Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Rikna

🇵🇭Ox_yy
--
chs / week
--
NOT RATINGS
6.4k
Views
Synopsis
There is a journalist named, Amien trying to solve the problem of Lucio upon the cursed demons and seeking justice from the death of her father. Join Amien and Lucio to find the truth.
VIEW MORE

Chapter 1 - Muerte

Dumating si amien sa kanilang high school reunion nakasuot ng bistidang pula, bracelet sa mga braso, at may dala-dalang maliit na bag na punong-puno ng notebook at ballpen.

Napansin si Amien na mukhang asensado na ang mga ka-batchmate niya tila naiinggit siya mga maayos na porma at payabangang usapan ng mga ito. Hinanap ni Amien ang kanyang mga kakilala at naging kalapit niyang mga kaklase pero napagtanto niyang hindi siya pala-kaibigan miski isa ay wala siyang nakahalo-bilo o nakausap tanging sarili niya lang ang kanyang kilala simula ng taon ng pag-aaral niya sa highschool. Dahil siguro sa isang kakaibang nagawa niya na hindi malilimutan ng eskwelahan.

Parang isang halaman ang kanyang ganap sa reunion tila mga pagkain at lobo lang ang kanyang kasama. May isang himala ang nangyari sa kanya may lumapit sa kanya na isang ka batchmate niyang nag-ngangalang Lucio

"Uy, kumusta ka na Amien?" sabay ngiti. "ito mabuti naman, nakakatawa lang na kinausap mo ko" sagot ni lucio.

"Oh bakit naman? Masama bang kausapin at kumustahin ka?" bigla na lang napangiti si Amien sa kanilang kumustahan.

Tanong ni Amien "Anong seksyon mo dati? At tsaka paano mo naman ako nakilala sa pangalan ko e miski isa walang kumakaibigan sa akin at ang tanging pagkakaalala lang nila sa akin ay isa halimaw" hindi sumagot ng bahagya si Lucio at inaya niyang sumayaw si Amien.

Pumayag naman si Amien na isayaw siya sa tugtugin na sumikat nung sila'y Highschool pa. Todo giling ang iilan, may iba nalalasing sa kanilang mga kilos at kung saan-saan na humahawak sa kanilang kapareha sumayaw, may iilan din na hindi marunong sumayaw na bara-bara lang kumbaga sa pagkanta tila'y sintunado.

Tinapik ni Amien si Lucio sa kanyang balikat at muling nagtanong "Uy nakalimutan mo na ata yung tanong ko sayo" hinatid ni Lucio si Amien palabas sa stage at dinala sa veranda.

"Ang seksyon ko dati ay acacia"

nagulat si Amien sa sagot ni Lucio

"edi kilala mo pala yun".

Unti- unting lumamig ang kanilang pakikitungo sa isa't isa. Pero hindi hinayaan ni Lucio at sinabi

"Hayaan mo na iyon Amien matagal na yun alam ko naman kung ano ang totoo sadyang napangunahan lang ng iba, alam mo naman teenager madaming nasasabi".

Lumabas si Amien ng veranda at pinagtitinginan ng mga kabatchmate nila at may naririnig na mga salitang hindi magaganda tulad ng dating sinasabi nila noong highschool pa sila. "Bakit kaya ganito pa rin ang tingin nila sa akin" tanong sa kanyang sarili. Hinanap siya ni Lucio at nakita niyang naglalakad palabas si Amien at sumigaw "Amien sandali!".

Tumigil si Amien at hinintay makalapit si Lucio

"Bakit mo pa ako sinundan? Diba dapat nagsasaya ka ngayon?".

"Amien may ipagtatapat ako sa iyo" tila may pagkalito napipinta sa mukha ni Amien "ano iyon Lucio?". Dinala ni Lucio si Amien sa kanyang sasakyan at sinabi

"Amien, naalala mo yung gabing iyon? Simula nang nangyari sa inyo ni Anthony". "ano tungkol dun Lucio? Ipapamukha mo ba sa akin na halimaw o demonyo sa ginawa ko dun sa tarantadong iyon".

"Hindi amien" Kita sa mukha ni Lucio ang pagkadismaya.

"Nakita kita sa eskinita ng victorino na naglalakad mag-isa at sinusundan ka ng tropa ni Anthony, nais ko sanang puntahan ka at samahan sa pag-uwi kaya lang marami sila".

"Bakit pa ba natin pinag-uusapan ito diba matagal na iyon at tapos na ang nangyari". Iritableng sagot ni amien.

"Amien, tungkol dun sa nangyari wala ka talagang ginawa nun. Sa totoo lang ako ang may gawa nun". "Ano iyon lucio ang dami mong sinasabi!". Iyak na may halong galit na pagkakasabi ni amien.

"Amien, ako ang demonyong tinutukoy nila hindi ikaw. Sadyang ikaw lang ang nakita at napagbintangan nila, sa totoo lang Amien ako ang gumawa nun kung bakit namatay ang tropa ni Anthony at siya".

Nagulat si Amien sa kanyang narinig. "Pero papaano? Bigla lang silang bumulagta sa harapan ko at sumigaw ng demonyo habang nanlilisik ang mga mata at lumuluha ng dugo, its so fucking traumatic, bakit mo ko bibiruin ng ganyan lalo't ginawang miserable ang buhay ko". Parang awa mo na Lucio tapusin na natin ito".

"Amien, kaya nangyari ang bagay na iyon dahil nakita nila ako ang tunay kong anyo, anyong gutom na gutom sa kaluluwa ng makasalanan. Kaya hindi mo nakita yun kasi malinis ang iyong kalooban."

"Niloloko mo ba ako? Paano mo mapapatunayan yang sinabi mo, prove it to me then and I will believe in you".

Hinawakan ni Lucio ang kanyang mukha at lumiyab, nakita ni Amien ang demonyong anyo ni Lucio na nakakahindik-hindik at di mapatawaran.

"Huwag mo itong ipagsabi sa iba Amien kung hindi matutulad ka kila Anthony". Bantang sabi ni Lucio.

"Wow, the audacity, halos sinira mo ang buhay ko, nawalan ako ng gana mabuhay dahil sa lungkot at pagiging mag-isa ko sa mundong kinagagalawan ko. Hindi ko kinaya Lucio ang mga paratang nila sa akin pati mga kamag-anak at pinakamamahal kong pamilya, they forsaken me for being that person in that story, ikinamunghi nila ako dahil lang sa iyong ginawa".

Gigil na pagkasabi ni amien. "Patawarin mo ko Amien kaya nandito ako sa harap mo at sinasabi itong katotohanan sa iyo dahil nais kong bumawi sa iyo, gagawaran kita ng anim na kahilingan".

"Hindi ako naniniwala sa iyo Lucio, palabasin mo na ako dito, kung totoo ang sinasabi mo hinihiling kong palabasin mo ko dito sa sasakyan mo". Pinitik ni Lucio ang kanyang daliri at napunta si Amien sa labas ng sasakyan.

"What t-he! Teka lang, paano? Akala ko talaga nagbibiro ka, pwede mo namang ipagbuksan mo ko ng pinto at hindi gawin yang magical and weird thing".

"Sinasabi ko sayo Amien totoo ang sinasabi ko kahit demonyo tumutupad sa usapan".

"Sabihin mo nga sa akin lahat ng kung anong meron sayo". Lumabas si Lucio sa kanyang sasakyan "Kahilingan ba yan o natural na tanong?".

"Malamang hindi! Tinatanong kita".

"Sige sasabihin ko sayo lahat kung nais mong pumunta sa aking bahay".

Sumama si Amien papunta sa bahay ni lucio at natatanaw niya rito ang magara at malaking bahay. "Bahay mo ba ito Lucio?".

"Oo, Amien". Sa isip-isip ni amien na hindi ito ang tipikal na bahay ng demonyo. "Gusto mo ba ng maiinom?".

"Tubig na lamang, salamat". Nililibot ni Amien ang kanyang mata sa loob ng bahay ni Lucio na sobrang kanais-nais at maaliwalas.

"Maupo ka Amien, ito na pala ang tubig mo".

"Amien ikukuwento ko lahat sa iyo para maintindihan mo". Sabi ni Lucio. Hinawi ni lucio ang kanyang kamay at nagbago ang paligid nila na tila'y memorya ni Lucio. "Ang pamilyang blanco ay isang mayaman na angkan sa lahat ng paraan ay umaasenso sila. Pero sa pagiging sakim ng aking angkan ay tila naparusahan at binigyan ng sumpang binigay ng isang sugo, isang bahagi ng kasarinlan ng apoy ng impyerno na lumilibot sa balat ng lupa upang kumitil ng buhay ng mga makasalanan sa pamamagitan ng pagkuha ng kaluluwa. Kami ang sinumpa na kumukuha sa mga madudungis na kaluluwa ito ang bubuo sa aming sumpa dahil kung hindi kami makakakuha o makakain ng kaluluwa kami ay magugutom at magiging abo kami ng tuluyan. Sa ilang dekada ng aming sumpa wala pang nakakasira nito may mga kakumpetansya kaming ibang angkan na tuluyan ng umanib at sinuko ang sarili sa alab ng impyerno. Pero ang aming angkan ay gusto tanggalin ang sumpang ito na nananlaytay sa aming angkan. Patuloy pa rin namin hinahanap ang sagot para mawala itong sumpa. Wala pang nakakaalam nito maliban na lang sa opisyales ng alab ng kasarinlan". Wala nang nasabi si Amien kung hindi idilat na lamang ang mga mata habang pinapanuod ang mga memorya ni Lucio na napapanuod sa kanilang kinauupuan.

Tinanggal na ni Lucio ang kanyang memorya sa silid at kinamusta si Amien "Ayos ka pa ba amien?". "oo, I'm fine, Lucio okay pa naman ako pero may katanungan ako bakit mo ko binigyan ng anim na kahilingan?".

"Sa totoo lang lima na lang ang ang iyong kahilingan". Pinutol muna ni Amien ang sinasabi ni Lucio.

"Wait! teka lang? bakit lima na lang? napakadaya mo naman".

"Hiniling mong ilabas kita sa sasakyan, kaya may kahilingan ka dahil nagkasala ako sayo nasa kautusan yun ng alab ng kasarinlan na kung sinuman ang magkasala sa mortal ay bibigyan ng anim na kahilingan at magdurusa sa pagkalabis na pagkagutom habang hindi natutupad ang kanyang lahat anim na kahilingan"

Unti-unting ngumingisi si Amien at humiling "hinihiling kong burahin mo sa alaala ng ating mga kabatchmate ang nangyari sa tropa ni anthony!!". agad-agarang pinitik ni lucio ang kanyang daliri.

"Natupad ko na ang iyong kahilingan amien". Tugon ni lucio.

"Salamat lucio". Todo ang kanyang ngiti dahil sa kanyang kahilingan

"Amien, maari na ba tayong umalis kasi kakanta pa ako sa ating reunion sinama kasi ako sa magpeperform".

"Sige lucio sasamahan kita". Sabi ni amien habang palabas na sila sa kanilang bahay. Nang makarating na sila ulit sa reunion madami ng nakakakilala kay amien na bago sa pakiramdam niya. Habang pinapakilala na si Lucio at kakanta na napapansin ni amien na unti-unting nahihilo at bumabagsak ang iilan sa kanyang mga batchmate at bumagsak sila sa sahig at nagkakagulo ang mga tao pero si Lucio ay patuloy pa rin sa pagkanta. Kita sa mukha ni Amien ang takot dahil sa nangyayari sa reunion nila.

Hindi maintindihan ni Amien ang nangyayari at pati siya umiiyak na. Sumigaw si amien "Lucio!!!". Tuloy pa rin sa pagkanta si lucio at hindi pinansin si amien. Tinitigan na lang ni amien si Lucio, sumisigaw ang isa sa kanyang kabatchmate na "tignan niyo sila, tignan niyo sila mukha silang sinasapian umalis na tayo dito bago pa tayo masapian". Nagkagulo ang lahat habang palabas sa lugar. Tanging natira lang ay si Amien at si Lucio. Tinignan isa-isa ni Amien ang mga taong nakahandusay nakikita niya ang tatlo niyang kaklase dati na sikat na sikat sa kanilang eskwelahan at binansagan na "trio la estrella" na sina Diana, Ilyana, at Esmeralda dahil sa kanilang mga itsura na hindi maiwasan ang tingin sa kagandahan ng tatlo madaming naakit madami ring nasasaktan. Pero ngayon sila'y nangingisay, tumitirik ang mga mata at lumuluha rin ng dugo.