Raffy's POV
"RAFFY!!!"
Nanlalaking matang nilingon ko kung sino yong sumigaw! At agad ring nangunot ang nuo ko!
"Hi Raffy!!" masayang masayang bati niya!
Nag alangan naman akong bumati. Saan ba nanggagaling to?
"H-hi..." bati ko bago nangamot ng ulo at lumingon lingon sa paligid.
Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa harap ng lalaking ito? Naiilang ako. Di ko rin alam kong komportable ba ako sa kanya o ano!?
"Saan ka pupunta? Gabing gabi na ha?"
"Ahhh, mag hahanap ako ng makakainan..at mawiwithdrahan na din."
Hindi naman kasi ako lumalabas ng apartment masyado, may supermarket kasi sa loob kaya don na lang bumibili ng mga cangoods, noodles at bigas. Hindi ko rin alam kung saan may malapit na ATM machine dito. Pera lang talaga na galing sa school ang ginagastos ko. Hindi ko alam kung paano ako binuhay non ng apat na taon.
"Ahh, ganon b? Alam mo may alam ako. Malapit lang yon rito? Gusto mo samahan kita?"
Sunod sunod ako umling, "Naku hindi na... Kaya ko naman eh."
Baka mamaya..
"Ano ka ba? Wala naman akong gagawing masama sayo ano!?" natatawang sabi niya at nakamot pa ng ulo. "Sino sino pa ba ang magtutulungan rito? Diba tayo tayo lang din naman?"
Napabuntong hininga na lang ako. Tama naman siya.
Bahagya akong ngumiti at tumango sa kanya. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. Nabugbog siya kanina gusto ko rin alamin kung kamusta na ang nararamdaman niya. Pansin ko pa rin kasi ang ilang galos niya sa mukha pati ang putok niyang labi. Gusto ko sanang magsalita kaso naunahan ako ng hiya. Narito naman siya, mukha naman maayos ang lagay niya. Sapat na siguro yon.
"Doon yon, tara!"turo niya sa kanan ko.
Nauna siyang maglakad at sumunod naman ako. Maya maya ay magkasabay na rin kami sa paglalakad. Naiilang pa rin ako kahit na ganito lang ang nangyayari. Walang pansinan, kapwa naglalakad lang.
Gusto ko sana kaagad magpasalamat sa kanya. Kaso hindi ko naman alam kung paano ko siya tatawagin. Nakalimutan ko kasi ang pangalan niya. Napanguso na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Maya maya ay nadaanan namin ang isang plaza. Maraming tao at ang saya saya nila. Punong puno din ng lights ang buong paligid. Baka hindi ko napansin na malapit ng magpasko?
Napatigil ako sa paglalakad at pinagmasdan iyon.. Bakit kapag ganitong kapaskuhan, imbes na tuwa ang nararamdaman ko. Bakit sakit at lungkot lang? Sa tuwing sasapit ang pasko, palagi kong hinihiling na sana may makatanggap ako ng pinaka maganda regalo. Hindi iyon mga materyal na bagay, kundi tuwa. Apat na taon na ako sa Canada pero ngayon ko lang napansin ang kapaskuhan. Mag-isa lang ako nitong mga nakaraang pasko.
"Ang saya nilang pagmasdan, ano?"
"Oo," wala sa sariling sagot ko.
Ramdam ko ang pagtabi niya sa akin. Nasisiguro kong maging siya ay pinagmamasdan na rin ang plaza.
"Alam mo ang bilis ng panahon. Pasko nanaman!!!" masayang aniya. "Alam mo, ito lang talaga ang hinihintay ko sa bawat taon." nilingon ko siya at kita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. "Ilang linggo na lang magpapasko na, anong hiling mo?" tanong niya habang doon pa rin ang tingin sa harap.
Hindi ko naalis ang paningin ko sa kanya. Naka side view siya at ako naman don nakatingin. Ayos lang ba kung sabihin ko ang hiling ko? Hindi ba masamang sabihin iyon? Kamakailan ko lang siya nakilala. Ni hindi ko nga tanda ang pangalan niya!
Pero sa tingin ko wala namang siguro masama, siguro?
"Hiling?…Gusto kong maging masaya." malungkot na saad ko at awtomatiko akong napaiwas ng tingin ng bigla niya akong tingnan.
"Ang easy naman ng wish mo. Hehehe."
Easy? Ang hirap hirap kayang maging masaya lalo na't kung wala yung taong dapat ay nagpapasaya sayo. Ngising ngisi siya ng lingunin ko.
"Ito tip.." humarap siya sa akin, "Mag wish ka lang ng mag wish kay Lord.. Dadating ang time na matutupad iyon, tiwala lang." nakangiting aniya.
Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na mabilang kung ilang dasal na ang nadasal ko at kung ilang santo na ang nadasalan ko. Wala pa rin. Malungkot pa rin ako, ang mas masakit wala nakakaalam ng nararamdaman ko. Hindi pa rin nagbabago ang gusto ng mga magulang ko sa akin.
"Huwag mo na pala akong samahan, okey lang akong....mag-isa." sabi ko at agad siyang tinalikuran. Babalik na lang ako sa apartment. Bukas na lang ako kakain.
"Hoy teka sandale! Akala ko kakain ka pa!?" sunod niya.
"Hindi na ako nagugutom."
"Teka, masamang hindi kumain sa gabi. Sige ka, baka bangungutin ka!?"
"Salamat na lang." binilisan ko ang lakad ko para agad niya akong hinabol at ikinawit ang kamay ko sa braso niya!
"Hoy, ano ba!"
"Tara na, sasamahan kitang mag withdraw at kumain. May isang lugar akong alam, na alam kong magugustuhan mo!"
Nakasabit ang kamay niya hanggang sa marating namin ang ATM machine. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ko siyang gawin iyon. Pero isa lang ang naramdaman ko, dahil sa mga ngiti niya nawala ang aking pangamba.
Ilang minuto lang amg itinagal namin sa ATM machine at muli kaming naglakad, hindi ko alam kung saan na kami pupunta nito. Pero dahil nga nagkaroon ako ng tiwala sa kanya. Hinayaan ko na naman siya. Hanggang sa makarating kami sa sinasabi niya.
Hindi naman ganon kalayo ang nilakad namin. Marami ring mga tao ang namamasyal at naglalakad sa paligid.
"Yan! Nandito na tayo!"
Bahagya nanlaki ang mga mata ko ng makita ang karatulang nakalagay sa may harap ng pinto. "MABUHAY!" ang nakalagay roon.
"Ano? Saan mo ba ako dinala?" kunot nuo'ng tanong ko saka muling nilingon ang pinto.
Hindi ganon kapansinin ang lugar, kahit siguro may araw ay di ito pansin. Nasisiguro kong pininis lang ang buong pader at tanging ang itim na pinto at yun ngang maliit na karatula kung nakasulat ang salitang tagalog.
Nilingon niya lang ako ng nakangiti. Kunot naman ang nuo ko ng makipagtitigan sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba ang hatid ng mga ngiti niya.
Katahimikan ang nanaig sa amin hanggang sa unti unti nang naging ngisi ang mga ngiti niya. Kasabay rin non ang dahan dahan pagbuo ng ingay na nasisiguro kong naiintindihan ko ang mga sinasabi nila at doon yon nanggagaling sa may pinto.
"Tara pasok na tayo!" hinawakan niya ako sa kamay at hinila papasok roon!
Pagkapasok roon ay bumungad kaagad sa akin ang mga taong nagkakasiyahan habang nagkakainan. Bahagyang nanlalaki ang mga mata ko ng pasadahan sila isa isa ng tingin.
"Welcome to...." binitawan niya ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Aling Leleng's, EATERY!!" masayang sigaw niya!
Napatingin lahat sa amin ang mga taong naroon, lahat sila ay natigilan sa kanilang mga ginagawa. Lahat ay nakatingin sa akin at sa kanya, pabalik balik!
Maya maya pa ay sabay sabay silang naghiyawan at sinabayan pa ng malalakas na palakpakan! Halos mapatakip ako ng tenga ng dahil sa ingay nila!!
"Oy! Vijer! Bakit naman ginabi ka na ha? Late ka na tuloy sa chibugan!" ani nung lalaking lumapit sa amin.
Napatingin naman ito sa akin at ngitian ako. Naiilang naman akong ngumiti pabalik. Pasimple kong nilingon ang mga taong naroon at lahat sila ay nakangiti sa akin. Hindi ko naman naiwasang ngumiti rin ng bahagya. Nahuhulaan kong mga Pilipino ang lahat ng mga narito at alam ko sa sarili kong masaya ako, kakatwang nakakakita ako ng mga kalahi ko. Hindi lang isa, kundi hindi ko rin mabilang.