Chereads / Death University [BOOK 1] / Chapter 11 - Kabanata 10

Chapter 11 - Kabanata 10

Time: 5:55pm

(Hayden Zyrienne's POV)

5 minutes na lang bago mag 6pm. Wala bang balak bumalik si Micca rito?

Nakaupo lang ako rito sa room hihintay ang mga kaklase ko at nagmamasaid. Maya-maya ay dumating ang na ilan sa mga kaklase ko.

I hope that Christian will wake up on the truth that I don't like him or I can't crush him back. Ayaw ko lang na may taong nagkakagusto sa'kin pero hindi ko naman magugustuhan pabalik.

Tumunog na bell, tanda ng magbubunot na ulit kami ng card.

Pumasok na rin ang mga kaklase ko. Nang nasa loob na kami lahat biglang sumara ang pinto. As usual. Hindi na ako nagulat.

"Bumunot na kayo ng mga card." sabi ng boses sa speaker na sarap hambalusin kasi paulit-ulit lang ang sinasabi.

Bumunot na ang lahat.

'You can continue your day'  basa ko sa nabunot 'ko.

Napakunot naman ang noo ko. Wala ba siyang mas kathrill-thrill na message dyan? Ang corny naman nito.

Pagkatapos kong bunot ay agad na rin akong umupo.

(Third Person's POV)

Halos hindi makagalaw si Bryan mula sa kanyang kinatatayuan nang makita niya ang nakasulat sa kanyang nabunot na card.

'Sorry, but you're next'.

Parang panaginip lang na ayaw niyang mangyari pero wala siyang magawa kasi mangyayari na.

Itinapon niya ang card niya at lumabas. Kailangan niyang makalayo roon para sakaling hindi siya mahanap ng mga nakamaskara. Ayaw pa niyang tanggapin ang kanyang kapalaran ng ganun lang.

Sa kabilang banda halos mabilaukan ng tinik si Chanelle nang nabasa niya ang nabunot niyang card. Halos mangiyak-ngiyak na siya ngunit wala siyang magawa.

"Hindi, hindi." bulong niya sarili at biglang tumakbo palabas ng room.

Susunod na sana ang mga kaklase nila pero agad nasarado ang pinto. Isa rin siyang tao na hindi niya matanggap ang kaniyang kapalaran.

Tumakbo si Bryan sa kanilang gate at pinipilit na buksan ang gate pero bigo siyang mabuksan 'yun kasi may mga wires nang hindi niya namalayan na nasa likod niya na pala ang lalaking nakamaskara at sinaksak siya sa puso, tiyan, sa mata at ginuhitan ng numero 7 sa kanyang pisnge gamit ang isinaksak sa kanya.

***

Takbo nang takbo si Chanelle nang may nakita siyang tao na nakatalikod sa kanya. Pamilyar ito sa kanya kaya nilapitan niya ito.

Nang nakalapit na siya, lumingon naman ang taong nakita niya at laking gulat niya na kaklase niya pala ito kaya pamilya sa kanya.

"T-Tulungan mo 'ko! A-Ako na ang susunod na papatayin." sabi niya habang palinga-linga sa paligid baka masundan pa siya ng mga lalaking nakamaskara.

"Ano? Sige sumama ka sa'kin." sabi ng kaklase niya.

Nilihad ng kaklase ang kamay niya at hinawakan naman ni Chanelle ang kamay niya. Alam niyang mabait ito at alam niya rin na matutulungan siya nito kasi magkaklase sila.

"Buti na lang nakita kita. Salamat." sabi niya sa kaklase habang naglalakad at nakahawak pa rin ang mga kamay.

Pahilim namang ngumiti ang kaklase niya bago ito sumagot.

"Wala 'yun. Syempre, magkaklase tayo diba?" sabi niya at ngumiti ulit.

Nakarating sila sa lugar na medyo madilim dala na rin siguro ng gabi. Nagtaka naman si Chanelle kung bakit nandito sila.

"Bakit tayo nandito?" tanong niya sa kaklase na may halong kaba.

"Ano ka ba dito muna tayo magtatago." sabi ng kaklase niya habang nakatalikod sa kanya.

Nakahinga naman siya ng maluwag dahil nakahanap sila ng matataguan.

"Ano nga ulit 'yung pangalan mo?" tanong ni Chanelle sa kaklase.

Hindi umimik ang kaklse niya at maya-maya'y lumingon ito sa kanya at ngumiti ng nakakatakot. Kinabahan naman si Chanelle dahil sa ipinakitang ngiti ng kanyang kaklase.

Ngayon niya lang kasing nakita ang kanyang kaklase na ganyan ngumiti.

"Ayos ka lang ba?" paninigurado niya sa kaklase kasi kinakabahan ulit siya.

Mga ilang segundo pa ay sumagot naman ang kanyang kaklase.

" Oo, ikaw?" tanong niya rin kay Chanelle habang nakangiti pa rin at unti-unting lumapit.

"A-ayos lang din." – Chanelle.

"Talaga ba?" kalmang sabi ng kaklase.

Nakangisi pa rin kay Chanelle ang kanyang kaklase at biglang inilabas ng kanyang kaklase ang dala niyang kutsilyo. Napalaki naman ang mata ni Chanelle at unti-unting umaatras.

"A-anong gagawin mo?" lakas loob niyang tanong sa kaklase.

Nakaramdam na siya ng takot mula sa kaklase kasi akala niya tutulungan siya nito pero parang hindi pala.

Nakangisi pa rin ito kay Chanelle habang natutuwa sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha ni Chanelle.

"Don't worry, you would like this thing." sabi nito habang nilalaro ang kutsilyo habang papalapit siya kay Chanelle pero unti-unti namang umaatras si Chanelle.

"Bakit mo ba 'to ginagawa?" tanong niya habang umaatras. Hindi umimik ang kaklase nito at nakangisi pa rin ito sa kanya.

Nanlamig ang buong katawan ni Chanelle nang naramdaman niya ang malamig pader sa kaniyang likod, huminto naman ang kanyang kaklase sa kanyang harapan at tumawa ng nakakakilabot.

"Well, any last wish?" tanong ng kaklase niya.

Ikinuyom ni Chanelle ang kanyang mga kamao at bahagyang yumuko habang nagsimula nang magbagsakan ang kanyang mga luha. Kailangan na niyang tanggapin ang kanyang kapalaran dahil alam niya na wala na siyang takas dito. Dahil sa panginginig ng kanyang tuhod unti-unti siyang napaupo sa sahig.

"Bakit mo ba kasi ginagawa 'to?" tanong niya habang umiiyak pa rin.

"Bakit? Sige na nga sasabihin ko na, mamamatay ka rin naman ngayon. Kasi anak ako ng taong pumapatay dito sa paaralang 'to. Isa pa, kasalanan 'to ng mga kapatid niyo nung nakaraang sampung taon." mahinahon niyang sagot at biglang tumawa.

"Anong sinasabi mo?" tanong ni Chanelle habang nangiyak-ngiyak na.

"Wala." sabi ng kaklase niya at sinasaksak siya.

Bago pa man maisara ni Chanelle ang kanyang mata.

"Traydor." mahinang sabi niya sa kaklase, ngumisi naman ang kaklase niya sa kanya.

"I know right." nakangiting sabi ng kaklase at sinaksak siya ulit.

(Hayden Zyrienne's POV)

Nang nabuksan na ulit ang pintuan ay  lumabas agad kami para hanapin sina Chanelle at Bryan.

Habang naglalakad ako, napalingon ako sa isang malaking puno sa di kalayuan. May nakita akong tao roon at alam kong hindi 'yun multo dahil may hawak siyang kumikinang na bagay. Mga ilang segundo pa ay tumakbo ito.

Unti-unti kaming lumapit sa puno nang may nakita akong babaeng nakahandusay.

"Oh my gosh, Chanelle." gulat na sabi ng isa naming kaklase at napatakip pa sa kanyang bibig.

Akala ko ako lang ang nakakita. Tuluyan kaming lumapit sa puno at tama, si Chanelle nga 'yun.

Lumapit ako kay Chanelle at hinawakan siya sa pulso. Buhay pa si Chanelle, pero mukang hindi na siya magtatagal. Marami ng dugo ang nawala sa kanya.

"H-Hayden, m-may traydor sa mga kaklase n-natin." mahinang wika ni Chanelle.

Kumunot naman ang noo ko.

"Sino?" tanong ko sa kanya.

"S-Si... si..."

Hindi natuloy nasagot niya, napahawak naman ako sa sintido ko. Taena, sino ba kasi 'yun?

"Chanelle, sino?" tanong ko ulit sa kanya ngunit hindi na siya sumagot.

Hinawakan ko ulit ang pulso niya ngunit hindi na ito tumitibok. Wala na siya.

Bumaba ang tingin ko sa tabi ni Chanelle at may nakita akong isang bagay na familiar sa'kin. Pinulot ko ito at tiningnan. Saan ko nga ba 'to nakita? Tinago ko ito sa bulsa baka may makakita.

Kung ganun ay may traydor sa mga klase at siya ang pumatay kay Chanelle. Mas lalo akong kinabahan sa ngayon, wala akong makapagkatiwalaan sa mga kaklase ko kahit na sino.

"Hayden nahanap na namin si Bryan sa may gate. Nakita mo na pala si Chanelle." sabi ni Kathleen na mukhang kararating lang.

Hindi niya siguro nakita ang bagay na 'yon. Sana hindi niya nakita baka malaman pa ng iba. Hindi ko muna ipapaalam sa iba hangga't hindi ko pa alam kung sino ang traydor.

"Hayden?" bumalik ako sa ulirat ng tawagin niya 'ko ulit.

"Ano?" tanong ko sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Tumango naman ako bilang tugon. Ayaw ko muna sabihin kay Kathleen tungkol sa nakita kong bagay. Hindi ko pa masasabi kung siya ba ang traydor, malay na'tin diba?

***

Inilibing na nila ang mga bangkay nina Chanelle at Bryan. Nandito ako ngayon sa bench, nagpapahangin lang. Dumating naman si Kathleen at naki-upo na rin.

"Hayden. Are you okay?" tanong ni Kathleen.

"What do you think?" Nakapamulsa akong umalis. Nakakalito ang mga nangyayari rito.

"You are not okay. That's what I think." rinig ko pang sabi niya.

Tss Really?

(Someone's POV)

"Mom, napatay ko na si Chanelle." proud kong sabi kay mommy.

Ang galing ko talaga. Nakapatay na ako ng tao. It's fucking great! Ang sarap pala sa feeling.

"Magaling anak. May nakakita ba sa'yo?" tanong ni mommy sa'kin.

Ngumiti muna ako bago sumagot. "Wala."

Bagay lang sa kanya 'yun. Akala mo kung sino. Tsk, ang gaspang ng ugali. Akala mo mababait pero may tinatago pa lang baho.

What a bitch.

At sigurado akong walang nakakita sa'kin. Ang galing ko ngang mag-pretend. Best actress na ba 'ko?

Sino kaya ang isusunod ko? Lahat naman sila ay may kasalanan. Hindi sila makakatakas ng buhay. Because this is a maze or game and no one can survive or can escape.

"Mom. Paano kung mahanap nila ang libro?" tanong ko kay mommy.

Tumingin sa'kin si mommy. Parang galit nga siya. Hindi ko naman siya masisi sa nangyari.

"Kapag nahanap nila 'yun, kunin mo sa kanila. Masisira ang matagal na nating plano. Naintindihan mo 'ko?" tumango naman ako bilang tugon.

Tama si mom, wala dapat makakita sa libro. Ayokong masira ang plano naming maghiganti. Lumabas na'ko sa room na na kung saan dun nagtatago si mommy.

Kung sabagay puro lovelife naman inaatupag nila. Tss.

Lumapit ako sa kanila para makipaghalubilo.

"Saan ka galing?" tanong nila sa akin. Duh kailangan pa bang itanong yan.

"Sa puso ng mommy ko." pilosopo kong sabi.

Napakunot naman ang noo nila.

"Saan nga kasi?" tanong niya ulit.

Ang kulit!

"Dyan lang nagpahangin." tsk ang daming tanong. What a stupid questions.

Out of nowhere may narinig akong sabi ng kaklase ko.

"Sana hindi ako mamatay." sabi niya.

Napairap naman ako at napangiti naman ng palihim. 'All of you will die. No one can survive or alive because death will never leave at our side. Walang mabubuhay sa inyo'

No one can survive the game.