Chereads / The Gap Between Us (Revamp) / Chapter 1 - A Father's Disappearance

The Gap Between Us (Revamp)

🇵🇭Saikii
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 20.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - A Father's Disappearance

Rain poured heavily within the city. A heavy breeze made its way through the open windowpane, giving Seira a chill as she tried to close the wooden window. Turning on the desk lamp, she sat comfortably in her chair.

"Buti nalang di ako gumastos kanina at nilakad ko nalang pauwi, sayang din 'tong one hundred pesos." Tuwang banggit niya sa sarili saka nilagay sa alkansya ang isang daan niyang di naigastos. Palapit na din kasi ang kaarawan ng bunsong kapatid kaya naisipan niyang bilhan ito ng regalo galing sa naipon niyang pera at para makabili na din ng washing machine. Nasira na kasi yung pinagtatyagaan niyang second hand washing machine dati pa.

Bata pa ko ng magsimula akong matutong mag-ipon para makabili ng mga kakailanganin sa bahay at kahit papano makadagdag sa perang binibigay ni papa para sa pang araw araw naming pangkain. Bilang panganay saming dalawang magkapatid maaga akong natuto sa mga gawaing bahay at pagbudget ng daily expenses naming mag ama. Apat na taon na din ang nakalipas noong kinuha ng kalapit na kaibigan ni papa si Sho sa amin. Ayaw man namin ni papa pero sa tingin namin iyon ang mas nakakabuti para sa kapatid ko. Siyam na taon ang pagitan naming magkapatid, ipinanganak si Sho na mahina ang resistensya. Limang taon siya nang magkadengue at kinailangang isugod kaagad sa ospital, unfortunately, nabaon kami sa utang dahil pati ako natamaan din ng virus. Mabuti nalang at may lumapit na kaibigan kay papa na aakuin lahat ng bayarin sa ospital pero sa isang kondisyon, aampunin nila ang nakababata kong kapatid na si Sho. May edad na din kasi ang mga ito at di na rin kayang magkaanak, mahirap man pero sa sitwasyong iyon minabuti nalang din ni papa na sa kanila mapupunta si Sho.

Pasado ala sais na ng gabi at mas lalong lumalakas lang ang patak ng ulan. Itinabi ko muna ang alkansya at kinuha ang libro ko sa General Psychology upang masimulan ko na sa paggawa ang report ko for next week.

Seira Madriaga, isang first year na kolehiyala na nag-aaral ng sikolohiya sa isang malaking universidad dito sa City B bilang iskolar. Halos isang taon na din ang nakalipas noong lumipat kami ng bahay na mauupahan ni papa na hindi kalayuan lang sa pinapasukan kong unibersidad.

Maya maya biglang nag vibrate yung cellphone kong de-keypad na agad ko namang sinagot. "Hello, pa?" Panimula ko.

"Anak, Seira! Makinig ka." Halos pasigaw na sabi nitonsa kabilang linya na tila naghahabol pa ng hininga. Anong meron?

"Po? Bakit po, ano yun?" Kunot noo kong sagot sa kanya.

"Nasa bahay ka ba ngayon Seira?" Tanong nito sa akin na sinagot ko naman ng oo. "Makinig ka anak. Dalhin mo yung importante lang, pera at cellphone mo saka umalis ka ng bahay. Siguraduhin mong naka patay yung ilaw at naka padlock yung pinto. Umalis ka kaagad ngayon din!" Mabilis na tugon ni papa sa akin.

"Po? Ba't naman ako aalis ng bahay pa?" Hindi ko maintindihan, anong oras na, ba't aalis ako ng bahay? Saan naman ako pupunta?

"Itetext ko sayo mamaya, ang mahalaga makaalis ka ngayon din. Sa bahay ng kaibigan mo ka muna magpalipas ng gabi ngayon, si Alesandra diba yung kaibigan mo? Tama, dun ka muna!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad niya namang ibinaba ang tawag.

Naguguluhan man ako pero wala akong ibang magawa kundi ang sumunod, mukhang di naman kasi nagbibiro si papa. Agad kong hinalungkat ang draw sa cabinet ko at kinuha ang kaisa-isahang hood na meron ako. Buti nalang at nasa lamesa ko lang lahat ng kailangan ko. Pagkatapos mailagay ito sa sling bag ko agad na akong lumabas ng bahay pagkadampot ko ng payong. Sinigurado kong patay ang mga ilaw saka nilock ang pinto ng bahay.

Habang patungo sa sakayan, itinext ko kaagad si Sandra na agad namang pumayag.

Napabuntong hininga nalang ako saka pumara ng bus pa City A kung saan nakatira ang kaibigan. Buti nalang at isang sakay lang ito galing sa sakayan. Panay vibrate ng cellphone ko ng makaupo na ako sa pinakadulong upuan.

Text galing kay papa.

"Anak, Seira pasensya. Kasalanan ko. Pasensya at di ko nasabi kaagad sayo. Sa ngayon sa kaibigan mo ka muna magpalipas, panigurado ngayon papunta na ang mga iyon sa bahay. Seira anak, nagkautang ang tatay ng kalahating milyon. Pasensya."

Parang binagsakan ako ng langit at lupa matapos basahin ang text galing kay papa.

Lagi nalang.

Parang nung nakaraang buwan lang natin na bayaran yung perang inutang mo sa isang kumpare mo tapos ngayon nakahanap ka na naman ng panibagong sakit sa ulo. Ang masaklap ang laki ng perang pinagkautangan mo! Kalahating milyon?! At saan naman tayo kukuha ng perang ganyan ka laki?!

Buong byahe pilit kong kinakalma ang sarili. Hindi ko na alam kung ano dapat ang maramdaman sa sitwasyong ito.

Bumaba ako ng bus na sobrang bigat ng nararamdaman ko. Ni hindi ko na binuksan ang payong na dala dala ko. Kada hakbang ko palapit sa bahay na pagtutunguhan ko ay mabigat. Tila bang may ilang kilong naka gapos sa mga paa ko na kahit sa paglalakad nahihirapan ako.

Sobrang panlulumo ang nararamdaman ko. I felt suffocation in my chest. Nanginginig yung mga kamay ko hindi dahil sa lamig na nararamdaman ko dulot ng malakas na hangin at ulan, ngunit dahil sa hindi pa rin lubusang pumapasok sa utak ko ang lahat ng sinabi ni papa.

Basang basa na ako mula ulo hanggang paa ng makarating ako sa gate ng bahay ng mga Loyola. Dahan dahan kong inangat ang nanginginig kong kamay at pinindot ang doorbell.

"Seira?" Bakas sa mukha ni Alesandra ang pagkagulat ng makita niya ako. Agad agad niya kong pinagbuksan ng gate at hinikayat na magpasilong sa veranda. "Anong nangyari sayo? Ba't basang basa ka? May payong ka naman. Teka intayin mo ako dito." Pagpapaalam nito.

"Okay ka lang?" Tanong niya kaagad sa akin ng makabalik siya na may dala dalang tuwalya. "Halika sa loob, maligo ka muna sa banyo at magpalit ng di ka magkasakit."

By the time na matapos akong magbihis, pinaupo niya ako sa dulo ng kama. Isang hampas kaagad ang sumalubong sakin, di naman ito gaano ka lakas pero naging dahilan ito para mapatingin ako sa kanya. Magkasalubong ang kilay nito at nakasimangot. "Napakapasaway mo ngayon Seira!" Agad niyang bulaslas ng magtama ang paningin namin. "Pano kung magkasakit ka niyan? Pinag-alala mo ko." Sabi niya sabay yakap ng mahigpit sakin.

Warm.

"Sorry." Tanging nabanggit ko.

"Sorry din." Ganti niya saka kumalas sa yakap. "May sasabihin ka ba sakin?" Tanong niya na sinagot ko naman ng tango bilang tugon.