Chereads / The Gap Between Us (Revamp) / Chapter 5 - Welcome Home

Chapter 5 - Welcome Home

Nanlaki ang mga mata ko at napatitig sa taong tumatakbo papunta sa harap ko. The demeanour he had bago ako umalis kanina ng bahay ay wala na. Pero sa ilang segundong iyon hindi ko mapigilang di mapamangha sa mga nakikita ko.

Nang mapahinto ito sa pagtakbo sa harapan ko, nagsalita siya "F-finally."

Ba't naman siya andito? Parang kanina lang galit pa to.

"Found you." My eyes widened sa sumunod na katagang binitawan niya. Umalis siya, para hanapin ako?

"Sir Maiko." Mahinang banggit ko sa pangalan niya ng di parin makapaniwala.

"You!" Akmang papagalitan niya na naman ako ng huminto ito sa pagsasalita at huminga ng malalim. "Kid, do you know what time is it? Why are you not home?"

"I was looking for you. You should tell me pag aalis ka lalo anong oras na. I'm still your boss, I'm responsible for you. Alright?" dagdag nito.

He lifted his hand and placed it on top of my head na mas lalong nagpagulat sakin. Matangkad si sir Maiko at hanggang dibdib lang ako nito, kaya madali lang sa kanya para gawin iyon. He ruffled my hair slightly saka tumalikod na at nagsimulang maglakad pabalik sa direksyon ng bahay.

"Let's get you home."

Home.

Hindi ko alam pero sa pagbitaw niya ng isang katagang iyon, I feel an indescribable emotion from within, at the same time I felt warmth from him.

Home.

Sa sobrang tagal ko nang halos mag isa lagi sa bahay na inuupahan ni halos di ko na maramdaman kung anong feeling ng magkaroon ng kompletong pamilya. Si Sho wala na sa amin, pa minsan ko lang din siya makita sa isang buwan. Si papa ni halos hindi umuuwi, kung uuwi din matutulog at aalis din kaagad, may problema pang dala sa paguwi.

Buong buhay ko halos mag isa lang ako sa isang silid na hindi naman matatawag na akin. Bata pa ako nawalan na kami ng bahay dahil sa hirap kami sa pera. Palaging palipat lipat ng bahay. Every single house we went through, it never feels like home.

It never was.

I was lost in my own thoughts ng mapansin kong nasa harap na pala kami ng bahay. Sumunod lang ako kay sir Maiko na pumasok na ng gate. Nang makapasok ako saka ko nilock ito at pumasok ng bahay.

"Isn't there anything you should say?" He asked suggestively na naka angat pa ang isang kilay. Nagkasalubong naman ang mga kilay ko dahil hindi ko agad nakuha yung gusto niyang ipaabot sa akin.

He sighed. "I'm home. Say it."

Warm.

Napayuko ako ng maramdaman kong umiinit ang mga mata. Tila parang may contraction sa lalamunan ko. "I-I'm home." Mahina kong sabi, sapat lang upang marinig niya.

I saw his feet turning to the other direction, turning his back at me. "Welcome home, kid."

"Although I'm your boss, the fact that you're living in my house means you'll become family, it's just right for you to say that."

Family.

Tears started streaming down my face when I heard what he called me. I bit my lip hard to stop myself from making any further noice.

When was the last time I said those exact words? I can't hardly remember.

It was long forgotten.

This man, who isn't even related to me by blood, is going to such lengths as to treat me one.

I thought- he isn't that bad afterall.

"Jeez, I'm hungry!" Reklamo nito, breaking the silence at naglakad na patungong kusina.

Hindi pa siya kumakain? Eh anong oras na.

"Kasalanan mo to, why would you go out without telling me kid? I felt exhausted looking all over the place for you tsk."

Ang bait talaga. Parang kanina pinagalitan mo ko tas pinapaalis tas ngayon itatanong mo kung bakit. But then, he did look for me. Hay nako. Ang ewan din pala nitong taong to.

"Kumain ka na? Kain ka ulit. Samahan mo ko." I wiped my tears dry and smiled to my self.

My boss sure is bossy.

He told me na magsho-shower daw muna siya habang nirereheat ko yung mga ulam. By the time he was finished, he came back only wearing track pants and a towel draped in his shoulder.

Does he not consider me a woman at all? Jusko, kahit ilang taon yung pagitan namin babae parin ako beyong legal age! Namamangha din ako makakita ng abs!

Agad ko namang nilihis ang paningin ko at umupo nalang sa harap ng mesa. Sumunod naman si sir Maiko na tinitigan yung mga nakahain. "Ayaw niyo po ba? Pwede naman po akong magluto ng iba." Kinakabahang tanong ko. As far as I know, I'm not bad of a cook. Di niya ba bet?

"No need, kakain ako." He took the spoon and fork and started eating. Buti naman, akala ko di niya gusto yung pagkain. "Next time, hand me the chopsticks. It's a lot better eating using those." Tumango naman ako at kumain na din.

"Masarap po ba?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Mhmm, not bad." Sagot nito at pinagpatuloy na ang pagkain. Nang matapos, niligpit ko na ang mga pinagkainan at ipinagtimpla siya ng tsaa.

Habang naghuhugas ako ng pinggan, nagtanong naman ito bigla "Kid, how old are you?"

"19 po sir."

"I see. My bad, I doubted you at first. Looks like you can do the job quite good." Oh, that. I didn't really mind it, kahit naman siguro ako yung nasa sitwasyon niya I'll also doubt it. I looked young for my job, tipong di ko naman alam yung pinapasukan ko.

"Kayo po ba sir Maiko?" Balik na tanong ko.

"26."