinsayo ni Mackenzie sa harap ng salamin habang paulit-ulit na iniiba ang kanyang sasabihin
"Urrgh!" Napasabunot na lamang sa sariling buhok si Mackenzie ng parang hindi niya makuha kuha ang kanyang gustong iparating sa idolo
Artista siya at inaamin niyang ngayon lang siya nahihirapan ng ganito.
"Kanina pa kita napapansin na panay ang tingin mo diyan sa salamin—para kang baliw!" Singit ni Giovanni sa kanyang pag-iinsayo na ikinalingon niya dito
"Pwede bang tumahimik ka muna? I'm practicing here in front of this mirror! Gusto kong perfect ang sasabihin ko kapag nagkita kami ulit ni Charles!" Giit naman niya
Itiniklop ni Giovanni ang libro at inaalis ang paang nakadekwatro
"Kung gusto mo talagang magsorry sa kanya, huwag kang magpractice kung ano ang iyong sasabihin. Script ba 'yan dahil kailangan? Shunga ka din eh 'no? Paano niya mahihimigang sincere ka nga?!" Pagtatama nito na ikinasang-ayon naman niya
Giovanni has a point on that, kailangan galing sa kanyang puso at alam niyang mapapatawad kaagad siya ni Charles. Ang ganda kaya niya at ang bitter naman masyado ni Charles kung hindi ito mabibihag sa kanyang angking ganda
"Alright! May tiwala naman ako sa aking sarili. Gagawin ko na ang gusto mo Giovanni pero ano sa tingin mo kung tanggapin niya ang sorry ko? Magiging friends na ba kami?" Nakangiwing tanong niya
Nagkibit balikat naman si Giovanni na ikinais niya dito
"Giovanni!"
"Oh bakit? Hindi ko naman masabi na oo, magiging friends na kayo ni fafa Charles mo! Gaga!" Irap nito sa hangin
Tumalikod si Mackenzie at ginaya ang timbre ng boses nito
"Oo, magiging friends na kayo ni fafa Charles mo! Kung hindi lang talaga kita manager baklita ka, malamang sinabunutan na kitang gaga ka." Bulong niya sa hangin
"TELL me the truth Charles, ano ba talaga ang nangyari?" Pang iintriga ng kanyang butihing ina
Napaiwas ng wala sa oras si Charles ng medyo nadiinan ng kanyang ina ang paghawak ng ice bag na kasalukuyang idinadampi nito sa kanyang namamagang pisnge
"May sumampal lang naman po sa'kin, akala niya daw na hahalikan ko siya. Asa niya pa, hindi ko naman siya type!" Sagot naman niya at napatiim bagang ulit
Umayos naman ng tayo ang kanyang ina at inilagay ang ice bag sa kanilang mesa
"Sino ba ang babaeng 'yan? Hindi niya ba alam na kilala ka sa industriya?" Pakli naman nito
"Same to her mom, she's also known in industry. Artista siya; si Mackenzie San Jose—" kibit balikat niyang pagsabi sa pangalan nito
Hindi sumagot ang kanyang ina sa kanyang sinabi
Siguro ay hindi lang ito makapaniwalang artista ang sumampal sa kanya
"Really? Si Mackenzie San Jose talaga 'nak?! My God! Ang galing kaya niyang artista tapos sikat pa na model—tell me more about her my dearest Charles." Pangungulit nito
"Mom, I'm not Wikipedia okay? Kung gusto mong malaman ang tunay niyang pagkatao mag browse kayo sa internet o hindi kaya magtanong ka sa kumare mong si Google." At iniwan na itong malaki ang ngiti sa labi
Ewan ba niya, hindi niya kayang sabihin sa harap ng kanyang ina na masama ang ugali ni Mackenzie. Parang may nagpipigil sa kanya na gawin 'yun—it feels like her name, Mackenzie: sounds music to his ears
"Hello?" Sagot niya sa tawag ng hindi man lang tiningnan ang caller's I.D
"Hello dude! It's been a long time!" Bungad ng isang taong nagpakunot sa nuo ni Charles
Hindi siya sumagot sa pabati nito sa halip ay ibinaba niya ang telepono at tiningnan ang screen kung nakarehistro ba ito sa kanyang contacts. Pero unregistered number pala ang tumawag sa kanya
Ibinalik niya ang cellphone sa tenga
"I think you called the wrong number. I'll hang up—"
"Teyka lang! Hindi mo ba ako nakikilala? Ako 'to, si Robbie!" Pagpapakilala nito sa kabilang linya
Robbie
Robbie
Robbie
"Robbie? Robbie Hudson?" Paninigurado ni Charles, hindi siya pwedeng magkamali matalik niya itong kaibigan
"Mabuti naman at naalala mo pa ako, pare?" Tatawa tawang sagot nito na ikinangiti niya
Matagal tagal na ring hindi sila nagkikita ng matalik na kaibigan, huli silang nagkasama ng nag-inuman sila sa bar para sa isang farewell party pagkatapos nilang grumaduate sa kolehiyo
"Paano naman kita makakalimutan pare, siyempre best buddies tayo!" Sagot naman niya at lumabas ng bahay
Ipinalibot niya ang tingin sa kabuuan ng kanilang bakuran habang hinihintay ang sagot ni Robbie, gusto niyang kumustahin ito dahil nag abroad ito sa Scotland, United Kingdom at doon na nanirahan—may asawa na nga at mga anak na siguro ito
"Matagal tagal na ding hindi tayo nagkikita ng mga barkada natin, inuman naman tayo minsan!" Bulalas nito
Alam niyang nakauwi na ito sa Pinas, pero sadyang wala talaga siyang bakanteng oras para kontakin ito
"Sige, payag ako diyan. Saang bar ba 'yan Robbie. Hahabol ako—" desidong desidong pagsang-ayon ni Charles sa gusto nito
Binabaan siya ng telepono ni Robbie at kaagad na tinext ang lugar kung saan sila magkikita kita ng mga barkada
MARAHAS na napabuga ng hangin si Mackenzie habang nakaupo siya sa isang upuan habang katapat ang kanyang leading man sa upcoming movie nila na isoshoot next week, she's not a robot pero kung titingnan mo siya ay parang kaya niyang pagsabaysabayin lahat ng kanyang responsibilidad bilang isang actress at model
"You don't have to tell me what to do!" Sigaw ni Mackenzie sa harapan ng lalaki habang ang mga mata ay nakatutok sa script na hawak hawak niya
Kabisado na niya ang kanyang mga linya at kapwa tinutulungan niya ang kanyang katrabaho. Nahihirapan kasi itong makasabay siya at palagi na lang niyang napapansin na pinapagalitan ito ng kanilang director dahil sa hindi daw tama ang pagkakabigkas at paggamit ng emosyon
"I know what you're doing Billie, cut the crap!" Sagot naman nito at napapakamot sa ulo
Maayos na sana ang takbo ng pag-arte nito pero mukhang hindi yata feel nito na nasa isang set siya at kaharap ang propesyonal na artista which is her
Pabagsak niyang inilagay ang makapal na script sa kanyang kandungan at tiningnan ang leading man
"Ayusin mo naman ang pag-arte mo diyan Jherson! Ilang beses na tayong paulit-ulit na nireview itong mga lines mo tapos hindi mo pa rin makabisado? My God, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko sa'yo" napapailing niyang sinabihan ang katrabaho
Pagod na pagod na siyang turuan at tulungan ito pero mukhang hindi talaga ito madaling matuto
"Sorry Mackenzie, wala lang talaga kasi ako sa mood ngayon eh—"
"E di sana, nag excuse ka na lang! Para naman nagagawa ko pa ang mga ibang bagay na kailangan kong asikasuhin. Naman oh!" Pagmamaktol niya at iniwan na itong nakaupo pa din sa silya
"Bad mood ka na naman?" Salubong sa kanya ni Giovanni ng papalabas na siya sa tent
"Eh kasi naman eh! Ang hirap turuan ni Jherson, nakakapagod!" Exaggerated niya namang sumbong at hinipan ang buhok na bahagyang tumatabon sa kanyang mukha
"Paano naman matututo ang isang 'yun kung palagi mong pinipressure? Like duh! Baguhan siya Mackenzie! Anong laban niya sa'yo. Propesyonal ka at alam mo na kung anong gagawin kung sakaling mawala ka sa sarili mong passing!" Pagbibigay diin nito sa bawat salita
Lihim siyang napairap
Kung palagi na lang siyang pinapagalitan at pinapaalalahanan nitong si Giovanni, why not kung hindi siya na lang tumulong dito. Stress na nga siya tapos poproblemahin niya pa ang problema ni Jherson? No way, high way!
"Kung palagi ka na lang ganyan pagdating sa'kin Giovanni, go ahead and be with him. It's up to you kung paano mo didiskartehan ang lalaking 'yun makabisado niya lang ang kanyang mga lines!" Sagot niya at binangga ang balikat nito
Pagkalabas na pagkalabas ni Mackenzie sa tent ni Jherson ay napahinto siya sa paglalakad ng mapansing lahat yata ng mga staff, camera man at iba pa ay tinitingnan siya
"Anong tinitingin tingin niyo diyan?! Mind your own businesses, huwag kayong mag-aksaya ng oras!" Sigaw niya at pumasok sa isang tent para makapagpahinga
"Sabi ko sa'yo 'di ba? Masama talaga ang ugali ni Ms Mackenzie. Ayaw mo lang maniwala" pagtsitsismis ng mga staff kay Mackenzie
"Sinabi mo pa! May narinig nga akong issue na sinampal niya daw ang isang singer sa harap ng Moshé Restaurant." Sagot naman ng isa pa
Napasinghap ang isang make up artist
"Totoo ba 'yan? Grabe naman pala talaga itong si Ms Mackenzie ano? Hindi kayang itago ang tunay na ugali." Sabat nito na ikinalabas ni Mackenzie sa sariling tent
"Hoy! Mga chismosa at mga chismoso, naririnig ko kayo dito sa loob! Gusto niyo bang sabunutan ko kayong lahat hanggang sa makalbo iyang mga ulo niyo ha?!" Matapang na palahaw niya na ikinatingin din ng mga ibang tao sa kanya
Nakalimutan niya yata na hindi pribado ang lugar nila kung saan sila nagshoshooting
"Urghh!!" Inis na inis niyang ipinadyak ang paa at bumalik sa loob
Pasalampak na inupo ni Mackenzie ang sarili sa upuan na nasa loob ng kanyang tent. Tinitigan niya ang sarili sa salamin at napa face palm na lang siya
Kinuha niya ang sariling cellphone at inilabas ito sa kanyang mamahaling Gucci bag
"Hello Giovanni? Kausapin mo nga ang mga staff diyan sa labas! Ayoko ng makarinig ng issue tungkol sa'kin. Kapag ikaw hindi mo sinunod ang utos ko, magrereklamo ako sa agency na palitan ka at maghanap ng bago na mas magaling pa kesa sa'yo!" Galit na galit na binulyawan niya ito
Kahit pa siguro sampalin niya, suntukin, sipain o murahin si Giovanni ay hindi ito aalis sa tabi niya. Giovanni is freaking loyal to her kaya malakas ang kanyang loob na hindi siya nito iiwan ng ganoon ganoon na lang....
"Stress na nga ako, dumagdag pa itong problema ko kay Charles"