Chereads / Death University [BOOK 1] / Chapter 12 - Kabanata 11

Chapter 12 - Kabanata 11

(Prince's POV)

Hindi ko akalain na taken na pala si Loren. Crush ko pa naman siya. Ay hindi pala crush kasi mahal na pala.

Ang bilis talaga ng pangyayari, mahal ko na siya unang kita ko pa lang sa kanya nun first day of school. In short na love at first sight ako sa kanya. Pati nga si Dwayne e na love at first sight din sa kanya. Ang swerte ni Kenneth sa kanya. Alam ko na magjowa na sila kasi masyado silang lantaran.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Loren. Mas lalo siyang gumanda sh*t nakakainlove sobra.

"H-Hi, Loren." bati ko sa kanya at kumaway.

Huminto naman siya sa tapat ko.

"Hello, Prince." bati niya rin sa'kin habang nakangiti.

Paano niya nalaman ang pangalan ko?  Ang sarap namang pakinggan 'yung pagtawag niya sa pangalan ko. Parang siya ang prinsesa at ako ang prinsipe pero malabong mangyari 'yun dahil  taken na siya.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Gusto ko lang siyang makausap saka wala akong balak na agawin siya kay Kenneth, FYI.

"Sure, no problem."

Umupo kami sa bench. Argh! paano ko siya kakausapin? Ang hirap kaya ng ganito at saka kailan pa ako na-torpe?

"Loren, paano naging kayo ni Kenneth?" tanong ko sa kanya.

Curios lang ako. Ang swerte ni Kenneth kahit na mas gwapo ako sakanya.

"Mahabang storya. Tsaka nanligaw siya sa'kin pero."

"Pero ano?"

Ngumiti muna naman siya bago sumagot.

"Hindi ko siya mahal."

Napalaki naman ang mata ko dahil sa gulat. Bakit niya naman sinagot kung hindi naman niya mahal? Ang labo naman tsaka ang sweet ka nila sa isa't- isa.

"H-Hindi mo siya mahal? Kung ganun, s-sino ang mahal mo?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko masasabi kung anong nararamdaman ko ngayon kasi feel ko ako 'yung mahal niya. Joks! Ang assuming ko naman-

"Ikaw." sagot niya at ngumiti.

Ano?! A-Ako ang gusto niya. Pero paano si Kenneth? Bahala na, ang mahalaga mahal ko siya at sabi niya mahal niya ako.

"Pwede bang manligaw?" tanong ko at ngumiti.

"Oo naman, tatanggi pa ba 'ko." sagot niya at napatakip siya ng mukha dahil na rin siguro sa hiya.

Pero...

"Pero may boyfriend ka diba?"

Ngumiti naman siya at lumapit sa akin.

*smack*

Hindi ako makapaniwala! H-Hinalikan niya ako sa lips tsaka ngumiti siya sa'kin.

"Wag kang mag-alaala dahil makikipagbreak ako sa kanya."

"A-ano? Sigurado ka ba dyan?"

"Oo syempre. Hindi ko naman talaga siya mahal. Ikaw ang mahal ko. Gets mo?"

"A-ano? I-I mean Oo. So? Can you be my g-girl?"

"Yes! Of course. But, pwede ba secret lang natin 'to?"

Napalaki ang mata ko dahil sa gulat at saya. Tumango naman ako bilang tugon. Hindi ako makapaniwala na sinagot na niya ako agad.

Pero ba't ganun? Ayaw niya munang magpaligaw? Pero, bahala na atleast kami na ng crush ko.

Tama, secret relationship lang muna kami habang nandito pa kami sa loob ng paaralan na 'to at ayaw kong malaman ni Dwayne na kami na ni Loren.

Humarap ako sa kanya at niyakap siya. I can't forget this day. This is a happiest day of my life.

(Rhianne's POV)

Nandito kami ni Daphne sa may gate kasama ang iba ko pang mga kaklase.

"Sure ba kayong dalawa na aakyatin niyo yan?" nag-aalalang tanong ni Crissa.

Kahit na hindi kami magkaibigan ay nararamdaman ko na hindi sila plastic na tao. I hate plastics people.

"Oo"

Gusto na rin kasi naming makalabas dito. No choice naman kami. Wala ng ibang daan palabas. Medyo taas ang gate namin pero ayos na 'yan at least makahingi kami ng tulong sa mula sa labas.

Sanay naman kaming umakyat ni Daphne, kasi nung mga bata pa lang kami umaakyat na kami sa matataas na puno.

"Mag-iingat kayo." sabi ni Jeseryll at nag-goodluck sign.

Tumango lang kami ni Daphne at nagsimula nang umakyat medyo nakakatakot kasi may mga wire nga. Baka makuryente kami, pero desidido talaga kaming makalabas kaya kinaya namin kahit na delikado.

Napangiti ako nang malapit na kaming makalabas. Ito na 'yun. Makakalabas na rin kami. Makahingi na rin kami ng tulong para makalabas din ang iba rito.

Lumundag na kami sa baba ng gate. Nakahinga kami ng malalim akala namin hindi namin makakaya. Anong klaseng paaralan 'to?

Napakunot naman ang noo ko dahil sa aming nakita.

Bakit parang nasa gubat kami? Hindi naman ganito 'yung unang pasok pa lang namin dito.

"D-Daph." bulong ko kay Daphne na halatang nagtataka rin.

"Hmm?"

"Sigurado ba tayo na ito 'yung totoong gate? Hindi naman kasi parang gubat 'yung pinasukan na'tin nung first day of school."

"Oo, sigurado tayo. Nagtataka nga rin ako kung bakit nagkakaganito."

"Halika na. Humingi na tayo ng tulong makalabas na rin ang iba."

Tumango naman si Daphne bilang tugon.

30 minutes later...

"Daphne, nangalahating-oras na tayo pero nandito pa rin tayo sa gubat." Hingal na sabi ko.

Ang sakit na ng paa ko sa kakalakad.

"Oo nga. Ang dami namang kababalaghan dito. Sige na, ituloy na lang na'tin 'to baka malapit na tayo sa highway."

Habang naglalakad kami napahinto si Daphne. Napatingin naman ako sa kanya pero hindi niya ako nilingon.

"May problema ba."

"Shhh."

"Ano?"

"Wag kang maingay dahil may naririnig akong mga kaluskos."

Natahimik naman ako. Tama nga siya, may naririnig din akong mga kaluskos.

Napalaki ang mga mata ko dahil lumitaw sa'ming harapan ang isang napakalaking...

"L-Lobo." bulong ko.

"A-anong gagawin na'tin?" bulong na tanong ko kay Daphne habang hindi lumilingon.

"H-Hindi ko alam."

"Pa'no na 'yan?"

"Ganito na lang. Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo tayo."

"A-ano? Pa'no kung mahuli tayo?" halos na mangiyak-ngiyak na ani ko.

"At least sinubukan na'tin diba?"

Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Isa... Dalawa... Tatlo..."

Tumakbo ako ng mabilis. Teka? Sa'n si Daphne?

H-Hindi... Hindi pwede...

"Rhianne! Tumakbo ka na!" sigaw niya bago siya kinagat ng lobo.

Napatakip naman ang bibig ko dahil sa'king nasaksihan.

Wala na siya.

Wala na si Daphne. Itinaya niya ang buhay niya para iligtas ako.

Napalaki naman ang mata ko nang tumingin sa'kin ang lobo na lumapa kay Daphne.

Agad akong tumakbo nang mabilis para hindi ako maabutan ng lobo. Dahil sa katatakbo ko, hindi ko na malayan na may malaking ugat pala ng puno kaya nadapa ako.

Taena, ang sakit... ang sakit ng paa ko. Hindi ako makatakbo.

Kinaya kong tumayo kahit ang sakit na ng paa ko ngunit parang huli na ang lahat.

Nasa harapan ko na ang lobo, dahan-dahan akong umatras at siya namann ay papalapit. Dahil sa kaatras ko nahulog ako sa isang putik na kaya kang ilubog.

"Argh!"

Taena pa'no ba makaalis dito? Wala akong makitang lubid o ano mang bagay para makaalis ako rito.

"TULONG! TULUNGAN NIYO KO!" sigaw ko.

Unti-unti akong lumulubog. Wala pa rin akong maisip na paraan.

"TULONG! TULOOONG!" napa-angat ako ng ulo nang hanggang leeg ko na ang putik.

"TULONG! TULUNGAN NIYO 'KO" sabi ko habang umiiyak.

Ito na siguro ang katapusan ko. Nabigo ako, nabigo kami.

"Sorry." bulong ko nang tuluyan na akong lumubog.

(Hayden Zyrienne's POV)

Ang tagal naman bumalik nila Rhianne at Daphne. Kanina pa sila naka-akyat sa gate.

Nandito pa rin kasi kami ngayon sa gate at naghihintay sa kanila na makahingi ng tulong mula sa labas pero bakit hanggang ngayon wala pa rin sila?

Ano kayang nangyari sa kanila ngayon, mga ilang oras na kaming naghihintay dito-

"Patay na sila. Sure ako." Mahinang sabi ni Micca at ngumisi.

Napakunot naman ang noo ko.

"Really? How dare you to say that? It makes me doubt you because of what you said." sabi ko sa kanya.

Napangisi naman ako nang makita ang pagbabago ng emosyon niya.

Nararamdaman kong may something e. Is she a predictionist? Now, I don't know if she's really my friend or a plastic friend.

She's a hyprocrite and crazy girl that who love to play, but I'm not afraid of anything. I'm used to my dark world that I want to escape, but I can't.

Lumakad ako palayo sa kanila pero bago pa 'ko tumalikd, kitang-kita ko sa mga mata niya ang matatalim niyang tingin sa'kin.

The hell I care.

(Kyrone Clein's POV)

Habang kumakain ako, napatingin ako sa grupo nila Hayden. Napakunot naman ako noo ng may nafefeel akong may something. Bakit parang ang lungkot nila?

Maliban kay Hayden, wala naman kasi akong nakikitang emosyon sa kanya. Napapansin ko rin na hindi siya sumasama sa paglibing namin ng mga kaklase namin.

Bakit ganito? Bakit may nararamdaman akong may nagtatraydor sa'min. Pero hindi ako sure kung sino kaya kailangan kung isigurado 'yun bago ako kumilos.

Napansin ko kasi kahapon, pocket knife ang ginamit sa pagsaksak kay Chanelle samantalang kay Bryan ay malaki? At tska napansin ko sa mga lalaking pumapatay sa'min pag oras ng laro ay malalaking kutsilyo ang dala at ang iba naman ay chainsaw at palakol. Pero bakit-?

Napailing-iling naman ako at hindi na itinuloy ang mga naiisip ko. Ibinalik ko na lang ang focus ko sa pagkain. Kailangan kong alamin ang lahat.

"Ang sarap naman nito." sabi ko sa sarili ko habang ninanamnam ang isang napakalaking hamburger.

Hanggang ngayon kasi, nagtataka ako kung bakit may mga pagkain pa rin dito at bakit hindi napapanis ang mga pagkain dito. Ang sweet naman ng pumapatay dito, dapat bang mamatay kaming busog?

"Kyrone. Sa tingin mo sasagutin kaya ako ni Jeseryll?" out of the blue na tanong sa'kin ni Jameson habang nakatingin kay Jeseryll.

Taena?

"Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Lumapit ka kaya sa kanya at itanong mo sa kanya 'yan. Iniisturbo mo ko sa kain ko." sabi ko at ninanamnam ulit ang hamburger.

LNakita ko naman siyang napakamot ng ulo. May kuto ata siya dahil panay kamot. Tska, malay ko ba?

Hindi ko naman ako mind reader para malaman ko kung sasagutin ba siya ni Jeseryll. Tsaka may iniisip ako.

"Sungit naman nito, kaya ka hindi nagkakajowa. Ikaw Jerome ano sa tingin mo?" habol niyang sabi. Binatukan ko naman siya.

"Busted ka na. Ang baduy mo." sabi ni Jerome at tumawa.

Muntik na 'kong nabilaukan sa sinabi ni Jerome kasi tama naman kaya dali-dali akong uminom ng soda.

Nice one! Nababaliw na nga 'yang si Jameson.