# Chapter Four
Nagising na lang ako sa isang kwarto na sobrang liwanag. Teka nasaan ako? Anong oras na? Anong nangyari? Tatayo sana ako nang may pumigil sa akin.
Si Risa.
"Sis. Mabuti naman at nagising ka na. Sobrang nag-alala ako sayo"
"Teka Risa nasaan ako?" tanong ko sa kanya. Hindi ko gaanong makita kasi wala akong salamin.
"Nasa hospital ka. Naaksidente ka kahapon. Halos isang araw ka nang walang malay" sabi niya sa malungkot na boses. "Ano bang nangyari?" tanong niya.
Oo nga pala. Naaalala ko na. Sinira ni Jules ang salamin ko at naaksidente ako. Nakita ko na may bumanggang kotse sa akin bago ako tuluyang mawalan ng malay. At teka isang araw na akong nandito sa hospital?!
"Ano bang nangyari sis? Nakita kong sira ang salamin mo. Kaya ka siguro naaksidente kasi hindi ka nakakita nang maayos. Sino ang gumawa sayo nito?!" tanong ni Risa na galit ang boses.
Hindi ko pwedeng sabihin kung sino. Kasi sigurado akong kakausapin ni Risa 'yon kahit si Jules pa. At baka madamay pa si Risa. Baka pati siya ay hindi patahimikin ni Jules.
"Nalaglag ko ang salamin ko tapos may mga batang dumating na nagtatakbuhan. Naapakan ang salamin ko." sabi ko na lang. Okay na rin 'to. Atleast buhay pa ako. Pero kung namatay ako,hindi ko talaga patatahimikin ang salbaheng halimaw na 'yon.
"Sa susunod mag-iingat ka ha. Nag-alala ako sayo nang sobra. Buti na lang at hindi gaanong malalim ang sugat mo" niyakap ako ni Risa.
Kinabukasan, lumabas na kami ng hospital. Magaling na ang mga sugat ko at okay na rin ang pakiramdam ko. Wala nang masakit sa akin. Buti na lang rin at sinagot ng nakabangga sa akin ang mga gastos ko at gamot. Nakausap ko na rin si mama at kalmado na siya.
Papasok na ako mamayang hapon. Hindi ko alam kung paano ang gagawin ko,pero iiwasan ko na lang muna si Jules para hindi kami mapahamak ng kapatid ko at makaiwas na rin sa gulo. Hindi na ako gaganti kung sakaling awayin pa niya ako.
*Jule's POV*
"'Pre nabalitaan mo ba ang nangyari don sa babaeng kaaway mo?" tanong sa akin ni Karl. Tsk,ang aga-aga ang ingay.
"Yung nerdy?"
"Oo siya nga 'pre,yung sinira mo ang salamin"
"O bakit?" tanong ko sa kanya.
"Naaksidente siya 'pre kasi hindi niya nakita ang dinadaanan niya dahil sa sinira ang salamin niya" pabulong na sabi ni Karl.
"T-t-teka bakit mo sinasabi sa akin 'yan?!" tanong ko sa kanya na pautal-utal. Naaksidente siya kasi sinira ko ang salamin niya? Kasalanan ko?!
"'Pre,kasalanan mo 'yan. Tsk,tsk" sabi ni Karl na pailing-iling pa. Lumayo na siya.
Teka? Kasalanan ko ba 'yon? Naaksidente siya? Buhay pa kaya siya? Teka? Nasobrahan ba ako sa ginawa ko? Shit!
Nabalitaan ko kung saang hospital naka-confine si Nerdy. Pumunta ako. Baka multuhin pa niya ako kapag hindi ko siya binisita e.
Sinilip ko siya mula sa pinto. Wala pa siyang malay. May kasama siyang babae sa loob. Natutulog habang nakadukdok sa kama ni Nerdy.
Aalis na ako. Sinilip ko lang ang lagay niya. Hindi ko alam kung magigising pa siya o hindi. Nakokonsensya ako. Ganoon ba kasama ang ginawa ko? Gusto ko lang naman siyang gantihan at inisin.
May nakita akong lalaking nakaupo sa waiting area malapit sa room ni Nerdy.
"Kaano-ano ka nung nasa room na 'yon?" tanong ko sa kanya habang nakaturo sa room ni Nerdy.
"Ako yung nakabangga sa kanya" sabi nung lalaki habang nakayuko. Hinila ko ang kwelyo ng lalaki.
"You dumbass! Bakit mo siya binangga?! Hindi ka ba marunong mag-drive?" sigaw ko sa kanya.
"Sorry 'pre,hindi ko sinasadya"
"Paano kapag namatay 'yan?" gigil na sabi ko sa kanya. Kasi masasabit ako rito. Hindi ko rin naman sinasadya e. Hindi ko ginusto 'to.
Walang imik yung lalaki. Inabutan ko siya ng cheque.
"Para saan 'to?" tanong niya.
"Pambayad sa lahat ng gastos niya rito" sabi ko.
"Teka 'pre,ako na. Ako ang may kasalanan"
"Basta tanggapin mo na lang. Ibigay mo sa kanila 'yan. Kahit yung sobra. At huwag mong sasabihing galing sa iba 'yan maliban sayo" sabi ko sabay alis.
Baka sakaling sa ganoong paraan e makabawi ako sa ginawa ko.
Umalis na ako at pumunta sa simbahan. Hihingi ako ng tawad sa ginawa ko. Takot ako sa multo e baka hindi ako patahimikin ng kaluluwa ng nerdy na 'yon.
Umupo na ako sa upuan ng simbahan malapit sa hospital at yumuko.
'Sir,patawarin niyo po ako. Please! Hindi ko naman ginusto 'to. I am very sorry. Sana mabuhay pa siya and if ever na mamatay na siya,na sana naman hindi, e huwag na niya akong multuhin. Sorry talaga sir. Please forgive me' dasal ko.
"'Pre!" bulong sa akin ng lalaking nasa tabi ko. Si Karl.
"Shit!" nagulat ako. Magugulatin ako ngayon. Kinakabahan kasi ako.
"'Pre,nasa simbahan tayo huwag kang mag-mura. Teka nga,ano bang ginagawa mo rito? Pinagdarasal mo bang huwag kang multuhin nung babaeng kaaway mo?" sabi niya sabay tawa.
"Gago" sabi ko sa kanya.
"'Pre. Hmmm. No bad words" sabi niya sabay yuko. "Ano 'pre buhay pa ba?"
"Hindi ko alam. Sana buhay pa" sagot ko sa kanya.
Nakokonsensya pa rin ako sa nangyari. Hindi ata ako makakatulog nang maayos nito e.
Sa Bahay.
Biglang nag-ring ang telephone sa kwarto ko. Tumayo ako at sinagot ko ito.
"Hello?!" pagalit na sagot ko. Gabi na kasi e. Istorbo.
Walang sumasagot sa kabilang linya.
"Hello?! Sumagot ka! Don't make a shit out of me!" galit na sabi ko. Kinakabahan ako.
Narinig ko ang malakas na tawa sa kabilang linya.
Shit si Karl lang pala.
Padabog ko nang ibinaba ang phone. Iniinis ako ng lalaking 'yon. Tsk. Makatulog na nga.
Sana naman buhay pa ang babaeng 'yon. Kung hindi, hindi talaga ako matatahimik.
----------------------
❤️❤️❤️❤️❤️