Chapter 12 - Obsession 8

NAPAHIKAB ng tatlong beses si Mackenzie ng tumunog ang kanyang cellphone na nasa nightstand ng kanyang drawer. Tulog pa sana siya ngayon kung hindi lang tumunog ng sobrang lakas ang kanyang cellphone

Ki aga-aga tumatawag kaagad sa kanya, sino ba kasi ang taong ito at bakit ito napatawag sa kanya ng ganitong oras

"Hello! This is Mackenzie San Jose, speaking?!" Pabalang niyang bulalas ng masagot na niya ang tawag

Nakapikit pa siya habang hinihintay ang sagot ng kung sino man ang tumawag sa kanya

"Hello! May tao ba sa kabilang linya, ibababa ko na 'to." Asik niya pa at ibababa na sana ng may pumigil sa kanya

"Wait, wait, wait! Ako 'to. Hindi mo na ba ako naaalala—babe?" Sagot ng isang lalaki sa kabilang linya

Kung kanina ay nakapikit pa siya ngayon ay gising na gising na ang diwa niya. Paano ba kasi ay nakilala na niya kaagad ang boses nito

"Ikaw na naman! Pati pa ba sa pagtulog ko ay mang-aasar ka?! Tigilan mo na nga ako Charles!" Umagang umaga pa lang ay mainit na ang dugo niya

"It's too late in the morning na babe, alas diyes na ng umaga at tulog ka pa? Saan ka ba nanggagaling kagabi?" Tanong pa nito na parang inuusisa siya kung ano ang kanyang magiging sagot

At ano naman ang paki-alam nitong si Charles kung saan siya nanggaling kagabi

"At ano naman ang paki-alam mo kung saan ako nagpunta kagabi? At saka teyka nga?! Saan mo nakuha ang number ko ha!" Bulyaw niya

Hindi niya ugaling mamigay ng number sa mga taong hindi niya kilala o kakilala pa lamang, sa pagkaka-alam niya ay hindi naman siya nagbigay ng personal number dito

At napatiim bagang na lang si Mackenzie ng may hinala na siya sa kung sino ang nagbigay ng numero niya kay Charles. Walang iba kundi si Robbie!

Narinig niyang tumawa ng sobrang pagkalakas lakas si Charles sa kabilang linya

"Hulaan mo kung sino nagbigay ng number mo sa'kin, at kung nahulaan mo may premyo kang makukuha sa'kin—" pakikitungo nito sa kanya

Price? Ano siya bata na pwede lang utuin?!

"Huwag ka ng tumawag sa'kin hinayupak ka, nakakainis ka! Wala ka talagang modo!" Sabay end niya sa tawag

Nang hindi pa siya nakuntento ay ini-off niya pa ang kanyang sariling cellphone at ihinagis iyon sa kama bago bumangon sa pagkakasalampak niya sa kanyang kama

THE number you have dialed—

Napakunot noo na lang si Charles ng hindi na niya macontact pang muli si Mackenzie. Kakaend lang nito sa kanya ng tawag at pagdial niyang muli ay hindi na niya ito matawagan; tinanggal ba nito ang sim card o hindi kaya ay ini-off nito ang sariling cellphone

Hindi niya alam kung bakit siya nanghingi ng number ni Mackenzie kay Robbie at wala siyang sapat na dahilan kung bakit niya na lang iyon nasabi sa kaibigan. At wala namang pag-aalinlangan si Robbie na ibinigay sa kanya ang number ni Mackenzie na walang kahit ni isang tanong siguro ay naisip nito bigla na trabaho lang at wala ng iba

Napabuntong hininga na lang si Charles

Gusto niya pa sanang kulitin si Mackenzie pero madali lang itong mainis, at iyon ay ang kauna-unahang nagustuhan niya sa babae dahil napakasensitive nito at gustong nitong purihin mula ulo hanggang paa

Napapailing na lang si Charles at nagdial ng ibang numero para naman may magawa siya at hindi lang palagi dito sa bahay

"Hello, Maverick. This is Charles—magkita tayo sa bar mamaya, itetext ko na lang sa'yo ang address." Hindi na niya hinintay na makasagot ito sa halip ay dali-dali niyang ini-end ang tawag at humarap ulit sa desktop para iprint ang mga kuhang litrato ni Mackenzie

"You know what, nakakainis talaga siya Giovanni sobra!" Napapairap na hindi maiwasang magsabi ng totoo si Mackenzie sa kanyang mapagkakatiwalaang manager

"Ba't naman siya nakakainis ghorl, nagsorry ka na ba sa kanya? Did he accept it or did he refuse it?" Nakangiwing tanong sa kanya ni Giovanni

Hindi mapigilan ni Mackenzie na sabunutan ang sariling buhok

"You know what, isa ka pa eh! Malamang sa malamang ay hindi niya tinanggap ang apology ko—kilala mo naman ang Charleston na 'yun hindi ba?!" Sagot naman niya at pasalampak na inupo ang sarili sa pang-isahang sofa

"Ay! Nakakaloka naman iyan ghorl, ito ding si Fafa Charles gustong magpalambing kay Mackenzie—" pagpaparinig nito

Nag-angat ng tingin si Mackenzie at tinaasan ito ng isang kilay

"Gusto mong sipain kita? Magsabi ka lang dahil hindi ako magdadalawang isip na gawin 'yun sa'yo." Naiinis niyang naibulalas iyon at tumingin sa labas

Nasa isang restaurant sila at kumakain ng mga paborito nilang pagkain, okay na sana ang lunch nila ng bigla na lang inopen ni Giovanni ang topic tungkol sa pagsosorry ni Charles.

Ayaw na niya sanang pag-usapan ang tungkol sa nangyari ng senaryong 'yun pero kinukulit talaga siya ni Giovanni na magsabi kung ano ang takbo ng kanilang istorya

Kesyo nakita daw ng dalawang mata ni Giovanni na tiningnan silang dalawa ni Charles habang siya ay nakatalikod

Bigla na lang naibaba ni Mackenzie ang suot na mamahaling shades hanggang ilong ng makita niya sa katapat ng kinainan nilang restaurant ang isang bultong pamilyar na pamilyar sa kanya

"Wait, is that Charles?" Paninigurado niya at hindi mapigilang maningkit ang dalawang mata

May kasama itong isang babae na wari niya ay nasa mga dise otso o beynte anyos. Maputi ito at hindi masyadong matangkad—maganda din naman siya pero malas lang ang babaeng kasama ni Charles dahil mas maganda pa din siya at walang makakapantay sa maladiyosa niyang ganda

"Giovanni, si Charles ba 'yun?" Tanong niya sa kanyang manager na hindi magawang ialis ang paningin sa labas

"Ano ba 'yan Mackenzie, kumakain ako eh—" pakinig niyang reklamo nito at uminom ng tubig na nasa wineglass

Nang hindi sumagot ang manager sa kanyang tanong ay salubong ang kilay na tiningnan niya ito. Napakunot ang noo ni Mackenzie ng makita niya kung paano kumain ng magana si Giovanni; parang hindi ito nakakain ng pasta simula no'ng isilang ito sa mundo hanggang sa magka-isip ito

"Sarap na sarap tayo sa kinakain natin ah?!" Hindi niya mapigilang supalpalin ito

Eksaheradong ipinatong naman ni Giovanni ang tinidor sa platong may sauce pa ng pasta at busog na busog na isinandal ang sarili sa upuan habang himas himas ang tiyan

"Grabe ang sarap talaga ng mga luto dito, I can't get enough." Halos hindi na makahingang anas ng kanyang manager at kinain ang natitirang dessert sa kanilang mesa

Muli niyang ibinalik ang tingin sa labas at nahuli na siya dahil nakapasok na ang dalawa sa cafeteria katapat ng restaurant na kinainan nila

"Giovanni! We need to hurry, nakita ko si Charles. Bilis" asik niya at tumayo sa pagkakaupo

"Mackenzie, napapraning ka na talaga. Nagtanong lang ako tungkol sa anong nangyari doon sa sorry mo si Charles na kaagad ang laman ng isipan mo—alam mo ghorl gutom lang 'yan. Ikain mo na lang iyan para naman maalis na si labidabs Charles sa sistema mo." Tugon naman nito at iniunat ang dalawang braso bago ipinuwesto sa likod ng ulo

"Giovanni, hindi ako napapraning okay? Totoo ang sinabi ko—I saw Charles a while ago he's with another girl! Kaya tara na; samahan mo ako." Pagmamadali niya at nag-iwan ng pera sa mesang pinatungan ng puti na tela

"Ewan ko na lang talaga sa'yo Mackenzie, basta ako dito lang ako at magpapakabusog hanggang sa magsawa na ako—" lihis nito at mas lalong isinandal ang sarili sa upuan, kulang na lang ay mapahiga ito sa pagkakaupo

"Damn it!" Bulong niya at nagpalinga linga

"Okay fine, kung ayaw mong sumama sa'kin diyan ka na. Ako na lang ang mag-isang pupunta do'n" at inirapan ito bago nagmamartsang umalis para pasukin ang cafeteriang pinasukan ni Charles