Raffy's POV*
Chapter 1
"Yohoooooo yeeeeesssss!!!!! We're going home wohhoooooo!!!!"
Halos mabingi ako sa lakas ng boses ng lalaking iyon!
"Ang ingay naman non!" bulong nong isang babaeng halos kasabay ko lang sa paglalakad.
Yes, we're going home... But no, except me.
Hindi maganda ang umagang ito sa akin. Since the day I went here in Canada. Hindi ko na naramdaman kung paano maging masaya.
Nung lumabas na ang result ng examination, I don't really feel good. Kahit alam ko sa sarili kong mataas naman ang makukuha kong marka. Hindi pa rin ako makaramdam ng relief kasi alam kong hindi pa rin sapat iyon sa pamilya ko.
"Hayaan niyo na! Ang cute kaya niya!" sabi namin nong isang babaeng kasama niya.
"You know what, pag uwi natin sa Pilipinas ang unang unang gagawin ko talaga is magsho-shopping hahahaha!"
"Ako naman, kakain ako ng kakain ng maraming maraming cake!"
"Actually, I miss sweets din so I will go with you."
"Ako, pupuntahan ko yong boyfriend ko. I'm sure miss na miss na niya ako. Tumawag pa nga siya sa akin kagabi eh, he say's that he's really really miss me so bad!"
Awtomatiko akong napatigil sa paglalakad at natutulala sa harapan.
Vince....
It's been 3 years since we talked. At hinding hindi ko makalimutan ang gabing iyon.
How is he?
Mula nung gabing iyon, kinabukasan sinubukan ko siyang kontakin pero hindi siya sumasagot. Inisip ko na lang na baka masama parin ang loob niya sa akin noong mga panahong iyon.
Pero, lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon. Hanggang ngayon, sinusubukan ko pa rin siyang kontakin gamit ang hulibg numero niya sa akin kahit alam ko namang malaki ang posibilidad na nag-iba na siya ng non. I pity myself, but no matter what is it I still want to see him and talk to him.
ALAS SAIS Y MEDIA na ng gabi ng makarating ako sa tintuluyan kong apartment.
Tinanggal ko ang suot kong boots sa may tabi ng trashcan bago tinanggal ko rin ang suot kong coat at isinabit naman iyon sa likod ng pinto.
Para akong tangang pinagmamasdan ang buong loob ng apartment ko.
Hindi masyado kalakihan ang apartment na to kasi hindi ko naman to choice, actually lahat kaming labing limang scholar ng University of Canada dito sa building na to nakatira. Para siyang hotel, pero may iba rin kasing mga tenant at mga pamilyang narito. Bahala na kayo mag decide kong ano tong tinitirahan ko.
I been here for four years at ngayon ko lang napansin na wala pala masyadong gamit tong apartment ko. Bukod sa mga appliances gaya ng Ref, Rice Cooker, BreadToaster, at Water Dispenser pati ang tag iisang kutsara tinidor baso at plato na nasa kitchen ko.
Sa kwarto ko naman ay cabinet, kama at isang malaking salamin lang. Purong grey ang buong paligid pati bed sheet ko.
Napabuntong hininga na lang
ako saka pumasok sa kwarto. Mabilis akong naligo at nagbihis. Balak kong magluto na lang sana ng noodles kaso bigla akong nag crave sa tinapay at kape. Ano ba yan!
Sakto, may Coffe shop sa baba. Minsan lang ako pumunta ron, kapag may importante lang din akong gustong hanapin. Ang nakakatuwa kasi roon ay marami silang librong galing sa iba't ibang bansa. Nakakatuwa.
Bumaba ako sa ground floor at pagpasok ko sa loob, amo'y na amo'y ko na agad ang aroma. Para akong hinihigop nito papasok sa loob.
"Good evening!" a woman suddenly greet.
"Good evening, can I have one cup of brown coffe and two slice of butter bread?"
"Yes, Ma'am."
"... Your order will be in 10 minutes, please wait." nakangiting sabi pa nong babae.
".. It will be $3 Ma'am."
Tumango naman ako at inabot sa kanya ang bayad. Pagka abot niya sa akin ng resibo ay agad ko itong kinuha at pumunta sa book corner. Maghahanap muna ako ng magandang librong babasahin.
Isang libro agad ang pumukaw ng atensiyon ko
Nakangiti ko itong kinuha at pinagmasdan.
"The cold hearted guy." mahinang basa ko sa title.
Napangiti ako ng may maalala, sino nga ba ang kilala kong ganito?
*flashback
"Ay, sorry! Hindi ko sinasadya!"
Sobrang kahihiyan ang nagawa ko! Ang isang Vince Esguerra lang naman ang natapunan ko ng juice!
"Sorry, sorry talaga!" dali dali ko pang kinuha ang panyo ko sa bag at ipinunas yon sa nabasa niyang coat!
"Stop!" mahinang sabi niya bago hinawakan ang pulsuhan ko. Napa-angat ako ng tingin sa kanya, pero halos tumulo ang laway ko dahil sa sobrang kagwapuhan niya!
Grabe, ganito pa pala ang feeling ng makita ng malapitan ang mukha niya! I feel like I'am under the sky!
Ang hugis ng mukha niya hindi ganon kaliit sakto lang. Bumagay rin sa kanya ang brown niyang buhok. Ang mga mata parang kaya kang tunawin! Sobrang kinis ng mukha niya, pati na rin ang mga labi niya kayang kaya kang pabagsakin!
Those lips, I want it!
Hey, Raffy! Don't be like that!
"Hey, I said get off!"
Natuhan lang ako ng inis siyang nagsalita! Pero parang galit? Malamang!
Bumitaw ako sa kanya at siya naman ay kinuha ang sariling panyo sa pocket niya at yon ang ipinampunas.
"Sorry talaga.." sabi ko, at pinunasan siyang muli.
Laking gulat ko na lang ng bigla niyang tabigin ang kamay ko, "I said get off!"
Napatikom tuloy ako ng bibig, "Tch." singhal niya.
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha sa mga mata ko.
Malungkot akong tumalikod at tumakbo palayo sa kanya.
*end of flashback
Napangiti ako ng maalala ang araw na yon. Akala ko yon na ang pinaka panget na araw ko. Pero, hindi. Yon ding kasing araw na iyon kinahapunan ay humingi siya ng sorry.
Lumuluha pa rin ako noon sa labas ng gate sa ng school ng bigla siyang dumating at bigyan ako ng panyo.
I miss you Vince, I wish you are feeling the same. The man that I love. Pangako ko pagkatapos ng lahat ng ito. Gagawin ko na ang tanging gusto mo, di lang sayo ko sasabihin kundi ipagsisigawan ko rin sa buong mundo na Mahal na mahal kita.
Nakangiti akong bumuntong hininga at humanap ng upuan.
Napili ko sa may dulong bahagi kung saan wala masyadong tao. Saktong pag-upo ko naman ay siyang pagdating ng orders ko.
Ng maihapag niya na iyon ay sinimulan ko ng uminom ng dahan dahan at magbasa.
Napapangiti pa ako habang binabasa ang unang bahagi ng libro. Ngayon na lang siguro ako ulit nakapagbasa ng ganitong uri ng novel, nakakamiss rin pala.
Masyado kasi akong nag focus sa pag-aaral. Yon ang gusto ng mga magulang ko. Pangarap nilang makapagtapos ako ng Doktor. Hindi nila alam kung gaano kaaraming libro ang kailangan kong basahin para lang makapasa.
But still, higit pa yata ang gusto nila kaya ito ako ngayon, hindi makakauwi kasabay ng ilang mga scholar na Pilipino na kasama ko sa pagpunta rito.
Ayaw nila sa nakuha kong marka, they expected na perfect ang nakuha ko but I got 96%, which is hindi na dapat masama.
Napabuntong hininga ako saka sinarado ang libro. Kailan kaya ako makaka uwi? The school also doesn't give me a permission to go back in the Philippines kahit pa ganon ang marka ko.
And I know, inutos yon ni Dad. Ang hirap magkaroon ng magulang na gaya nila. Gabi gabi na lang akong umiiyak. Hindi ko magawang ipagdasal o hilingin na sana hindi sila ang naging mga magulang ko dahil hindi maganda at wala akong karapatan.
Napa iling iling na lang ako at sinimulan muling humigop ng kape ng biglang-
"YESSS WOH! ANG GALING GALING KO TALAGA! SABI KO NA EH!"
Halos masubsob ako sa tasa ng dahil sa gulat! Ngunot nuong nilingon ko ang sumigaw sa likuran ko.
Lalaki, nakatalikod siya at naka suot ng headphone, mukhang libang na libang na nakaharap sa cellphone niya. Tiningnan ko naman ang buong paligid, wala sigurong masyadong nakarinig dahil wala masyadong rito sa bandang dulo.
Napasinghal na lang ako bago inirapan ang lalaki sa likuran ko.
"Yohoy! Sabi ko, ako na don eh! Nakakainis naman to!" muli siyang sumigaw ng pagkalakas lakas!
Don na ako nainis kaya kinulbit ko na siya.
"Kuya, psst!" prefer kong mag tagalog! Nakakairita eh! Hindi siya nahihiya? Ang lakas lakas ng boses niya, nakakabingi!
Lumingon siya at tinanggal ang headphone sa ulo, "Yes?"
"Pwede bang huwag kang sumigaw riyan?"
Napa 'oh' siya. Siguro'y di niya inaasahan na may makakaintindi sa kanya rito.
"Nakakabulahaw po kayo." inirap ko siya at inis na binuklat ang libro ko.
"Sorry Miss, hindi ko alam na may tao riyan sa likod."
Napangiwi na lang ako at saka humigop ng kape.
"Your forgiven. Huwag na lang po kayong sumigaw riyan ulit." sinabi ko yon at saka kinuha ang tinapay, wala na akong balak na tapusin ang pagkakape rito don na lang sa apartment.
Tumayo na ako at dali daling naglakad palabas. Pero di pa man ako tuluyang nakakapasok ng elevator, laking gulat ko na lang ng may humawak sa balikat ko dahilan para mapaharap ako roon.
"Miss, naiwan niyo yata?"
Seriously?
"No, hindi yan sa akin. Sa book corner yan ng coffe shop." sagot ko.
Natawa naman siya, "Ahhh, sorry akala ko sayo!"
"Tss.." pipindutin na sana ako sa elevator ng bigla niya na naman akong hinawakan sa balikat.
"Teka, Miss!"
"What?"
"Itatanong ko lang sana kung, scholar kayo ng University of Canada?"
Napa-iwas ako ng tingin, "Yes."
"Ahh, ganon." tumingin ako sa kanya ng may bigla siyang kuni'ng video camera sa bag niya. "Pwede ko ba kayong kuhanan ng video? Balak ko kasing bumuo ng isang inspirational video at ipalabas yon sa dati kong school para sa mga estudyante ngayon roon. Isa rin kasi akong scholar dito. Dalawa lang naman ang tanong ko eh, kung ano yong mga napagdaan niyo at ano pakiramdam na uuwi na ng pinas." paliwanag niya.
Although, magandang ideya ang naisip niya pero wala akong magagawa. Napabuntong hininga ako at muling napa-iwas ng tingin," Hindi ako uuwi, iba na lang."
"Teka hindi ka uuwi?" nagulat ako sa tono ng pananalita niya at kunot nuong napatingin sa kanya. ".... I m-mean bakit hindi po kayo uuwi?"
"That's non of your business." seryosong sabi ko at pumasok na sa elevator. Salamat naman at di na niya ako hinabol.