"Lucio ano ito?".
Hindi pa rin tumitigil sa pagkanta si lucio. "Lucio, umalis ka na diyan tumigil ka na sa pagkanta alam ko na yung gusto mong ipahiwatig hindi mo naman kailangan gawin ito e".
Tumakbo papunta si amien kay lucio para pahintuin at tinulak niya si Lucio at natumba silang dalawa. "Ano bang ginagawa mo amien!" sabi ni Lucio.
Habang sila'y tumatayo may tumalon papunta sa kanila. "Amien pumunta ka sa likod ko!". Sigaw ni lucio. Nagmadaling pumunta si amien sa likod ni Lucio. Lumapag sa stage ang nagliliyab na lobo. Ngumisi si Lucio. "Isa ka pa lang mintir Julius".
"Nagulat ka ba na isa akong mintir?". Nag-anyong demonyo si Lucio.
"Teka, si Julius ay isang demonyo? Bakit hindi siya tinatablan ng pagkanta mo?". Nalilito si amien. "Si Julius ba talaga yan?".
"Isa siya sa angkan ng mintir amien, clan of pride ilang dekada nang hindi magkasundo ang angkan ng blanco at mintir".
Sumugod si lucio ng walang alinlangan, sinuntok ni Lucio si Julius at tumalsik palabas sa lugar kung saan ginanap ang reunion nila.
Inatake ng nagliliyab na lobo si lucio at gusto siyang lapain ito. Hindi alam ang gagawin ni amien kung paano siya makakatulong kay Lucio, kaya kinuha niya ang pitsel na nakalapag sa lamesa at binato sa nagliliyab na lobo.
Nagamadaling kumilos si Lucio at tinutok ang kanyang palad at may lumitaw na anino sa kinatatayuan ng nagliliyab na lobo at unti-unti itong hinihila pababa at pagkasara ni lucio sa kanyang palad ay tuluyan ng lumubog ang nagliliyab na lobo.
"Ayoko ng gulo Julius hindi dapat tayo naglalaban". Sabi ni Lucio. Tumayo si Julius at inunat ang kanyang balikat pumasok ulit sa loob at sinabing
"Wag mo naman sirain ang pagkakataon na ito Lucio, natutuwa na ako ienjoy na lang natin ang moment na ito".
Agad na sumugod si Julius at pinagbabato nito ng mga suntok. Todo iwas naman si Lucio at parang hindi nasasaktan, unti-unti nang nasisira ang kasuotan niya. "gumanti ka naman lucio, isa kang blanco hindi ba?". Kantiyaw ni Julius kay lucio.
Habang papalayo si amien sa nangyayaring labanan sa pagitan ni lucio at Julius nakita niya si ilyana na nanghihina. "Hindi ba isa siya sa kinuhaan ng kaluluwa ni Lucio". Pinuntahan ni Amien si ilyana habang siya'y papalapit tinignan siya ni Ilyana at sabi "Bakit ka pa nandito ah? Delikado na dito".
"Teka, sino ka nga ulit?"
"Ako ito si Amien"
"Amien? Girlfriend ni Lucio?"
Namula at hindi nakapagsalita ng ilang segundo.
"Ha?! Hindi no".
"Ganun ba, kasi may rason kung bakit hindi ka natulad sa kanila". Turo sa mga bangkay na nakuhanan ng kaluluwa.
"Kumusta na pakiramdam mo? Wala bang masakit sa iyo?". Tanong ni Amien.
"Ayos naman ako masakit lang ang ulo ko lintik na Lucio yan grabe siya kumuha ng kaluluwa sobrang lakas tipong walang takas parang boyfriend na emotional manipulator".
"Pwede mo bang sabihin sa akin ano ang nangyari kanina?"
"Talaga ba Amien? Hindi mo ba talaga kilala yang si Lucio?"
"Hindi e, ngayon ko lang nakilala si Lucio, lahat ng mayroon sa kanya"
"May pitong angkan sinumpa ang sugo ng alab ng kasarinlan, mga angkan na halang ang kaluluwa masasabi mong mga assholes and bullshit people"
"At alam mo rin ang tungkol kay Julius?"
"Oo, lahat-lahat. Amien pwede mo ba akong tulungan hanapin yung pouch ko na kulay itim"
Hinanap ni Amien ang pouch ni Ilyana habang naghahanap si amien sinusubukan ni ilyana na tumayo ngunit hindi niya kaya. Tinignan niya ang nangyayari sa labanan at tipong lumalamang na si Julius.
"Ano na lucio!!!". Sigaw ni Julius. Hinagis ni Julius si Lucio palabas at agad nitong binugbog ng tuluyan.
"Wala ka na bang alam gawin kundi umilag ah?! Minamaliit mo ba ako?!".
Nakikita ni Lucio na naiinis si Julius at nararamdaman niya ang bigat ng bawat suntok at sipa niya. Halos walang kapaguran.
"Nakita ko na Ilyana!". Sigaw ni Amien.
Pumunta pabalik kay Ilyana si Amien para ibigay ang pouch na pinapahanap sa kanya.
"Salamat amien".
May kinuha si ilyana sa kanyang pouch na butilya na may lamang itim na likido at kanyang ininom.
"Ano iyan ilyana?". Tanong ni amien.
"Impo ang tawag nila rito".
"Ano ang ginagawa niyan sa iyo?".
Kinuha ni amien ang butilya. "Kapag nakainom ka nito madadagdagan ang buhay mo kaya ako nabuhay ngayon dahil may ininom ako kanina kasi nakaramdam akong may mangyayaring masama, yun pala gagamit ng awit ng muerte itong si Lucio kaya ngayon patay na ang mga kaibigan ko".
Tumayo ng parang walang nangyari si Ilyana.
"Eh? Seryoso?" Gulat na pagkasabi ni amien.
"Oo bakit amien?".
"Wala,wala pigilan natin ang dalawa ilyana". Inaaya ni amien si ilyana pigilan ang dalawa, pumunta ang dalawa sa lugar kung saan naglalaban ang dalawa.
Habang papunta sila doon may hinahanap si ilyana sa kanyang pouch at biglang. "Lucio!" sigaw ni amien.
"Bakit ba kayo nangingialam ah?! Hindi niyo ba nakikita may ginagawa kami dito".
Tinutok ni lucio ang kanyang palad kay Julius at may nabuong bilog na anino sa ilalim nito at hinihila pababa ng mga anino si Julius.
"Ano lucio ito na lang ba magagawa mo?". Tumatawa si Julius na parang walang bukas.
Nakikita ni lucio na nag-iiba ang anyo ni Julius at unti-unting napipigtal ang mga aninong humihila sa kanya.
Kinagat ni Julius ang kanyang braso, lumiyab at lumaki ang katawan nito kasabay nito ay pinakita niya na ang mukha na kanyang itinatago. Mukha ng demonyo. Kumawala si Julius sa aninong gawa ni Lucio at nagwala ito at nakita si amien.
"Sino ito Ilyana? I feel sorry for her"
"Bakit Julius? ano gagawin mo?"
"I will make her my dinner". Pumunta siya sa harapan ni Amien at biglang ipinasok niya ang kanyang kamay at kinuha niya ang kulay puting hugis mansanas na masasabing kaluluwa niya at hindi nagdalawang isip na kainin ito.
Nagpakita si Julius ng kakaibang saya at sabik matapos niyang kainin ang kaluluwa ni Amien.
Ngunit nagbago ang itsura nito na para bang may naalala na nakapagpalungkot sa kanya.
"Sino ba ito Ilyana?".
Hindi na makapagsalita si Lucio dahil sa ginawa ni Julius kaya agad niyang sinugod patalikod si Lucio, sinapak paangat ang likod nito na halos umabot sa kisame at sinundan pa ng mga aninong nakapalibot kay lucio. Tipong kasing tigas ng bakal ang hiblang anino na tumatama sa kanya. Hindi ito tinigilan ni Lucio at iniba niya ang porma ng hibla ng kanyang anino at ginawa itong patulis at tumusok sa iba't-ibang parte ng katawan. Habang iniisip ni Julius kung ano si Amien sa kanya ay nangangati at sumasakit ang kanyang batok.
Nakikita ni Ilyana ang galit sa mukha ni Lucio at biglang binago ito sa demonyong itsura niya at may binanggit
"TENER!!!!". May nabuong bilog na anino na sakto sa hugis ng katawan ni Julius at may mga kamay na lumalabas galing dito at hinahatak siya paloob sa anino.