"Ang inittttt" reklamo ni Eve at hinawakan ang laylayan ng damit at ginawang pamaypay sa sarili.
"Asa imp'yerno ba tayo?"
Saad ni Eli habang ginagawa ang ginagawa ni Eve.
"Tignan n'yo 'to ang kapal at ang bigat bigat pa"
Saad na sabi ni Nath.
"Hindi gan'yan ang kilos ng babae sa panahon na ito.
Ang babae sa panahon na ito ay mahinhin, kagalang galang at pino kung kumilos"
Saad ng Ginang na ikinangiwi nila, dahil malayong malayo ito sa kanilang personalidad.
"Simula ngayon ang apilyedo ko ay ang apilyedong gagamitin n'yo. Simula ngayon wiking Filipino lamang ang dapat gamitin nin'yo sa pagsasalita."
"Ako si Teresa Cruz kayo ang mga pamangkin ko na nagmula sa malayong isla sa Mindanao."
"Mindanao talaga? Hindi pwede sa State?"
Suggest ni Eli ngunit tinignan lang sila ni Ginang Teresa.
"Diba ikaw si Eli? Ikaw naman si Nath? At Eve?"
"I'm Elise Cameron, 20"
Pakilala ni Eli sa sarili
"I'm Eve Flores, 18!"
Saad naman ni Eve na akala mo nasa pageant.
"I'm Nathalie Soriano, 19!"
Nakalin'ya silang tatlo na para bang sasali sa pageant.
"Simula ngayon ikaw na si Elina Cruz at ikaw si Evelyn Cruz at ikaw naman Si Nathalia Cruz. Magkakapatid kayong tatlo at anak ng namatay kung kapatid maliwanag ba?"
Sumimangot sila dahil sa pangalang kailangan nilang gamitin sa panahong ito. Sobrang makaluma at mabantot sa pandinig.
"Yah yah what ever auntie."
Mataray na sabi ni Nath.
"Bawal ang ibang lenggwahe, Ako ang inyong Tiya Teresa maliwanag?"
"Opo Tiya Teresa."
Walang ganang sabi ng tatlo.
"Mayroon pa pala kayong dapat malaman. Ang mga taong binangga n'yo kanina ay lubhang delikado. Maaari kayong mahatulan ng kamatayan, kung kaya't iwasan ang mga taong ikakapahamak n'yo sa huli"
"D'yan lang kayo at may pupuntahan pa ako. Babalik ako mamayang ala 5"
Saad ng Ginang na kinatango nila
….
"Tingin n'yo, totoo yung sinabi ni Tiya?"
Saad ni Eli pagpasok nila sa kanilang magiging silid.
"Ewan, but we need to find ways para makaalis dito!"
Saad ni Nath.
"Wala talaga akong makitang nakatago dito sa libro."
Saad ni Eve, habang sinisilip at tinitignan ang libro, baka kasi may nakasuksok pa sa mga gilid gilid nito.
Sabay silang napahiga sa kama at huminga ng malalim.
"Pa'no tayo mabubuhay sa ganito? Pati kama an'tigas. Wait asan ang cellphone natin?!"
Saad na sabi ni Eli.
Mabilis na napabalikwas ang tatlo ng maalala ang mga cellphone.
"Yung cellphone ko chinarge ko pa naman yun, baka pumutok naaaa."
Naiiyak na saad ni Eve.
"Wala akong maalala na nadala ko yung cellphoneee"
Mangiyak ngiyak rin na sabi ni Nath.
Nahiga ulit sila at walang tigil na pinadyak ang paa
"Aray ano ba!"
Inis na reklamo ni Nath ng matamaan s'ya ng paa ni Eli.
Hanggat nagsipaan na lang sila sa kama.
Bogs!
"Araayyyy ang sama n'yoo"
Reklamo ni Eve ng mahulog s'ya sa kama.
Nagtawanan ang dalawa.
"Shhh!"
Saad ni Eve at natahimik ang dalawa.
"Narinig n'yo 'yun?"
Tanong ni Eve sa dalawa.
Tumaas ang kilay ng dalawa at may pinakinggan na kung ano.
"Wala naman"
Saad ni Nathalia.
"May naririnig ka ba na hindi naman naririnig, Evelyn?"
Saad ni Elina na may pangungutya sa bagong pangalan nito.
"Bantot! Pero meron talagang yabag!"
Saad ni Eve.
Tumayo ito sa pagkakaupo sa sahig at lumabas sa silid. Walang nagawa ang dalawa kung hindi sumunod.
"Bata!!!!!"
Malakas nilang sigaw nang makita ang bata patungo sa kusina.
"Shhh! Gusto ninyo ba akong mahuli? Gusto ko ng kumain nang luto ni Ginang Teresa!"
Saad nang batang lalake na kung titignan ay nasa mga siyam na taong gulang. Maamo ang mukha nito at tiyak na kagigiliwan ito ng sino man.
"Sino ka? Sino nagpapasok sayo?"
Pag iintriga na tanong ni Elina
"Ako. Ang sarili ko, ako si Christopher Borromeo mga Binibini" saad nito.
"Bakit ka narito?"
Tanong ni Nathalia, habang tinitignan nila ng maigi ang bata
"Namiss ko lang ang luto ni Ginang Teresa."
Nagtinginan silang tatlo.
"Pinagluluto ka ba n'ya?"
Tanong ni Evelyn
"Hindi lang ako! Ang buong pamilya namin!"
Masiglang sabi nito.
"Encuentra al niño en cada rincón de la casa!"
(Hanapin n'yo sa lahat ng sulok ng bahay)
Malakas na sabi ng pamilyar na boses ng lalake.
Napalingon sila sa bandang pintuan sabay napatingin sa bata.
"Mi hermano me está buscando. ¡Escóndeme, señoras!" (Hinahanap na ako ng aking kapatid, itago n'yo ako mga binibini!)
Kinakabahan na saad ng batang lalaki.
"Ha?" Saad ng tatlo.
"Aish! Itago n'yo ako!"
Pero huli na ang lahat ng makita ang isang soldado na pumasok at patungo sa kinaroroonan nila.
Nanlake ang mga mata nila, at agad na itinago ang bata sa likod nila.
"¡Señor! ¡El niño está aquí!"
(Señor! Nandito ang bata!)
"Itago n'yo ko! itago n'yo ko! "
Paulit ulit na sinabi ng bata.
Nanlake lalo ang mata nila ng makita ang masungit na lalaking pumasok, si Ginoong Crisanto.
"Kayo na naman? Tinatago niyo ba ang aking kapatid?"
Masungit nitong sabi at tinignan ang paslit na nasa likod ng mga binibini.
"Eh ano naman? Gusto ng kapatid mo kumain. Hindi n'yo siguro pinapakain ito ng maayos no?"
Urat na sabi ni Elina.
"Wala kang karapatan----
Hindi natapos ni Crisanto ang sinasabi niya, ng may dumating na isang lalake.
"¿Ya vieron al chico? --- naputol rin ang sinasabi ng isang lalaking bagong dating, nang makita ang tatlong binibini.
-Ohh hola señoras, ako si Claudio"
Nakangising sabi ng lalake na sa unang tingin pa lang ay masasabing ito ay babaero.
Lumapit ito kay Evelyn at hinawakan ang kamay ni Evelyn sabay hinalikan. Dahil sa gulat at pandidiring naramdaman ni Evelyn. Lumupag ang kamao nito sa pagmumukha ni Ginoong Claudio
"Ugh! Bakit mo ginawa iyon?!"
Sigaw nito
"Dahil, nakakadiri!!! Sino ka para halikan kamay ko?!"
Inis na turan ni Evelyn at pinunasan ang kamay.
Humagikhik ng tawa ang bata kaya agad siyang tinuro ng kapatid
"Sasama ka sa amin"
Matigas na saad ni Crisanto
Napatingin silang lahat ng dumating si Ginang Teresa.
"Ginoong Crisanto, ginoong Claudio!"
Gulat na sabi ni Ginang Teresa na bagong dating
"Ginang Teresaaa!"
Masayang saad ni Christopher at tumakbo sa Ginang.
"Ginoong Christopher!"
"Ginang gusto ko na makakain ng iyong luto, kailan kayo babalik sa aming tahanan?"
Malungkot na saad nito.
"Bukas, kaya sumama kana sa iyong kapatid"
Mahinahon na saad ng Ginang.
"Talaga??? Aasahan ko iyan!"
Masayang saad nito.
Masama silang tinignan ng dalawang lalake kaya agad nila itong tinaasan ng kilay
"Tingin tingin n'yo d'yan?"
Masungit na saad ni Elin
"Gusto n'yo?"
Tanong ni Nathalia
"Luh, asa kayo!"
Saad ni Evelyn.
- Zeine Le Signore