Chereads / Death University [BOOK 1] / Chapter 5 - Kabanata 4

Chapter 5 - Kabanata 4

(Third Person's POV)

Natapos ang sampung segundo ng pagtatago. Agad naman naghanap ang mga lalaking inutusang hanapin ang mga estudyante. Dapat sa loob ng isang oras ay makahanap sila. Kasi 'yun ang utos sa kanila ng kanilang pinuno. Halos lahat ng estudyante ay hindi makahinga kasi dahil na rin sa kaba na baka makita sila.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaki sa clinic. Nanlaki naman ang mga mata nila at napatakip naman ng bibig mga estudyanteng nagtatago roon at sinisikap na hindi gumawa ng ingay. Nilibot niya ang kanyang tingin at napako ang kanyang tingin sa cabinet na tung titingnan mo ito masyado itong malaki at kasya ang isang tao o mahigit pa.

"Sakto." sabi ng lalaki at unti-unting lumapit sa cabinet.

Hahawakan na sana niya ang cabinet nang may nakaagaw ng atensiyon niya, isang baso na nahulog mula sa mesa. Kaya lumapit siya sa kinaroroonan nito at ngumisi.

"Huli ka." sabi niya at napangisi siya kasi kahit hindi pa nakahalating oras ay may nakita na siya.

Sino kaya 'yun?

(Hayden Zyrienne's POV)

Muntik na kami dahil dito kasi kami nagtatago sa cabinet ng clinic. Ito kasing si Michael, panay reklamo na masikip daw. Malamang masikip, kasi maliit sa amin ang cabinet sa'ming anim. Mabuti nga nagkasya kaming anim dito.

Tss, pag kami ang nahuli, humanda siya. Kinabahan nga ako.

Sino kaya ang nakita ng lalaki? Ano kaya ang gagawin nila sa kanya? Tss sigurado akong hindi maganda ang gagawin nila. Tsaka naalala ko ang sinabi ng babae. Ito na siguro ang hiding at chasing game. Hindi kami nakatakas hangga't hindi natatapos ang laro.

"Pwedeng na kayong magsilabasan at pumunta sa room na kung saan kayo dinala." sabi ng boses sa speaker.

Ano kaya ang gagawin namin sa silid na 'yun? Bakit lagi kami doon pinapapunta?

Pumunta kami sa room at nakasarado ito. Akala ko sa loob kami ng room pupunta? Ang labo naman.

Pero, papasok ba talaga kami? Nakita namin ang kaklase naming si Kurt mula sa bintana na nakahiga sa may teacher's table. Parang hindi maganda ang kutob ko rito. Tama kaya ang nasa isip ko? Sana hindi.

"Buksan niyo 'to." utos ni Jeseryll sa mga kaklase kong lalaki. Sinunod naman ng kaklase at pilit na binubuksan ang pintong nakalock.

"Tangina, ayaw mabuksan." sabi ni Jude at pinipilit pa ring buksan ang pintuan.

"Huwag na kayong magsasayang ng lakas dyan dahil hindi niyo talaga 'yan mabubuksan. Panuorin niyo na lang ang mangyayari sa kanya." litanya niya.

Ito ba ng sinasabi ng babaeng nagpapakita sa'kin? Chasing, hiding and killing.

Nabigla kami nang magising si Kurt. Nilibot niya ang tingin niya nang nahawakan niya ang lubid sa kanyang leeg at pilit na inaalis.

"TULONG! TULUNGAN NIYO 'KO!" sigaw niya habang nagpupumiglas at pilit talagang inaalis ang lubid sa kanyang leeg pero bigo siyang nagawa ito.

Pilit rin naming buksan ang pinto pero ayaw talaga mabuksan.

Unti-unting hinila pataas ang lubid at mga ilang minuto pa ay tuluyan na siyang nalagutan ng hininga.

Umiyak ang ibang kaklase namin dahil sa nasaksihan.

"Pasensya na Kurt" rinig kong mahinang sabi ni Kathleen. Tumingin ako kay Kathleen habang pinupunasan niya ang mga luha niya.

"Putangina kasi, ayaw mabuksan-"

Sa wakas, nabuksan na rin ang pinto pero huli na ang lahat. Hindi namin naligtas si Kurt. Pumasok kami sa loob ng room para kunin ang bangkay ni Kurt na nakabitay.

Pagkatapos nilang kunin ang bangkay ni Kurt, agad nila itong inilibing. Hindi na 'ko sumama sa kanila. Gusto ko lang na makapag-isip-isip. Napansin ko rin na may malaking slice sa noo niya na numero uno.

Sa tingin ko ang ibig sabihin ng number one ay siyang unang namatay. May susunod pa ba? Kung ganun sino kaya?

(Shawn's POV)

Wala na si Kurt, ang matalik kong kaibigan na parang kapatid ko na.

Bakit ba 'to nangyayari sa'min?

Sa pagka-alala ko wala kaming ginawang masama. Puro lang kasi kalokohan ang nasa isipan namin. Pero wala talaga kaming nagawang mali sa iba.

"Wala na si Kurt." sabi ni Lucas.

Nakayuko siya habang nakakuyom ang kamao niya. Hindi ko mapapatawad ang gumawa nito kay Kurt. Kung makita ko lang siya ay papatayin ko talaga.

"Nakakalungkot naman." sabi ni Lucian.

Habang nakatingin sa malayo. I need to get revenge. Pero paano?

"Sana makalabas na tayo rito. Ayoko ng may mababawasan pa sa'tin." sabi ni Tristan.

Tama, kailangan na naming makalabas dito, hanggat di pa kami na uubos. Walang kasiguraduhan kung makakalabas pa ba kami rito o hindi. Pero, pipilitin naming gumawa ng paraan para makalabas lamang ng buhay dito sa pisteng eskwelahan na 'to.

(Kyrone Clein's POV)

"May namatay na sa'tin." sabi ni Jameson habang nakayukom ang kaniyang mga kamao.

Tiningnan ko siya saglit at ibinaling ang tingin ko sa mga butuin.

"Alam ko" sabi ko.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumingin sa'kin si Jameson at kumunot ang noo. Tama nga ang babala nung babae sa'kin kanina. Sana may nagawa lang man ako pero wala.

Flashback

Pumunta kami ng cr, kasama ko sila Galvin. Habang pabalik na kami sa room nang may nakita akong babae sa ilalim ng puno sa di kalayuan. Parang pamilyar siya sa'kin, parang nakita ko na siya pero di ko lang matandaan.

"Galvin, dyan lang muna kayo-"

"Ha? Saan ka pupunta, masyadong mapanganib pag wala kang kasama-"

"Mag-iingat ako, okay?" sabi ko sa kanila at tinapik siya para sabihing 'wag siyang mag-alala'

Lumapit ako sa puno na kung saan naroon ang babae. Nakatayo pa rin siya at nakatalikod sa'kin. Kakalabitin ko sana nang magsalita siya.

"Malapit nang magsimula ang sumpa, kaya mag ingat na kayo." sabi niya.

Biglang humangin ng malakas. Napatakip ako ng mata dahil sa buhangin at nang nawala na ang hangin at nawala na rin siya bigla.

Anong sinasabi niyang sumpa? May naniniwala pa ba tungkol sa sumpa? Sabi nila isa daw lamang haka-haka ang sumpa. Totoo ka 'yun?

End of flashback

Bumalik bigla sa isipan ko ang pangyayaring 'yon.

"Sa tingin ko may sumpa 'tong paaralan na 'to." sabi ko.

Naagaw ko naman ang atensyon nila. Center of attraction talaga ang mga gwapo saka matatangkad. Pero panira talaga tong tainga ko.

"Paano mo na sabi, Kyrone yoda?" tanong ni Galvin. Mukhang hindi naniniwala sa gwapo niyang kaibigan.

"Sa tingin ko lang. Tsaka tigilan mo 'ko sa katatawag sa'kin ng yoda. Ikaw nga ay malaki ang ilong."

Hindi ko pa kayang sabihin sakanila ang nakita ko at narinig mula sa babaeng nagpakita sa'kin. Tsaka hindi pa ako sigurado kung totoo ang sinabi ng babae kanina. Napakaimposible kasi.

"Bumalik na nga tayo sa room." aya sa amin ni Kenneth.

Tss, excited ang mga lover boy.

Saka, ano bang meron sa 'Love'? Panira lang 'yun sa'kin.

(Hayden Zyrienne's POV)

Nakatambay lang kami sa room. Wala namang kaming magawa rito. Sobrang boring.

"Guys maglaro nga tayo. Ang boring kasi e. Sige na." aya ni Chanelle na mukhang batang excited na maglaro.

Laro? Tss wala ako sa mood. Pinaglalaruan na nga kami rito tapos maglalaro rin sila?

Kaasar!

"Sige, anong laro?" tanong ni Kathleen.

Kailan pa naging interesado si Kathleen sa mga ganito? Iba talaga ang maiisip mo kapag bored ka 'no?

"Truth or dare. Tada!" sabi niya at ipinakita sa'min ang isang bote ng mineral water.

What the fvck?

"Sali kami." sabi ni Justine yata, kasabay niya ang kaibigan niya.

"Sali kami."

"Sali kami."

"Sali kami."

Tumingin sila sa'kin kaya nagtaka naman ako.

"What?" tanong ko habang hindi ibinaling ang tingin ko sa kanila pero nakita ko sa peripheral vision ko na gusto nila akong sumali.

"Hayden, huwag ka namang KJ. Sumali ka na." pagpupumilit sa'kin ni Crissa habang nakakapit sa braso ko.

Tiningnan ko naman siya at mga ilang segundo pa ay tumango ako bilang pagsang-ayon.

Alam ko namang pipilitin talaga ako ni Crissa. 'Yung babae 'yon talaga. Wala na akong nagawa kundi sumali. No choice na naman ako at sana lang hindi ako matamaan. Wala akong masasagot sa mga tanong nila.

Nasa pwesto na kami

"Yehey. Sige, Chanelle. Simulan mo na." sabi ni Crissa.

Ipina-ikot na nga ni Chanelle ang bote.

"Truth or dare?" tanong ni Chanelle kay Kathleen nang huminto sa kanya ang bote. Hinihintay namin ang sagot ni Kathleen.

Ano kaya ang isasagot niya? Alam niyo naman 'tong mga kaklase ko ang hilig mantrip, baka ano pang ipagagawa nila kay Kathleen.

"Dare." diretsong sabi ni Kathleen.

"Kurutin mo sa pisnge si, Arth."

Agad naman kinurot ni Kathleen sa pisnge si Arth. Kinilig pa si Arth sa ginawa ni Kathleen.

Parang timang. Kung sa bagay napansin ko ngang may crush si Arth kay Kathleen. Ang sagwa nilang tingnan. Sa bagay wala akong crush o hindi kaya ay lovelife kaya di ko alam ang feeling.

"Ang cute niyo at bagay kayo." sabi ni Jeseryll at sinundot ang tagiliran ni Kathleen.

Lumalayo ng konti si Kathleen Inirapan niya ito.

"Shut up, Kashieca." sabi ni Kathleen.

Sumimangot naman si Jeseryll, ayaw niya kasing tinatawag siya using her second name.

Inikot ni Kathleen ang bote at tumama 'yon kay Jameson.

"Truth or dare?" tanong ni Kathleen.

"Truth."

"Who's the girl in this room you like the most?" tanong ni Kathleen. Tss.

Alam ko na ang isasagot nito.

"Jeseryll Flores." diretsong sabi niya at tumingin kay Jeseryll.

Tss. Kulang 'yung sinabi niyang pangalan ni Jeseryll.

"Correction, it's Jeseryll Kashieca Flores." sabi ko sa kanya at natahimik naman sila.

Ano? Sinabi ko lang naman ang buong pangalan ni Jeseryll. Tss.

Inikot ni Jameson ang bote at tumama sa akin.

Wrong timming naman nito. Sana nga hindi tungkol sa 'Love' ang itatanong nito, wala silang makukuhang sagot sa'kin. Tss.

"Truth or dare?"

Ano ba ang isasagot ko?

"Truth."

Humanda ka talaga pag-lovelife 'yan.

"Sino ang pinakahate mong lalaki rito sa room?" tanong niya.

" 'Yung mukang asong ulol. Si Kyrone Luxes" sagot ko.

Hindi ko malilimutan ang ginawa niya sa'kin. Yung pag-ngisi niya sa'kin at akala nita ikinagwapo niya 'yun.

Natawa naman ang iba at siya naman ay nakangisi lang.

"Correction, miss. My name is Kyrone Clein Luxes and I like you Hayden Zyrienne Reduxes." sabi ni Kyrone sabay ngisi.

"I don't care, chuhan. Fvck your feelings. You didn't even reach my standards." sabi ko at inirapan siya.

I never fall in love with you.

NEVER!

Over my dead body.

"Okay? So, can we continue na?" sabi ni Tiffany.

Nagpatuloy kami sa paglalaro. Nahagip sa peripheral vision ko ang pagngisi ni chuhan.