Raffy's Pov
ALAS SAIS na ng umaga ng magising ako. Sakto yon dahil balak kong ibuhos ang buong oras ko sa library bago ang simula ng klase, alas otso.
Kailangan ko pa kasing mag-aral ng mabuti para mas mataas pa sa 96% ang makuha sa susunod kong examination. Bale ang mga kasabay ko na sa susunod na exam ay yung mga Canadian na estudyante at ang ibang mga hindi pumasa na willing paring ituloy ang pag do-doktor.
Umaasa ako na sa pagkakataon na ito ay mas mataas na marka pa ang makukuha ko. Sana naman nga.
I'am busy reading an article about the heart disease and then my phone suddenly rang.
It was my younger sister, Julia.
"Hello!"
"Hey, ate Raffy how are you?"
"I'm good,"
"Well, tss. Yan naman ang laging sinasabi mo!"
Bahagya naman akong natawa,"Is that so?"
"How's your exam?"
"Good." mabuhay na sagot ko.
"Tss, don't me ate! Anong good? It's literally a 96%! We're so happy for you!"
Pilit naman akong natawa, "Thank you."
"Don't worry ate, you know what kahit hindi sabihin nina Mom at Dad alam namin ni Kuya na proud na proud sila sayo."
Lagi naman nilang sinasabi yon pero di ko maramdaman. Dahil sa tuwing nagagawa ko ng maayos ang mga bagay na gusto nila, kahit di man nila sabihin alam kong kulang na kulang pa rin.
"Natahimik ka. Sige na, we're going. Goodbye ate! Ingat ka riyan."
"Sige. Ingat rin kayo riyan."
The call ended. Ibinalik ko ang atensiyon ko sa libro pero agad akong napatigil ng hindi ko rin alam ang dahilan.
Masyado na atang marami ang laman ng utak ko, siguro mamaya o bukas na lang ulit ako mag-aaral.
Isa isa ko ng iniligpit ang mga gamit ko at napagdesiyonang lumabas ng library. Tiningnan ko ang relos ko, 30 minutes pa bago magsimula ang klase.
Habang naglalakad sa hallway, may ilan ilan rin na kumakawayv
sa akin. Mga kasamahan ko sa course at yung iba naman ay mga kakilala ko lang pero di ko kaibigan.
Wala naman talaga akong kaibigan, hindi ako marunong makipagkaibigan. Masyado kasi akong mahiyain. Hindi naman din ako ganon katahimikan, pero kasi pag wala naman akong mahalagang sasabihin mas pipiliin kong manahimik na lang. Nakikipag kilala rin naman ako pero sa mga susunod na araw wala na nakalimutan ko na agad ang mga pangalan nung nakipagkilala sa akin.
Pagpunta ko sa room iilan pa lang ang mga kaklase ko, kaya pinili ko na lang munang maglakad lakad sa labas.
Maganda sa University na ito. Napapaligiran ng mga puno ng Maple ang paligid, maganda rin magbasa ng libro dito sa mga bench na nasa ilalim ng iilang mga puno. Sakto lang ang klima hindi ganon kalamig, hindi ganon kainit. Nasa gitna ako ng pag aliw aliw sa paligid ng biglang - -
"SHUT THE FUCK UP!! JUST GIVE US THE MONEY!!"
"I DON'T HAVE MONEY!"
Dali dali akong nagtago sa punong naroon ng makita ko ang tatlong Canadian student na may binububog na isang lalaki!
Gusto kong sumigaw para humingi sana ng tulong pero napangunahan ako ng takot at kaba!
"Give your money to us, assh*le!" sigaw nung lalaking matangakad na blond ang buhok!
"I said I don't have money!"
"You're lying!!" sigaw nung isang nasa harap niya sabay itong sinikmuraan.
Napatakip ako ng bibig ng sikmuraan pa nito ng sunod sunod ang lalaki!
Yong lalaki! Parang pamilyar siya sa akin! Siya yong lalaki kahapon sa Coffe shop! Yong ulagang nagbalik sa akin nung libro!
Teka, paano? Tutulungan ko ba siya?
Bakas na ang sobrang pamumula sa mukha niya sa sobrang sakit na idinudulot ng pag sikmura sa kanya!
Natataranta ako habang pinag iisipan ang gagawin, kaso! Wala akong maisip, matalino akong tao pero pag mga ganitong pangayayari na ba-blanko ang utak ko!
Napatingin ako don sa lalaki at gaya niya nakatingin na rin siya akin, nangungusap na tulungan ko siya!!!
Napailing-iling ako pumikit, mas maganda nang umalis ako rito baka madamay pa ako!!! Tumalikod na ako at naglakad palayo pero agad akong tumigil ng marinig ang malakas niyang sigaw, halatang matindi na ang dinadanas niya sa mga lalaking iyon!!!
Dahil na rin sa awa at konsensya... Naglakad ako papalapit sa kanila, kahit kabadong kabado ay pinilit kong maging kalmado sa harap nila!
"STOP!" buong tapang na sigaw ko!
Lahat naman sila napalingon sa akin.
Tiningnan ko naman yong lalaki na ngayon ay nakangiti sa akin! Aba, nakuha pang ngumiti nito!
"Stop what you doing or if you don't, I will report this to office!?"
Sandali silang natahimik at nagsipag tawanan! Nagkatinginan sila at nagngisian sa isa't isa! Napangiwi naman ako ng makita ang isang lalaki na nakakagat pa sa pang ibabang labi habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa! Nagdulot yon ng sobrang kaba sa akin!
"Do you want money right?" lakas loob na tanong ko!
Nagkatinginan muli sila, "Yes, give us the money!" sigaw nong isang maliit.
Mukha silang mga pera!
Dali dali ko namang kinuha ang wallet sa loob ng bag ko at kinuha lahat ng perang naroon bati barya kinuha ko na rin!
"I will give this to you, if you let go that guy!"
Nag tinginan nanaman sila bago pinaulanan pa ng suntok yong lalaki! Napatakip na lang ako ng mata dahil sa takot! Maya mayay naramdaman ko na lang na lumapit sila sa akin at marahas na kinuha ang mga pera sa kamay ko!
Nagtawanan pa sila bago sila lumakad palayo. Tinanggal ko na ang kamay sa mukha at saka nilingon ang lalaki na ngayon ay namimilipit sa sakit!
"Hey, ayos ka lang?" tanong ko ng makalapit sa harap niya.
"Hahahaha nagbibiro ka ba?" nangunot naman ang nuo ko sa tanong niya! ".. kita mo na ngang nabubog ako, itatanong mo pa kung kung okey lang ako?" natatawang tanong niya.
Inirapan ko na lang siya, "Baka gusto mo ako tulungan tumayo?" tanong niya pa!
Nataranta naman ako bago lumapit sa kanya at inakbay ang isang kamay niya sa akin para makatayo! Ang bigat niya promise!
"T-teka, ang bigat mo. P-pwede bang magpagaan ka?"
Ginawa naman niya iyon hanggang madala ko siya sa malapit na bench. Inupo ko siya at napabuga naman ako ng malakas na hangin.
"S-salamat..." aniya.
Umirap na lang ako bago tumango.
"Ano bang nangyari? Bakit ka nila ginaganon? Sino ba ang mga iyon?" tanong ko bago tumabi sa kanya.
"Mga adik ang mga yon, gangster sa kanto. Asa na sa mga taong nasa paligid nila para mabuhay." sabi niya bago umaayos ng tayo. Pansin ko ang ilang sugat sa mukha niya.
"May first aid kit ka ba?"
"H-ha? W-wala eh.." sagot niya bago nangamot ng ulo.
"Wala rin ako eh.. Dadalhin na lang kita sa Clinic." sabi ko at akma siyang aakayin.
"Huwag na, baka ma report pa to sa prof ko. Magagalit yon ng sobra, baka di niya ako bigyan ng exam. Hehehehe.."
Nangunot naman ang nuo ko, "Edi, ikukuha na lang kita ng first aid sa clinic." sabi ko at akmang tatayo.
"Huwag na rin, baka makasalubong mo pa yong mga gunggong na yon!" pigil niya.
Sandali kaming natahimik at nagkatitigan. Ako na ang unang umiwas ng tingin ng dahil sa pagka ilang.
"Y-yong pera nga palang ibinigay mo babayaran ko!" sabi niya bago nagkapkap sa bulsa. Pero agad siyang napanguso at napakamot ng ulo. "Saan ko yon nalagay?" tanong noya sa sarili niya. Nagkapa pa siya pero sa huli ay di niya rin nahanap ang kung ano man ang hinahanap niya.
"Hehehehe, di ko alam kung saan ko nailagay yung wallet ko eh... " nahihiyang sabi niya.
"Hindi na, kahit huwag mo ng bayaran." sabi ko bago napa iwas ng tingin ng maalalang wala nga pala akong pera sa apartment, di ako nag iiwan ng pera ron lagi iyong dala dala. Ngayon ko lang narealize na malaki laki pala ang naibigay ko sa mga lalaking iyon!?
"Sigurado k-ka?"
"Mmmhh.."
"O sige, pero pwede bang makipagkilala?
Agad akong tumingin sa kanya at tumayo. Kahit hirap na hirap ay pilit rin siyang tumayo. Gusto ko pa sana siyang tulungan kaso masyado akong nabigla sa tanong niya.
"At saka pwede rin bang makipagkaibigan?" umaasang tanong niya pa.
"Ahh,," napakamot na lang ako ng nuo. Mas nagulat ako sa tanong niya ngayon.
"I'm Vijer, Vijer Santos." inabot niya ang kamay sa akin.
Wala naman sigurong masama kung makipagkaibigan ako sa kanya diba? Napababa ako ng tingin sa kamay niya at alanaganing tinanggap iyon.
"Raffaela Quizon, just call me Raffy." pakilala ko at agad binitawan ang kamay niya ng maramdaman nag init roon.
"Hehehehe, ang cute naman ng name mo. Parang ikaw hehehehe.."
"Ahh, sige alis na ako. May klase pa kasi ako eh." sabi ko at agad kinuha ang bag bago naglakad palayo. Hindi ko alam, pero hindi ako komportable sa sinabi niya. Hindi ko alam ang pakiramdam, parang naiilang na nahihiya ako!
Saktong pagpasok ko sa room ay siyang pagpasok rin ng prof namin. Akala ko nalate na ako ng tuluyan. Wala naman na kaming ginawa ng mga sumunod na oras kaya nag-aral na lang ulit ako.
Maaga akong nakauwi ng apartment dahil mas minabuti kong sa bahay na lang mag-aral, yong nasa notes ko na lang muna ang pag-aaralan ko. Pagkadating ko ay agad akong nagbihis at napagdesisyonang matulog bago mag-aral para makapagpahinga naman at hindi ma drain ang utak ko.
Saktong alas otso rito ng magising ako. At gaya ng araw araw tahimik malamig at walang kabuhay buhay ang paligid ko. Walang gana akong bumangon at dumeretso sa kitchen para makapag luto. Pero agad nangunot ang nuo ko ng wala na akong makitang kahit ano mang pagkaing maluluto na nasa ref.
Napabuntong hininga na lang ako bago nilingon ang tinapay na nasa ibabaw ng lamesa. Yon tinapay kagabi, hindi ko rin naman kasi nakain dahil biglang tumawag ang prof ko kagabi. Lumapit ako at hinawakan iyon, luma na.
Baka saktan ako ng tiyan pag kinain ko yan. Nagpag pag ako ng kamay ng biglang tumunog ang phone ko.
It was my brother, Kuya Ethan. Sinagot ko iyon.
"Hello!! My sister!" masayang bati niya.
Napangiti naman ako, "Kuya!"
"I'm so proud of you my sister! Ang galing galing mo talaga!"
"Thank you kuya." sabi ko at naglakad papuntang sofa.
"Syempre may gift si Kuya sayo!"
Nanlaki naman ng bahagya ang mga mata ko, minsan lang yan maging galante.
"Talaga kuya?"
"Yes, nailagay ko na sa bank account mo. Anytime pwede mo iyong gamitin."
Napabuntong hininga bago tumango, "Thank you kuya."
Nag aalangan akong tanggapin dahil nakakahiya kay kuya. Pero wala akong pera eh. Iba naman ang bank account ko kay Kuya at iba rin ang kina Mom. Yon ang hindi ko talaga gingamit. Yong kaninang pera na ibinigay ko sa mga lalaking yon ay bigay ng school. Allowance kung baga.
"Sige na Raffy, I'm going to end the call. Mag iingat ka riyan. At lagi mo ako dapat tawagan."
"Sige Kuya, kayo rin."
The call ended.
Napabuntong hininga na lang ako at napagdesisyonang magpalit ng damit para bumili ng pagkain sa labas. Wala naman kasi akong alam na hotline na pwedeng pag orderan ng makakain eh. At saka okey rin to, hilig ko talaga ang maglakad lakad.
Bumaba ako ng apartment at agad bumungad sa akin ang malakas na simoy ng hangin. Tumungin ako sa kaliwa at kanan, tiningnan ko kung saan ako pwedeng mag dinner ng biglang - -
"RAFFY!!" isang malakas na sigaw sa pangalan ko!