"Bakit sila lang ang sinasapian. Kilala ko itong mga ito".
May bumulong kay Amien. "Amien tignan mo ko sa mata".
"Parang si Lucio yun ah?".
Unti-unting naglakad si Amien papunta kay Lucio, binalewala ni Amien ang mga taong nakahiga at naghihirap. Tinitignan ni Amien ng mabuti ang mata ni lucio.
"Ipapaalala ko sayo ang mga dinamdam mong hindi mo malilimutan".
Pagkatapos nun natumba si Amien at napahiga sa may sahig. Nabahala si Lucio sa kanyang nakita dahil sa kanyang nakita sa mga naalala ni Amien ay isang blangko at nakita niya ang isang dambuhalang insekto na bumungad sa kanya
Naalala niya ang ginawa sa kanya ng tatlo na hinding-hindi niya makakalimutan dahil sa nangyari kay Anthony at sa kanya mga tropa para makapagligaw sa kanila ang iilan may kundisyon ang tatlo na gumupit o kumuha ng kahit anong nasa katawan ni amien at papayagan silang manligaw. Dahil sa daming gustong manligaw sa tatlo madami ring ginupit sa kanya katulad ng uniform, uniform na dalawa lang ang meron siya, buhok, at ang malala ay balat niya. Tiniis ni amien ang sakit na kanyang natamo dahil sa ginawa ng mga gustong manligaw sa "trio la estella" na sina Julius, Jethro, Alison, Dewdell, Vincent at Zac. Di mapaliwanag ni amien sa kanyang magulang ang mga ginawa sa kanya.
Unang gumawa sa kanya nito ay si Zac kilala sa eskwelahan na maangas at matalik na kaibigan ni Anthony. Laging ginagamit ni Zac ang kanyang pagkalalaki dahil sa pagiging matangkad at malaki ang katawan. Dahil ilang ulit na din siyang umulit sa hayskul kaya nagiging mataas ang tingin sa kanya.
Habang kumakain sa garden ng kanilang eskwelahan si Amien napansin niyang may papalapit na apat na lalaki at kasama na rin si Zac.
"Kumusta na demonyo este amien, balita ko lilipat ka na raw ng eskwelahan ah? Isang taon na lang oh lilipat ka pa". tanong at kantiyaw ni Zac kay Amien.
Hindi pinansin ni amien at tuloy lang siya sa pagkain niya ng kanyang baon.
"Bingi ata tong demonyo na ito Zac e". sabi ni Alison.
"Hayaan niyo munang tapusin ang kanyang baon mukha namang masarap e". Tinabig ni zac sa mukha ni amien ang kanyang baon at tsaka sinabi.
"Tinatanong kita amien kung lilipat ka pero hindi mo ko sinasagot e, ayan tuloy ang sarap pa naman ng kare-kareng luto ng nanay mo". Umiyak si Amien habang pinupunasan ang kanyang sarili dahil sa natapong kare-kare sa kanyang mukha.
Sinabunutan ni Zac si Amien ng pagkahigpit-higpit halos matanggal na sa anit ang kanyang buhok dahil sa pagkakasabunot nito.
"Ano pa ginagawa niyo mga repa simulan niyo na".
Dali-daling tinaas ang palda ni Amien at binigay ni Mackenzie ang kanyang maliit na kutsilyo kay Dewdell.
"Parang awa niyo na tama na". pagmamakaawang sabi ni Amien.
"Simulan niyo na para pumayag na si Diana my loves na ligawan ko siya at tsaka mamaya ililibre ko kayo ng damo tig-isang kilo pa kayo". Sabi ni Zac sa kanyang apat na kasama.
"Dito muna ako magbabantay kung may paparating". Sabi ni Alison habang naglalakad palapit sa gate ng garden.
"Don't you worry Zac kaya na namin ito unting pilas lang naman sa napakaputing hita ni Amien". Sabi ni Dewdell habang hinihimas ang hita ni Amien.
Hinawakan ni Vincent ang magkabilang braso ni Amien para hindi makawala at pumiglas sa gagawin nila sa kanya. Habang hinahawakan ni Vincent si Amien tinapalan ni zac ang bunganga ni Amien.
"Anong lasa ng pawis at libag ko Amien?". Biro ni zac. Nagsitawanan ang sila at ginawa na ang karumal-dumal na pangyayari sa kanya. Hiniwa ni Dewdell ang hita ni Amien ng parisukat at unti-unting binalatan. Kitang-kita sa mukha ni Amien ang sakit na ginawa sa kanya nila Zac, labis ang pagkaiyak ni Amien sa nangyari sa kanya. Hindi matigil ang kanyang paghagulgol.
"Oh, ilagay niya na yan dito baka mabulok pa ang regalo na pinakaaasam ng aking myloves". Sabi ni Zac.
Inabot ni Zac ang Tupperware na may lamang tubig at may nakasulat sa takip na "Too: myloves" kay dewdell.
"Ano ba yan zac mali pa yung too po double o pa dito pa lang laglag ka na sa myloves mo" hirit ni Dewdell.
"Tarantado edi sana ikaw na lang ang gumawa hinayupak ko di kita bigyan ng chongke diyan e".
"Wag mo na kalabanin si Boss Zac, isang libo rin yun baka mawala pa ang biyaheng langit natin niyan". Dagdag ni Alison habang napakamot sa ulo.
"Tama na yan mga ugok lagay niyo na". sabi ni Vincent habang binibitawan unti-unti si Amien. Pagkatapos nila ilagay ang balat ni Amien sa Tupperware pinabayaan na nila si Amien at binigyan ni zac ng limang daan.
"Okay na yan diba pampagamot mo, di naman ako demonyo katulad mo e malambot pa rin naman ang puso ko kaya lang dala lang ng pangangailangan". Hinawakan ang mukha ni amien habang nanginginig sa takot.
"Tara na mga kupal". Yayang sabi ni zac.
"Yun oh here we go heaven". Sigaw ni Alison.
"At tsaka nga pala amien kapag nagsumbong ka sa panotsi nating guidance counselor uulitin natin ito ah? Hehe". Sabi ni Zac
Halos hindi na makayanang tumayo ni Amien dala ng gawa ng tropa ni Zac. Pinulot niya ang limang daan at tinapon sa basurahan, inayos niya ang kanyang baunan at umalis na sa hardin ng kanilang eskwelahan. Ika-ika maglakad si Amien habang papunta sa klase.
"Anak bakit ika-ika ka maglakad?"
"Nadapa po ako kanina inay hindi ko po nakitang may nakausling bato kaya nadapa ako"
"Patingin ng sugat anak, gagamutin ko. Hay anak lagi mong ipinag-aalala ang inay"
"Huwag na inay nagamot na, ginamot na ng nurse sa eskwelahan namin. Wag ka na mag-alala inay"
"Ganun ba anak, ipagluluto na lang kita ng ginataang alimasag magbihis ka na at magpahinga".
Pumunta si Amien sa kanyang kwarto at doon niya inilabas lahat ng takot at inis sa sarili na hindi niya magawang sabihin sa kanyang ina na ginawa sa kanya ni Zac. Inisip na lang ni Amien na makakayanan niya ito at hindi na papanaig sa iba.
Lumipas ang isang araw nabalitaan niyang naging magkasintahan na si Zac at Diana, sumikat ang dalawang magkasintahan dahil sa kanilang eskwelahan madaming naiinggit at nagseselos. Nagtataka kung bakit sa lahat ng kinuha sa kanya tila balat niya lang ang makakapagpasagot sa isa sa trio la estrella. Nais niyang kumpruntahin ang tatlo kaya lang tinataboy siya ng mga nakapalibot sa kanila.
Biglang nawala si Amien sa alaala niya kay Zac. Naging blangko ang kanyang paligid, kadiliman lang ang nakikita niya.
"Lucio, Lucio paalisin mo na ako dito".
"May kulang sa iyong damdamin na dapat mong maalala. Hindi ko mahukay sa iyong puso tila nakasarado". Sabi ni lucio. Bigla na lang lumubog si amien at bumalik sa kanyang alaala kay jethro.
Panahon ng tag-init hindi na magkandamayaw ang pawis sa kanilang mga mukha. Punas dito, punas rito. Pero hindi lang perwisyo ang dumadating sa panahon ng tag-init kung hindi hirap at tiis na kailangan harapin
*ring*
"Hello, sino ito"
"Nay, si Aleion po ito yung pananiman natin dito sa san lore nanunuyot na, nay baka may tira po kayong pera diyan para sa mga magsasaka natin"
"Ganun ba anak, sige anak titignan lang namin ng itay mo ang aming ipon sa bangko para makatulong diyan sa san lore"
"Salamat nay, at tsaka nga pala nay binili ng blanco ang lupa na pinagtatamnan natin kung gusto daw nating mabawi ang ating lupain bayaran daw natin sila ng singkwenta mil mababa na raw iyon. Binenta ni mang niroben ang ari-arian niya dahil binabangungot na raw sila dito sa san lore at lilipat jan sa hanaya"
"Papaano yan anak parang di aabot ang ipon namin ng iyong itay,mukhang magreretiro na ang iyong itay sa pagiging journalist niya"
"Wag niyo munang isipin iyon inay gagawa ako ng paraan basta inay mga pera sa ating mga magsasaka kahit yun na muna. Pakikamusta na lang ako sa pinakamaganda kong kapatid"
"Salamat anak ah? Dahil diyan naghihirap ka hayaan mo anak dadalaw kami diyan ng iyong itay at si amien, paalam anak mag-iingat ka palagi"
"Opo inay, kayo rin ni itay at amien mag-ingat kayo mahal na mahal ko kayo"
Nasa klase si Amien at nakikinig sa kanyang guro "Ginawa lahat ni gat andres bonifacio ang lahat kahit mahirapan man siya sa pakikipaglaban hindi pa rin nagpatinag dahil sa pagmamahal niya sa kanyang pamilya at sa ating bayan. So class enjoy your summer see you in thunder".
"See you in rain!" sigaw ng mga estudyante.
Habang papalabas sa klase si amien.
"Saan kaya kami magbabakasyon nila inay at itay". Iniisip ni Amien. Biglang may lumapit kay amien
"Hey amien, I would like to offer you a proposal". Sabi ni jethro.
"Ano iyon jethro?".
"Something that will do for the trio la estrella, I want to be with ester you should know that she's simple, delicate, and absolutely hot". Sabi ni jethro habang bukas ng chewing gum sabay subo at nguya.
"Jethro, anong kailangan mo ah? Ano ba ako? Susi sa trio la estrella? Bakit ba ako ang ginagamit para sa mga oo nila?" sabing pagkainis Amien.
"I will tell you the truth, you know Diana? The one of the member of trio la estrella. She has a super loving feelings for Anthony paano ko nalaman? It is simple to Ilyana I pay her to tell me the truth and remember what happen on the street on victorino? Nung biglang namatay si Anthony dahil sayo. That is the biggest impact sa kanya kaya siya nagkakaganito but nakikita ko naman masaya sila ni Zac e so forget it na and naninigurado lang ako because if anyone who hurt you so much they will answer their suitors immediately".
Natulala si Amien sa sinabi ni Jethro na parang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi na malaman ang kanyang gagawin kung hihingi ba dapat siya ng tawad o lumuhod sa harap ni Diana.
"Hello amien ano nandito ka pa rin ba?".
"Here's the deal, cut a part of your skin then I'd pay you 20k, sounds good right? Or ikaw na lang ang mag bid for the price". Sabi ni jethro habang nakangisi.
"Pasensya ka na kailangan ko nang umuwi". Dali-daling tumakbo palabas ng kanilang eskwelahan si amien.
"AMIEN, JUST SAY YOUR OFFER OR COME AT MY HOUS IF YOU CHANGE YOUR MIND".
Nang makauwi si amien nakita niya ang kanyang inay na madaming hawak na papeles at mukhang namomroblema.
"Inay ano pong problema" pag-aalalang sabi ni amien. "oh anak nandiyan ka na pala wala ito anak ko unting aberya lang naman. Kumain ka na ba? Mag meryenda ka muna may hinain ako diyang palitaw sa lamesa nakatakip". Sabi ng kanyang inay.
Pumunta sa kusina si amien at binuksan ang nakatakip sa lamesa at kumuha ng isang palitaw. Habang kumakain si amien dumating na ang kanyang itay at nakinig muna sa usapan ng kanyang magulang.
"Rang sakto ba ang ating ipon para sa mga magsasaka?". Tanong ng kanyang itay. "Oo rang, kaya lang ang pambayad sa lupain". Sabi ng kanyang inay na may pagkadismaya. .
"Akala ko ba di na kailangan ipagbili ang lupain".
"Ibinenta na raw ni mang niroben sa blanco ang lupain".
"Nako po ang kapitalistang angkan pa ang nakabili. Halos iyan ang problema ngayon ng mga mahihirap ang mga kapitalista maliban sa blanco may anim pang angkan ang nagkukumpetensya". Dismayang pagkasbi ng kanyang itay.
"Magkano raw rang para sa lupain?".
"Halos singkwenta mil rang kailangan pa natin ng 54,500 para sakto ng 150,000".
"Nako rang halos 4,500 lang ang natabi ko sama mo na ito, wag kang mag-alala may sahod ako sa kinsenas sakto na sa atin iyon".
Nalungkot si amien sa kanyang narinig ang usapan ng kanyang inay at itay. Naalala ni amien ang sinabi ni Jethro sa kanya tungkol sa pera kapalit sa kanyang balat hinanda muna ni amien ang kanyang sarili para gawin ang gusto ni Jethro.
Pinuntahan niya si jethro sa kanilang bahay. Pinundot ng ilang beses ni amien ang doorbell nila jethro. "
Sino yan". tanong ng guwardiyang nakabantay sa gate.
"Uhm, hinahanap ko po si jethro".
"Anong kailangan mo?"
"Kakausapin ko lang po siya, kaklase niya po ako". Habang nagdidiskusyon silang dalawa ng guwardiya dumating na si Jethro.
"Hey amien, ano napag-isipan mo na ang offer ko sayo?".
"Tungkol dun jethro kailangan nating pag-usapan iyon".
"What?! What about my offer? Hmm okay I see come inside". Pumasok sila sa bahay at namangha sa laki ng bahay si amien.
"Drinks?".
"Ayos lang ako jethro tanging ito lang ang pinunta ko".
"Go ahead".
"Uhm, jethro ayaw ko ng 20,000 ang gusto ko ay 50,000".
"Wtf? It's so expensive ano ba yang kutis mo luis Vuitton?".
"Ano ayaw mo o hindi?".
Nag-iisp at tinitignang mabuti ni jethro si amien. "Ano Jethro huli na yun". Diin na pagkakasabi ni amien.
"Okay, fine tomorrow morning gusto ko nandito na yan ah? Gusto ko nakabalot and presentable for my darling ester" sagot ni jethro.
"Sige, nasa iyo na yun bukas na bukas". May halong ngiting pagkakasabi ni amien.
Sabay silang papalabas ng bahay ni jethro. "I will send you home na".
"Hindi na kailangan jethro".
Nang makauwi sa bahay si amien sinimulan na niya ang bagay na makakatulong sa kanyang pamilya ininda niya ang sakit at hapdi na kutsilyong tumatarak sa kanyang braso para lang makatulong sa kanyang pamilya. Tipong sanay na siya sa ganitong sitwasyon na makaramdam ng sakit at kirot.
Kinaumagahan, pumunta si amien sa bahay ni jethro at binigay ang kanyang balat.
"So much thank you amien, here's your 50,000 take it before I take it back to you". Pabirong sabi ni jethro kay amien. Dali-daling kinuha ni amien ang perang kapalit para sa kanyang balat.
Pagkatapos ng araw na iyon pumunta sa bayan ng san lore sina amien para puntahan ang kanyang kuya na si Aleion.
"Kuya, kumusta ka na?" sabi ni amien sa kanyang kuya at sinalubong ng mahigpit na yakap
"Lalo kang gumaganda amien ah? Dalagang-dalaga na. gusto mo na ba maligo sa batis danyente?"
"Oo, kuya gusto ko na malasap ulit ang lamig ng batis at makita ang linaw ng tubig roon"
"Ganun ba bunso, halika ka na maghanda ka na"
May kinukuha si amien sa kanyang bag at pinuntahan ng kanyang kuya Aleion. "Amien ano ang iyong hinahalungkat mo? Para namang tagong-tago yan ah?".
At nakuha na ni amien ang sobreng may laman ng pera.
"Kuya ito oh, para sa lupain natin". Abot ng sobre kay aleion. Labis na nagulat si Aleion sa binigay ni Amien, binuksan at nakita niya ang libo-libong pera.
"San mo ito nakuha Amien? At paano mo alam kung ano kalagayan ng lupain natin?"
"Narinig ko sa usapan nila itay at inay tungkol sa kalagayan ng ating lupain kaya ito gumawa ako ng paraan para mailigtas lang ito". Sagot na may kasamang ngiti ni Amien.
"Pero anong paraan naman iyon Amien alam mo naman ang kuya mo kapag may gumawa sayong masama hindi ko mapapatawad".
"Hindi ko matatanggap ito kung ikaw ay naagrabiyado Amien, ayaw kong nasasaktan ka". Dagdag na sabi ni aleion.
Niyakap niya ang kanyang kuya ng mahigpit at umiyak.
"Kuya wala namang nangyari ganun at tsaka ginusto ko rin naman iyon para makatulong sa ating pamilya".
"Ano naman yun bunso? Wag ka magsinungaling kay kuya".
"Kuya, natatandaan mo ba yung mga paratang sa akin dati? Na ako yung sinisisi sa pagpatay sa isang kong kaklse. Dahil doon maraming nagkainteresado sa akin, nagkainteresadong saktan ako dahil sa tatlong sikat na babae sa aming eskwelahan. Kuya hindi ko alam gagawin ko dahil sa nangyari na iyon, totoo bang demonyo ako? Kuya isa ba akong sumpa?". Hindi na mapigilan ni amien ang kanyang iyak dahil sa bigat na kanyang dala.
"Alam mo amien, hindi ka demonyo o sumpa. Isa kang anghel para sa amin nila inay at itay alam mo ba madaming swerteng dumaan sa ating pamilya. Si tita mo wences gumaling siya sa sakit niyang leukemia dahil sabi niya inaalagaan ka lang daw niya gumagaan na ang loob niya sayo tignan mo ngayon isa nang senador. Si itay na hirap na hirap dati sa buhay para lang mapagtapos ako ngayon isa nang sikat na mamamahayag pero nakatago nga lang sa pangalang Rojar. Ako isa ako sa nakasaksi ng iyong himala. Habang naghahanda ako sa board exam para maging mechanical engineer inaalagaan kita nun dahil wala palagi sa bahay si inay at itay, halos tinutulungan mo kong mag-aral nun kaya nga lang kinakain mo yung mga papel"
"kuya naman e". singit ni amien.
"Biro lang, pero hindi ako makapaniwala na nakapasa ako sa board exam na iyon. Suntok sa buwan na lang na nagkaroon ako Liviano resources incorporated. Ngayon nakakagawa ako ng mga makina na nakakatulong sa ating mga magsasaka". Niyakap at hinalikan ni aleion ang noo ni amien.
"Isa kang biyaya amien, kahit ano pang sabihin ng iba isa kang biyayang nagpapasaya sa mga taong nakakasama mo hindi ko hahayaang maging malungkot ang aming anghel".
"Kapag bumalik ulit ako sa isagani hahanapin ko yang tatlong babae na yan sasabunutan ko yang mga yan".
"Huwag na kuya tapos naman na e, naramdaman ko ulit ang halaga dahil sayo kuya". Pagkatapos ng usapan nila ay nagsaya sila at nakalimutan na ni Amien lahat ng sakit at lungkot na ipinaramdam sa kanya sa apat na taon sa pagiging hayskul.
Nagising si Amien iniinda ang sakit ng kanyang ulo dahil sa ginawa sa kanya ni Lucio. "Argh, akala ko tapos na ito parang alam na alam ni Lucio kung ano ang nararamdaman ko". Lumapit ulit siya kay Lucio.