Chereads / Death University [BOOK 1] / Chapter 7 - Kabanata 6

Chapter 7 - Kabanata 6

(Hayden Zyrienne's POV)

Time: 5:30 pm

Alam niyo naman kung ano ang mangyayari pagpatak ng 6pm. Hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung paano kami makalabas. Pero alam ko na ang nagaganap dito. May pinaghihinalaan akong tao na feeling ko ay isa siyang kasabwat. Kakaiba kasi ang kilos niya.

Lagi rin siyang ngumingiting mag-isa. Ngiting may pinaplano. Kailan ko siyang bantayan.

Patayan everywhere.

Kailan kaya ako masasanay? Parang ito na 'yung naging daily life this week.

Anyway, naglalakad ako rito sa may field ng mag-isa. Gusto ko agad malaman ang lahat. Ayaw kong mamatay ako na walang alam sa mga nangyayari. Ayaw kong tumanganga lang at pinapanonood ang nangyayari at ayaw kong lahat kami ay mamamatay dito.

Paano ba kasi makakalabas dito?

45 na lang kami rito. May tatlo nang namatay. Teka, bakit parang lumamig? Hindi naman malakas ang hangin.

Niyakap ko sarili ko habang nagmamasid sa paligid. Baka may something dito sa paligid na nagbibigay ng sagot sa mga katanungan ko.

Napatigil naman ako sa paglalakad nang nakita ko uli 'yung babae at nagsalita.

"Hayden, hanapin mo ang libro." sabi niya.

Mapapansin mo sa boses niya ang lamig at parang napakalalim. Hindi naman ako natakot kasi alam kong hindi siya gagawa ng masama. Nakatalikod siya sa'kin.

Kailan kaya sila matatahimik? Ayon sa nalalaman ko tatahimik lamang ang isang kaluluwa kapag nabigyan na siya ng hustisya.

Bakit kaya alam niya ang pangalan ko? Ang famous ko naman pati kaluluwa kilala ako.

"Sino ka ba talaga? Bakit ka nagpapakita sa'kin? Anong meron sa libro?" mausisang tanong ko sa kanya.

Dapat ko siyang kausapin kasi sa tingin ko maraming siyang alam tungkol rito sa paaralan at kailangan kong malaman 'yun.

"Makilala mo rin ako sa takdang panahon. Ang libro lang ang tanging pag-asa na makaalis sa inyo rito." sabi niya at biglang naglaho sa harapan ko.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong libro ang sinasabi niya?

Pero sabi niya, 'yun daw makatulong sa'min para makaalis dito. Ano kayang tulong ang magagawa ng libro para makaalis kami rito?

Kung ganun, hahanapin ko ang libro. Kahit na hindi ko alam kung bakit libro talaga ang susi para makatakas kami rito at tsaka wala akong clue kung saan ko 'yun makikita at hindi ko alam kung anong itsura.

Bigla na lang kasing nawala 'yung babae!

Tumakbo akong pabalik ng room. Ilang minute na lang 6 pm na.

"Hayden, sa'n ka galing?" bungad sa'kin ni Jeseryll ng nakarating ako sa room.

Siya na lang ang naiwan sa room. Saan kaya 'yung iba? Hindi ko siya sinagot dahil wala ako sa mood. Ang dami ko kasing iniisip ngayon.

Kailangan kong mahanap ang sinasabing libro ng babae pero saan ako magsisimulang maghanap?

Napahawak naman ako sa sintido ko at nag-isip-isip nang biglang may nagsalita sa speaker.

"Magsitago na kayo baka dalawa naman ang mamatay."

Napatingin naman ako sa speaker. Kailangan ko ring malaman kung sino ang nasa likod ng boses mula sa speaker.

Ano ba ang dahilan niya kung bakit ginagawa niya 'to? Niyukom ko ang kamao ko. Makilala rin kita at humanda ka.

"Isa."

Dali-dali akong lumabas at naghanap ng mapagtataguan nang may nakita akong puno.

Masyadong madalim sa parte na 'yun at napaka-imposibleng makikita roon. Napansin ko kasing hindi gumagamit ng flashlight ang mga taong naghahanap sa'min.

"Dalawa."

Hindi na 'ko gumalaw mula rito sa taas at komportable na rin akong nakaupo rito. Hindi na 'ko sumabay sa kanila.

"Tatlo."

Tinanaw ko ang kabuuan ng eskwelahan mula rito sa taas. Medyo makikita mo kasi mula rito ang kabuuan ng eskwelahan kasi napakataas nitong puno pero buti mabilis akong naka-akyat.

Napakagandang eskwelahan, maganda ang estruktura sa labas at masasabi mong 'perfect' 'tung school. Pero akala mo lang pa 'yun pero ang totoo talaga sa kaloob-looban nito natutugma rito ang kanyang pangalan.

"Apat."

Kailangan kong mag-isip ng maayos.

"Lima."

"Anim."

"Pito."

"Walo."

"Siyam."

"Sampu."

"Time's up!"

Ano kaya ang pwede kong gawin para mahanap ko agad ang sinasabing libro?

Napatigil ako sa pag-iisip nang may narinig akong mga yapak galing sa baba. Tumingin ako sa baba at nakitang may kinakaladkad ang lalaki. Napa-isip naman ako, bakit kaya ang bibilis nila at malalakas?

Sa tingin ko, hindi sila mga ordinaryong tao. Napag-isip-isip ko na o-obserbahan sila magmula ngayon.

"Pwede na kayong magsilabasan." rinig kong sabi mula sa di kalayuang speaker.

Bumaba na rin ako mula sa puno. Alam ko kung sino ang nahuli dahil nakita ko kasi siya kanina. Babae siya at mataas ang kanyang buhok at hindi ko rin siya masyadong kilala. Ano ngang pangalan niya?

Bumalik ako sa room. Nang nakalapit na ako sa room ay lumapit rin sa'kin sila Crissa.

"Hayden, saan ka nagtago?" tanong ni Micca.

Sound bitter? Napataas naman ang kilay ko sa tanong ni Micca. Pati ba pagtataguan ko kailangan pang sabihin?

Hindi ko siya sinagot, wala rin namang kwenta ang tanong niya. Kailangan bang malaman niya ang bawat galaw ko? Tss.

"Nevermind." rinig kong huling sabi niya bago ako umalis.

Tss. Talaga lang? I smell something fishy.

Nakisilip rin ako mula sa bintana. Makikita mong may dalawang lalaking may hawak na balde ang nasa loob ng room at isang kabaong na may nakaukit na Ange.

"Angelie..." rinig sabi ng isang babae na magiyak-ngiyak na.

Tama! Tama nga ako, si Angelie ang nahuli.

Ano kayang klaseng pagpatay ang gagawin nila kay Angelie? Fvck. Feel ko mas disgusting 'to.

"Panoorin niyo ang mangyayari sa kanya. Enjoy!" sabi ng nasa speaker.

Sabi nila nakalock raw ang pinto. So, wala ring saysay ang sapilitang pagbukas namin sa pintuan.

"TULONG! TULUNGAN NIYO 'KO. AHHHHH!"

Pilit na inaalis ni Angelie ang mga lubid na nakatali sa kanya pero bigo siyang matanggal 'yun.

Sinimulan ng mga malalaki ilagay sa loob ng kabaong ang laman ng mga balde.

Ano kaya ang laman ng balde?

"WAG! WAAAAAAAAG!" rinig naming sigaw ni Angelie.

Nakita kong may lamang daga ang isang balde at inilagay nila ito sa kabaong. Sunod namang nilang ilagay ang pangalawang balde na naglalaman ng mga ipis at tinakpan ang kabaong.

"AHHHHHH!" sigaw niya mula sa loob ng kabaong.

Napatakip naman ang iba sa kanilang bibig dahil sa mga nasaksihan. Bahagya akong lumingon sa pinagmulan ng hikbi. Si Loren at Mhia yata 'to, mga kaibigan yata nila ni Angelie.

Maya-maya, wala na kaming narinig na sigaw mula sa kabaong siguro wala na siya. Lumabas sa fire exit ang mga lalaki at bumukas naman pintuan dito sa harapan.

Pumasok na rin ang mga kaklase ko. Hindi muna ako sasama ngayon sa paglibing kay Angelie. Hindi naman ako sumasama kapag may nililibing sila.

"Ano 'tol? Handa ka na ba?" tanong ng isang kaklase kong lalaki sa kasamahan niya. Huminga naman ng malalim ang mga kasamahan niya bago sumagot.

"Oo, Handa na."

"Pag bilang ko ng tatlo, buksan na na'tin 'tong kabaong." sabi nung isa at tumango naman sila bilang pagsang-ayon.

"Okay. Isa... dalawa ... tatlo!" sabay nilang binuksan ang kabaong nang bumungad sa'min ang napakamasang-sang na amoy.

Nakita kong nanlaki ang mga mata nila at napatakip ng bibig.

Kinain ng mga daga ang mga laman-loob ni Angelie. Wala na rin siyang mata. Nakabuka baa ng bibig niya. Labas lahat bituka niya.

Napasuka naman ang iba dahil sa nakita. Kahit nga ako muntik na ring masuka.

"Taena, anong gagawin na'tin?" sabi ng isa kong kaklase habang nakatakip pa rin ang bibig.

"Pa'no kaya kung isama na rin nating ilibing 'tong pinaglagyan niya? Para saan naman kasi 'tong kabaong diba?" suhestiyon ng kasama niya.

"Sige, ibalik na lang na'tin 'yung takip. Tulungan niyo 'kong buhatin 'to." sabi niya at sabay nilang binuhat ang kabaong ni Angelie at lumabas para ilibing.

Tiningnan ko silang papalayo mula rito sa room.

"Hayden. Okay ka lang ba?" tanong ni Jeseryll.

Tumingin ako sa kanya. Mukang kami lang ang nagpaiwan dito sa room.

Hindi ako sumagot. Ang dami na ng tanong na umiikot sa utak ko tapos dadagdag pa ba siya?

Sanay na 'ko sa ganito.

Sanay na 'ko sa madilim na mundo.

My whole life is full of darkness.

(Loren's POV)

Nakaupo ako sa bench at palihim na umiiyak. Kasi hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ni Angelie   kasi para ko na siyang kapatid  tanginang eskwelahan 'to.

Napatigil ako ng iyak ng mga umabot sa'kin na panyo.

Nilinga ko kung sino ang nagmamay-ari ng panyo. Nagulat ako, dahil siya 'yung tao na laging nasa isip ko. Tinanggap ko naman ang panyo at pinunanasan ang sarili kong mga luha.

Kung wala lang sigurong nangyayaring problema ngayon, siguro kinikilig na 'ko ngayon. Mabuti naman at kinausap niya 'ko.

"Alam mo, Loren. Sa nangyayari ngayon, ang tanging magagawa mo lang ay matanggap ang lahat na nangyari at kay Angelie at magpakatatag." ani niya. Tumingin naman ako sa kanya. 

"Tama ka. Pero hindi sa lahat ng oras ay kaya mong maging matatag, masakit mawalan ng kaibigan na itinuring mo ng parang isang pamilya. Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon kasi wala pang namatay sa kaibigan mo." sagot ko sa kanya. Totoo naman. Wala pang nabawasan sa kanila kaya ganyan siya maka-advice.

"Kahit na wala pang namatay sa isa kaibigan sa mga kaibigan ko. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko at magpakatatag, malay mo sila na ang susunod di ba? At tsaka gagawa ako ng paraan makatakas lang tayo rito." ani niya at ngumiti.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Parang may something o talagang assuming lang ako?

"Tayo?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman siya at ngumiti ng malapad.

"Oo. Tayong dalawa." sabi niya at ngumiti ulit.

Ang gwapo niya kapag nakangiti. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

(Bryan's POV)

Hindi ko makakalimutan 'yung babae kanina. Parang multo siya o something? Siguro guni-guni ko lang.

Flashback

Naghuhukay sina Tristan at Lucas para dun ililibig si Angelie at ako naman. Ito nakatayo lang. Wala akong lakas na para tumulong at tska kaya na nila 'yan sus.

Malapit na nga akong makasuka nung binuksan nila 'yung kabaong ni Angelie kanina.

Taena talaga 'yun. Napatingin ako sa may puno nang may nakita akong babae nakatayo roon. Hindi ko masyadong nakikita ang mukha niya pero pakiramdam ko malungkot siyang tumitingin sa'min.

Bakit siya nagpapakita sa'min? Sino kaya siya? Ano kayang nangyari sa kanya? Tumingin ako sa naghuhukay. Ang bilis naman nilang maghukay. Tumingin ulit ako sa may puno at wala na roon ang babae. Ano kaya ang nais niyang iparating? Bakit kaya ang lungkot niya?

End of flashback

Naramdaman kong may sumapak sa'kin kaya sinamaan ko naman tingin si Richard na parang jukebox ang bunganga dahil sa sobrang ingay at madaldal.

"Hoy! Bryan nakikinig ka ba?" tanong sa akin ni Richard.

Nakita kong sama ng tingin niya.

"Ano? Taena naman.Lakas makasapak." sabi ko habang hinihimas ko ang alaga kong pisnge.

Mahal kaya ng skin care ko tas dudumihan lang nitong malaking jukebox na'to?

Kahit naman lalaki diba nag si-skin care rin.

Nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya. Medyo tumaas pa nga ang kanyang lips.

"Mukhang di ka nga nakikinig. May iniisip ka siguro?" sabi niya at ngumisi pa ang siraulo na akala mo may binabalak na masama.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero mas lalong lumaki ang ngisi niya nang napansing nakakunot-noo ako.

"Ano naman ang iniisip ko?" kunot-noo kung sabi sa kanya at napailing. Siraulo talaga 'tung isang 'to.

"Babae siguro? May tinatagong pantasya." sabi niya habang nagtaas-baba ang mga kilay niya.

Babae? Gago. Hindi nga ako mahilig sa babae dahil hindi naman sila nakakatulong.

"Aanhin ko ang babae?"

"Slow mo."

Ako pa talaga ang slow? Tama naman ang tanong ko.

Taena.

(Hayden Zyrienne's POV)

8:16 pm na. Nandito kami ngayon nakatambay sa field. Hindi pa rin kasi kami inaantok  kaya ito sila ngayon kahit ano-ano nang pinag-uusapan. As usual, nakikinig lang ako sa kanila.

"Guys, anong gusto niyong topic?" Tanong ni Michael sa mga kaklase.

"Ay? Wala akong maisip." sagot naman ni Crissa.

Nag-isip-isip naman si Michael kung ano baa ng itotopic nila ngayon.

"How about love?" sabi niya.

Napa-irap naman ako dahil sa gusto niyang itopic. Hindi talaga ako sasali sa mga ganyan-ganyan na topic. Hindi naman 'yan makakatulong sa'kin.

Nagawa pa nilang magtopic ng ganyan, mukhang parang wala talagang silang problema at parang ako lang ang interesado sa mga problema rito.

"Ay sige! Bet ko 'yan!" excited na ani ni Micca.

Tingnan ko silang lahat. Ang hyper naman nila tss malamang tungkol sa 'love' 'yung topic.

"Sinong crush niyo?" tanong ni Michael. Nagbablush naman ang iba dahil sa tanong niya.

Ang iba naman ay sumusulyap-sulyap sa crush siguro nila at ito ako na nanahimik lang at tumigin sa malayo.

"Ey? Ene be? Beket genyen eng teneng me. Nekekeheye keye."

Tangina? Kaninong boses 'yun? Ang sagwang pakinggan. Nawala kasi 'yung earphones tsaka phone ko.

Kainis.

"Ano... S-si... Galvin." sabi ni Crissa habang nakayuko.

"Ahh... ano...Si Christian." sabi ni Micca habang ngumiti ng malapad.

Tss. Tama nga 'ko na si Christian ang gusto niya.

"S-si... ano... s-si... si Justine." sabi ni Kathleen at yumuko.

Medyo nagulat naman ako dahil nakikisali na pala si Kathleen sa usapang lovelife.

Who's Justine? Ano naman kaya ang nagustuhan ni Kathleen sa kanya?

Tss. Kawawa naman si Arth pagnarinig niya 'yun, sakto kasing wala rito sina Arth.

"Sa'kin ay S-Si Jameson." sabi ni Jeseryll at sumulyap kay Jameson.

Tss napaka-playgirl n'yan, kaya imposibleng may crush 'yan.

"Sa'kin mga beshies ay Si Jerome." sabi ni Michael with matching flip hair pa kahit na maliit ang buhok niya.

Napa eww sila Crissa.

Inirapan naman sila ni Michael.

"Ano teh? Homophobic lang? Kaloka ka."

Sa totoo lang ay wala pa akong nagugustuhang lalaki sa tanang-buhay ko. Tsaka may maitutulong ba 'yang mga 'yan dito sa problema namin? Diba wala?

"Kay Kyrone ka na lang." sabi ni Crissa sabay hampas sa'kin.

Tiningnan ko lang si Crissa habang natutuwa sa sinabi niya. Napa-irap naman ako. Ayaw ko sa lalaking mayabang at mukhang asong ulol and that is Kyrone Clein Luxes.