Chereads / Laugh Then Love / Chapter 5 - My Accident

Chapter 5 - My Accident

# Chapter Three

Tiningnan ko sa kama niya si Risa pero wala na siya roon. Nakasara naman ang pinto,bakit hindi ko namalayan na may pumasok?

"Nasaan ka? Ibalik mo sa akin ang kapatid ko!" sigaw ko sa lalaki na nasa kabilang linya.

"Nandito ako sa baba ng bahay niyo. Kung gusto mo pang makitang buhay ang kapatid mo,pumunta ka rito" sabi nung lalaki na nagbabanta pa.

"Ahhhhh!" narinig ko ang sigaw ni Risa sa kabilang linya.

"Hayop ka! Huwag mong sasaktan ang kapatid ko. Ano bang kailangan mo sa akin?!" sabi ko habang papalabas ng kwarto. Pupuntahan ko si Risa. Kailangan ko siyang iligtas.

"Malaki ang kasalanan mo sa akin" sabi nung lalaki. Ano bang kasalanan? Wala naman akong kaaway ah.

Kinakabahan ako habang pababa ako.

Nakarating na ako sa may sala. Nakita ko si Risa na puro dugo ang katawan. Wala na siyang malay.

Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya.

"Risa,Risa! Gumising ka Risa!" naiiyak kong sabi habang tinatapik-tapik si Risa. Alam kong patay na siya pero umaasa pa rin ako. Hindi ito pwedeng mangyari.

Narinig ko ang malakas na tawa ng lalaking pamilyar ang boses.

"'Yan ang napala mo sa ginawa mo sa akin" nasa likod ko na siya. Kinakabahan ako. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang lalaking naka-itim na suot at may hawak na kutsilyo.

"Jules?! Ahhhhhhhhhhhhhh"

Napabalikwas ako ng bangon.

Gosh! Panaginip lang pala.

Tiningnan ko si Risa. Nasa kama niya siya.

"Sis?!" gulat na tanong ni Risa. Halatang kagigising niya lang. Nagising siya sa sigaw ko.

"Sorry. Nanaginip lang" sabi ko sabay balik sa paghiga. Natulog na ulit si Risa. Tiningnan ko ang orasan. Alas-tres pa lang. Jusko naman,hanggang sa panaginip binabangungot ako ng devil na 'yon. Devil talaga siya kahit sa panaginip. Sana hindi magkatotoo.

Bumalik na ako sa pagtulog.

Kinaumagahan.

Naglalakad na ako sa hallway ng school.

Jusko po! Ang sama ng panaginip ko. Sana talaga ay hindi ko na makita ang lalaking 'yon. Malas siya sa buhay ko.

"Ouch" sabi ng babaeng nakabangga ko. Yes,may nakabangga na naman ako. Lutang e,ang sama ba naman ng panaginip ko. Hindi ako nakatulog nang maayos.

"Sorry" sabi ko sabay lakad.

"Teka,teka. Ikaw ba yung babaeng nambato ng piso sa ulo ni Jules?!" nako naman talaga. Sino ba 'to? Tiningnan ko yung babae. Ah,okay fan ni Jules. Yari na naman ako nito.

"H-h-hindi noh" sabi ko sabay tawa.

"Hindi. Ikaw 'yon e. Nakita ko ikaw 'yon" nako naman talaga.

Hindi na ako umimik. Aalis na ako bago pa ako awayin nito.

"Wait" sabi nung babae sabay hila sa buhok ko.

"Aray!" sabi ko habang hawak ko ang buhok ko na hila-hila niya. Nakatingin lang sa amin ang mga estudyante sa hallway. As if naman na tutulungan nila ako.

"How dare you do that to our prince?Huh?!" sabi nung babae. Ang sakit ah.

Biglang nag-ring ang bell ng school. Time na. Binitiwan na ako ng babae. Hay buti naman.

"Hindi pa tayo tapos!"sabi niya habang nakataray tapos umalis na.

Nako naman! Hindi nga ako magagantihan ng impaktong 'yon,yari naman ako sa mga alagad niya. Jusko!

Breaktime.

Tahimik na naman ang buhay ko. Hindi na muna ako sa cafeteria kumain since baka balikan ako nung Jules na 'yon doon. Nandito ako sa bench ng school namin. Buti at walang gaanong tao. Makakakain at makakapanood ako nang matiwasay.

Akala ko ay okay na e,pero hindi pala.

Nasa harap ko na naman ang mokong na 'to.

"Hey! What's up?!" sabi ni Jules. Aba,close tayo?!

"Hehehehe" sabi ko na lang. Tatayo na ako para makatakas. Gaganti 'to for sure.

"Hep hep hep. Saan ka pupunta?!" sabi niya sabay akbay sa akin.

"Sa classroom. Malapit na ang time e"

"Teka hindi ka pa tapos kumain o" sabi niya. Aba mukhang wala siyang kasamang mga alagad ah.

"Okay lang hehehe"

"Mukhang nagkakalimutan ata tayo ah" sabi niya nang nakangisi.

Kunwari hindi ko alam.

Hindi na lang ako umiimik. Nakita kong papalapit ang katawan niya sa akin. Hala?! Anong gagawin niya? Bubugbugin niya ba ako? Bago pa siya makalapit nang tuluyan ay.....

"Plus Ultraaaaaaa!!!!" sigaw ko sabay suntok sa tiyan niya.

Bigla kong na-realize ang ginawa ko. Ano ba 'yan? Kasi naman e. Natatakot ako,baka magkatotoo ang panaginip ko kagabi.

Nakita ko ang mga tao. Nagulat sila sa ginawa ko. Ang iba naman ay natulala. At ang iba naman ay nagtatawanan.

Nakita ko si Jules. Napaupo siya sa ginawa ko habang hawak-hawak ang tiyan niya.

Lumapit ako sa kanya.

"Sorry" sabi ko.

"You shit! I am just trying to be friendly" as if naman na totoo e iinisin niya lang ako.

Dumating yung mga kaibigan niya na sila Karl at Justin.

"Sorry" sabi ko sabay yuko.

"Sige miss kami na ang bahala rito" sabi nung Justin.

Tumatawa naman yung si Karl.

"Wala ka pala 'pre e" sabi niya sabay tawa.

"Shut up!" sabi ni Jules. Humarap siya sa akin. "Hindi pa tayo tapos!"

Umalis na sila papalayo. Hala? Nasobrahan ata ako. Sorry. Hala! Yari ako nito.

Hindi ako mapakali. Ano ba 'tong ginawa ko? Binangga ko pa ang Jules na 'yon. E wala naman akong kalaban-laban.

Naglalakad na ako papauwi. Sana talaga ay hindi ko ulit makasalubong yung Jules na 'yon. Kasi yari talaga ako. Lalo na sa ginawa ko. Magso-sorry na lang ako bukas.

Medyo madilim na. Kailangan ko nang magmadali.

"Where are you going?" sabi nung lalaki sa harap ko. Si Jules. Kasama niya si Karl pero hindi si Justin. Kapag minamalas ka nga naman o.

"Sorry" sabi ko sabay yuko.

"Bakit ka nga pala naka-salamin?" tanong niya sa akin.

"Kasi malabo na ang mga mata ko" sabi ko nang nakangiti. Kailangan kong magpakabait kung hindi yari ako.

"Pwede ko bang mahiram?" tanong niya. Teka,bakit siya interesado? Hindi na ako nagtanong. Binigay ko na lang. Para wala ng gulo.

"Salamat" sabi niya. Medyo dumilim ang paningin ko. Malabo ang nakikita ko kasi wala akong salamin.Pero kitang-kita ko ang ginawa niya.

Tinapak-tapakan niya ang salamin ko. My gosh! Nasira na ang salamin ko. Sinira ng devil na 'to.

"Huwag!" sigaw ko na lang. Hindi ko makita nang maayos ang nangyayari pero napansin kong huminto na siya.

Tumawa siya bigla atsaka ako itinulak. Napaupo na lang ako.

"Ewan ko na lang kung makauwi ka pa" sabi niya sabay tawa. Nakita kong papalayo na sila.

Hala?! Hindi ako makakita nang maayos. Kinakapa ko ang sahig para hanapin ang salamin ko. Hindi ako makakauwi nito.

Nakapa ko. Wala na. Sira na nga! Ang sama talaga ng lalaking 'yon!

Tumayo na ako. Kinakapa ko ang phone ko sa bag ko. Tatawagan ko si Risa para sunduin ako. Hindi kasi ako makakauwi dahil hindi ako makakakita nang maayos. Naglakad-lakad ako nang kaunti sa may ilaw.

"Hello sis,nasaan ka na?!" tanong ni Risa.

"Nandito ako sa tapat ng computer shop malapit sa school. Pwe------"

'Crassshhhhh' bago ko pa matapos ang sinasabi ko ay napahiga na ako.

Narinig kong may mga taong lumalapit sa akin at si Risa na sumisigaw sa kabilang line.

Nawalan na ako ng malay.....

-----------------------

❤️❤️❤️❤️❤️