Taon Isang libo't pitong daan walumpo't lima (1785)
"Señor, Quiero ir al parque" (Ginoo, gusto ko magtungo sa parke)
Mahinhin at malumanay na sabi ng isang binibini na kung titigan ay may taglay na kagandahan ng isang kastila.
Rossana Alonzo isang anak ng pinay at kastila, na nagmula sa isang mayaman at kilalang pamilya ng mga Alonzo.
"Kung iyan ang iyong gusto Binibini, Llévanos al parque"(Dalhin mo kami sa parke)
saad ng Ginoo sa Hinete at muling tinuon ang pansin sa harapan ng karwahe.
Crisanto Borromeo, Dalawampu't taong gulang. Panganay na anak ng Alcalde ng bayan.
Purong pilipino na nanirahan sa span'ya ng ilang taon.
"Oh Dios mío!" (Oh my God!)
Malakas na sigaw ng Binibini
Mabilis ang pangyayare, tatlong babae ang biglang sumulpot sa harapan ng karwahe at buti na lamang ay napahinto agad ng Hinate ang Karwahe
….
Hilo at pagtataka ang nararamdaman ng magkakaibigan.
Mabilis na napatingin si Eli sa kamay ng makita ang libro na hawak hawak pa rin n'ya.
"What just happened?"
Takang tanong ni Eve habang ramdam pa rin ang hilo
"Nasa library tayo diba?"
Pagniniguradong tanong ni Nath
"¿No tienes intención de hacerte a un lado?" (Wala ba kayong balak tumabi?)
Seryosong sabi ng isang lalake.
"¿No tienes intención de hacerte a un lado?"
Ulit na tanong ngunit may halo ng pagkairita sa boses nito.
Tumambad sa tatlo ang isang karwahe at ang lalakeng may lumang kasuotan ngunit sa kabila nito, makikita ang pagiging matikas at pagiging maganda lalake nito, kasama ang isang babaeng nakasuot ng pilipiniana na nagpapakita ng pagka elegante dahil sa angking ganda at mga alahas nitong suot.
"Parecen nuevos saltadores aquí" (mukha silang mga bagong salta rito) saad ng Babaeng nakasuot ng lumang kasuotan na malayo sa kanilang suot ngayon.
"¿Están bien chicos? ¿No estás herido?"( Ayos lang ba kayo? Hindi ba kayo nasaktan?)
Malumanay at nag aalalang sabi ng babae sa kanila.
"What?"
Saad na sabi ni Eli
"Wait? Anong meron? May party ba at need magsuot ng ganyan? ang baduy!"
Maarteng saad ni Eve.
"Plus the kalesa, sinong gagamit n'yan sa ganitong panahon?"
Natatawang saad ni Nath
"Ang init init sa pinas and then you all wearing that?"
Panunuyang sabi ni Eli.
"Anong pinagsasabi nin'yo?"
Nagtataka at may halong takot na tanong ng babae.
"Hindi nga kayo taga rito kayo ba'y mga spiya?! Ang mga kasuotan nin'yo ay kakaiba!"
Napaatras ang tatlo dahil sa matapang na boses ng lalake.
"Hello?! 2020 na ngayon! Fyi! Ito ang uso!"
Saad na sabi ni Eli.
Si Eli na naka high waist pants na may punit sa tuhodan naka sleeveless na kita ang makabilaang balikat.
Si Eve naman na naka Crop top na kita pa ang pusod at naka palda na fit.
Si Nath naman ay naka off shoulder at naka leggings na black.
"Palibhasa ang sobrang makaluma niyo! Like ews!"
Pandidiring sabi ni Eve
"Hindi nila alam ang salitang Fashion, lol"
Saad ni Nath.
"Nadie tiene derecho a insultarnos! Hinete! Tawagin ang mga suldado at dakpin ang mga lapastangan!" (Walang sino man ang may karapatang mang insulto sa amin!)
Nanlake ang mga mata ng tatlo dahil sa sinabi nito.
"Anong suldado? Addict ba kayo?"
Galit na saad ni Eli
"Wait? 'asan ba tayo?"
Biglang tanong ni Eve
"Guys…"
Tawag ni Nath sa dalawa, napatingin sila sa paligid at nakita ang mga taong kanina pa nagmamasid sa kanila.
Katulad ng kausap nila, nakasuot ito ng mga makaluma na damit, ang mga bahay sa paligid ay makaluma, lahat ng abot ng mata nila ay luma sa kanilang paningin. Sa isip nila para silang napunta sa panahon ni Dr. Rizal.
Mas lalong lumake ang mga mata, ng makita ang sinasabing kawal nito.
Ito yung mga sundalo dati!
"Wait ano gagawin n'yo?"
Nagtatakang tanong ni Nath
"Don't you ever hold us! We will sue you allllll!"
Sigaw ni Eli ng hawakan sila ng mga kawal sa magkabilang kamay.
"Tatay namin si President Duterte? did you all know that?! Sumbong namin kayoooo"
Nagwawalang sabi ni Eve.
"Addicttttt, papatokhang namin kayo! Ahhh"
Sigaw na sabi ni Nath.
- Zeine Le Signore