Chereads / Laugh Then Love / Chapter 3 - Is This What You Call a Romantic Encounter?

Chapter 3 - Is This What You Call a Romantic Encounter?

# Chapter One

*Eri's POV*

Nako naman!!! Nakakainis talaga o! Nag-alarm naman ako. Bakit hindi ako nagising sa oras? Tsk. Late na talaga ako.

Kasi naman. Kapapanood ko kagabi. Kailangan ko kasing matapos iyon para sa part-time job ko mamaya. Jusme!

Takbo lang ako nang takbo. Hindi na nga ako nag-elevator e. Tinakbo ko lang hanggang 5th floor.

"Shit!" sabi ng lalaki sa harap ko.

Oops. Hindi ko sinasadya. Nagmamadali ako kaya hindi ko namalayan na may tao pala sa harap ko. Napaupo na lang ako.

"Aray!" sabi ko habang hawak-hawak ang puwitan ko. Itinaas ko ang tingin ko sa lalaki. Ah,siya pala.

"How dare you getting dumped on me?!" sabi niya na galit ang tono.

"Sorry" tumayo na ako at aakmang tatakbo na. Pero.....

Hinila niya ang kwelyo ng blouse ko at sinamaan ako ng tingin. Susuntukin niya ako. Pumikit na lang ako at hinintay na lumapat ang kamao niya sa mukha ko.

"Pasalamat ka, hindi ako pumapatol sa babae" sabi niya sabay bitaw sa akin.

Yumuko na lang ako bilang pag-sorry at ipinagpatuloy ko na ang pagtakbo.

Kamalas-malasan nga naman o. Doon pa talaga ako bumangga sa lalaking iyon. Mas gugustuhin ko pang mauntog sa bakal na poste e.

Pagkayabang-yabang. Palibhasa kasi sikat. Kaya kahit anong gawin,ayos lang. Napapaamo niya pati ang mga teacher.

Sana madapa siya at mapango ang matangos niyang ilong at magkasugat ng malaki ang gwapo niyang mukha.

Uy! Sorry! Hindi ako masama ah. Masama lang talaga ang ugali ng lalaking iyon. Anyway,hindi naman kami close. Nakikita ko lang ang mga ginagawa niya sa mga taong ayaw niya at nakikita ko lang kung gaano siya ka-plastic lalo na sa mga babae. Tsk. Such a devil!

Buti na lang at umabot pa ako sa second class. Kung hindi breaktime na lang talaga ang ipinunta ko sa school na ito.

Anyway, ako nga pala si Eri. I am an Otaku. Yes! I am an Otaku. Kung hindi niyo alam kung ano iyon,well proud kong ipaliliwanag sa inyo. Otaku,as in matalino. Hahaha joke lang. Ibig sabihin, certified adik na adik sa anime. Wahhhh! Anime is my life.

Yeah! At dahil diyan,wala akong kaibigan na kahit isa sa school. Ayaw nila sa akin e,'di ayaw ko rin sa kanila. Kasi hindi naman ako sikat at hindi rin kagandahan. Wala rin akong talent. Feeling ko nga ang tingin sa akin ng marami ay weird ako. Average lang ako pagdating sa school academics. Pumapasa naman. At ang sports lang na kaya ko ay volleyball pero hindi naman ako sumasali sa mga school club at activities.

Yes! Magaling ako sa volleyball. Noong high school ako nag-training. Nagsimula iyon noong mapanood ko yung Haikyuu na anime. Kaya simula noon,nahilig na ako sa volleyball. Almost two years din akong nag-aral ng rules at techniques. At noong sumali ako sa volleyball club,ako yung naging libero ng team namin. Lumaban pa nga ako sa nationals e. Pero simula noong matalo kami sa laban na iyon ,tinanggal na nila ako sa team. Sinisisi nila ako e. Ako lang ba ang may mali roon? Simula noon ay hindi na ako naging active sa kahit na anong bagay sa school. Basta papasok lang ako at papasa. Pero naglalaro pa rin naman ako ng volleyball,sa bahay nga lang at kapag may outing. Pero huwag kayo,magaling pa rin ako roon hahaha. Secret na lang, okay? Gusto ko na rin yung ganito. Tahimik lang at kapiling ang mga anime sa buhay ko hahaha.

Well,ako yung tipo ng student na binu-bully. Hindi naman lagi pero yung tipong kapag na-encounter ko ang mga student dito,halimbawa nabangga ko o kaya nasa tabi ko,aawayin agad ako. Kahit pa sila ang may kasalanan ako iyong palalabasing mali. Hindi kasi ako yung tipo ng estudyante na gusto nila sa school. Na maayos sa itsura,sikat o kaya talented. Kaya ang tingin nila sa akin,non-existence. Kaya ako na lang yung nagpapakumbaba. Ayaw ko rin kasing ma-exposed sa maraming tao. Kaya nga nainis ako kanina sa devil na iyon kasi ipinahiya pa ako. Hindi na lang kasi balewalain noh? Ang laki-laki ng katawan niya,kaya parang pitik lang yung pagbangga ko sa kanya. Pinalaki pa niya. Naging center of attention na naman tuloy ako. Tsk.

Anyway,wala naman akong pakealam. Hindi ko naman din hinihiling na sana parang high school anime ang buhay ko. Pero isa lang ang wish ko. Sana ay maging kami ni Levi ng Attack on Titan. Levi-sama wahhhh!

As usual,nandito na naman ako sa tambayan ko. Sa cafeteria. Mag-isa lang ako since wala nga akong kaibigan. Again,nanonood na naman ako ng anime habang kumakain. Ito, episode 12 na ako ng My hero Academia season 4. Wahhhh! Ang ganda ng mga nagaganap. Ang cool talaga ni Todoroki. Nako nga naman,kung hindi lang talaga nakakahiya e,baka na-plus ultra punch ko kanina ang mayabang na lalaking iyon.

Hays,tahimik na naman ang buhay ko. Isusuot ko na ang earphones sa tenga ko nang biglang.....

"Hey Nerdy! Wanna settle something?!" sabi nung lalaki habang hawak-hawak nang mahigpit ang kanang kamay ko na may hawak ng earphones.

Si Devil! Hay ito na naman! Tsk.

Tumayo ako at yumuko sa harap niya. Kasama niya yung dalawang lalaking kaibigan niya. Sa pagkakaalam ko ang pangalan nung kulay brown ang buhok ay Justin. Cute siya actually at mukhang tahimik at mabait. Yung isa naman na black ang buhok na mahaba ay si Karl. Mukhang mapang-asar at playboy. Gwapo rin naman.

"Sorry" sabi ko sa kanya habang nakayuko.

Oo nga pala. Ako na ang magpapakilala sa mayabang na ito. Since alam ko naman na kapag masama ang ugali ay tamad na rin. Kaya ako na ang magpapakilala.

Yung devil na sinasabi ko,siya nga pala si Jules. Sobrang sikat niyan sa school. Gwapo kasi. Describe ko na rin ha? Kilala niyo ba si Sata Kyoya ng The Wolf Girl and the Black Prince? Anime ito ah. Kamukha niya as in. Blonde ang buhok niya. Kasi sa pagkakarinig ko sa mga tsismosa kong babaeng kaklase ay may lahing American o Japanese ata iyan. Kasi American yung buhok tapos may pagka-Japanese ang structure ng face. Half-asian celebrity kumbaga. Ay malay ko ba kung ano,rumor nga e. Bukod doon, siya ang ace ng men's volleyball team ng school namin. Oo, tulad ko magaling rin siya sa volleyball. Dagdag cute points sa mga babae. Hanga na sana ako e kasi fan din ako ng volleyball at player kaso mayabang.

O ayan ah. Gwapo nga,mayabang naman. As in. Kasi sa nakikita ko ah may attitude talaga e. Basta alam niyo na iyon. As in devilissshhhh attitude.

Yung isa naman niyang kaibigan na si Justin,matalino. Top one sa buong school 'yan. Gwapo rin at mayaman. 'Yon nga lang,naging kaibigan ni Jules. Kaya ewan ko ba,baka may hangin din. Yung Karl naman,playboy 'yan at happy-go-lucky kumbaga. At ang alam ko basketball player. Sikat ang tatlong iyan.

O 'di ba? Ang dami kong alam. Paano ba naman kasi mas nasasagap ko pa ang tsismisan ng mga kaklase ko tungkol sa tatlong iyan kaysa sa binabasa kong libro at pinanonood kong anime kapag breaktime. Kaya naririnig ko kahit ayaw ko. Anyway,wala naman akong pakealam.

Oo nga pala. Back to current na tayo. Nasa delikadong sitwasyon pala ako hahaha.

"Sorry? You dumped your ugly face on my perfectly fine shirt and you're just saying sorry?!" galit na sabi niya. Tiningnan ko siya nang poker face.

Ouch naman ah. Ugly face?! Hindi naman ako ganoong kapanget ah. Ang sama talaga nito.

"Ano bang gusto mo?" tanong ko sa kanya para matigil na. Jusko naman,gusto ko nang manood.

Tumawa siya at hinawakan ang balikat ko. Inilapit niya nang kaunti ang mukha niya sa mukha ko.

"Go to my place tonight. I want you to entertain me" sabi niya sabay ngisi.

------------------------

❤️❤️❤️❤️❤️