Patuloy pa rin ang pagwawala ng tatlo, habang hawak ng mga Soldado.
"Ginoong Crisanto!"
Malakas na sigaw ng isang Ginang na nagpatigil sa Ginoo na sumakay muli sa karwahe.
Kung ito ay titignan, mukha itong nasa edad apa't napu. Ang kasuotan nito ay hindi hamak na karaniwan kumpara sa suot ni Rossana.
"Ginang Teresa? Ano ang iyong pakay?"
Nagtatakang tanong ng Ginoo.
Tumingin ang Ginang sa kinaruruonan ng tatlong babae at binalik ang tingin sa Ginoo.
"Ang tatlong Binibining iyan ay aking mga pamangkin. Mula sila sa malayong lugar kaya't kung maari iyong pagpasens'yahan ang kanilang inasal."
Malumanay na sabi ng Ginang.
Kahit labag sa kalooban ng Ginoo inutusan n'ya ang mga Soldado na pakawalan ang tatlong babae. Dahil sa pakiusap ng Ginang na malapit sa kanilang pamilya, kaya't mahirap sa kan'ya na tanggihan ito.
"Ha! Ano natakot kayo sa banta namin? Naniwala kayong anak kami ni Pres. Duterte? BWAHAHAHA"
Pagmamayabang na sabi ni Eve sa mga Soldado.
"Ang sakit ng kamay ko, pag ito nagkapasa!"
Galit na saad ni Nath.
"Ikaw! Ikaw na lalakeng nireregla ata! This is a free country kaya wala kang karapatan para ipahuli kami!"
Galit na sabi ni Eli habang Dinuduro ang Ginoo.
"Mas'yadong matalas ang mga lumalabas sa bibig ng iyong mga pamangkin Ginang Teresa. At hindi maganda sa pandinig ang mga salitang hindi ko mawari kung anong ibig sabihin"
Giit ng Ginoo.
"Taga bundok kaba? Ignorante? Para maintindihan mo hindi na ako mag eenglish! Ang kapal ng mukha mo! Isa kang makalumang lalake na nireregla!"
Inis na turan ni Eli na akala mo lalabasan na ng usok sa ilong.
Nabigla ang lahat at ang iba ay napasinghap sa sigaw ni Eli.
"Go Eli! Para sa freedom!"
Tuwang tuwa naman na sabi ng dalawa na sina Nath at Eve.
"Ahh Binibini, umalis na tayo dito at magpapahinga pa kayo hindi ba?"
Pag singit ni Ginang Teresa, dahil mukhang mahahatulan na ng kamatayan ang tatlong ito dahil sa sobrang tapang.
"Ignorante? Walang sino man ang nakapagsabi ng gan'yan sa akin. Isang kalapastangan ang mga lumalabas na salita mula sa maliit na nilalang na kagaya mo!"
Galit na turan ng Ginoo.
"Ah Ginoong Crisanto mauna na po kami"
Mabilis n'yang tinulak ang tatlo.
"Anong maliit?! kita mo ito? Tatama 'to sa matigas mong mukha!"
Galit na sabi ni Eli at pinakita ang kamao.
Hinila s'ya ng ginang at manlalaban pa sana, nang bumulong ang Ginang.
"Wag kayong padalos dalos, wala kayo sa panahon n'yo, maaring ito pa ang tumapos sa buhay n'yo."
Ser'yoso at may halong pagbabanta na sabi ng Ginang.
"Kung ipagpapatuloy nin'yo ang kapangahasan, hindi na kayo makakabalik sa panahong inyong pinagmulan"
"Sumunod kayo sa akin"
Tila parang nagkaruon sila ng ideya na may nangyare ngang kakaiba sa kanila.
Muli nilang nilingon ang Ginoo at walang sabi sabing inirapan ito ni Eli.
-------
"Maupo kayo, at kukuhanan ko kayo na pwede n'yong suotin, dahil pagtitinginan lang kayo dahil sa malalaswa n'yong kasuotan"
Sabi ng Ginang nang makarating sila sa bahay nito.
"Ay Grabe naman po kayo sa malalaswa! Ang sexy kaya namin" Saad ni Eve.
"Grabe ang luma ng dating ng bahay n'yo, dati sa picture ko lang 'to nakikita"
Namamanghang sabi ni Nath habang nililibot nang tingin ang bahay.
"Ano po yung sinabi n'yo kanina? Joke ba yun or what?"
Tanong ni Eli.
"Ipapaliwanag ko mamaya, d'yan muna kayo"
Umalis ito at pumasok sa isang silid. maya maya, may dala na itong tatlong makakapal na damit.
Napangiwi ang tatlo, dahil siguradong napakainit nito sa katawan.
"Do we need to wear that? Ang init"
Reklamong sabi ni Nath
"Kung ayaw n'yo makaagaw ng atens'yon at pagkamalang espiya suotin n'yo ito"
"1785, ang panahon na ito Hulyo Dose Taon Isang libo't pitong daan walumpo't lima (1785)"
Seryosong giit ng Ginang
Tumawa ang tatlo at napahawak pa sa tiyan, dahil sa sinabi nito.
"Nice Joke!"
Giit ni Eli at nakipag apir sa dalawa.
"Pinakilaman n'yo ang libro"
Sabay turo sa librong hawak ni Eli.
"Ang nakaraan ay mag iiba. Ang nakaraan ay mabubura. Nasa inyo ang stor'ya ng nakaraan. Dahil sa sainyo, ang nakaraan ay magbabago."
Kinuha ng Ginang ang libro at hinawakan ang bawat pahina.
"Ang wakas na stor'ya ay nabura. Makakabalik lamang kayo kapag nagampanan na nin'yo ang dapat n'yong gampanan dito. Ang libro ang susulat nang kusa, kung kaya't wag n'yo itong iwawala, dahil sa oras na matapos ang stor'ya at hawak ito ng maling tao, mabubura kayo sa panahong ito at sa panahong pinagmulan n'yo"
Saad ng Ginang at binalik sa kanila ang libro.
Bakas sa kanila ang takot, pangamba at pagsisisi.
"Bakit ang dami n'yong alam?"
Takang tanong ng tatlo.
"Hindi pa ito ang tamang oras, magbihis na kayo"
Saad nito at iniwan silang tulala.
- Zeine Le Signore